romance me not…

Disyembre 29, 2008 at 3:02 hapon (Uncategorized)

Once upon a time… sa Lungsod ng Nazareno humigit kumulang dalawang milenyo bago nauso ang anak sa pagkadalaga, mayroong nagngangalang Maria na engaged to be married kay Joseph na isang karpintero.

ooops hanggang jan na lang muna dahil kung gusto nyong mabasa ang kabuuan punta kayo dito  Glesy the Great’s Own Version: The Story of the Nativity… eh nangapit-blog na naman kasi ako… kaya ako muna ang romansahin nyo sa romancinghelena.com

kung yung pinost ko sa azraelworld na (Post-Halloween Special: by Glesy the great) eh binasa nyo sana eto rin basahin nyo at sana wag nyong kalimutan na mag-comment… mejo sampung kabanata ang haba nyan… kumbaga sa lyrics ng kanta sa song hits parang “repeat the chorus ten times” ang nakasulat… di naman siya ganun kahaba pero kung nahabaan kayo isa lang ibig sabihin nun–tamad kayo… kung di nyo babasahin yan ng buo susumbong ko kayo kay BJ (Baby Jesus)…

sa totoo lang nung natapos ko ng gawin yan… nagduda ako kasi parang sobrang haba… ang mga tao pa naman minsan nalalaos si Juan Tamad sa pagbabasa ng blog entry… pero nung sinabi ni Helena na okay naman siya… Tsk (sabay buntong hininga na malalim), chige na nga nagpapakipot lang naman ako eh…

Out of topic: Foobarph, alam kong once mo rin akong ininvite na maging contributor sa site nyo.. pero I am humble enough to admit na di ko talaga kayang gumawa ng nobela na tipong may kwentong katuturan… masyado kasing madaming kanto ang utak ko na di ko maituwid pag kinakailangan… tingnan mo naman yung blog ko napaka-informal ng dating… tapos ididikit niyo ako sa inyo na parang laging UNO ang grade sa formal writing… di ba nakaka-intimidate naman para sakin yun? kahit anong tagilid ata ang gawin ko para lang lumabas ang artisitc side ko sa novel writing baka tumulo na lang utak ko sa tenga ko isang paragraph pa lang ang nagagawa ko…  pero seryoso, di lang talaga ako tulad nyo na parang deep breathing exercise lang ang paggawa ng nobela…

At isa pang out of topic: pumunta ako sa blog ni gmacomics kanina at nakita kong ginreet nya si pot na may picture pa… tapos pumunta naman ako sa blog ni pot… ayun umalis agad ako dahil wala yung picture ko… kaya pot kung ayaw mong makita ang picture ko sa blog mo.. pwes tingnan mo ang gagawin ko

pwes ako ang maglalagay dito...

pwes ako ang maglalagay dito...

Happy Birthday!!! sa ayaw at sa gusto mo… wish ko para sa’yo eh makagawa ko ulit ng anak na kasing gwapo ni baste.. gusto ko paglabas nya 23 years old agad ha… para tatalian ko na leeg nyan para sakin…

uy wag nyong kalimutang dumalaw sa romancinghelena.com ah…  at kung may gusto pang iinvite ako sa blog nyo… well, tulad ng sinabi ko dati “I’m all yours” cheers? cheers!!!!;p- lablots

Glesy the Great

Permakawing Mga Puna

10 things about me…

Disyembre 24, 2008 at 2:55 hapon (Uncategorized)

tag sakin ni.. ni… sorry talaga guys.. nakalimutan ko na.. basta naghalo-halo na sakin kung sino dito at saka dun sa cute award pati nga sa dating tag nakiki-epal pa… basta eto yung tag… ayaw ko lang may makalimutan at madagdag na di naman pala ako tinag parang ang feeling naman.. ahaha

Ang rules:

1) mag-post ng 10 things about sa sarili
2) mag-tag din ng iba pang sampu..

1. malakas akong kumain as in super lakas.. parang lalaki… kaya dream ko ang magkaroon ng kaibigan na chef o kaya makakain ng mga pagkaing luto ni wolfgang puck at mario batali…

2. di ako marunong mag-bike… alam nyo ba yung kasabihan na try and try until you die?… well, totoo yun… isang try na lang ang kulang eh..  i tried then i died na sana… sayang este buti na lang…

3.  ayaw na ayaw ko ng pakiramdam na may sipon… pakiramdam ko dinikitan mo ako ng sandamukal na kanin sa mukha hanggang sa matuyo… with extra rice…

4. parang hieroglypics ang sulat ko.. ang pagbabasa ng handwriting ko ay katumbas ng pagbabasa ng Hammurabi Code at Alibata…  hindi naman ako pangit magsulat, hindi lang talaga siya mabasa…

5. ibang klase ang lecture notes ko nung bata ako… hindi kasi ako nagsusulat sa kasunod na page… kung saan ko lang page gustong magsulat dun na ako magnonotes.. kaya isang oras ang nauubos para hanapin lang kung saan ko na naman sinulat yung homework ko… saka lumalagpas ako sa kabilang page para lang ituloy ang isang sentence kapag kinakapos… walang duda, hindi uso ang hyphen sa mundo ko noong ako’y musmos pa lamang…

6. hindi ko alam kung bakit pero kulay brown ang kulay ng hinliliit ko sa paa.. kahit anong gawin kong linis sa kanya mas greater concentration ang kulay sa hinliliit ng paa ko.. badtrip!!! gustong-gusto ko pa naman ng naka-tsinelas lang…

7.  pag ako naggugupit ng kuko… sagad na sagad talaga.. minsan nga dumudugo pa siya sa sobrang sagad.. mapa-kamay man yan o paa… kasi pag nag-iwan ako ng space maya-maya lang mukha ko ng pinangkamot sa singit na isang linggong hindi naligo ang kuko ko…

8. accident prone ako.. ako yung tipong kahit hindi naka-heels nakukuha pang matapilok… minsan na rin akong tinawag na tapilok queen…

9. hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung anong pinagkaiba ng hatid at sundo..  dati kaliwa at kanan pero nadiskubre kong right handed ako kaya natuto na ako.. ayaw ko ng true and false na tanong kasi kahit dalawa lang yan nabibinggo ako jan…

10. alam na ng lahat to.. kuripot ako… dati di ako nagdadala ng extra money para di ko magastos… yung isang bulsa ko may lamang pamasahe ko papuntang school at yung isa naman eh pera pauwi kaya pag gumulong kahit isang piso at nahulog sa kanal, natural di na ako makaka-uwi…

ay isa lang pala yung cute award saka ito… sabi ko sa inyo naguguluhan na ako eh… pero para sa mga nagsabing cute ako, pwes gusto ko yang iniisip nyo.. thanks nga pala guys  ha.. lablots;p

di na ako magtatag… wala lang, gusto ko lang.. bakit ba.. cheers;p

Glesy the Great

Permakawing Mga Puna

para sa ikatatahimik ng isa jan…

Disyembre 24, 2008 at 2:50 hapon (Uncategorized)

hay naku.. yung isang tao kasi jan walang kasing kulit… para sa taong magcocomment na photoshop yan, humanda ka at kakasuhan kita ng libel… mukha na ngang masukal na kagubatan ang buhok ko.. at mukhang pinahiran ng uling mata ko sa sobrang puyat… yung size lang ang pinalitan ko jan…

Kirksydney mas makulit ka pa sa ingrown ko!!!! naghalo-halo na sa utak ko kung sino nag-tag sakin.. basta kilala nyo na sarili nyo.. matagal na kasi to eh, kaya di ko na rin matandaan…

thanks nga pala sa mga nagtag kahit late na… ahehe.. “Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin…”

cheers;p

pahabaan ng nguso

higupin kita jan eh...

Glesy the Great

Permakawing Mga Puna

I’m… I’m too hot for your clothes…

Disyembre 9, 2008 at 2:33 hapon (Uncategorized)

napupundi na talaga pasensya ko sa plantsa namin.. nakakaalarma na kasi ang pagtaas ng death rate ng mga damit namin dahil sa despalinghadong plantsa na ito… 3 pares lang ang uniform ko pero kung magsunog ako ng uniform akala mo may pabrika kami ng tela at patahian ng damit, ang lakas ng loob!!!!… para siyang serial killer na iniisa-isa ang mga uniform ko sa aparador, naiimagine ko siyang nakangisi habang sinasabing “you can run but you can’t hide” *insert devilish laugh here*…  isang pantalon na at isang blouse ang di ko na pwedeng isuot dahil hindi naman lahat ng taong makakasalubong ko eh legally blind para di makita ang hindi pwedeng itagong butas sa parte ng damit ko… 

walastek ‘tong plantsa namin… bilib talaga ako (idol!!!) kasi kahit naka-minimum ang heat kaya nyang gawing itsurang tinortang talong ang pantalon mo… gusto ko ngang i-audition to sa La Germania para sa “The wonders of cooking without oil”… kahit ata swelas ng sapatos kaya nyang gawing rubber band, timer starts now… 1 minute lang o pustahan tayo… 

yung tela nga ng kabayo (yung plantsahan) namin mukhang walang-awang paulit-ulit na pinagsasaksak ng isang adik gamit ang isang JUNGLE BOLO… mukha siyang papel na ginamit sa paglalaro ng SOS pero puro “O” lang ang itinaya… 

kanina ko lang napansin… pucha parang may kwitis sa loob ng super plantsa namin at parang may kislap ng kislap… hanep may bagong trick na naman si super plantsa…  hello benjamin franklin dito mo nga paliparin saranggola mo para sumikat naman to…

mistulang mahal na sa museum ang plantsa namin pero talaga namang kung umasta akala mo naman inimbento ni Einstein sa sobrang yabang… akala mo naman the next technological breakthrough… akala mo naman siya na ang “the father of all plantsa”… father-father, tae mo!!! papalitan din kita akala mo…  

parang gusto ko ngang itry plantsahin yung pandesal… abangan ko lang baka naman talagang totoo ang magic at maging biskwit to… ikaw? anong favorite sandwich filling mo?

cheers!!!;p

Glesy the Great

* Yung mga nag-tag sa akin nung picture-picture at pagiging cute ko (ehem) thank you.. gagawin ko siya nagtotopak pa lang talaga yung pc ko… kelangan ko na lang talagang mag-update post dahil baka amagin ang blog ko at makabuo na tayo ng panibagong strain ng antibiotic…*

 

 

 

 

 

 

 

Permakawing Mga Puna