stop look or patay kang bata ka….
Malamang lahat naman tayo naranasan ng tumawid sa kalsadang parang sinisingil ka na sa lahat ng mga nagawa mong kasalanan… yung tipong magdadasal ka muna ng 1 our father, 3 hail mary’s at 4 glory be’s bago ka tumawid… bago ka tumawid alam mong somewhere out there at the end of the road eh nandyan lang si kamatayan at nagkakape… at parang habang tumatawid ka pakiramdam mo hila-hila mo na ang karwahe ng kabaong mo… nasa gutter ka pa lang masyado ng obvious sa mga dumadaang sasakyan na handa na silang magkasala at pumatay ng tao… yung takbong nagsasabing “nagmamadali kami, kung gusto mong tumawid, eh sorry na lang gusto ko ring dumaan eh”… mga driver na willing silang gawin kang kalso… silang mga driver na balak kang ipangtapal sa mga lubak ng kalsada… at mga sasakyan na gusto ka ng ipakilala sa kabilang buhay… Lalo na ang mga bus na kung gaano karami ang seat capacity nila kasama na ang mga naka-standing ovation eh ganun na rin karami ang mga taong pinadama nila ng near death experience… hindi to OA, may ganyan talagang kalsada…
Meron pang mga instances na habang tumatawid ako eh isang kandirit na lang mababangga na ako ng sasakyan tapos pagtingin ko sa driver nakangiti pa sa’kin.. parang ganito pa gusto nyang sabihin: “Akala mo babanggain kita noh? Joke lang!!! Wala yun, kakalabitin ka lang ng bumper ko”… parang gusto kong bumili ng ten wheeler ng mga panahon na yun at kalabitin siya ng sampung gulong ng ten wheeler ko…
Meron pa akong kaibigan na kung maka-tawid akala mo gawa lang sa karton yung babangga sakanya… Parang hawak lang niya ang baston ni Moses at hahawi ang daan… Kahit nasa gitna kami ng kalsada sinigawan ko sa nanginginig na boses ng “P*$#^ i#@ ka!!! Nakainsurance na ba ang buhay mo ngayon? Pwes, ako hindi!!!”
Sineseryoso ko ang mga sign na may nakasulat na “Bawal tumawid, nakamamatay” kahit na nakasulat pa ito sa karatula at penmanship na parang “Room for Rent” lang ang nakalagay… Siguro naman di sila maglalagay ng ganun kung lahat ng nabangga dun eh himalang nakapaglakad at nabuhay ng muli…
Nangyari na rin sa akin na habang tumatawid ako ng banayad at walang alinlangan eh bigla na lang akong nadapa ng walang kapoise-poise at halatang hindi pinag handaan… kulang na lang kumembot ako paupo, steps na sana yun ng kantang “sit down, sit down, you’re rocking the boat”… ayun, lahat ng gamit ko sumang-himpapawid lahat at nagkalat sa daan… parang may naglaro ng tumbang preso sa kalsada at umuwi ng bahay ng hindi kinukuha ang mga pamato nila… mukha tuloy akong galing sa penitensya kasi pumasok ako sa skul na duguan ang tuhod… o di ba? Malayo pa lang ako, halatang tanga na yung tumatawid…
Out Of Topic: kanina pa ako labas ng labas ng bahay nakalimutan kong naka-head band pala ako na may bulaklak na pink na sobrang laki.. kaya pala tinitingnan ako ng mga kalalakihan at kababaihan alike….. ahaha.. akala ko nakakatibo na ako ngayon… leche… cheers;p
Glesy the Great
sa ayaw at sa gusto mo, ayaw ko na…
kelangan kong mag-aral ngayon pero habang nagbabasa ako parang sabi ng diwa ko “I am going to shut down in five minutes. Timer starts now… three, two, one… BLACKOUT” biglang may lilitaw na pop-up window na nag nagsasabing “ay sorry 3 seconds na lang pala… na-atat na ako eh“…. nawawala na sa wisyo yung utak ko at parang papuntang byaheng langit na naman ang kamalayan ko… kung hindi ako tumayo at nagpopost ng blog ngayon eh malamang kasing lutong ng chicharon na naman akong naghihilik… malamang flat on bed at comatose na naman ako… malamang katulad ng palaging sinasabi ng kaibigan ko, kumakanta na naman ng “Lonely is the night when i’m not with you” ang mga textbooks ko…
Kapag pupulutin ko na yung book ko para mag-aral sinasabi ng utak ko “weeeeeeeeehhh… ang corny-corny mo!!!”… habang nagbabasa ako parang bumabagal tibok ng heart ko, siguro pati siya naboboringan sa ginagawa ko… di na ako magtataka kung sinabi nyang “kapag hindi ka tumigil jan, ako ang titigil… makikita mo”… saka pansin ko parang lagi akong naiihi.. kitams pati urinary system ko tamad mag-aral… pakiramdam ko tuloy walang silbi pantog ko pag nag-aaral ako… minsan pag masyado ng bumenta ang pag-jinggle ko as an excuse para tumigil ako, eh may feeling naman ako na may mag-wa-walk-out na jebs sa pwet ko.. pero kahit lumubo na ata ugat ko sa pwet sa kakairi, wala pa ring rumarampa sa toilet bowl..
di ako madalas umiinom ng kape para magising kasi matagal na akong tapos mag-aral pero abala pa rin ang balunbalunan factory ko… laxative effect kasi sakin ang kape… di rin ako kumakain habang nag-aaral kasi at the end of the night marerealize ko na lang na mas marami pang laman ang tiyan ko kesa sa utak ko…
na-experience nyo ba yung akala nyo nag-aaral pa kayo pero natutulog na pala kayo na parang nasa alice in wonderland lang… once naging paboritong trick yan ng utak ko.. pag-gising mo ng umaga para kang lasing na di mo na matandaan kung nirape ka ba o ikaw yung nang-rape (wag kayong epal, di nangyari sakin yan)…
syet kelangan ko na talagang mag-aral… isang paragraph pa eh i-chochoke slam na ako ng mabuti kong konsesnya… cheers;p
Glesy the Great



