i am____ in other names
pirstaym kong ma-tag kaya question mark ang buko brain juice ko kung anong gagawin… akala ko babasahin ko lang siya tapos magcocomment ka then dedma na… alam nyo ba kung anong ginawa ko? nakiramdam ako sa mga taong tulad ko ay na-tag din ni lambing, parang “monkey see monkey do” ang drama… at ang kinopyahan kong unggoy ay si potpot, kaya ang manggagayang unggoy eh kumopya na (well, unggoy-ungguyan na ang laro)… mejo napaisip ako dito kasi ganito ang Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know theyfve <– (sabi ng bolang krystal ko they’ve ang basa neto) been tagged.
in other words, tagalugin mo lang yung rules parehas din yun…
- glesy- siyempre ang genuine article kong pangalan… tawag sakin ng mga taong tinatawag ako… magulo? okay lang yan, great minds think alike.. kung nagets mo, well magka-intellectual frequency tayo (siguro below average ka rin.. dyok)
- gleysi- tawag sakin dito sa bahay… pina-haliparot na version ng pangalan ko…
- glisi (patigasin nyo ang glesy, it’s GLISI)- tawag sakin ng mga bisaya (isama mo na ang tatay ko).. ewan ko ba kung bakit pumayag ang tatay kong glesy ang pangalan ko kahit di naman niya mapronounce ng tama.. siguro nagpractice din siya (Exhibit A: di totoo ang “practice makes perfect”).. once, tinry nyang ipronounce yung gleysi, ayun kulang pa ng pampalapot ng laway (Exhibit B: I therefore conclude, practice doesn’t makes you perfect it only makes you pirated)…
- Glisirya- tawag ng nanay ko sakin kapag abot tuhod na ang pangil niya sa sobrang galit na ang kasunod ay abot singit kong takot sakanya…
- Pulis Kalawakan- tawag sakin nung CAT namin kasi iba yung kulay ng fatigue pants ko, kitang-kita pag nakapila kami (spot the difference)… para daw akong si “shaider ang pulis kalawakan”
- Rodadora, Prodadrora, Pobabora and many to mention- tawag sakin ng illiterate kong prof depende kung anong trip nyang apelyido ko sa araw na yun (flavor of the day)… hindi ko na alam kung anong font na All Caps ang gagamitin ko para lang mabasa niya, pero parang may double strikethrough parin yung penmanship ko pag siya na ang nagbabasa…
- Bombay- tawag ng classmate ko sakin dati, para daw kasi akong bombay kung maningil para sa group collection (when it comes to money, i don’t do monkey business<—pansin nyo? monkey is the word of the day)…
- Glesy the great- kasi i’m the great, not “the best” but “the great”…
- Sexy- well!!! do i need to say more? nyahaha… pero di ako naniniwala.. siguro kasi rhyming sila ng pangalan ko… glesy:sexy (repeat ten times, tapos mejo lakasan mo para marinig ng iba, tapos pagkalat mo sa iba, tapos itxt mo sa lahat ng tao sa phonebook mo sabihin mo txt it to all the person they know or else di na naten sila bate.. galet natin sila.. di natin sila pansin.. hmph kala nila, tapos ivideo mo sarili mo habang walang hingahan mong sinasabi ang glesy:sexy habang kumekendeng-kendeng ka, tapos ilagay mo sa youtube, tapos sisikat ka, tapos punta ka wowowee, tapos sabihin mo glesy:sexy while dancing to the tune of igiling mo,) –glesy’s dummy guide towards stardom… kulang lang sa tulog to…
wala na akong maisip, actually meron pa pero papatay muna ako bago ko ilagay dito sa blog ko… alam kong not following instruction ako, pero sakit ko na talaga mula pagkabata ang di sumunod sa instructions…
tinag din pala ako ni kat with the same topic, kaya napilitan akong magpost na talaga…
honga pala bago ako lumayas at madagdagan pa ang violations ko about not following instructions, kelangan ko palang pumili ng 5 bloggers.. wala akong karambola dito eh.. kaya pipili na lang ako…hmm
- si glesy, siyempre katukayo ko to.. mababanggit din pangalan ko.. eh di sikat na naman ako…
- si chico, special request paki-contact ako pag nakapagpost ko na about this topic…
- si ninong, para magpost na ulet siya sa blog nya… tapos makahirit ako ng aguinaldo
- si mr_d, para once again eh mapaoink-oink na naman ako sa kakatawa.. sigurado hanggang balunbalunan ko kakabagin na naman…
- badoodles, para lumobo na naman sipon ko sa kakatawa… ready na po ang suction bulb ko panghigop ng uhog…
post kayo ha, kung hindi di ko na kayo bate… pagbigyan niyo na ako kasi first time kong mag-tag… PLEASSSSSE (beautiful eyes sabay kindat) cheers!!!-glesy the great;
i’m so proud of Pepe
Kung nabasa niyo na ang page kong “Ako ang Bida dito” alam niyong mahilig akong rumaket noong nag-aaral pa ako… at eto ang isa sa pinagkakitaan ko, malaki ang binayad sakin pero wala akong ginastos ni papel.. kagaguhan talent ko lang ang puhunan ko dito… Gumawa daw ako ng parang essay about Rizal… medyo nirevise ko na yung iba dyan para maging blog friendly pero yan ang gist ng ginawa ko… medyo mahaba rin pero as a Filipino kelangan mong basahin to hanggang matapos…cheers!!-glesy the great;p
Paano kung bumangon si Rizal ngaun sa Luneta, ano kayang reaction niya? Astigin, nakakapagpalobo ng tiyan di ba?.. Mantakin niyo naman:
ilang bangko, paaaralan at kalye ang ipinangalan sayo;
ilang kanta, jokes at tula na ang binanggit ang pangalan mo;
ilang bata ang bininyagan ni Father Priest nang pangalang Jose, tapos paglaki ang nickname ay-Joe? (dyahe naman daw kasi ang Pepe eh);
pinagkagastusan ng milyon ang self-titled na istorya ng buhay mo para lang ipalabas sa big screen;
three units (rizal course) ang katumbas ng buhay mo para sa mga estudyante, para pag-aralan lahat ng ginawa mo mula noong first uha-uha mo hanggang sa pagsigaw ng fuego nung ipafiring squad ka sa bagumbayan (na ikinayaman na siguro ni Zaide sa pagsusulat ng life story mo);
ilang bus na ang pumarada sa tapat ng bahay niyo kasi favorite field trip site ng maraming mababang paaralan, academy’s, college at unibersidad alike;
yung balon niyo sa bahay ginawang wishing well at sa dami ng pisong inihulog dun pwede ka ng magbukas ng bank account (pambayad kay blumentritt!!)..
tapos ang mukha mo nakaukit sa pinakakalat ng sirkulasyon ng pera sa pilipinas; ANG PISO!! (kahit side view lang, super cover ka naman)..
Pero ano kayang pwedeng mangyari kung mabuhay ngayon si Rizal?
Scenario 1:
Kung buhay si Rizal ngayon kayang-kaya niyang manalo sa halalan… kahit ilang Joseph Estrada at Fernando Poe Jr., pa kalaban niya, kahit ilang GMA pa ang tumawag sa Comelec Commissioner para mag-hello ng 100x at kahit ilang snap election pa ang ipatawag ng kahit na ilang Ferdinand Marcos, siya pa rin ang mananalo (may dagdag-bawas man o wala)… Wala pa ring batbat ang action star effect ni Erap sa boy-next-door appeal ni Pepe… Wala pa ring batbat ang ating small but terrible na president na si GMA sa Small, Lovable, and Talented nating National Hero… Wala pa ring batbat ang mala-karinyosa effect ng first lady ni Marcos (Imelda Marcos) sa International set of kasintahan’s at kalandian ni Rizal… At mas lalong walang batbat ang Panday ni FPJ sa mala-Matrix na firing squad ni Rizal sa Bagumbayan…
Sabihin na nating naging presidente si Rizal, malamang siya naman ang may Hello Garci tape at kasalukuyang may Impeachment Case (Pepe resign o Patalsikin si Pepe?)… Ang tragic!!! Erase, Erase, Erase…
Scenario 2:
Kung mala illustrado pa rin ang katayuan niya sa buhay di malayong mangyari na bihag siya ng Abu Sayaff at pinagtatangkaang pugutan ng ulo (Ano pepe? firing squad na lang?) o kaya kung may pagkarebelde pa rin siya, kasali siya sa NPA or MILF (hmmmmm… Ka Jose?)… Isa rin siya sa mga nagpapasabog ng LRT at mga malls na may mahabang balbas at laging may nakapulupot na scarf sa leeg (sushal)… Hala!!! parang di na “National Hero” kung hindi “Public Enemy Number One” na ang dating… Erase, Erase, Erase…
Scenario 3:
Pero sigurado hindi siya magiging pulitiko, dahil pwede ring maging aktibista siya ngayon… Magiging magbest of friends siguro sila ni Randy David. Isa siya sa mga nagrarally sa Sandiganbayan o kaya sa harap ng Malacañang at sumisigaw habang sinisiga ang mga pictures ng mga gov’t officials.. iyon eh kung nakaligtas siya kay Marcos pagkatapos niyang magsulat ng mala-la solidaridad na diyaryo… Ilang La liga filipina na siguro natayo niya… 22 volume (mala-encyclopedia) na siguro ang noli me tangere at el filibusterismo, na 30% off discount kung may “Laking National” ka basta nagpareserve ka lang in-advance… Trilogy na siguro ang Jose Rizal the Movie o kaya kung medyo maraming raket at sumide-line side line pa si Rizal, patibayan siguro sila ng Star Wars (abot batok siguro ngiti ng GMA films)… ay masyadong showbiz ang dating.. Erase, Erase, Erase…
Scenario 4:
Siguro kung reality wise ang pag-uusapan isa rin siya sa mga ordinaryong mamamayan na umaangal sa presyo ng pasahe at gasolina, tubig at kuryente, bigas at galunggong… Siguro isa rin siya sa mga nagca-call center tutal madami naman siyang alam na languages… Siguro isa rin siya sa mga OFW na nagpapasok ng pera dahil sa mga remittances… Siguro isa rin siya sa mga doktor na kumukuha ng nursing ngayon para lang makaalis ng Pilipinas.. o kung mamalasin, isa siya sa 2006 board passers, tutal taga-uste naman siya, malamang isa siya sa mga sumisigaw ng RETAKE!!!! RETAKE!!!! (MAAARI!!!),
Lahat siguro yan nagawa na ni Rizal, pero katulad ng nangyari noong 1986 mamamatay siyang walang nangyari sa Pilipinas.. Kung babasahin mo uli yung sinulat ko. sa palagay mo ba masaya si Rizal ngayon? malamang Hindi… Malulungkot siya siguro na sa ilalin ng pangalan niya ay may nakalagay na “Pambansang Bayani ng Pilipinas” pero ganito naman ang nangyayari sa Perlas ng Silangan niya… kung hihingi ng signature Bangko Sentral ng Pilipinas para sa one peso denomination baka tumanggi pa siya (pero kung ako yun, payag ako..sikat eh!!). Dahil ang totoo, minsan kahit gaano mo gustong magbago ang paligid mo pero iisa ka lang na nag-iisp ng matino, iisipin mo na lang na unahin mo na lang muna sarili mo… Dahil ang totoo, kahit ilang dekada na ang dumaan still alive and kicking pa rin ang “Social Cancer” na matagal ng gustong ipagduldulan ni Rizal sa utak ng mga Pinoy… Nakakalungkot di ba? Pero yun ang totoo… Bow…. Tchaikovsky (background song!!!)
sampung mga daliri, patay ang isa…(glesy the great hums sadly)
Naranasan mo na bang makanto yung hinliliit ng paa mo? Di mo gets? Para sa mga hinliliit ng mga taong wala pang kamuwang-muwang sa mga pader na maiitim ang budhi, eto ang description:
Habang naglalakad ka, pagliko mo sa kanto ng pader yung hinliliit ng paa mo nagcrash sa kanto ng dingding… ARAY!!! Napunit ata balat ko may Kkrrhh sound ata ah… (gawa-gawang sound effects)
Feeling mo yung limang daliri ng mga paa mo sabay-sabay minumura yung pader at ang boses mo ang soprano nila, kumbaga back-up singer mo lang sila…
Sobrang sakit nakasigaw ka na ng makukulay na words bago ka pa nakaaray at para dun sa mga makasalanan eh naviolate na ang 2nd commandment with flying colors..(Do not use the name of the Lord in vain)…
At sa sobrang sakit gusto mo ng lagyan ng “Accident Prone Area” sign yung pader para di na makasakit ng iba…
There may be reasons kung bakit nangyayari yan:
-
may sariling lakad si pinky toe at ayaw makijamming nila papa big toe, mommy index toe, kuya middle toe, at ate 4th toe
-
nag-lalaro ang family toes ng eeny , meeny , minnee, mo , at naburot si pinky toe
-
parang luya ang daliri ng mga paa mo(each toes points to different coordinates)
-
pinamamahayan ng engkanto ang pader na yun
-
maraming namatay na kuko noong panahon ng hapon sa pader na yun at humihingi sila ng hustisya
-
last but definitely not the least: may mga tao talagang TAN-GA at isa siguro ako dun
Kung di mo pa naeexperience yan… Bakit hindi mo itry…Just follow the instructions very carefully…
-
lakad ka (or kaya takbo ka para mas swabe ang outcome)
-
pag may kanto na ng pader ibangga mo ung paa mo just make sure na yung hinliliit mo mahihiwalay sa lahat ng daliri ng paa mo…
-
importante ang accuracy, tantiyahin mong mabuti kasi baka pati kalahati ng katawan mo bumunggo sa pader at mabaldado ka pa (Observe safety precautions please)
-
and just to make the experience more fulfilling bwelo ka muna then run with all your might para makatanggal hinliliit talaga…
-
then REPEAT IF DESIRED!!!…
YOU CAN DO BETTER THAN THIS.. BE CREATIVE AND TRY YOUR OWN VERSION. . . hahaha
Caution: Stop if feeling of numbness occurs… If symptoms persists consult your doctor… uto-uto ka eh
Lablots, glesy the great.. cheers!!!
thou shall not covet thy neighbor’s goods…
sigurado ako dumating ang oras sa buhay mo habang nag-eexam ka na mas malikot pa sa compass ang mata mo… at ang kinauupuan mo during exam ay may malaking kinalaman kung gaano kalinis ang hangarin mo or kadumi for that matter… kung di mo ginawa to, eto lang masasabi ko “marami kang sinirang buhay!!!” haha dyok lang…
eto ang bisto ko…
before exam noong high-school pa ako, meron na kaming let’s volt-in formation ng mga kaibigan ko… ang mga nag review ang nasa gitna, kumbaga the center of the universe ika nga… at ang mga nakatulog habang nag rereview ang mag-rerevolve sa center of the universe… at during the exam kanya-kanyang technique na lang kung pano mo makukuha ang sagot sa center of the universe (ubo, sipa, batuhin, murahin, kunwari may nahulog.. name it nakita ko na lahat yan)
tahimik na tahimik ang buong class, pero alam mong may black market na nagaganap sa apat na sulok ng room…
meron akong kaibigan na humihingi sa akin ng sagot… at dahil a friend in need is a friend in need, todo dictate ako… pero dahil sa sobrang aligaga nya sa pagkopya habang dinidictate ko yung sagot, nagkataon nahulog ung test paper nya sa kabilang row… imbes na ang masabi niya ay ganito “Escoto, Escoto (pangalan ng classmate namin) paabot ng test paper ko” eto ang nasabi nya ng malakas sa kalagitnaan ng exam habang nagmamasid ang aming carnivore na titser na naghihintay ng lalapain:
“Escoto, Escoto… pakopya!!!”
nyahaha.. nagulantang ang buong klase dahil sobrang lakas ng boses nya, at halos di ko na matapos ung exam ko sa kakatawa… bistado na kung ano ang intention.. totoo talagang there is no such thing as slip of the tongue… kaya tama lang siguro na kasama sa ten commandments ang “thou shall not covet thy neighbor’s goods”
-lablots, glesy the great



