dearest titsers…

in memory of those well hated professors (may they rest payapa; dyok).. eto ang casting a spell moment ko,

in behalf sa mga estudyanteng pumapasok ng maaga pero binoycott ng prof,

sa mga estudyanteng adik sa libreng internet ng skul,

sa mga katulad kong tongue twister ang apelido ng tatay nila,

sa mga estudyanteng nakalimutang magdala ng payong para sa bagyo nilang prof na may dalang hanging habagat,

sa mga estudyanteng nagiging living vibrator during recitation at sa taong katulad ko na.. ahmmm.. wala nga palang tao na katulad ko…-glesy the great ;p

nasa skul ako ngaun.. at dahil narelease na ung id… eh di syempre dapat may mahita ako dito.. gamitin sa mabuting bagay!!! pairalin ang total utility sa 150 na ginastos ko dito sa id na to.. kya eto ako ngaun cinoconsume ang aking extra curricular activity=internet… wla kaming class ngaun dhil ang magaling kong prof. hindi pumasok!!! kung kumakain siya, mabulunan sana sya; kung naglalakad, mahulog sana sa manhole; kung naliligo gawin nya sanang eyedrops ung shampoo nya; kung natutulog bangungutin sana siya.. kung nagsasalita malunok sana niya ung dila nya.. kung nagluluto sumabog sana lpg nila.. pano ba naman kala ko kasi malalate ako.. tinatamad pa akong pumasok para ngang pasan ko mundo habang bumabangon ako.. pagtingin ko ng oras.. ANAK NG TIPAKLONG LATE NAKO!!!! kaya un nagmamadali ako.. tpos pagdating ko.. malalaman ko lang na di siya pumasok.. kya sana magkatotoo ung sumpa ko.. BY THE POWER BEHOLD ON ME, LET MY WILL BE DONE.. nyahaha.. joke.. bad trip lang talaga kc sna tulog pa ko ngayon..

balik tau sa prof kong umabsent ngayon, nakakatawa un kasi parang sirang plaka pagnagdidiscuss.. eto example “class we will have a quiz next meeting.. next meeting.. we will have a quiz.. class (moment of silence) class we will have a quiz next meeting.. next meeting” grabe.. minsan yung buong sentence paulit ulit.. pirated, parang anak ng bumbay at pinanganak sa quiapo.. minsan nga gsto kong sabihin.. “sir pwede paki-ulit, di ko po kasi narinig eh.. hehe..” pero in fairness naman, okay naman magturo.. kya lang sobrang putla nya.. ung first meeting nga namin sabi ko sa kaseatmate ko.. “siya ba yung cadaver natin?” bastos eh noh?…

at least di sya kagaya nung ibang prof na tumatalsik ung laway.. once, meron akong ganyan na teacher way back high school.. ay naku!!! kung naging halaman lang ako siguro puno na ako pagdating ng march!! sobrang parang tabo yung bunganga niya.. extension ata ng niagara falls un eh.. hehehe..(ang sama)..

meron din akong teacher dati na every meeting may daily edition siya ng surname ko.. pobrador.. poradora.. podadora.. ay naku.. pag malapit na `kong tawagin bubulong ako sa katabi ko.. “papaputol ko kamay ko `pag tama ung pagprounce niya ng surname ko” grabe takot ako dun.. sobra, kala ko dati di totoo ung nangangatog ung tuhod pag kinakabahan.. pero nung naging prof ko sya.. oo nga.. ung tuhod ko parang vibrator.. cronie ni marcos un eh.. laging naka red.. pagnagpasa ka ng yellow paper dun.. yabit ka, gagawin niyang confetti ung assignment mo.. tapos pag aquino name mo itakwil mo na tatay mo, punta ka na city hall papalit mo na apelido mo o kaya paampon ka na sa iba (OA naman) kasi pag-iinitan ka nun.. basta anything yellow hate na hate niya yun.. eh nagkataon before ng class niya yung kulay ng book namin yellow.. kaya dapat before pa siya dumating nakatago na yung book baka mauna ka pang magrecite.. siguro wala sa denomination ng pera niya yung 500.. kung galit siya sa pera na yun.. ako pag buntunan nya ng galit! i’ll be glad, glad and willingly haha.. tama na nga to.. haba na ata eh..

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

3 responses to “dearest titsers…

  • nuel jose

    o teka, kalma lang.😀 baka magalit na si prof niyan.. hehe

  • alasais

    memories with the ‘titser’. kakamiss ‘yan. sarap pagkuwentuhan. at lalong mas masarap i-spitfire ang mga butihing guro. wala pa ring katulad ang mga titser sa pilipinas, iba-iba ang personalidad.🙂

    naiimagine kita habang kinukuwento mo ‘yang nasa blog mo. kakatuwa. madaldal ka siguro sa personal noh? hahahahaha!

    –tenco of alasais

    oo kung close mo ako, hindi pag ayaw ko sa tao, mas maingay yung mga tao sa paligid ko saka pag mas gusto ko lang mag-observe….

    wala talagang tatalo sa titsers sa pilipinas!!!

  • potsquared

    parang nakarelate ako dito.. pero imbes na magalit ako sa prof.. natutuwa ako pag di pumapasok.. sabagay ikaw naghahabol ng tulog.. para sa akin kasi.. pag walang prof.. UWIAN NA! boring ng life ko nung nag-aaral pa ako.. amfpt…

    cheers glesy! tagay mo!

    glesy the great: totoo naman na masaya pag walang prof pero hindi kung first subject mo siya at sana eh itinulog mo na lang muna kesa ipinanghabol mo na makapasok sa time nya…. bakit namn boring? siguro wala kang chickas na clasmate kaya naboboringan ka… cheers!!!! nakaka-ilang rounds na ba tayo?;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: