Wrecked Sweet Home
Sobrang gulo na talaga ng bahay namin… Mukha na siyang bangketang araw-araw na ni-raraid ng MMDA… Nagmistula na kasing Hinulugang-Taktak ng Antipolo ‘tong bahay namin tuwing umuulan… Nag-umpisa sa isang patak-patak hanggang nauwi sa state of calamity… Ang buong tao eh ikot ang pwet na tipong parang lulubog na ang barko pag hindi natanggal ang tubig… Kaya ang nanay ko eh naging captain of the ship habang hate words is in the air.. “@#*&%+ $#@, maglilinis na nga lang kayo naglalamugan pa kayo!!! Hoy ikaw anong gagawin mo jan? tingnan mo nga yan!!! Ang dungi-dungisin”… Well, pinagsamang talking armalite at flying granada talaga nanay ko, matagal ko ng tinanggap yan simula pagkabata…
Kaya ayun nagsimula na ang pagbobomba este pagbaklas sa parte ng bahay namin… una, doon muna sa terrace namin na nagsisilbing Suez Canal ng katawang tubig papuntang sala namin tuwing tag-ulan… at hindi lang yun… pag-uwi ko ng bahay mula sa medical mission habang ang pakiramdam ko eh at long last mayayakap ko na rin ang unan kong mukhang longganisa na sa katandaan, isang makatindig balahibong ilong ang nadatnan ko…
Anak ng pisong binarat naman o!!!
MUKHA NG HINIROSHIMA YUNG KWARTO KO!!!
Bungkal-bungkal na yung lupa at pagtingin mo sa taas kita mo na ang buwan at ningning ng mga bituin sa kalangitan!!! WALA NA AKONG KWARTO!!!!
As expected, sumunod na ang Nagasaki Bombing nang hagupitin na ang kabilang kwarto, at isa pang kwarto… ayun mukha na kaming skwa-kwa(squatter) ng kapatid ko dahil wala na kaming matulugan, minsan dito-minsan doon…
Siguro tinatamad na ring maglinis ng bahay yung katulong namin dahil pagtingin ko sa chandelier namin napasigaw ako ng “Happy Halloween!!!!”—-dahil inagiw na ng katakot-takot…
Mga naninirahang hayop lang dito sa bahay namin ang masaya sa gitna ng kaguluhan… Mukha na silang kumakain ng sapat at nagtatamasa ng masaganang pamumuhay… Sobrang gadambuhala na kasi ng mga daga dito na kahit siguro si Max Alvarado magtatatakbo at titili pag nakita… Tipong yung boses nyang tunog bulldozer eh magtutunog na maliit na torotot sa pagtili… Mukha na silang life-size na Dodeng Daga.. Wala na ring mga pusa sa amin dahil mukha na kasing dinosaur sa paningin nila ang mga daga dito, di na nila kayang madala sa kalmutan dahil tigre na ang katapat ng mga daga dito na may sakit na gigantism…
Haaayy… Wrecked Home Sweet … Cheers;p
Glesy the Great

silent night, holy cow…
hello, hello… ilang tulog na lang at Santa Claus is Coming to Town na naman…
christmas lights na possibleng maging fireworks dahil sa kaduda-dudang presyo (napasobra sa barat);
christmas tree na posibleng maging christmas kalat kapag isang buwan ng tapos ang pasko pero nakatayo pa rin;
gift-giving na possibleng maging hate-giving pag mortal na kaaway ang nabunot;
fireworks na posibleng maging “house on fire” kapag katabi nyo lang ang pabrika ng paputok o kaya naman “hands on fire” kapag nakipag-sawsaw suka ka sa paputok na hawak mo pero binurot ka ni super lolo;
caroling na pwedeng mauwi sa trip to san lazaro kapag hinabol ka ng asong mas mabilis pang tumakbo sa’yo…
ilan lang yan sa mga signs and symptoms na papalapit na talaga ang gastos este ang pasko pala…
pero maiba tayo… hindi ko alam kung sinong naka-isip ng santa claus pero may theory ako… si santa claus ay kathang-isip at tahi-tahi lang ng mga ninong at ninang na walang pambili ng pamasko para sa mga inaanak nila… eto ang kanilang way para makatakas sa obligasyon nila… mejo matalino rin ang naka-isip ng santa claus kasi naisip nya rin ang “naughty or nice”… kasi nga naman pag tinanong ng kanilang inaanak kung bakit di sila nakatanggap ng regalo ang sasabihin mo lang eh “siguro darling naughty ka ngayong taon na to… kaya dapat magpakabait ka next year para mabigyan ka ng regalo ni santa”…
eto pa ang isa sa ingenuity ng naka-isip ng santa claus existence na yan: ang sabihing nakatira siya sa north pole!!! siyempre nga naman kung sabihin mong nakatira lang si santa claus sa kabilang baryo sasabihin ng mga makukulit na bata na “tara puntahan natin si santa claus para kunin ko na yung regalo ko”.. pero pag sinabi nilang “tara punta tayo sa north pole” pwede mong sabihin na “walang byaheng jeep papuntang north pole”
tapos sino ba namang bata ang hindi matutuwa sa ideya na ang regalong makukuha nila ay gawa ng mga elves at dineliver ng mga flying reindeer gamit ang sleigh… kahit siguro ang pinakamatalinong bata sa mundo mauuto ng ganitong kwento…
nung bata ako naniniwala ako sa santa claus… ang umangal, yabit!!!, isipin niyo na lang na ako’y musmos pa lamang noon at lahat ng sinasabi sa akin eh akala ko totoo… kaya dati nagsasabit ako ng medyas sa pag-aakalang lalagyan to ng blankong tseke ni santa claus… ahaha… pero pramis kung nakita nyo lang yung gate namin noon, mas marami pa yung medyas na nakasabit sa bahay namin kesa sa mga ilaw ng christmas lights ng kapitbahay namin… dahil di naman kami mahilig magsabit ng christmas decor sa bahay namin, nagmistulang improvise na parol at garlands ang mga medyas naming magkakapatid… lahat ng kawit na pwedeng pagsabitan may nakalagay ng medyas, as in lahat ng medyas sa bahay isinabit ko… pwera lang yung mga butas na medyas kasi daw baka mahulog yung regalo ko pag butas yung medyas (advice ng katulong namin)… kinabukasan? laking tuwa ko at may tig lilimang piso bawat medyas na nakasabit (okay na rin sakin kahit hindi blank check, masamang tumanggi sa grasya)… at noong kinagabihan na magsasbit ulit ako ng medyas, pinigilan na ako ng magulang ko na may kasamang pagbabanta na…. ahahaha… hmmm masarap talagang maging bata, lahat ng kapricho mo nasusunod… cheers;p
Glesy the Great
hihirit pa ako…
may isa pa akong hirit na tag… pero katulad ng sa nauna kong post hindi na ako mag-tatag ng iba… salamat nga pala kay timi at jorge (pahabol) dahil sa tag na ito… award daw ito, award!!!! buti na lang walang sampagitang kasama… ahehehe…. sorry kung di na ulet ako susunod sa rules…. ahehehe…
eto nga pala ang rules na di ko naman susundin:
The Rules:
1. Each blogger must post this rules.
2. You need to choose ten people to be awarded and list their names.
3. Don’t forget to leave them comment telling them they’ve been tagged and to read your blog.
plu-plug ko nga pala yung post ni timi sa azraelworld.. ang galing kasi eh share ko lang.. eto nga pala yun.. http://azraelworld.com/2008/11/20/rosas-by-timi/
cheers;p
Glesy the Great
bili na kayo ng lemonade….
tinag po ako ni angelnawalangpakpak at ni nathan. at saka pala si lei saka gmac (pahabol ulet).. di ko alam kung anong meron sa lemonade na to bukod sa sobrang mura (50 cents?)… feeling ko naglolokohan lang sa buhay ang may-ari ng negosyo na to… patay negosyo to… mamamatay kang dilat ang mata kung ito ang hanap-buhay mo… at saka tingnan nyo naman yung rolling store nya, baligtad yung pwesto ng gulong… dapat kung asan yung gulong andun yung hawakan pero pauso yung entrepreneur na ito dahil gustong maiba ng design… depende na lang kung ang kanyang intention talaga eh buhatin nya sa likuran nya yung tindahan nya… parang backpack lang ba… so tigilan na natin ang paglalait sa marketing strategy ng may-ari ng negosyong to… (sa gumawa nito.. peace tayo!!!! wala lang akong magawa eh)…
pero ang sa tingin ko naman eh it’s supposed to be a compliment to the recepient (nathan, angel wag na kayong umangal!!!! inassume ko ng kinocompliment nyo ako.. hehehe)… ang sabi eh ganito…
The rules of this award:
1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great attitude.
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received it by commenting on their blog.
5. Share the link of the person from whom you received your award… ang totoo ayaw ko ng maglink ng mga tao para sa blog na ito.. hayaan na nating magsara ng negosyo ang lemonade store na ito bago pa sya mabankrupt… hindi ibig sabihin nito eh wala akong sa tingin kong blogger na may great attitude.. nagkaroon lang ako ng idea kay nathan na di lahat ng tao gustong ma-tag (o baka naman abnormal lang siya) kaya di na rin ako magtatag…. okay lang ba yun… di naman siguro magagalit sakin ang taong nagpa-uso neto dahil talaga namang kumalat siya… cheers? cheers!!!
|
Cheers!! |
Glesy the Great
I came, I saw, I posted- Glesy the Great
hello peeps… isang araw habang malapit na akong maging cactus dahil sa sobrang walang magawa, bumisita ako sa Azraelworld para makichismax ng bagong ihip na balita kung meron man… nakita ko ang Invitation para sa mga gustong maging guest author sa kanyang blog… I came, I saw, I conquered ang drama ko… di na ako nagpatumpik-tumpik pa, ako po ay nangapitbahay sa azraelworld at napagdesisyunan na maki-epal dun para magpasa ng post sa kanyang Invitation… walang premyong matatanggap kaya wag nyo ng ituloy ang iniisip nyong baka may perang kapalit kaya ako nagpasa ng post (nariririnig ko na kasi ang mga kashing, kashing sa mga utak nyo eh)… wala lang!!! gusto ko kasing maka-experience na magsulat bukod dito sa sarili kong bahay, kumbaga tumikim naman ako ng ibang putahe…. masaya kayang maging guest author… ewan ko kung bakit masaya, basta masaya siya wag na kayong makulit…
so mga friends iniinvite ko po kayong pasukin, makigulo, at makitawid din ng bakod sa Azraelworld… eto yung pinost ko Post-Halloween Special: by Glesy the great
Kaya kung mahal nyo ako at mahal nyo rin ang buhay nyo, pumunta ka dun, at magcomment sa pinakamalapit na drop box…
At sa mga taong gusto ring ipagsiksikan ang sarili sa blog ng may blog… pasa din po kayo kayo kay Kuya Azrael… dito po kayo magpasa azrael.666@gmail.com
At para sa mga tao naman na gusto ring magkaroon ng guest author… Ako’y iyong, iyo!!! Sali ako jan… cheers;p-glesy the great….
photo gulat…
lagpas isang linggo na pala akong walang post… at wala na naman akong maisip na post.. kaya type lang ng type kung ano man ang pumasok sa utak kong kasalukuyang kinakabag… nov 2 pala ngayon, happy all souls day nga pala!!! happy nga ba? ayan may naisip na akong ipopost.. okay game… ready set go.. TAYA!!!
[insert Okatokat background song here]
totoong mataray ako, pero isang nilalang lang ata ang di ko kayang tarayan pag nagkaharapan kami.. yan eh ang mga mumu!!!! siguro pag nakakita ako ng multo maglilimbo rock lang ang puso ko sabay preno sa pagtibok… pati siguro 5 litrong dugo ko maiiihi ko sa sobrang takot at tutulo na lang ang sipon kong kasing lapot ng vicks… wala naman akong mga horror stories fit for “Gabi ng Lagim” episodes, puro mga kengkoy dash horror kuno moments lang…
Revelation 1: Nung bata ako kala ko may sa demonyo ako kasi takot ako sa picture ni Jesus Christ… Meron kami ditong image ni Jesus Christ na lagi kong tinatakpan ng vase noon… Kaya di niyo ako masisisi kung inisip kong demonyita ako nung bata ako at some day tutubuan ako ng buntot na kulot at sungay na spiral… noon yun di na ngayon siyempre…
Revelation 2: duty ako sa operating room (4th flr) at nautusan akong kumuha ng gamot sa pharmacy sa ground floor.. siyempre sasakay ako ng elevator kasi baka mamaya habang pababa ako ng hagdan may magsalita ng “excuse me, padaan po” sa akin na multo, lintek baka gumulong ako from 4th floor to ground floor sa sobrang takot ko… so pagbukas ko ng elevator pasok agad ako tapos sabay kunwari may tinetext para di ako matakot.. Waaaahhh!!!! bakit paakyat yung elevator? kinabahan na ako sobra baka dalhin ako sa floor kung saan nagmeemeeting ang mga mumu… tapos naalala ko, utak langgonisa naman oh, going up pala yung nasakyan ko imbes na going down… katakot noh?
Revelation 3 at ang pinaka-nakakatakot sa lahat: alam nyo ba yung mga horror sa pictures na may lumalabas na nakakakilabot na images? meron din ako nun lagi tuwing class picture saka nung kinder graduation picture ko pa nga pala… meron laging babae na nakapikit na parang napabayaan sa morgue na nakabuka bunganga… nakakatakot kasi minsan nakatirik pa yung mata nya na parang si undertaker… o kaya minsan naman “here i come to eat you” look… meron yan sa yearbook namin tapos pag tiningnan mo yung pangalan nung girl.. guess what? kapangalan ko!!!! ahaha ewan ko ba pag class picture namin noon para akong sinasaniban ng masamang espiritu… pag nakaset up na ung camera at ready to click parang trumpong rumorolyo yung mata ko na nagreresulta ng “tirik alike beautiful eyes” parang stroke patient na kumikindat… okay lang sana kung ang sinasabi ng cameraman eh “ready? one, two, three close your eyes!!!” pero hindi eh “ready? one, two, three smile!!!” naman ang sinasabi eh… minsan naman parang mejo bitin yung smile ko nagmumukha tuloy semi-smile, semi-growl yung tipong undecided kung ngingiti o magkakatawang hayop… parang ngisi ng asong ulol… sayang naman pagpupulbo at pagsusuklay ko bago mag papicture tapos ganun din pala ang end result… ano kaya magpatawas ako para humiwalay na ang kaluluwang nangtritrip sakin tuwing class pictures? what do you think guys? regal shocker di ba?
Note: mejo magaling na tong karamdaman ko… pero if caught unaware nag-eexacerbate yang mga signs and symptoms na yan…
sorry if I spoiled your Halloween Spirit guys… wala naman kasi akong mashashare na horror stories eh… cheers!!! lablots;p -glesy the great
sira kasi ung usb namin eh kaya di ko mascan ang mga ebidensya.. para di naman kayo mahirapan mag imagine.. parang ganito lang ako nun… pot it’s your time to shine!!!!





