revenge is best served cold….
pag log-in ko sa wordpress ang sabi ko mag popost ako ngayon kaya lang natagalan ako mag-isip kung ano ang ipopost ko hanggang magkaroon na ako ng feeling na parang najijinggle na ako ASAP… kala ko mapipigilan pa ng pagkukuyakoy, pagtingkayad ng paa, matinding bladder control at makabalisawsaw na mahigpit na pagkakaupo.. pero no can do, hindi lang ata tawag ng kalikasan ang nararamdaman ko kungdi tawag na ni bathala…
so habang ginagawa ko ang business ko habang hinuhum ang “like a virgin” (nalalast song syndrome ako sa pamangkin kong 6yo-kinakanta nya rin kasi yun), sa peripheral vision ko may napapansin akong lumilipad lipad…. pag lingon ko wala naman… dedma, so continue ang chorus ng “like a virgin” as if no interruptions ever occured… hanggang lumipad na sa central vision ko ang misteryosong (UFO) unidentified flying object kani-kanina lang… at kumurap ako ng mga limang beses at kumurap pa ng isang mahigpit hanggang lumaki ang mata ko na parang nakakita ng aswang… the UFO has been identified… anak ng piso!!!! IPIS po mga kaibigan, IPISSSSSSSS!!!!
di ko alam kung anong gagawin ko kasi parang wala pang balak maputol ng wiwi ko… 600 ml ata laman ng pantog ko kaya tagas pa rin ng tagas… isipin mo na lang ang sakunang nadarama ko ng mga panahon na yun.. the feeling of indecision!!!! parang eternal panic… tatayo ba ako? kaya lang ayaw kong magkalat ng ihi sa floor ng cr at mabasa ang pajama ko (kadiri naman)… tatayo ba ako? kaya lang baka pagtayo ko lumanding sakin at bigla na lang akong magtatakbo sa labas habang nakababa pa ang pajama at panty ko at habang ang bwisit na wiwi ko ay kasing lakas pa rin ng niagara falls!!! tamang-tama ginagawa bahay namin ngayon, ano na lang reaksyon ng mga karpintero pag nagtatakbo ako with all my naked glory (sana nagpose na lang ako sa fhm, may bayad pa ako!!!)… or magcrocross fingers na lang ako at tawagin ang lahat ng nacanonized na saint na sana hindi lumanding ang bwisit na ipis… pero HINDI!!! ayaw na ayaw kong nadadapuan ako ng ipis…
tingin ako, left and right, up and down… asan na ang target kong pesteng ipis? malapit sa pintuan… tingin ako, left and right, up and down… asan ang pwede kong gamitin na weapon of mass destruction? heto dyaryo!!!! nirolyo ko ang dyaryo, yung tipong kahit antenna durog!!! pagkatapos kong i-assemble ang aking armas, tiningnan ko ulit ang kalaban… shit, di ko abot!!! nag dry run ako ng hampas with my arms fully extended… ayaw!!! di talaga abot… tinaymingan ko, hinintay kong lumipad… and then nung nagtake-off na siya papunta sakin… first attempt: strike one…. second attempt: strike two.. then KABAAAMMM!!! HOME RUN…. tepok kang ipis ka… kasabay ng paghihingalo ng ipis ay ang pagtigil ng ala-niagara falls na wiwi ko…. see? instant post sa blog… moral lesson: everything happens for a reason…
tapos na ang pelikula… turn mo naman para magcomment… pag di mo tinapos ang pagbabasa, dadapuan ka ng ipis habang natutulog… pag tinapos mo ang pagbabasa pero di ka nagcomment, dadapuan ka ng ipis habang jumejerbaks…. pag di mo na nga tinapos ang pagbabasa at di ka pa nagcomment, dadapuan ka ng ipis habang tapos ka ng jumebs kaya lang walang tubig!!!
at pang nagcomment ka… you will have a good luck for 5 years… pag nagcomment ka at nag-invite ka pa ng frends dito, you will have good luck forever, magiging instant cockroach repeller ang presence mo…
THE END (background song: we are the champions) cheers-glesy the great.. lablots;p
oyayi ni manong drayber
meron ba kayong mga sleeping moments nyo sa jeep? yung mga moment na kahit may sumigaw ng bomba sa gitna ng byahe eh hihilikan mo lang yung sumigaw? yung tipong kahit alam mong pinagtitinginan ka na ng ibang pasahero, pupungayan mo lang ng mata tapos balik sa tulog ulit? yung tipong kung saan saan na gumegewang at umuubtol ulo mo kakatraveling… at yung tipong kahit ata kasingtaas ng mount everest ang lubak sa daan hindi eto ang dahilan para gumising ka at putulin ang tulog mo…
ang sarap kasing matulog sa jeep o kaya sa fx, di ba? kahit sinasabi nilang wag kang matutulog sa jeep dahil baka manakawan ka ang sabi ko na lang “anong magagawa ko!!! eh pag-upo ko sa jeep parang “ON” button ng remote control ang pwet ko na magsisignal sa mata ko na pumikit na siya at matulog ng mahimbing…”
nung minsan nga eh magbabayad na sana ako ng pamasahe, hawak ko na yung coin purse ko at nakabukas na talaga siya, ready to withdraw… tapos sa di inaasahang kadahilanan para akong hinypnotize at nakatulog ako habang nagbibilang ng barya… ayun, nagising ako nung nagtalbugan lahat ng barya ko sa sahig ng jeep… napatingin yung driver sa amin, akala siguro naglalaro na ng “paluan ng palayok” yung mga pasahero nya kasi biglang nagkalansingan ng barya yung jeep nya … ako pa naman yung tipo ng tao na parang nangaroling sa tatlong baryo yung wallet ko sa dami ng barya…
minsan naman nauuntog ko yung ulo ng katabi ko sa kakatulog ko… eh nagkataon minsan medyo mukhang nawawalang kapatid ni kingkong yung katabi ko… napalakas ang pwersa ng pagkakauntog ko kay baby brother ni kingkong, kaya bigla akong nagising at natakot sa sarili kong buhay, parang gusto ko na tuloy tumalon sa bintana na lang…nung tumingin si baby brother ni kingkong sakin akala ko dadambahan na ako at gagawing bulalo yung buto-buto ko, buti na lang tumingin na lang ulet siya sa bintana…
minsan naman napapasampay ako sa balikat ng drayber pag nakapwesto ako sa likuran nila, kulang na lang gawin kung unan yung bunbunan ni manong drayber… minsan naman ginigising na lang ako ng driver o kaya ng sidekick ng driver para sabihing bababa na daw ako… minsan naman muntikan na akong makapagbayad ng dalawang beses kasi akala ko di pa ako nagbabayad…
kaya bihira lang ako umupo malapit sa pintuan kasi baka palabasin ng drayber na may balak talaga akong magpakamatay kasi nakita na lang nila akong tumalon… pero ang di nila alam eh seryoso ako sa kakatulog… ano na lang sasabihin ng magulang ko? pagkatapos nila akong palakihin eh pagpapalit ko lang ang buhay ko sa maikling ligaya na dulot ng duyan ng jeep… cheers..-glesy the great.. lablots;p
oh layp, oh layp, oh cruel world…
buong buhay ko ang alam ko lang trabaho ay maging estudyante…
- bully na guard at halimaw na librarian;
- may saltik na prof at epal na classmate;
- project na soon to be basura at assignment na revised edition sa kaklase;
- quizzes na kinacram at exams na hinihilikan;
- cr na (walang flush, may jebs na parang niluwa ng bulkan o ihi na parang isang linggong di naiihi at mukhang parang royal thru-orange lang) at canteen na walang maupuan, mainit, at parang pang toddlers lang ang servings;
- baon na kasing-dalas lang ng leap year kung tumaas at bumababang pamasahe na mas madalas pa ang millenium bug;
- chapter na mas nakakaantok pa sa kanta ng ibong adarna at lecture notes na mas nakakapaltos pa sa bagong sapatos;
- graded recitation na pampatuyo ng laway at thesis na pampatuyo ng ink ng printer;
- panatang makabayan na nakakakulani ng kilikili at CAT/ROTC na nakakakulani ng singit; at siyempre
- ID na katumbas ay buhay at report cards na katumbas ay kamatayan;
lahat yan, yan ang pre-requisites and requirements ng trabaho ko…
tapos pag-gising ko isang araw kelangan ko ng grumaduate para makapag-board, tapos kelangan ko ng mag-board para magkatrabaho, tapos kelangan ko ng magtrabaho para magkapera… oooppss hanggang dun na lang pala kasi wala pa akong pera dahil hanggang ngaun wala pa rin akong trabaho!!! (nagtratraining ako ngayon pero walang sweldo kaya wa kwents din)
ngayon na nagduduty na ako.. never pa akong umuwi ng on-time(PAG STUDENT KA EARLY DISMISSAL PA), kelangan 30 mins before time nasa nurse station ka na (DATI TADTAD KA NG LATE KASI KAHIT PROF MO LATE DIN), never pa akong kumain ng tama sa oras (DATI KAHIT HABANG NASA GITNA NG KLASE MAY PAGKAIN KA), never dumaan ang isang araw na hindi ako humikab ng parang ikaaalis ng hangin ko sa katawan (DATI KUMPLETO ANG SLEEPING CYCLE MO)… parang, syeeeet!!! talagang goodbye na sa lahat… goodbye na sa pinakahihintay na holidays (O, rudolf and santa).. goodbye na sa weekends sleeping-tv-lamon-gala-hilata marathon… goodbye na sa normal na sleeping hilik nonstop over to the max… goodbye na sa “enge baon, pakidagdagan pa”… adios, adios!!! Anak ng tipaklong naman oo…
sa totoo lang parang di pa ako ready… pero ready or not tinatawag na ako ng resume, ng overtime, ng kinsenas-katapusan, ng 13th month pay, ng magiging boss ko, ng BIR, ng SSS, at syempre ng destiny ko na yumaman… waaaah, i’m afraid of the unknown hindi ko alam maging empleyado dahil ang alam ko lang trabaho maging estudyante…
mangarag ka hanggang gusto mo…
right after ng board di mo muna naiisip yang result-result ng test na yan…
- enjoy na enjoy mo ang round the clock sleeping marathon mo (parang may pabrika ng organically synthesized sleeping pills na 24/7 on business ang katawan mo)… na kahit hipan ka lang ng katabi mo, nasa sleeping spell ka na kaagad… na mas malutong ka na sa chicharon kung humilik… na tipong pag gising ka, di na marunong kumurap yung mata mo dahil over-used na sa kakapikit… na tipong mainstay ng may muta sa mata mo… na tipong patag na yung ulo mo at hindi na kurba dahil sa kakameme mo… eto yung mga times na at risk ka na sa skin ulcer dahil mas matinik ka pa sa butiki kung tumihaya…
- tapos araw-araw mo pang niraraid laman ng ref nyo… mejo guilty ka na sa pagkagluttony dahil para kang daga na laging may nginangatngat… na tipong mas marami pang kargada ng pagkain ang tiyan mo kesa sa frigider nyo… na kaya halos mejo humahabol na ang pi x r2 (formula ng circle area dahil bumibilog ka na) mo sa length times width times height ng ref nyo (formula ng rectangle area)–>in short, halos magkasinglaki na kayo ng ref nyo…
wow, heaven on earth, the garden of eden sa loob ng bahay mo… yan ang releasing the tension phase mo… tapos pag mejo overdose ka na sa tulog at tipong ni kumurap ayaw mo nang gawin na kahit kuko mo naibsan na ng tensyon, na tipong iba na contour ng kama mo kasi lagi kang nakadagan… at lahat ng laman ng ref nyo ay nahigop mo na in a daily basis… level-up ka na sa phases of post board-exam… mag-iisip ka naman kung san ka maglalamyerda… syempre ang paglalamyerda eh another word for bankruptcy, anjan na ang pagbabanta para sa panahon ng kawalan ng pera… kaya pag nagpaparamdam na ang papanipis at papanipis mong wallet eh mag to-tone down ka muna sa mga spending spree extravaganza mo… bibili ka naman ng 65 peso worth na pwede mong pagkaabalahan in weeks, diretso sa sanctuary ng mga pirated dvd!!! presto, boredom-boredom go away na… at kapag lumiliit na pupil ng mata mo kakapanood ng tv na tipong pag inalis mo mata mo sa screen eh mapapasayaw ka sa disco light ng paningin mo, jan na papasok ang imaginative talent mo para aliwin ang sarili mo kahit ubos biyaya na ang bulsa mo… eto na lalabas ung creative ability mo sa mga do-it-yourself activity na di kelangan ng pera pero dahil sa rampant poverty sa mga immediate na kaibigan mo, i think di mo naman kelangang mag-isa…
at dahil time flies faster when you’re having a good time… papasok na ang ngarag phase…
kaya ngayon mas malupit pa ako sa lasinggero bangungutin at mas grabe pa sa adik mag-imagine… these days para lang akong walking comatose… physically present pero may sariling byahe ata utak ko, emotionally on probation and mentally on AWOL… ung bukas ko parang laging accident waiting to happen sa isang action-packed na movie at ikaw ang extrang biktima na mamatay sa kahindik-hindik na kadahilanan… kelan ba kasi lalabas yang result ng board??? pag naririnig ko ung exam result parang gustong mag-limbo rock ng puso ko with all the grace of dirty dancing (aba, aba tingnan mo nga naman buti pa puso ko dancer!!)… panaginip ko na nagtetest uli ako at isang page every question (subukan mong mag-answer ng 5000 page test, ewan ko lang kung hindi lindulin diwa mo, KESEHODANG PANAGINIP LANG YAN!!)… panaginip na nagtetest uli ako, after ng lunch break di ko na mahanap ulit ung room ko!!!!… panaginip na nasa kalagitnaan uli ako ng test at gusto akong isali ng magkabilang katabi ko sa usapan nila tungkol sa isang telenobela habang mas malapot pa sa sabaw ng champorado pawis ko kakaisip ng sagot sa tanong na parang kinuha sa glossary ng MS buk galing pluto… kahit tulog ka, pinagplaplanuhan ang pang-torture para sa’yo…………..
sensya na guys past post ko yan sa friendster blog ko… yan yung nabubuwang na ako kakahintay ng result sa board exam ko… sana mag-enjoy kayo sa panic anxiety ko kahit papano… cheers.. lablots-glesy the great;p



