DAILY MUNI-MUNI

aug-6-11

bakit ganun? pabago bago… nakakatawa na lang… anggulo… such is life…

july-22-11

ibulong sa sarili… kalma-kalma-kalma… 100x…….. grrrrrrrrrrrrrrrrh… leche..

may 21-11

humming “somewhere out there”… pambata? di eh… pag naririnig ko tong kantang to, naaalala ko yung “you’ve got mail” na movie… alam kong mas appropriately connected yung song sa “An American Tail”—movie about a family of mice bah-bah… ewan,  nag-marka talaga sa utak ko yung ending ng “you’ve got mail”… not the kissing scene, mga hilantod… yung aso!!! siguro kasi gustong-gusto ko yung dog dun ni joe fox… si “Brinkley”… a golden ret… tapos biglang nagplay ng “somewhere out there”… behavioral conditioning? eeeew how nerdy is that…. erase-erase… process of association na lang… parang ang layo ng kanta sa aso eh noh? favorite breed of dog ko kasi golden retriever, for me eto ang epitome of “man’s best friend image”…i got that idea and at the same time fell in love with the breed sa movie na to kaya siguro nag sink-in sa’kin… nung first time ko kasi syang napanood, ending na lang  naabutan ko…  napanood ko  ulet ngayon from the start, though napanood ko na dati yung complete movie… wala lang share ko lang… okay lang, feel good movie… then i realized while listening to the lyrics, hindi pala pambata talaga yung lyrics per se ng somewhere out there…tsss puyat lang to… —Then we’ll be together somewhere out there… out where dreams come true— happy humming?;p

may 11-11

kalungkot… di ko alam kung ano uunahin kong ikalungkot… personal kalungkutan o family kalungkutan… hanggang kelan pa kayo to… nakakasawa na rin… patong-patong… sunod-sunod…walang katapusan… araw-araw…paulit-ulit… paikot-ikot… ang tagal ng magandang balasa ni Papa Jetut sakin… nagkakacleft chin na ako kaka-halumbaba—kakahintay—kaka-abang… i’m on a pit stop.. wala pala akong pit crew…wala akong reserve tire… wala akong fuel… wala bang susub? yoko na… so wat’s next?  i’m lost… help…

april 4 -11

katamad… pwede ring kaasar… katamad, kasalanan ng bahay na walang mapagkaabalahan… inaagiw na naman ako dito sa bahay… ang istory ng taong bum… kaasar, kasalanan ng tarantado kong kapatid na kahit kelan sakanya ang limelight ng problema… gusto ko sanang pumunta sa outing ng ward pero walang kasama magulang ko dito sa bahay… alangan namang isipin ko pa ang kati ng talampakan kesa problema dito sa bahay… hay buhay, PI talaga… ang dami kong namimiss sa buhay dahil sa mga kalokohan ng nyeta kong kapatid… ang kunat na, sakit pa rin sa ulo hanggang ngayon… tsk… olats.. wlang happy-happy ngayon… i-uupdate ko na lang yung kapalaran page ko… happy fortune telling?

dec 9-10

mag-aalas singko na…  di pa rin ako tulog… meron talaga minsan iba sumanib ang antok eh, wala sa hulog… hindi marunong mangilala ng madaling araw… happy puyat;p

sept 27-10

kagigising ko lang… ang gulo na talaga ng circadian rhythm ko… mamaya duty ulit… haist, katamad… double night ulit… kaya naman nagkakandaloko-loko na body clock ko, dahil sa mga double night shift ng buhay ko… nakakahilo pa… nag-iisip ako kung aagahan ko bang pumasok para makapag double refill na… grrrr… di bale may triple off naman akong pinananabikan ahehehe… happy duty?

sept 17-10

lintek, di ko alam kung anong hayop ang salarin, ang dami kong nasirang damit… maghapon akong nag ayos, nagpalaba at nagplantsa para khit papano may masalba pa ako… inayos ko na rin ang mga pocketbook ko… wondering kung saan ako pwedeng makipagswap ng libro.. kahinayang kasi parang ang dami kong crap na libro… i collected 70 crap books!!! may natira pa namang may kabuluhang libro.. from now on, i’ll be unintellectual person buying intellectual books para ma-offset naman sana sliding to intellectuality and not otherwise ahehehe… yun lang, happy segregation….

sept14-10

matagal ko ng binura yung dati kong muni-muni… reincarnate natin ulet… type kong magkaroon ulet ng muni-muni page…

ang daming masaya ngayon ah… kaasar.. ahahaha (imbyerna?), wala lang pag ganitong badtrip ako naiirita ako sa mga taong pinangangalandakan na how they had a very nice day… parang gusto kong sabihan na gusto mo sirain ko araw mo? sama? di naman,  di ko naman sinasakatuparan eh… nasa evil-id-side of me lang… buhay na buhay pa ang super-ego ko, para gawin yun… tapos na naman double off ko, at natapos na naman sya ng walang kwenta… kelan kaya ako magdoudouble off na masasabi kong, yeba!!! gamit na gamit ang double off ko… siguro eto ang tinatawag na bitin.. hehe… yun lang walang magawa eh… nothing significant happened today aside sa librong binabasa ko “lovely bones” page turning pero mas na-upper command ang will kong makatulog… im not my old self na talaga.. dati im in an anti-sleeping mode everytime may hawak akong libro… happy reading;p


You must be logged in to post a comment.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.