i’m so proud of Pepe

Kung nabasa niyo na ang page kong “Ako ang Bida dito” alam niyong mahilig akong rumaket noong nag-aaral pa ako… at eto ang isa sa pinagkakitaan ko, malaki ang binayad sakin pero wala akong ginastos ni papel.. kagaguhan talent ko lang ang puhunan ko dito… Gumawa daw ako ng parang essay about Rizal… medyo nirevise ko na yung iba dyan para maging blog friendly pero yan ang gist ng ginawa ko… medyo mahaba rin pero as a Filipino kelangan mong basahin to hanggang matapos…cheers!!-glesy the great;p

Paano kung bumangon si Rizal ngaun sa Luneta, ano kayang reaction niya? Astigin, nakakapagpalobo ng tiyan di ba?.. Mantakin niyo naman:

ilang bangko, paaaralan at kalye ang ipinangalan sayo;

ilang kanta, jokes at tula na ang binanggit ang pangalan mo;

ilang bata ang bininyagan ni Father Priest nang pangalang Jose, tapos paglaki ang nickname ay-Joe? (dyahe naman daw kasi ang Pepe eh);

pinagkagastusan ng milyon ang self-titled na istorya ng buhay mo para lang ipalabas sa big screen;

three units (rizal course) ang katumbas ng buhay mo para sa mga estudyante, para pag-aralan lahat ng ginawa mo mula noong first uha-uha mo hanggang sa pagsigaw ng fuego nung ipafiring squad ka sa bagumbayan (na ikinayaman na siguro ni Zaide sa pagsusulat ng life story mo);

ilang bus na ang pumarada sa tapat ng bahay niyo kasi favorite field trip site ng maraming mababang paaralan, academy’s, college at unibersidad alike;

yung balon niyo sa bahay ginawang wishing well at sa dami ng pisong inihulog dun pwede ka ng magbukas ng bank account (pambayad kay blumentritt!!)..

tapos ang mukha mo nakaukit sa pinakakalat ng sirkulasyon ng pera sa pilipinas; ANG PISO!! (kahit side view lang, super cover ka naman)..

Pero ano kayang pwedeng mangyari kung mabuhay ngayon si Rizal?

Scenario 1:

Kung buhay si Rizal ngayon kayang-kaya niyang manalo sa halalan… kahit ilang Joseph Estrada at Fernando Poe Jr., pa kalaban niya, kahit ilang GMA pa ang tumawag sa Comelec Commissioner para mag-hello ng 100x at kahit ilang snap election pa ang ipatawag ng kahit na ilang Ferdinand Marcos, siya pa rin ang mananalo (may dagdag-bawas man o wala)… Wala pa ring batbat ang action star effect ni Erap sa boy-next-door appeal ni Pepe… Wala pa ring batbat ang ating small but terrible na president na si GMA sa Small, Lovable, and Talented nating National Hero… Wala pa ring batbat ang mala-karinyosa effect ng first lady ni Marcos (Imelda Marcos) sa International set of kasintahan’s at kalandian ni Rizal… At mas lalong walang batbat ang Panday ni FPJ sa mala-Matrix na firing squad ni Rizal sa Bagumbayan…

Sabihin na nating naging presidente si Rizal, malamang siya naman ang may Hello Garci tape at kasalukuyang may Impeachment Case (Pepe resign o Patalsikin si Pepe?)… Ang tragic!!! Erase, Erase, Erase…

Scenario 2:

Kung mala illustrado pa rin ang katayuan niya sa buhay di malayong mangyari na bihag siya ng Abu Sayaff at pinagtatangkaang pugutan ng ulo (Ano pepe? firing squad na lang?) o kaya kung may pagkarebelde pa rin siya, kasali siya sa NPA or MILF (hmmmmm… Ka Jose?)… Isa rin siya sa mga nagpapasabog ng LRT at mga malls na may mahabang balbas at laging may nakapulupot na scarf sa leeg (sushal)… Hala!!! parang di na “National Hero” kung hindi “Public Enemy Number One” na ang dating… Erase, Erase, Erase…

Scenario 3:

Pero sigurado hindi siya magiging pulitiko, dahil pwede ring maging aktibista siya ngayon… Magiging magbest of friends siguro sila ni Randy David. Isa siya sa mga nagrarally sa Sandiganbayan o kaya sa harap ng Malacañang at sumisigaw habang sinisiga ang mga pictures ng mga gov’t officials.. iyon eh kung nakaligtas siya kay Marcos pagkatapos niyang magsulat ng mala-la solidaridad na diyaryo… Ilang La liga filipina na siguro natayo niya… 22 volume (mala-encyclopedia) na siguro ang noli me tangere at el filibusterismo, na 30% off discount kung may “Laking National” ka basta nagpareserve ka lang in-advance… Trilogy na siguro ang Jose Rizal the Movie o kaya kung medyo maraming raket at sumide-line side line pa si Rizal, patibayan siguro sila ng Star Wars (abot batok siguro ngiti ng GMA films)… ay masyadong showbiz ang dating.. Erase, Erase, Erase…

Scenario 4:

Siguro kung reality wise ang pag-uusapan isa rin siya sa mga ordinaryong mamamayan na umaangal sa presyo ng pasahe at gasolina, tubig at kuryente, bigas at galunggong… Siguro isa rin siya sa mga nagca-call center tutal madami naman siyang alam na languages… Siguro isa rin siya sa mga OFW na nagpapasok ng pera dahil sa mga remittances… Siguro isa rin siya sa mga doktor na kumukuha ng nursing ngayon para lang makaalis ng Pilipinas.. o kung mamalasin, isa siya sa 2006 board passers, tutal taga-uste naman siya, malamang isa siya sa mga sumisigaw ng RETAKE!!!! RETAKE!!!! (MAAARI!!!),

Lahat siguro yan nagawa na ni Rizal, pero katulad ng nangyari noong 1986 mamamatay siyang walang nangyari sa Pilipinas.. Kung babasahin mo uli yung sinulat ko. sa palagay mo ba masaya si Rizal ngayon? malamang Hindi… Malulungkot siya siguro na sa ilalin ng pangalan niya ay may nakalagay na “Pambansang Bayani ng Pilipinas” pero ganito naman ang nangyayari sa Perlas ng Silangan niya… kung hihingi ng signature Bangko Sentral ng Pilipinas para sa one peso denomination baka tumanggi pa siya (pero kung ako yun, payag ako..sikat eh!!). Dahil ang totoo, minsan kahit gaano mo gustong magbago ang paligid mo pero iisa ka lang na nag-iisp ng matino, iisipin mo na lang na unahin mo na lang muna sarili mo… Dahil ang totoo, kahit ilang dekada na ang dumaan still alive and kicking pa rin ang “Social Cancer” na matagal ng gustong ipagduldulan ni Rizal sa utak ng mga Pinoy… Nakakalungkot di ba? Pero yun ang totoo… Bow…. Tchaikovsky (background song!!!)

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

18 responses to “i’m so proud of Pepe

  • mayui

    idol ko yang si Rizal!! ahaha..
    sa tingin ko kung buhay siya ngayon, para siyang si ninoy aquino, mayaman pero lumalaban sa gobyerno. atenista yang si Rizal di ba? pero di siya magiging conyo. dadaanin niya sa diplomasya ang lahat! ahaha.. obvious bang idol ko?
    pero kung ngayon nabubuhay yang si Rizal, malamang nga di siya masaya.. at malamang di siya national hero.

    hindi, slight lang halata… sana nga di sya pa conyo effect kasi galit ako sa taong masyadong mataas ang ihi.. cheers

  • taps

    kung buhay si rizal, malamang may kumakalat na rin syang scandal.

    At pag nangyari yun, hahantingin sya ni supremo. O mas malala, sila ni bonifacio ang nasa scandal. M2m.

    nyahahaha.. scenarion # 5 ba ito? humahaliparot si pepe?

  • utakmunggo

    kung buhay si rizal, malamang magpapabaril na lang ulet siya sa sobrang disappointment sa bayan.

    i still remember my very first book on rizal. greyd three or four yata ako non. may mga drowings pa. at dun ko rin natutunan yung tungkol sa kwento ng alitaptap na napaso sa liwanag ng gasera ni rizal.😀

    nyahehe… ibang version pa ata ung pirstaym kung mabasa yang kwentong gasera and the moth, pinajeproks yung dating ng kwento… ahahaha…cheers!!!

  • ninong

    salamat sa pagdaan sa blog ko. hehe. kahit medyo wala nang update yun. hehe. semi-retirement. hehe. pero babalik din ako.

    malamang kung nabuhay si Rizal ngayon nasa scenario 1, 2, 3 at 4 sya. Hilig nya magmultitasking…. gusto nya kasi kunin lahat.

    may punto ka jan… halatang papansin eh noh?(dyok hehehe)
    tandaan mo!!! wag kang mawawala sa blogsphere.. kung totoo ngang minsan ng namayagpag ang blog mo sa mundo ng blogging, wag mong hayaang maging those days na lang yun.. amen? amen!!!

  • kengkay

    kung buhay pa si rizal hindi ko dapat pinaglamayang sauluhin ang kanyang last farewell, hehehe. at baka kapitbahay ko sya dito sa alemanya😀

    honga!!! pinakabisado din samin yan!!!… nice, baka nakita mo rin yung mga latest kulasisi ni rizal

  • ziemom

    kung realidad ang usapan, naku baka patay na si rizal ngayon..db???? langya pag buhay pa siya sa panahon natin ngayon naku super tanda na niya at kaya pa kaya niyang????
    sumabay sa pagsayaw ng hip-hop
    o kumanta ng rap
    o kaya makipagsabayan sa mga baliktot na dila ng mga coÑo
    ang magtoma hanggang umaga
    o kaya magsuot ng bling-bling
    magpatatoo sa katawan o kaya body piercing???
    o kaya mag gym araw-araw para lumaki ang muscles
    ……..
    PARANG ANG PANGIT I-IMAGINE,noh???
    kaya nga namatay na lang siya sa bayan kasi di nya care ang uso ngayon.
    Parang ang pangit tawagin na PEPE, the ROCKER!!! JOSE the MIGHTY!!!
    ……….
    sige na nga usapang matino, ang mga pangyayari ay hindi na dapat ungkatin pa dahil ang bawat pangyayari ay may katumbas na dahilan. at ang bawat dahilan ay may mga rason, at ang bawat rason ay may dahilan…Parang di pa rin matino db?
    ………
    basta kung buhay pa siya ngayon naku ang galing ng agimat niya ha at umabot pa siya sa time natin..natalo pa ang agimat ng lolo ko sa lolo…bwahahaha!!!

    kisses from MANONG DRIVER!

    http://www.istoryaniandeng.wordpress.com
    http://www.marchanazie.wordpress.com

    hugs and kisses din, salamat naman at nag-iwan ka na ng link… nyahahaha. ok lang kung walang serious mode yung theme ng comment mo sakin… you can be as outrageous as you want and it will only amuse me!!!

  • Marc

    Malamang kung buhay pa si Rizal ay walang pelikula si Albert Martinez at Cesar Montano. Di sila sisikat dahil siguradong mala-Pacquiao ang dating ni Rizal dahil na rin sa dami niyang gustong gawin ay sya ang sikat ngayun sa Pinas.

    yeah, kumare nya siguro si GMA!!!

  • eloiski

    weeeeeeee!
    i labyu rizal!
    wapak!

    idol ko talaga siya!
    kaya nga kahit gaano kahaba yung minememorize ko na anything about him, nikakaya ko, kasi gusto ko!
    as in gusto ko!
    pinagtyagaan ko yaong mga libro niya na espanyoles na hindi ko naman maintindihan pero okey lang, lab ko siya eh!

    hayuf sa life story!
    walang makakatumbas nito!
    swear!
    kaya ang grade ko sa subj nya ay ayun mataas din
    kasi lab ko sya eh!

    wapaak!!!
    yung prof ko pa dito parang pinanganak na marunong magmura…

  • MC

    kung buhay si Rizal ngayon,malamang may blog din siya sa wordpress.. lol

    di na sana nya kelangan pang mangutang kay blumentritt para lang maprint yung gusto nyang sabihin… siguro makikinet na lang siya kay blumentritt!!!

  • lhay

    Tingin ko kung buhay si Pepe ngayun.. malamang isa sya sa naaakit na bumili na kumakalat na scandals nayun.. jokeness!

    nyehehe.. siguro nga kasi mejo maldito siya

  • potsquared

    naku.. kung buhay lang si rizal.. na high blood na rin siya sa dami ng kunsumisyon na kinahaharap niya… apektado rin kaya siya ng mga tax? may tax evasion case rin kaya siya tulad ni juday… pero bilib pa rin ako sa kanya.. idolz!

    kung si bonifacio pa siguro malamang may tax evasion siya.. malamang sa harap pa siya ng BIR magpupunit ng sedula ahahaha

  • Kat Carneo

    aba, maganda ito. bilang isang may pagka adik kay Rizal, gusto ko itong ginawa mo.

    nga pala, tinag kita dito: http://katcarneo.wordpress.com/2008/09/25/name-tag/

    hala dalawa na yung tag ko!!! meron na akong ipopost para dito sa topic na to, pero di pa complete…. mapipilitan tuloy akong tapusin na siya.. pero thanks sa pagpili sakin…;p

  • lei

    galing galing naman, wala ako masabe. pero uyy… kilala ko si Zaide. leche un, mali-mali ung ibang nakasulat sa libro. lasing yta sya nung panahong nagsusulat sya nun. haha.

    anyway, 22o ung sinabi mo, sa dami ng kabalastugan ng mga pinoy ngaun, sa loob man o sa labas ng pinas.. eh paniguradong di masaya ang mga bayani naten. including na syempre si rizal na dakilang babaero. haha. lakas ng appeal eh. pero isa lang masasabi ko, kung buhay pa si Rizal sa ngayon malamang magkalaban sila ni Bob Ong sa kung sino ang mas may mabentang libro. nako. hirap nun.
    salamat… ahehehe… gusto mo rin si bob ong? ako rin!!!! kaya lang pansin ko habang tumatagal parang nawawalan na siya ng mga pick-up lines… pero magaling pa rin siya

  • BURAOT

    nakanaks! me pa Tchaikovsky Tchaikovsky ka pa ha? heheheh.
    pag bumangon si Rizal, malamang me blog na yun ngayon.

    tyempre, para may add effects…. wag naman sana puro emo yung nakapost sa blog niya

  • fonse.

    hindi ko tanggap na national hero ng pilipinas si rizal…ngunit, kung buhay sya ngayon, tama nga si BURAOT, may blog na sya ngayon. pa blog-blog nalang si JR at ang slogan ng blog nya ay… “sorry, hindi pala kabataan ang pag-asa ng bayan”

    nyahaha…. i am sorry? parang gma lang ah….

  • Rhapsody

    kung buhay si pepe, im sure maning-mani ung bilang ng chicks niya at mas madaming chikababes pa ang nahumaling sa kanya. anywhoo, thanks sa pagbisita at pagkumento sa blog ko… napangasiwaan (whew!) ko na.😀

  • JOHN CENA

    DEAD DAEADDEAD DAEADDEAD DAEADDEAD DAEADDEAD DAEADDEAD DAEADDEAD DAEAD

  • inocentengmalisyosa

    sabi bakla daw si rizal? uyy chismaxx lang yan huh…. pero kung buhay pa si pepe, malamang ay nakutusan na nia ang mga naging adik adikang mga tinuringan niang “pag-asa ng bayan”…. cguro ay namatay pa rin siya agad sa hayblad sa kunsumisyon ng ating bayan.. o kaya nasa loob siya ng mandaluyong at nakikibatopik sa mga mei sayad duon…. lololss

    Glesy the great: hala ang dalahira… ahaha.. matagal ng patay si rizal may the buzz pa rin? ung buhay pa siya hanggang ngayon pinagulong nya siguro yung mga rugby boys sa luneta.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: