food chain ng family system namin…

introducing the animal in me.. the prey and the predator theme play sa bahay namin pag nagkanya-kanyang kain, kulang na lang tall grass at thick dust pang national geographic scene na.. -glesy the great ;p

awa ng diyos nakakain na ako.. 3 hours before lumalabas na pangil ko sa gutom tapos wala pa palang ulam.. hanap ako ng hanap ng ulam kasi baka finders keepers na naman kami dito.. parang treasure hunting, winner takes all.. ung cabinet pa ayaw magpabukas, gusto ko ng sumigaw ng OPEN SESAME!!! o kaya pag di makuha sa magandang pakiusap “#!@? ka ‘pag di ka bumakas, bumilang ka ng tatlo papakilala ko sa’yo itak namin!!!” tapos nakita ko ung kuya ko lumalamon na.. “hoy bakit di ka man lang nang-aalok ng pagkain?” mahal talaga ako ng buhay, wala na raw ulam.. utang na loob minamaligno na ako sa gutom, ilang minuto na lang sasaniban na ako ng masamang espiritu.. so bago pa ako magkatawang hayop, nagpabili na ako ng pagkain.. ayun barbeque pagkain ko.. courtesy ng foodcourt ng mga karenderya sa kanto namin.. kala ko nga wala na eh kasi gabi na, buti na lang marami pang tira-tira siguro nung isang araw kaya pinipilit nilang ubusin.. eh sampu ung pinabili ko, siguro ubos na ung mga tira-tira nila kahapon.. at least tira-tira na lang nung isang araw ang pro-problemahin nila.. (dyok onli) totoong sampu ung pinabili ko kasi dinamay ko na rin ung mga fellow kasambahay ko na napag-ubusan din.. fair division ginawa ko.. kalahati sakin kalahati sa kanila.. YEAH! (the essence of equality!!) dyok agen… isa at kalahati lang sakin dun.. bakit may butal ng kalahati? binawasan ko ung iba dun para go big time naman ung pagkain ko.. na-aamaze nga ako sa mga taong walang ganang kumain.. parang sinasabi ko pano nila ginagawa un? kasi ako kahit may sakit walang kaso, para pa ring construction worker ako kung kumain.. believe it or not, kaya kong umubos ng apat na pancit canton nung panahon na nakakahibang pa siya, madamot pa ako sa apat na un.. how much more kung tatlo lang?!? don’t you dare try!!! hehe.. pero ngaun sawa na ako dun.. pagnakaka-amoy ako ng pancit canton gusto ng bumaligtad ng sikmura ko.. matakaw talaga ako, ngaun di na ako kumakain ng mcdo kasi ang liit ng rice nila, kiliti lang sa tiyan ko.. saka walang free soup, kahit man lang mukhang binatad na medyas lang.. di rin pwede pandesal lang ang almusal kasi baka wala pang dalawang oras umaalma na naman tiyan ko.. kaya kelangan ko ng mag-aral ng mabuti para siguradong kaya kong palamunin sarili ko.. di ako pwedeng magutom, baka takasan ako ng bait kapag kumalam ang tiyan ko.. hanggang dito na lang.. babayu

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

One response to “food chain ng family system namin…

  • potsquared

    magkakasundo pala tayo dati sa pansit canton.. ako ang kaya kong ubusin ay 8sa isang upuan.. pramis.. ganoon ako katakaw.. pero ngayon konti na lang.. 7 and a half na lang… mahilig ka rin palang kumain ng pangat (pangatlong init) at bitin ka sa isang rice ng mcdo.. sana nag extra ka.. ayy oo nga pala.. nuknukan ka pala ng tipid..

    cheers glesy! tagay mo!

    glesy the great: syet pwede na tayo sumali sa olympics!!!!! ahaha meron akong kilala sampung pancit canton ang kaya, pwede nating gawing coach yun!!!! oo.. minsan nga kumain ako ng spaghetti na malamig pa galing sa ref ng madaling araw.. wala ng init-init.. ayun nagsuka tae ako sa katakawan at katamaran ko… oo bitin talaga ako sa mga rice ng fastfoods, parang di man lang ako natinga… yaw ko naman mag extra rice, kaya madalas nagbabaon na rin ako para walang samaan ng loob!!! cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: