sa isip…. sa salita…. at sa gawa…. (saranggola blog awards entry)

Kelan kaya natin tatanggapin na jologs man o hindi, ay astig ang maging pinoy. Na isang act of favoritism na maging Pilipino para sa 94 milyon na katao. Na parang naburot lang sa drawlots at hindi maswerteng napabilang sa family tree ni Juan dela Cruz ang natitirang anim na bilyong tao sa mundo. Kelan darating yung pagkakataon na habang tinataas ang telang pula, asul at dilaw pampakulay, may tatlong bituin pampakislap at may araw bilang power center ay sabay-sabay na tumatayo ng matuwid ang bawat mayayabang na Pilipino?

At bakit hindi? Sa bansang tatlong daang taon na alila ng mga mestisong bangus, apat na taong naging parausan ng mga sakang na sardinas at limampung taong naging laruang de pihit ni Mc Donald’s? Sampung dekada na tayong malaya simula noong liberating experience sa Kawit, Cavite, siguro naman tapos na tayong mag warm-up sa pagiging loser. Sa isang bansa na minsan mas marami pa ang mga araw na nasa state of calamity kesa sa araw na nadeclare ang holiday, siguro naman tapos ng itest drive kung gaano tayo atibay na tao hindi atakbo. Sa isang bansa na may worth 18 grand-debutante years na kwento ng lungkot at pag-asa courtesy of Maalala Mo Kaya, siguro naman sapat na ang pep talk satin ni Madam Charo. Sa isang bansa na naging astounding hobby na ang isiwalat ang mga greedy-hand politician, sana naman mas malupit na tayo kesa sa bolang kristal makaamoy ng palad na amoy pera at ngiting malayo pa lang mukhang rabies na. Sa isang bansa na ilang pirasong People Power (official and unofficial) na ang ginawang eyeball venue ang EDSA, siguro naman wala ng titindi sa pagiging demokratiko nating bansa. Sa dami na ng napagdaanan natin, hindi ka ba nang-hihinayang na ngayon mo pa naisipang sumuko?

Ikaw? Isang pribilehiyo mo ang makasali sa lahing kasing crush ng bayan ni Rizal at kasing tinik ng bangus, kasing tapang ni Andres at kasing sipag ng kalabaw, kasing bebot ni Maria Clara at kasing tamis ng mangga, kasing simple ng kubo pero kasing tigas ng narra at kasing japorms ng Barong Tagalog at Baro’t Saya na may aroma therapy ng Sampaguita. Isang kalamangan mo ang magkaroon ng kulturang kasing kulay ng Ati-Atihan, kasing saya ng Piyesta, kasing brusko ni Machete, kasing hiwaga ni Maria Makiling, kasing bibo ni Lola Basyang, kasing action packed ng Biag ni Lam-ang, kasing kulit ng Sitsiritsit, kasing suspense ng Ibong Adarna at kasing bestseller ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ako ay isang Pilipino!!! Hindi na kailangang isa-isahin kung ano at sino ako, dahil kung ano at sino ako ay kadugtong kung ano at sino ang bawat Pilipino. Ito ang kwento ko, na kwento rin ng lahat nagdaan, kasalukuyan at sa mga susunod pang Pilipino…. sa isip…. sa salita…. at sa gawa….

cheers? cheers!!!

glesy the great

 

 

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

9 Responses to “sa isip…. sa salita…. at sa gawa…. (saranggola blog awards entry)”

You must be logged in to post a comment.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.