mangarag ka hanggang gusto mo…

right after ng board di mo muna naiisip yang result-result ng test na yan…

  • enjoy na enjoy mo ang round the clock sleeping marathon mo (parang may pabrika ng organically synthesized sleeping pills na 24/7 on business ang katawan mo)… na kahit hipan ka lang ng katabi mo, nasa sleeping spell ka na kaagad… na mas malutong ka na sa chicharon kung humilik… na tipong pag gising ka, di na marunong kumurap yung mata mo dahil over-used na sa kakapikit… na tipong mainstay ng may muta sa mata mo… na tipong patag na yung ulo mo at hindi na kurba dahil sa kakameme mo… eto yung mga times na at risk ka na sa skin ulcer dahil mas matinik ka pa sa butiki kung tumihaya…
  • tapos araw-araw mo pang niraraid laman ng ref nyo… mejo guilty ka na sa pagkagluttony dahil para kang daga na laging may nginangatngat… na tipong mas marami pang kargada ng pagkain ang tiyan mo kesa sa frigider nyo… na kaya halos mejo humahabol na ang pi x r2 (formula ng circle area dahil bumibilog ka na) mo sa length times width times height ng ref nyo (formula ng rectangle area)–>in short, halos magkasinglaki na kayo ng ref nyo…

wow, heaven on earth, the garden of eden sa loob ng bahay mo… yan ang releasing the tension phase mo… tapos pag mejo overdose ka na sa tulog at tipong ni kumurap ayaw mo nang gawin na kahit kuko mo naibsan na ng tensyon, na tipong iba na contour ng kama mo kasi lagi kang nakadagan… at lahat ng laman ng ref nyo ay nahigop mo na in a daily basis… level-up ka na sa phases of post board-exam… mag-iisip ka naman kung san ka maglalamyerda… syempre ang paglalamyerda eh another word for bankruptcy, anjan na ang pagbabanta para sa panahon ng kawalan ng pera… kaya pag nagpaparamdam na ang papanipis at papanipis mong wallet eh mag to-tone down ka muna sa mga spending spree extravaganza mo… bibili ka naman ng 65 peso worth na pwede mong pagkaabalahan in weeks, diretso sa sanctuary ng mga pirated dvd!!! presto, boredom-boredom go away na… at kapag lumiliit na pupil ng mata mo kakapanood ng tv na tipong pag inalis mo mata mo sa screen eh mapapasayaw ka sa disco light ng paningin mo, jan na papasok ang imaginative talent mo para aliwin ang sarili mo kahit ubos biyaya na ang bulsa mo… eto na lalabas ung creative ability mo sa mga do-it-yourself activity na di kelangan ng pera pero dahil sa rampant poverty sa mga immediate na kaibigan mo, i think di mo naman kelangang mag-isa…

at dahil time flies faster when you’re having a good time… papasok na ang ngarag phase…

kaya ngayon mas malupit pa ako sa lasinggero bangungutin at mas grabe pa sa adik mag-imagine… these days para lang akong walking comatose… physically present pero may sariling byahe ata utak ko, emotionally on probation and mentally on AWOL… ung bukas ko parang laging accident waiting to happen sa isang action-packed na movie at ikaw ang extrang biktima na mamatay sa kahindik-hindik na kadahilanan… kelan ba kasi lalabas yang result ng board??? pag naririnig ko ung exam result parang gustong mag-limbo rock ng puso ko with all the grace of dirty dancing (aba, aba tingnan mo nga naman buti pa puso ko dancer!!)… panaginip ko na nagtetest uli ako at isang page every question (subukan mong mag-answer ng 5000 page test, ewan ko lang kung hindi lindulin diwa mo, KESEHODANG PANAGINIP LANG YAN!!)… panaginip na nagtetest uli ako, after ng lunch break di ko na mahanap ulit ung room ko!!!!… panaginip na nasa kalagitnaan uli ako ng test at gusto akong isali ng magkabilang katabi ko sa usapan nila tungkol sa isang telenobela habang mas malapot pa sa sabaw ng champorado pawis ko kakaisip ng sagot sa tanong na parang kinuha sa glossary ng MS buk galing pluto… kahit tulog ka, pinagplaplanuhan ang pang-torture para sa’yo…………..

sensya na guys past post ko yan sa friendster blog ko… yan yung nabubuwang na ako kakahintay ng result sa board exam ko… sana mag-enjoy kayo sa panic anxiety ko kahit papano… cheers.. lablots-glesy the great;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

14 responses to “mangarag ka hanggang gusto mo…

  • chochai

    salamat sa komento mo mare… was here again…nakibasa hehe.

    Glesy the great: walang anuman naman… buti naman at napadalaw ka… sige basa ka lang… sana mapadaan, matisod at madapa ka ulit dito.. cheers!!!;p

  • kirksydney

    Nyahaha. Naalala ko tuloy yung ate ko while she’s waiting din for the nursing board exam result. Napraning amp, pati ako gusto pa isali sa kapraningan nya. After more or less two months, nalaman nya rin na nakapasa sya, hehe.

    Glesy the great:aba at nursing din pala siya… ganun talaga pag naprapraning ka na.. maghahanap ka rin ng kasama mo na pwede mo ring praningin.. mahirap mag-isa kaya kelangan mo ng karamay

  • kengkay

    hindi maiwasang ma praning kaya dapat cool lang. ako kapag may inaantay pilit kong iniiiwang hindi isipin kasi kundi mababaliw mga kasama ko, hindi madali pero kaya rin lalot kapag naging busy sa ibang bagay tulad ng pagkain, hehe

    Glesy the great: haha i was hot and cold that time!!! sobrang pagkabusy ko na nga sa pagkain noon pero nasa lahat ng sulok pa rin ng utak ko ang board result… kabaliw

  • Jonell

    Hello thyere.

    Glesy the great: hello, hello their too;p

  • gmacomics

    ako nung after ng board exams araw araw gabi gabi gimik, tulog, kain. yan ang ginagawa ko lang. hindi ko pinapansin ni hindi ko nga alam kung kelan lalabas ang result tapos isang araw may tumatawag sa akin, kaibigan ko pagsagot ko habang pupungas pungas, ang bati sa akin good morning engineer. ayun tuwa syempre ako. dun na nagstart ang kalbaryo ng buhay ko bilang alipin ng trabaho. hahahahaha

    Glesy the great: sana naging ganyan din ako!!! ganyan din ako nung first month pero nung pangalawa na, hala nalintikan na!!!! umiikot na pwet ko kakaisip, hanggang panaginip ko nileleche ako;p

  • vhincent

    parang naa-lala ko sarile ko nung time na nag-exam din ako ng board, lahat ata ng games sa pc natapos ko na!😉 hehe

    pero laro p din ako minsan ngayon ng dota… lol

    Good luck! anung apelyido ba ang aabangan namin sa mga dyaryo?🙂

    glesy the great:ahehehehe.. kanya-kanyang pangpalipas ng oras lang yan eh… kasi kung wala kang gagawin maglalaglagan turnilyo mo sa utak… board passer na po ako.. kaya wala ng kelangang abangan kasi nailathala na siya.. cheers!!!

  • nuel jose

    naku.. ganyan ba talaga epekto ng board?!😆 kakatakot naman.. hehe

    glesy the great:sort of ganyan… iba-iba sa ibat’ibang klase ng tao.. pero ganun parin ang basics sa lahat:NGARAG!!!… yaka mo yan.. cheers!!!

  • batopik

    hakhak! ok lang yan… Good luck!!!

    glesy the great: i was lucky kasi alam ko ng pasado ako ng board kalahating taon ng nakakaraan.. ahehehe

  • mangbadoy

    pumasa ka ba?

    ako nga nagboard din pero diretso pasok walang pahinga! kasi mararamdaman ko ang karukhaan pag di ako nagwork after nung board exam ko long time ago hahah!

    glesy the great: yep pumasa po ako!!!! tama!!!! talagang mahirap ka pa sa daga pagkatapos mong magboard… eh gusto ko namang magpahinga ng mga times na yun kasi parang ang bilis ng mga pangyayari, di man lang ako pinahinga ng malalim… kaya after sabi ko pahinga muna ako tapos bira uli… talagang sinabi pa na LONG TIME AGO!!! ahehehe

  • R.J.

    ganun talaga, namimiss ko rin yung araw na preparation para sa board exam at paghihintay ng result. parang gusto kong kalimutan na nagexam pala ako at wala akong hinihintay para di ako mashock kung bagsak man ako. hehehe. good luck!

    glesy the great: ako tinry ko pero kahit kasi sa panaginip hinahabol ako ng lintek na board na yan dati eh.. ahehehe… cheers

  • eloiski

    ay ate nakapasa ka naman ba?
    malamang sa malamang eh oo!
    kaw pa! ang galing mo kaya!

    kaya pacheeseburger ka naman!

    glesy the great:nakapasa naman sa awa ng diyos…. salamat sa pambobola.. pero di mo ak0 mahuhuli jan.. di pa katapusan ng mundo para manlibre ako.. ahehehe

  • FerBert

    tignan mo nga naman RN ka na ngayon.. hahaha.. di ko ata maeexperience yan.. hindi ako matetake ng boards.. ahahaha

    glesy the great:oo nga, di ko rin matarok minsan… ano ka ba don’t ever lose hope.. take all you can nman ang board ng nursing eh…. cheers;p

  • potsquared

    uyy masarap tumambay sa bahay ah.. ako isang taon akong bakasyon.. pero tama ka.. lahat ng symptoms na yan.. nangyari sa akin.. maliban dun sa exam phase.. hihihi..

    cheers glesy! tagay mo!

    glesy the great: oo sa umpisa pero ayaw ko pag tumatagal na kasi parang pakiramdam ko magkaka-agiw na ako sa bahay… cheers!!! parang ako lang ang umiinom at ikaw lang ang tanggero…;p

  • emoboy

    Hi, Look at the photos of my new emo hair
    in http://xrl.us/ouog2

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: