i am____ in other names

pirstaym kong ma-tag kaya question mark ang buko brain juice ko kung anong gagawin… akala ko babasahin ko lang siya tapos magcocomment ka then dedma na… alam nyo ba kung anong ginawa ko? nakiramdam ako sa mga taong tulad ko ay na-tag din ni lambing, parang “monkey see monkey do” ang drama… at ang kinopyahan kong unggoy ay si potpot, kaya ang manggagayang unggoy eh kumopya na (well, unggoy-ungguyan na ang laro)… mejo napaisip ako dito kasi ganito ang Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know theyfve <– (sabi ng bolang krystal ko they’ve ang basa neto) been tagged.

in other words, tagalugin mo lang yung rules parehas din yun…

  1. glesy- siyempre ang genuine article kong pangalan… tawag sakin ng mga taong tinatawag ako… magulo? okay lang yan, great minds think alike.. kung nagets mo, well magka-intellectual frequency tayo (siguro below average ka rin.. dyok)
  2. gleysi- tawag sakin dito sa bahay… pina-haliparot na version ng pangalan ko…
  3. glisi (patigasin nyo ang glesy, it’s GLISI)- tawag sakin ng mga bisaya (isama mo na ang tatay ko).. ewan ko ba kung bakit pumayag ang tatay kong glesy ang pangalan ko kahit di naman niya mapronounce ng tama.. siguro nagpractice din siya (Exhibit A: di totoo ang “practice makes perfect”).. once, tinry nyang ipronounce yung gleysi, ayun kulang pa ng pampalapot ng laway (Exhibit B: I therefore conclude, practice doesn’t makes you perfect it only makes you pirated)…
  4. Glisirya- tawag ng nanay ko sakin kapag abot tuhod na ang pangil niya sa sobrang galit na ang kasunod ay abot singit kong takot sakanya…
  5. Pulis Kalawakan- tawag sakin nung CAT namin kasi iba yung kulay ng fatigue pants ko, kitang-kita pag nakapila kami (spot the difference)… para daw akong si “shaider ang pulis kalawakan”
  6. Rodadora, Prodadrora, Pobabora and many to mention- tawag sakin ng illiterate kong prof depende kung anong trip nyang apelyido ko sa araw na yun (flavor of the day)… hindi ko na alam kung anong font na All Caps ang gagamitin ko para lang mabasa niya, pero parang may double strikethrough parin yung penmanship ko pag siya na ang nagbabasa…
  7. Bombay- tawag ng classmate ko sakin dati, para daw kasi akong bombay kung maningil para sa group collection (when it comes to money, i don’t do monkey business<—pansin nyo? monkey is the word of the day)…
  8. Glesy the great- kasi i’m the great, not “the best” but “the great”…
  9. Sexy- well!!! do i need to say more? nyahaha… pero di ako naniniwala.. siguro kasi rhyming sila ng pangalan ko… glesy:sexy (repeat ten times, tapos mejo lakasan mo para marinig ng iba, tapos pagkalat mo sa iba, tapos itxt mo sa lahat ng tao sa phonebook mo sabihin mo txt it to all the person they know or else di na naten sila bate.. galet natin sila.. di natin sila pansin.. hmph kala nila, tapos ivideo mo sarili mo habang walang hingahan mong sinasabi ang glesy:sexy habang kumekendeng-kendeng ka, tapos ilagay mo sa youtube, tapos sisikat ka, tapos punta ka wowowee, tapos sabihin mo glesy:sexy while dancing to the tune of igiling mo,) –glesy’s dummy guide towards stardom… kulang lang sa tulog to…

wala na akong maisip, actually meron pa pero papatay muna ako bago ko ilagay dito sa blog ko… alam kong not following instruction ako, pero sakit ko na talaga mula pagkabata ang di sumunod sa instructions…

 

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

17 responses to “i am____ in other names

  • potsquared

    bakit naman ako mapipikon sa ganiotng entry glessy… kakaaliw! the great ka talaga! superb! bravo!! bombay ka pala noon… nakamotor ka rin ba?? hihihi

    glesy the great: uy salamat… sana di mo ako binobola kasi kinikilig yung appendix ko pag nakakabasa ako ng compliments… buti naman at naaaliw ka tulad ng pagkaaliw ko sayo…

    di ako nakamotor.. nakabaging lang ako… cheers!!!

  • Tagged #001: My Good Names « Entries of a Bored Blogger

    […] I just got tagged by my blog friend (glessy). She asked me to enumerate the names I have been called. Below is the […]

    glesy the great: salamat naman at pinagbigyan mo ang kapritso ko.. slamat cheers..;p

  • naglalambingnacute

    yeeey!!! magaling magaling!!! super nakaka aliw ang pag kasulat mo GLESI nyaahhaaha nakakarelate ako kasi mga bisaya tawag din sa na name ko ADIL =) good job glesy pa kiss mwaaah!😉

    glesy the great nyahaha… so may bisaya version din ang pangalan mo… thanks sa compliment… kinikilig na naman appendix ko…

  • bernardumali

    pwede ka ring tawaging glossy; cool and smooth ang artik mo ; )

    glesy the great: glossy? meron ring tumawag sakin nyan.. pero once lang ahehehe.. salamat sa pagdalaw dito sa blog ko.. cheers

  • karmi

    glisi!

    siguro pwede ring tawag sau yan kapag talaga galit o di kaya nagmamadali ung tao. hehehe..🙂

    un eh.. sexy.. wooot! ^^,

    glesy the great: oo sexy, wala ng aangal..ahehehe.. cheers

  • lei

    glisi? jusko. haha. konting practice na lang makukuha din yan. maniwala ka sa tatay mo. haha. nagulat ako dun sa bumbay, akala ko amoy bumbay ka eh. joke! e di pwedeng pwede ka pla sa mga paluwagan.🙂

    glesy the great: huling amoy ko sa kili-kili ko amoy tao pa naman at hindi amoy bangkay… hehe.. di ako sumasali sa paluwagan… naiinip ako, gusto ko hawak ko yung pera ko.. saka dumadami lang kaaway ko kasi yung iba di nagbabayad.. cheers…

  • taps

    ati glisi.

    hehe cute.

    glesy the great: huwag mo akong inaate…. kakagatin kita!!!! ahehehe

  • lhay

    weeee.. ni tag ka din ba? buwahahaha..ako bka di makasunod! nsa akin na ang stop over…hehe..

    glesy the great: hala!!! gawa ka din.. heto masyadong pasaway

  • FerBert

    first tag mo? cograts paburger ka naman.. burger burger

    glesy the great: yep first tag ko.. bagito lang din ako sa pagbloblog eh… sorry bawal magwithdraw sa wallet ko ngayon eh.. tagtuyot ang inyong lingkod

  • utakmunggo

    tutal, sinama mo na rin ang mga bisaya, aside sa glisi eh pwede ring glese. hehe.. alam mo naman kaming mga bisaya, sometimes malambut and sometimes mategas.😀

    glesy the great: nyahaha… sanay na ako sa pabago-bagong timpla ng dila niyo…. sa buong buhay ko parang musika na lang sa pandinig ko… at mahal ko ang mga bisaya!!!! cheers

  • Caption This #001: Reproductive Health « Entries of a Bored Blogger

    […] deserve that word “talunan“), Defpotec (matagal tagal na rin tayong hindi nagkikita), AnakNgPiso (sa aking masugid na tagasubaybay), Jovi (kung nasaan ka man), at lahat ng aking nasa […]

    glesy the great: hala may tag na naman.. yabit ako!!!! cheers…

  • bloom

    hahahhaha! omg. ang daming names! gusto ko nyan! aantayin ko yung tag na makarating sakin! hahahaha.. teng, di pa ko RN. soon pa lang. to be ba.. :)) hahahaha! kaya nga boboards ako sa november eh🙂

    glesy the great: uy gudluck… yakang-yaka yan!!! kaya nga winewelcome na kita… actually nahirapan pa nga akong umisip ng mga names… di nman kasi ako yung taong maraming alyas.. cheers!!!

  • kirksydney

    Tagatagtagtag. Tamad ako sa mga ganyan, may mga utang pa nga akong tags, kaya ngayon pa lang inuunahan na kita, wag mo kong itatag.😆

    glesy the great: wag ka alala.. nxt time na may mag-tag sakin kaw ang nasa first priority list ko… ahehe.. dyok

  • joshmarie

    natawa ako sa pulsi pangkalawakan…🙂

    glesy the great: yung classmate kong alien yung nagpauso nyan eh… bakit parang kakaiba daw yung fatigue pants ko.. epal talaga..cheers!!!

  • eloiski

    wahahaha. ang dami mo namang names. at ang kukulit pa. wapak!
    ako medyo marami din akong katawagan o alias pero sikwet na lang muna iyon!
    hahaha!

    glesy the great: di naman.. sa totoong buhay hindi ako nakukulitan sa mga names na iba jan.. naiinis pa kamo… lalo na yung bumbay… kararating ko pa lang sasabihan na ako ng kagrup ko ng “bumbay andito ka na pala” ayun tinawag ko naman siyang gardo versosa aka machete.. ahaha

  • kengkay

    glisi, hehehe. meron ako dating boypren ang tawag ko sa kanya e ‘istep-in’ kasi galing sya bacolod tapos stefen ang pangalan nya, kyut naman di ba, hahaha

    glesy the great: honga…. uy istep-in kumain ka na ba? ahaha BAGAY!!!! cheers…

  • gmacomics

    bombay?! hahaha. sana lang wag amoy bombay? hehehehe.
    pero the best ung sexy, at glesy the great!

    glesy the great: di naman, kahit di ako nagdedeodorant walang amoy kilikili ko… cheers!!!;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: