thou shall not covet thy neighbor’s goods…

sigurado ako dumating ang oras sa buhay mo habang nag-eexam ka na mas malikot pa sa compass ang mata mo… at ang kinauupuan mo during exam ay may malaking kinalaman kung gaano kalinis ang hangarin mo or kadumi for that matter… kung di mo ginawa to, eto lang masasabi ko “marami kang sinirang buhay!!!” haha dyok lang…

eto ang bisto ko…

before exam noong high-school pa ako, meron na kaming let’s volt-in formation ng mga kaibigan ko… ang mga nag review ang nasa gitna, kumbaga the center of the universe ika nga… at ang mga nakatulog habang nag rereview ang mag-rerevolve sa center of the universe… at during the exam kanya-kanyang technique na lang kung pano mo makukuha ang sagot sa center of the universe (ubo, sipa, batuhin, murahin, kunwari may nahulog.. name it nakita ko na lahat yan)

tahimik na tahimik ang buong class, pero alam mong may black market na nagaganap sa apat na sulok ng room…

meron akong kaibigan na humihingi sa akin ng sagot… at dahil a friend in need is a friend in need, todo dictate ako… pero dahil sa sobrang aligaga nya sa pagkopya habang dinidictate ko yung sagot, nagkataon nahulog ung test paper nya sa kabilang row… imbes na ang masabi niya ay ganito “Escoto, Escoto (pangalan ng classmate namin) paabot ng test paper ko”eto ang nasabi nya ng malakas sa kalagitnaan ng exam habang nagmamasid ang aming carnivore na titser na naghihintay ng lalapain:

“Escoto, Escoto… pakopya!!!”

nyahaha.. nagulantang ang buong klase dahil sobrang lakas ng boses nya, at halos di ko na matapos ung exam ko sa kakatawa… bistado na kung ano ang intention.. totoo talagang there is no such thing as slip of the tongue… kaya tama lang siguro na kasama sa ten commandments ang “thou shall not covet thy neighbor’s goods”

-lablots, glesy the great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

27 responses to “thou shall not covet thy neighbor’s goods…

  • kengkay

    hahaha, true lang naman ang sinabi nya e, kopyahan time yun nga lang na excite kaya na announce sa buong mundo😀

  • anakngpiso

    grabe!!!! it never fails me to make me laugh pag naaalala ko yan… sana kinalabit na lang nya ung titser ko at sinabing “ma’am nangongopya po ako” ahihihi

  • naglalambingnacute

    ahahaha!!! nakakatuwa naman yang bistuhan mo hahaha!!!

    pakopya??? nyahhaa😆

  • anakngpiso

    thanks sa pagbisita… ipopost ko sana ung picture ng kaibigan ko kaya lang baka magbawas siya ng friend pag nalaman nyang ginawa ko syang topic sa blog ko.. ahihi.. secret na lang natin un ha!!!

  • eloiski

    hahaha!
    pakopya! lintik na yan! hahaha!!!

    takot ako mangopya pag exams.
    pero pag quiz at sw at hw yan!
    oks na oks ako!

  • anakngpiso

    syempre sa una mejo katakot din mangopya pero pag sanay kana it fades with experience na rin.. nung high skul lang ako mahilig mangopya pero nung college mejo nag laylow na ako.. ahihi.. slamat nga pala sa pagbisita sa palasyo ko..;p glesy the great.. cheers..;p

  • jeniffer

    naku girl ako din gawain ko yan.. lalo na kung kapit na sa patalim.. hehe..
    pero diba masaya naman yung ganun?
    pag di ka dumaan sa ganyan eh parang di ka tao! :p

  • lhay

    kunyari kapa anak ng piaso, ikaw siguro yun..hehe

  • anakngpiso

    to jeniffer: oo naman!!! un ung thrill ng high school days… parang pag di mo naranasan na kumopya parang di tao, di hayop ka… ahihi.. salamat sa pagbisita… ;p

  • anakngpiso

    to lhay.. nyahaha.. nakakatawang experience kung ako nga yan.. pero thank God hindi ako yan!!!! pag ako nangongopya walang bistuhang nagaganap eh….;p

  • batopik

    nyahahaha!!! =P adik naman nun.
    nakakatakot kaya mangopya pag mga exam..
    pero pag mga homework ayus lang. nyahahahaha!!! =P

  • anakngpiso

    to batopik: ahihi parang isa kasi sa thrill ng pagiging estudyante ang pangongopya… kaya lang todo thrill ung nangyari sa kanya..;p

  • #004: Unang Tawa sa Umaga « Entries of a Bored Blogger

    […] I decided to roam around WordPress Tagalog, and saw a very funny entry. It was written by “AnakngPiso.” Once again, I was reminded of my highschool […]

  • anakngpiso

    to chico: grabe thanks… kinikilig tuloy ako kasi masaya pa lang maapreciate ng ibang tao ung mga pinagsususulat ko sa bahay palasyo ko.. thanks..;p glesy the great… cheers!!!

  • Chico

    Kapag natural ang pagsusulat at hindi naiipit sa mga naggigitgitang batas ng balarila at mapamunang mga mata ng mga kritiko, madalas nakikita ang mga masasayang kasaysayan ng ibat ibang tao.

    Aalalahanin mo ang karanasan mong ito, hanggang sa kakayanin ng iyong isipan, at hanggang isuko na lamang ng iyong pananaw sa buhay.

    Wag kang mapapagod magsulat😛
    Narito ako, magbabasa lang.

  • ak0it0

    ha..ha.. bigla ko naalala hayskul layf ko kasi kami din ng mga friendship ko dati may choreography tuwing exam…

    pero wala namang may blooper na tulad ng sa friend mo…tama bang mag-announce ng pangogopya?😆

  • anakngpiso

    to chico: huwaw… ang lalim nun to think na ilang taon ka nang wala sa pinas.. samintalang yung iba na isang taon lang di na marunong managalog ang sarap batukan..;p cheers-glesy the great

  • anakngpiso

    to akoito: walang duda ikaw nga yan.. dyok… tlagang choreo ha, bakit nag-aacrobatics ba kayo, yan ang di ko pa nakikita… nyahahaha… thanks sa pagbisita… cheers..;p glesy the great

  • gasti

    nagpanci na siguro..haha! nagmukhang bloopers tuloy ang pag eexam..yari sya sa prof.

    andami ko na ring technique na nakita sa kopyahan..kung ako ang prof wala ng makakalusot sakin..

  • ayyzzz

    hahahaha..

    naman!
    kakahiya naman yun..
    mas masaya talaga ang buhay hayzkul.
    ahahah..
    andaming kalokohan e..

  • vhincent

    napatawa mo ako dun ha! pagdating talga ng exam ang estudyante iba din kung dumiskarte … hehe sablay nga lang

    Hey just added you in our blogroll, sensya na po natagalan ata…

    anu nga ba prize ng entry? makapasyal nga ulet sa ating forum…

  • anakngpiso

    to gasti: desperate times calls for desperate measures… kaya expect na makakagawa ng bagong ways para makakopya mga estudyante ngaun.. ahihi cheers!!

  • anakngpiso

    to ayyzzz.. oo naman… iba pa rin ang kalokohan sa high school clean fun pa.. sa college may laman na ang kalokohan.. cheers!!!

  • anakngpiso

    to vhincent: nyahaha, nag panic attack yata yung friend kaya nagkaganun… may prize ba yun? wla naman atang inaannounce na winner eh.. cheers;p

  • nuel jose

    magandang idea yan.😆 tamang tama may exam ako mamaya. haha

    sana lang di ako mapasigaw..😀

    tama!!! dahil ang matalinong estudyante ay ang estudyanteng maingat!!! gudluk sa pagkopya!!! cheers!!!

  • utakmunggo

    eh pano kung ano yung nasa isip eh laging nabibigkas ng di sinasadya. haha

    moral lesson: wag nalang magsalita kung masama ang nasa isip… cheers!!!

  • potsquared

    shetness.. naaalala ko nung high school ako.. first time kong makitang mangopya ang valedictorian namin…

    kami naman ang style namin.. may kanya kanya kaming specialty subject.. sa akin ang math.. kapag scheduled exam.. mauuna ng mag-exam yung magaling sa subject na yun.. then gagawa na siya ng notes for the whole class to distibute during exam.. ang bad no.. pero kung ako naging teacher.. maiintindihan k oang mga studyante. kasi di lang naman sa exam natututo ang mga estudyante.. maraming ways para matuto sila.. kaya gusto kong maging teacher! kopyahan galore!

    cheers glesy! tagay mo!

    glesy the great: okay lang yun.. yan kaya ang kasiyahan ng buhay hi-skul noon… minsan gusto ko lang mangopya dahil gusto ko, kasi para may thrill… tama!!!! sana maging prof ka ng mga anak ko.. ahahaha… ang di kumopya, bagsak!!!! ayos!!! cheers….;p nasusuka ka na ba?

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: