sampung mga daliri, patay ang isa…(glesy the great hums sadly)

Naranasan mo na bang makanto yung hinliliit ng paa mo? Di mo gets? Para sa mga hinliliit ng mga taong wala pang kamuwang-muwang sa mga pader na maiitim ang budhi, eto ang description:

Habang naglalakad ka, pagliko mo sa kanto ng pader yung hinliliit ng paa mo nagcrash sa kanto ng dingding… ARAY!!! Napunit ata balat ko may Kkrrhh sound ata ah… (gawa-gawang sound effects)

Feeling mo yung limang daliri ng mga paa mo sabay-sabay minumura yung pader at ang boses mo ang soprano nila, kumbaga back-up singer mo lang sila…

Sobrang sakit nakasigaw ka na ng makukulay na words bago ka pa nakaaray at para dun sa mga makasalanan eh naviolate na ang 2nd commandment with flying colors..(Do not use the name of the Lord in vain)…

At sa sobrang sakit gusto mo ng lagyan ng “Accident Prone Area” sign yung pader para di na makasakit ng iba…

There may be reasons kung bakit nangyayari yan:

  1. may sariling lakad si pinky toe at ayaw makijamming nila papa big toe, mommy index toe, kuya middle toe, at ate 4th toe
  2. nag-lalaro ang family toes ng eeny , meeny , minnee, mo , at naburot si pinky toe
  3. parang luya ang daliri ng mga paa mo(each toes points to different coordinates)
  4. pinamamahayan ng engkanto ang pader na yun
  5. maraming namatay na kuko noong panahon ng hapon sa pader na yun at humihingi sila ng hustisya
  6. last but definitely not the least: may mga tao talagang TAN-GA at isa siguro ako dun

Kung di mo pa naeexperience yan… Bakit hindi mo itry…Just follow the instructions very carefully…

  1. lakad ka (or kaya takbo ka para mas swabe ang outcome)
  2. pag may kanto na ng pader ibangga mo ung paa mo just make sure na yung hinliliit mo mahihiwalay sa lahat ng daliri ng paa mo…
  3. importante ang accuracy, tantiyahin mong mabuti kasi baka pati kalahati ng katawan mo bumunggo sa pader at mabaldado ka pa (Observe safety precautions please)
  4. and just to make the experience more fulfilling bwelo ka muna then run with all your might para makatanggal hinliliit talaga…
  5. then REPEAT IF DESIRED!!!…

YOU CAN DO BETTER THAN THIS.. BE CREATIVE AND TRY YOUR OWN VERSION. . . hahaha

Caution: Stop if feeling of numbness occurs… If symptoms persists consult your doctor… uto-uto ka eh

Lablots, glesy the great.. cheers!!!

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

39 responses to “sampung mga daliri, patay ang isa…(glesy the great hums sadly)

  • naglalambingnacute

    nyahahaha😆

    sadyang may mga taong TAN-GA😆

    sakit yun glesy.. patay naba si pinky toe?😀

  • batopik

    waaaaaaaaah! me ganun? kawawang pader. nyahaha!!!

  • Chico

    Your blog entry today, reminded me of one short film entry submitted during Pangea Day celebration. If you have the chance to watch it, and if your computer speed allows it, check it out:

    http://www.pangeaday.org/filmDetail.php?id=4

    Sad.

  • anakngpiso

    to naglalambingnacute: si pinky toe? nagpapahinga na ulet sya, natrauma na ata..;p

  • anakngpiso

    to batopik: nyahaha.. i thought you were my friend.. sa pader daw ba maawa!!!! ahihii.. glesy the great..cheers;p

  • anakngpiso

    to chico: i watched the film… sad! and the fact na dancing queen ang title.. thanks for informing me.. pero bakit ganun, paano mo nasabing it reminds you of my blog entry today? cheers, glesy the great;p

  • eloiski

    hahaha!
    mas nakakaawa ang nangyari sa middle toe ko.
    Akalain mo yun nahulugan ba naman ng lata. Hindi lang lata ah. May laman na lata. At hindi lang basta lata na may laman kundi malaking latang may laman.
    sakiiit!

  • anakngpiso

    to eloiski:

    so di lang pala mga pader ang may maitim na budhi pati na rin pala ang mga latang may laman na lata…

    in memory of your middle toe, we will miss her!!! may she rest in piece… cheers!! glesy the great…

  • eloiski

    ay di pa sya dedbol!

    going strong pa rin tol!

    hahaha!!!

  • anakngpiso

    to eloiski: aba aba aba.. ang tibay ng middle toe mo ah.. san ba gawa yan? sa narra? at least di kinyang puksain ng latang may lamang lata yung middle toe mo…

    moral lesson: di nagwawagi ang kasamaan!!!! nyahahaha… cheers.. glesy the great;p

  • Bombero King

    ouch..!
    ayoko i-try..!
    sagana na ako sa sakit..!
    ayoko na dagdagan pa..!
    anyway..,
    salamat sa pag bisita sa BOMBA!!!…
    i linked you pala..!
    sumbong ako sa iyo parati kapag…
    sad ako ha..!
    buti naman at…
    may nag offer nang…
    shoulders to cry on..!🙂

  • fralaleigh

    wowoo!! astig ng post muh ah! nakakaiyak!
    but there’s one thing about you that caught my attention…
    GLESY b nym mo?
    kla ko kilala mo ako, at gumawa ka pa ng post pra skin,
    kc….
    wanna know me?
    my name is GLECY….

  • anakngpiso

    to fralaleigh: kaya nga ako napatigil sa blog mo eh kasi magkatukayo tayo.. yep, glesy is the name.. yours truly… ahihihi… cheers glesy the great;p

  • anakngpiso

    to bombero king: syur!!! punta ka lang dito sa bahay palasyo ko pag meron kang di bate!!!
    away natin sila… basta wag mo lang ako sisingahan ha… cheers!!! glesy the great;p

  • fralaleigh

    ou ba ou ba… ayos k. nakakatuwa k nmn!
    nga pla, nym ko ay GLECY
    “s” sau, “c” skin!!!
    naka-link ka na nga sakin eh!

  • anakngpiso

    gusto ko glesy ka sa blogroll ko kahit gawin mo rin akong glecy sa blogroll mo… ahihihi.. nakakatuwa ba ako? ganito talaga kaming mga cute.. tayo pala, mga glesy kasi cute eh.. nyahaha.. cheers

  • fralaleigh

    oy, may “the great” kya!
    sige!
    nxt tym uli!

  • kengkay

    hahaha, great tips! kawawa naman si pinky toe.

  • anakngpiso

    to kengkay: bakit itrtry mo ate kengkay.. bilhan mo na ng helmet ung hinliliit mo… honga eh, wawa naman siya… kaya kayong lahat beware sa mga pader na maiitim ang budhi.. ;p cheers… glesy the great:p

  • barquera

    kaloka ang post.. gaano ba kalapad ang paa mo at di naiwasn sumagi sa pader. hahaha..

  • anakngpiso

    to barquera: nyahaha.. masyado akong nababastos sa sarili kong bahay, sabihan ba naman ako ng malapad ang paa!!!!

    hindi nman siya kasinglapad ng pader!!! sa huling sukat ko kasya pa naman siya sa tsinelas ko.. ahaha.. cheers!!! glesy the great;p

  • lhay

    nakanang… pati mga daliri sa paa..hindi pinatawad eh..nyemas! lols..
    Masarap gawin yan pag bagong pedicure..try mo…

  • anakngpiso

    to lhay: nyahaha, kakaiba ba? may pagka anti-anesthesia ba ang dating ng pedicure sa paa… di ko na kaya baka matuluyan na si pinky toe eh.. di na ako makakapagslippers nyan!! dyahe hahaha… cheers!!! glesy the great;p

  • taps

    ramdam ko ang sakit habang binabasa ko ang entry mo…

    talaga? bigay ko sayo yung sakit, ok lang? ahihi.. dyok..

  • pusa

    meow meow nyahahahah kaaliw naman ang blog mo!

    arf.. arf… talaga? ikaw din nakakaaliw kasi ang seksi mo… ahihihi… padalaw ulet sa blog mo ha.. cheers!!!

  • Marc

    I loved this post. Sobrang makaka-relate ang tao. Btw. Thanks for the comment. I’ll add you pow in my roll! take care!

    sige add din kita… talaga love mo? o sige love na rin kita nyahaha… marami talagang makakarelate, kasi maraming tan-ga sa mundo, burot naman ako kung ako lang… di ba?cheers!!!

  • fralaleigh

    oy,,,
    haha!
    kamusta ka, katukayo?

    uy din glecy…. heto.. kahapon seksi, ngaun super seksi na.. nyahaha.. daan ako sa blog mo maya… kurutan tayo dun…cheers!!!

  • Vera

    anubeh! ahaha.

    nangyari na sakin yan.. kaninang umaga lang
    nadisgrasya ko ang hinliliit ko sa paa.

    chaka nung isang beses na nag galing galingan
    ako sa pagpaparkour… nagparkour habang lasing.
    ayan. mga isang buwan na yun at masakit padin
    ang hinlalaki ko sa paa.
    huwaw… di ka na nahabag sa paa mo.. mukhang iniisa-isa mo silang torturin ah,… paalam mo sa akin pag patay na silang lahat, isa-isa ako aattend sa lamay nila… isang tanda ng pakikiramay.. nyahaha…. cheers!!!;p

  • katcarneo

    aray, nangyari na rin sakin to….at ilang beses na, sabi ko na nga ba, nagkukumpirma ito na tanga nga ako.

    wag kang alala.. dumadami na ang angkan natin.. pwede na nating sakupin ang mundo…

  • potsquared

    i know the feeling glessy… hihihi

    yeah!!! may kasibihan tayong kung walang knowledge walang power.. nyahaha!!!

  • utakmunggo

    araguy! i know the feeling ng lalampa-lampa. hindi lang luya ang mga toes ko, flat pa ang mismong paa ko. kumbaga, they touch the ground at ALL points. hahaha

    at wag ko nalang i-mention na tanga rin ako dahil masakit sa ego. haha

    talagang all caps na araguy!!! nyahaha, parang gusto kong iengrave yung paa mo, ang kyut… nyahaha.. patag ba? okay lang na wag mo na sabihin, tutal gets na namin yun.. ahaha.. cheers!!!;p

  • ziemom

    hanep di man lang humaging sa isipan ko ang mga dahilan mo, kung nalaman ko man lang sana ang mga ito di ko na sana pinagalitan ang hinliliit kong nag durugo ang puso sa sobrang sakit at sa mga sermong kong walang tigil…lolz.

    salamat po sa pagbisita sa websytkongalangkwenta.
    kisses from MANONG DRIVER!!!
    kawawa naman ang hinliliit mong nagdurugo… at least ngayon alam mo na ang resasons… syur.. kaya lang nakalimutan ko na kung anong url ng website mo.. sana naglagay ka man lang ng wordpress mong site dito.. para napadalas pa ako…;p

  • fonse.

    haha pinag isipan talaga ang mga dahilan. suot ka ng “slippers” para medyo na co-contract yung hinliliit para sama-sama silang lima (normal toe count) at tsaka medyo naka tago din minsan yung hinliliit kung naka slippers kaya hindi sya mahihiwalay sa iba. Kapag flip-flops kasi eh exposed yung hinliliit

    siyempre!!! sa dami na ng nabiktima ng insidente na yan, dapat lang na malaman ang mga important facts…. at normal toe count naman ang paa ko, hindi dahil onse ako kaya laging nakakanto yung paa ko…

  • BADoy

    ako di lang ako nakantuhan… natanggal pa yung one fourth na kuko ko sa hinlalaki… dumanak ang dugo sa kwarto! hehehe! buti na lang kulay blue ang kulay ng dugo ko ROYAL BLOOD… hahah!

    aray, ouch, aguy, ang sakit, inaykopo!!!! grabe… nagkatawang hayop na siguro ako pag sakin ngyari yan.. ahehe.. cheers!!!!

  • mayui

    “repeat if desired”
    ahaha.. panalo!

    buti di pa nangyayari sa ‘kin ‘to.. scary!!

    dadating ang araw.. mararamdaman mo rin yan…. kaya iexercise mo na yang hinliliit mo… try mo muna sa libro.. nyahahaha.. cheers!!!! salamat sa pagdaan sa bahay ko, you’re always welcome here…

  • ak0it0

    ha..ha..yaan mo pag sobrang nabagot na ko sa buhay gagawin ko yung suggestion mo for a change he..he..

    nyahahaha.. asahan ko yan ha… cheers;p

  • fralaleigh

    kw tlaga!
    post k uli ng bgo!
    ung nakakatuwa uli huh?

    pasensya na kung di ako araw-araw nagpopost ha… kasi tuwing weekends lang ako may time na magcompose ng ilalagay dito… weekdays, puro basa lang ng comments ang naisisingit ko, kung sweswertehin nakakabasa din ng ibang blogs pero ang magsulat di ko pa kaya till weekends na lang yun ulet..;p syur i’ll try my best.. cheers!!!

  • Aling Baby

    “maraming namatay na kuko noong panahon ng hapon sa pader na yun at humihingi sila ng hustisya ” —haha dito talaga ako natawa eh😆 ang kulit at ang wild ng imagination mo. siguro habang sinusulat mo ‘to, nawala na ang sakit ng daliri mo hehe..

    thanks nga pala sa pagbisita sa blog mo…ako din bumisita.🙂

  • dzerom

    nice site… kaya inaadd kita sa link.. submit mo para mafeatured ko blog mo.ty.

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: