wansapanapirstaym

first post ko sa friendster.. mga panahong galit ako sa color pink at mahilig akong magbasa ng blog (para pagtawanan) ang mga taong kakilala ko na jologs magsalita sa totoong buhay pero english speaking sa blog (main reason kaya ayaw ko dati ng blog).. humatsing ata ako dito kaya parang may saltik ako sa utak-glesy the great;p

try lang….

sa totoo lang sa ganitong araw na walang magawa.. makakagawa ka ng bagay na pwede mong pagsisihan kinabukasan.. katulad ng blog na to.. di ko alam kung pwede urungan dito.. pero kung pwede man baka bukas wala na siguro to.. nakokornyhan kasi ako sa blog.. pero dahil sa wala nga akong magawa.. o di sige.. blog kung blog.. ang una kong papatupad ay…

ang una kong papatupad ay… lagay tayo color.. yan.. ang ganda, so beautiful kaakit-akit.. PINK, yan ang hatest color ko.. para akong tinutubuan ng malaking ribbon sa ulo pag nakakakita ako ng color na to.. try ko kayang gawin tong theme dito para sure na wala na tong blog na to bukas,, iba naman.. green naman.. para environmentalis kuno, pero mahilig akong magtapon ng basura, mag dikit ng tsiklet sa bus (kunwari lang nandidiri akong humawak ng tsiklet noh), mag sulat ng 100 times na “gusto ko ng umuwi kasi baka masindihan ko na tong prof na to pag di pa nanahimik” sa papel na hiningi ko lang sa seatmate ko and so mach more bukod sa magputol ng puno (damo muna for beginners).. o kaya red naman para sa mga taong gusto center of attraction sila.. tapatan mo ko ng ganyang tao baka mapaaga burol niyan.. ilayo mo ko jan baka sabay-sabay kong maviolate 1-7 ng ten commandments o kaya naman blue para naman sa mga taong pacool.. hampas ko sila sa pader eh.. ano ba yan nagiging brutal na ko.. pero sa totoo sweet ako.. sabi ko at ng aking konsensya.. ano pa? yellow.. para lumigaya ang boring na buhay ko ngayon.. iba naman ang sakit sa mata.. baka maging yellow na itim ng mata ko.. hmmm.. violet.. ay ayaw ko parang patay.. yaw ko na ng iba.. o sige try ko black.. kahit di niyo mabasa.. matutulog na ako gubye to all

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

One response to “wansapanapirstaym

  • potsquared

    masakit sa mata yung dilaw.. pramis…. ang favorite color ko ay green… hindi dahil green minded ako.. gusto ko lang siya.. wag kang umangal! cheers glesy! tagay pa!

    glesy the great: ahaha.. parang pag nakadilaw ka parang sayo lumulubog at sumisikat ang araw….

    hindi!!! green minded ka talaga.. meron akong kaibigan puro green ang gamit.. seryoso baka ampunin mo siya pag nakita mo mga gamit nya…. cheers!!!!;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: