para sa totoong THE GREAT…
alam kong busy ka sa party mo na sky is the limit jan sa langit… siyempre anniv ng muling pagkabuhay mo… sa linggong to, pinaalala mo na naman na TL ka sa mga peeps na nilikha ni Daddy mo… mejo matigas lang talaga ulo namin kasi kahit ilang taon ng lumipas nung naging SuperHero ka (kahit pagsama-samahin pa ang justice league, anime at all star cast ng cartoon network) eh kina-career pa rin namin ang pagiging bratty… pero wala pa ring mas titigas sa ulo mo kasi naging walang kamatayang hobby mo na ang patawarin kaming mga suwail mong chikiting… the best ka talaga…
oo nga pala, sorry nga pala sa mga nagawa kong kasalanan, di ko mapapangakong di na mauulit yun kasi alam mo naman ako, mejo uto-uto kay bad boy satan minsan… sorry kung lagi kang nadidisappoint sa aming mga creations mo at marami ka ng nagiging katunggali sa aming mga fans mo… sorry na di namin natupad ang Last Will and Testament mo na maging magaling na mayordoma ng buong nilikha mo… tingnan mo naman tong mundong to: ang dugyot na nga, amoy “Eau de Anghit” pa… dapat nga matagal mo na kaming sinisante at tinapon sa kangkungan pero dahil the best kang amo, di ka pa rin nagsasawang swelduhan kami ng mga blessings… sorry na kahit ayaw mo kaming napapatrouble eh ang hilig pa namin sa gulo… dati sampalan at sabunutan lang ang alam namin pero ngayon nagbabarilan, nagsasaksakan, at nagbobombahan na kami… at kung di man kami nagsasakitan eh napapabilis pa ang paggawa ng laway namin sa chismisan at siraan namin sa isa’t-isa… ako na ang magsosorry at nabuo ang “the buzz, showbiz linggo at star talk”… di pwedeng maging rason na its part of growing-up naming mga kids mo kasi pa-grabe ng pa-grabe ang pinapauso naming mga kasalanan… sorry at di maubos-ubos ang mga manyak at mga kiri dito sa mundo… sorry kung pang-oscar awards ang mga script na nagagawa naming kasinungalingan.. sorry na imbes na ang hilingin namin eh mapalapit sayo eh mas gusto pa namin na humiga sa salapi, maging politiko na kurakot at maging mukhang pinaglihi sa hollywood star…
saka sorry nga pala na nung bata ako takot ako sa mga kodak mo… bata pa ako nun kaya di ko pa alam na sobrang gwapo ka pala… sus parang di mo naman alam na cute ka… at ngayong matanda na ako na-aappreciate ko na ang kagandahan mong lalaki saka syempre ang mga swabe mong one liner na words of wisdom… at dahil dun kulang pa ang thumbs up ng centipede para sa ka-astigan mo…
teka yung kiss ko? mwah… o hug naman.. yaannnnnnn…
sa post na to… hindi ako ang the great…. Ikaw yun…;p-PAPAJESUSTRULYROCKS
cheers ba cheers? Cheers!!!!!!!
the proud, the few, the sandatahang maka-langgam…
Mga langgam dito sa amin parang Hukbo ng Sandatahang Rebolusyonaryong Nagkakaisa… Tama ba namang gawing Camp Aguinaldo yung keyboard namin? Hindi ko alam kung bakit pero ang hilig-hilig nilang ilaan para sa mga pabahay project nila ang keyboard ko… Habang ako eh hirap na hirap magpipindot times ten para sa isang letter lang dahil mukhang tinirikan na naman ng mga langgam ng livelihood community ang isang piraso ng pindutan ko… at di lang yon guys, mukhang may bagong batalyon na naman ng mga langgam ang magsisililipat bahay papunta sa keyboard ko…
Kung makapag martsa sila sa harapan ko parang buong giting pa nilang sinisigaw ang “The Proud, The Few, The Marines!!!” Lahat na ata ng massacre pinlano ko na with military precision, pero parang may ninong ata to sa furenaria, may renta na sa sementeryo at may insurance na ang mga mahal sa buhay kaya hindi na takot mamatay… sana alam nyo yung feeling na tuwing sa pag-aakala kong namamatay na sila at unti-unti ko ng nacoconquer ang mga barracks nila eh saka naman sila magpapasiklab ng kanilang sandatahang lakas… parang “mama mia, here we go again”… feeling ko mga sacrificial lambs lang yung mga pinapabayaan nilang patayin ko… mas malupit pa rin talaga ang counter-terrorist operations nila, parang ako yung nagmumukhang burot every encounter namin… isang langgam muna lalabas, kulang na lang torotot at bandera mukha ng parade of colours tapos hanggang maya-maya magsusunuran na ang mga disipulo at mga propeta… Akala mo mga bugtong na anak ni Bathala kung magpakita sakin… Kung makapang-akyat panaog akala mo mga titulado at mga priviliged citizens ng keyboard ko… Akala mo may legal rights na manirahan sa keyboard ko., grabe, so kapal di ba?.. Kaya bago pa ako maging proud owner ng isang ant farm at baka biglang maisipan nilang magrelocate at pagtulung-tulungang i-bayanihan ang keyboard ko, dinispatya ko na ang pest infested kong keyboard…
Pero okay na rin to kesa naman dati na nakikidagdag pa sa sakit ng ulo ko ang printer namin… May pagka-printer-slash-thumbprint-slash-shredder ang printer namin dati eh… In its best times magpriprint siya ng maayos at walang kapalya-palya pero in its worst times eh kung mag-print parang mas mababasa mo pa thumbmark ko kesa yung printout nya… meron pang pakulo yan na mukhang Bar Code yung pagkakaprint kasi talaga namang mas malupit pa ang stripes nya kesa sa balat ng Zebra… kelangan mong maging higly literate with a twenty-tweny vision para lang mabasa siya pero siyempre practice makes perfect… and i got a lot of practice…
Meron once, nagpuyat ako sa paggawa ng case presentation namin, mejo malapit na akong mangisay sa pagod at pagpriprint na lang talaga ang itutulog ko.. pero nag-uumpisa pa lang akong matulog na parang tupa ng biglang magising ako na may ugong ng bulldozer na dumadaan sa loob ng bahay namin.. pagtingin ko sa printer naming walang silbi, on process na niyang ginawang Origami Art ang mga papel ko!!! Tupi-tupi na nga, punit-punit pa… yung tipong kulang na lang calligraphy eh paper fan na siya… matatanggap ko pa kung kalabaw siya para araruhin na parang sakahan yung mga papel ko.. pero hindi eh.. PRINTER siya!!! PRINTER!!! ano ba namang mahirap intiindihin dun?… sumagot kayo!!! ano? BOW
cheers!!
glesy the great ;p



