break for two weeks…
wala ng drama-drama at ek-ek up to the heavens… gusto ko munang mag-hibernate sa internet… pwera na lang kung hindi talaga siya extra-curricular activity… pero kung mamataan nyo man ang bahid ko pwede nyo akong sitahin, bigyan ng tiket at mangotong sa akin… battle of will lang naman para sakin… a dare to beat lang… kasi di na naman ako marunong magpreno eh… di na ako kakaway kasi hindi ko alam kung kaya ko nga… kaya ko yan.. never say die… lablots at cheers;p-glesy the great
bow…
today is a good day to die…
Balik WordPad na naman ako dahil ang walang kwentang MS Word ko nagmemeryenda ata at parang tumuloy na sa inuman!!! Taya ng mga programs sa PC ko para sa mga bagong saltang honored guests na Virus… ayun jamming na sila at parang lukso ng dugo lang ang naramdaman sa isa’t-isa dahil di man lang pumalag ang mga pulis pangkalawakan ng computer ko… Three-in-one na happenings ang naganap…
1. WELCOME PARTY- dahil pinili nilang tourist spot ang PC ko… may 21 gun salute pa at sabitan ng sampaguita!!! Akala mo high ranking official ang lumanding… papansin eh, nagpopop-up every 5 minutes… (Mabuhay!!! All your needs will be attended… Enjoy your stay!!!)
2. VICTORY PARTY- para sa pagkakapanalo sa deathmatch nila versus antivirus ng pc ko *drumroll*… wala… mismatch ang laban, nagkakape pa yung virus habang ininvade ang mga Baryo Bulok ng pc ko (hep-hep hooray!!!) at;
3. DESPIDIDA- para sa pag-aalsa balutan ng mga programs ng pc ko.. ang mga loko mukhang masaya pang aalis at kumakaway-kaway pa… at para sa nalalapit na pagpapareformat ng de-uling kong PC (Bon Voyage!!!)
Eh kasi naman ang inyong lingkod, yours truly, nakalimutang expired na pala ang anti-virus ko since the world began… may bago akong isinalang na anti-virus… bagong infantry division ika nga na itinalaga para sumugpo ng mga kalaban… ayun!!! pinagtatawanan lang ng mga illegal alien na immigrants sa sablay kong computer.. naka-arms of mass destruction ung mga bisitang virus na to na parang fit for world war III, samantalang ang pc ko naka-pana at gulok pa rin na panahon pa ng balangay ang mga armas at parang away-tribu lang ang pupuntahan… yung tipong umaamba palang yung kalaban tumakbo na kagad ng pagkalayo-layo na parang nakaangkas lang sa formula-one ni Michael Schumacher… parang laban-tanga lang ang kayang gawin ng mga bata ko… halatang ang battlecry nila eh, “Today is a good day to die”
pustahan o.. sino ang unang sisgaw ng “i surrender!” ang may mga resistensya builders na mga virus na to o ang computer ko… Landslide win eto…
bad trip ang dami niyang sakit, di ko alam kung kelan ipapaayos ng kapatid ko o kung may balak nga pa ba siyang ipaayos… clinical impression pa lang irreversible na, baka bago pa mabigyan ng final diagnosis eto, DEAD ON ARRIVAL NA!!! yabit tayo jan… leche talaga!!! Leche!!!
Akala nyo totoo noh? Sinulat ko yan October 18, 2006… Siyempre sa huli ko na ibinunyag na past post lang to…alam kong tamad magbasa ang iba jan pag re-post eh… may tinatapos lang akong mga promises kaya di ako makapag-blog… Hindi yan reposted from wordpress ha…sa friendster yan galing pero revised edition… aha mahuhuli ko ang mga taong hindi nagbabasa hanggang huli.. cheers;p
Glesy the Great



