bato-bato sa langit, may i make a wish?

kabato… (malapit na ako maging cactus dito sa bahay, inaagiw na nga ako eh)

yaw ko ng matulog… (lagi na lang ako tulog, mag-iipon lang ako ng muta baka di na bumuka mata ko)

kahit t.v. boring… (pinapanood ko tatlong beses ko ng napanood, tatlong beses ko na rin di tinapos, banas ako sa bida, si osama bin laden.. buti pa sya maaksyon buhay.. gunpowder ata dandruff nun, pag nagkiskisan ng bato ulo nun, liliyab sa sobrang friction, mas mabilis pang makagawa ng apoy kesa posporo.. kaya di mahuli-huli un kasi nasa hibla ng buhok niya yung pulbura) inside 9/11, national geographic, channel 28, 11:00 P.M.

telepono?.. (wala pa sa bahay yung mga yun.. baka nasa sementeryo pa, mamaya baka mamaw pa makasagot, mahirap ng baka ma-inluv pa sa boses kong parang laging merong plema sa lalamunan)

gala?.. (wala nga akong pera eh kahit ang nararapat mawalan na ang lahat ng swiss bank wag lang ako.. dati-rati nagpapapalit lang ng barya sakin mga bangko ah)

basa ako buk?.. (ano naman? mga best seller kong book nasa pahiraman, musta na kaya mga libro ko? nasa maayos ba silang kalagayan? namimiss na kaya nila ako? malamang ilang itlog na ng ipis napisa sa mga pages ng mga un.. at malamang parang binatad na sa patis mga libro ko sa sobrang baho)

chatroom?… (mga chatroom ngayon punong-puno ng mga taong kahit posteng nilagyan lang ng palda puro kamunduhan na nasa isip at mga taong walang alam itype kung hindi ASL?)

forum?… (graduate na ako sa ganyan.. phD pa!!!)

sounds?… (sira speaker ng p.c. ko eh… bukbuking P.C. eto kakahog-kahog pa rin.. sisindihan ko na to eh..)

text?… (unang-una sa lahat wala na naman akong load.. Kaw? meron ka? bigay ko sa’yo number ko, pasa load mo ako, dyok!!)

kain?… (kakakain ko lang… masyado na akong gluttony… baka maubos ko na laman ng fregider namin.. masyado ng gluttony..)

ang galing pala ni osama bin laden.. may bago na akong idol, buti na lang di ako mahilig gumawa ng scrapbook.. parang wala siyang picture na nakasmile, malamang camera shy, mas ok sana kung smiling face siya..

ano kayang ilalagay sa epitaph nya pag namatay siya “he’s a bomb!!!” – al-Qaida

lapit na pasukan.. (parang ayaw ko pa, sana tao C.I. ko hindi malapit na kamag-anak ni king kong.. una kong Clinical Instructor Jurassic era tuwing time nya, feeling ko nagststroll ako sa jurassic park at hinahabol niya ako..) ;p

pinost ko eto sa friendster, isang gabing over dose na ako sa tulog.. -glesy the great.. babayu..;p

 

 

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

11 responses to “bato-bato sa langit, may i make a wish?

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: