oh layp, oh layp, oh cruel world…

buong buhay ko ang alam ko lang trabaho ay maging estudyante…

  1. bully na guard at halimaw na librarian;
  2. may saltik na prof at epal na classmate;
  3. project na soon to be basura at assignment na revised edition sa kaklase;
  4. quizzes na kinacram at exams na hinihilikan;
  5. cr na (walang flush, may jebs na parang niluwa ng bulkan o ihi na parang isang linggong di naiihi at mukhang parang royal thru-orange lang) at canteen na walang maupuan, mainit, at parang pang toddlers lang ang servings;
  6. baon na kasing-dalas lang ng leap year kung tumaas at bumababang pamasahe na mas madalas pa ang millenium bug;
  7. chapter na mas nakakaantok pa sa kanta ng ibong adarna at lecture notes na mas nakakapaltos pa sa bagong sapatos;
  8. graded recitation na pampatuyo ng laway at thesis na pampatuyo ng ink ng printer;
  9. panatang makabayan na nakakakulani ng kilikili at CAT/ROTC na nakakakulani ng singit; at siyempre
  10. ID na katumbas ay buhay at report cards na katumbas ay kamatayan;

lahat yan, yan ang pre-requisites and requirements ng trabaho ko…

tapos pag-gising ko isang araw kelangan ko ng grumaduate para makapag-board, tapos kelangan ko ng mag-board para magkatrabaho, tapos kelangan ko ng magtrabaho para magkapera… oooppss hanggang dun na lang pala kasi wala pa akong pera dahil hanggang ngaun wala pa rin akong trabaho!!! (nagtratraining ako ngayon pero walang sweldo kaya wa kwents din)

ngayon na nagduduty na ako.. never pa akong umuwi ng on-time(PAG STUDENT KA EARLY DISMISSAL PA), kelangan 30 mins before time nasa nurse station ka na (DATI TADTAD KA NG LATE KASI KAHIT PROF MO LATE DIN), never pa akong kumain ng tama sa oras (DATI KAHIT HABANG NASA GITNA NG KLASE MAY PAGKAIN KA), never dumaan ang isang araw na hindi ako humikab ng parang ikaaalis ng hangin ko sa katawan (DATI KUMPLETO ANG SLEEPING CYCLE MO)… parang, syeeeet!!! talagang goodbye na sa lahat… goodbye na sa pinakahihintay na holidays (O, rudolf and santa).. goodbye na sa weekends sleeping-tv-lamon-gala-hilata marathon… goodbye na sa normal na sleeping hilik nonstop over to the max… goodbye na sa “enge baon, pakidagdagan pa”… adios, adios!!! Anak ng tipaklong naman oo…

sa totoo lang parang di pa ako ready… pero ready or not tinatawag na ako ng resume, ng overtime, ng kinsenas-katapusan, ng 13th month pay, ng magiging boss ko, ng BIR, ng SSS, at syempre ng destiny ko na yumaman… waaaah, i’m afraid of the unknown hindi ko alam maging empleyado dahil ang alam ko lang trabaho maging estudyante…

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

11 responses to “oh layp, oh layp, oh cruel world…

  • kirksydney

    Nyaha buhay estudyante. Kapag ikaw nagkatotoong trabaho na, mamimiss mo din yan kaya i-enjoy mo lang lahat. =)

    glesy the great: ngayon pa lang namimiss ko na kasi nararamdaman ko na ngayon sa training ko yung magiging trabaho ka sa buong buhay ko… ahehehe

  • gmacomics

    naku magenjoy ka na kasi pag nagtrabaho ka na mas masarap na mahirap. hahahhha.

    glesy the great: mejo naeexperience ko na nga po yung magiging buhay ko sa pagtratrabaho kasi on duty na rin ako as a trainee.. kaya nga namimiss ko na ang pagiging estudyante.. ;p

  • taps

    sarap maging estudyante, pero pagka-graduate ka na… sakit na sa ulo… lalo na kung nagpaparinig na ang magulang mo to return the favor…

    glesy the great: totoo yan!!!! mejo nraramdaman ko na yung sakit ng ulo na yan…di lang sakit sasabog na, naiinip na ako sa buhay ko ngayon…

  • pusa

    hays ganyan talga, nunpag estudyante ka kala mo masarap ang may work kasi may sweldo, pero pag natatarbaho ka na saka mo lang mare-realize ba ang sarap sarap pala ng buhay estudyante😉

    glesy the great: ako nga parang may trabaho pero wala pa ring sweldo.. mas pangit pa to sa pag-eestudyante at mas malungkot pa sa pagtratrabaho….

  • rio

    “chapter na mas nakakaantok pa sa kanta ng ibong adarna ”

    >> hahaha..i agree..mas malakas pa sa sleeping pills magpatulog yang pagbabasa..
    pero yan ang mga na mimiss ko ngayon.
    enjoy mo lang ang buhay.wag kang matakot kung san ka dadalhin nito..=)
    salamat sa pagdaan at ni add na kita sa blogroll ko..=)

    glesy the great: slamat naman!!!! inadd na rin po kita… honga-honga sleeping mode ko ang pagbabasa eh… di ko pa namn siya nmimiss ngayon…

  • fonse.

    kapag gusto mo trabaho mo, masarap magtrabaho. pero kung napilitan ka lang para magkapera, nakakatamad na yan🙂

    glesy the great: yun na nga ang mahirap eh… yung trabaho talaga nakakapagod kahit enjoy… di naman ako tinatamad, napapagod lang

  • Lhay

    Pero for sure pag nagkaroon ka ng totoong trabaho yung may sweldo mas mamimiiss mo ang pagiging estyudante… Ako nga kahit working laging nag eenrol ng mga ispesyal course, dagdag knowledge!!

    glesy the great: sabi nga nila kaya di ko kumokontra… huwaw.. so uhaw ka pala sa knowledge

  • potsquared

    ako miss ko ang pagiging estudyante.. kaya sana magkaroon ng time machine.. yung parang back to the future na sasakyan at ibalik ako sa mga panahong makapal pa ang hair ko sa ulo…

    dun sa number 5.. sa CR ninyo ba ay may nakalutang na gamit na napkin.. sa amin uso yan! mabuhay ka glessy the great!

    glesy the great:ahahaha.. yung hair talaga ang namiss!!!’p

    sa number 5 naman.. bakit may gamit na napkin sa cr ng lalaki? kelan pa niregla si adan? buti na lang walang ganyan samin, katurn-off namn… ahahahahacheers!!!;p

  • potsquared

    hindi pumasok ang last comment ko.. napatunayan kong hindi ako pwedeng mag comment sa opisina..

    glessy.. ang sarap maging estudyante dahil wala masyadong worries.. pero masarap ang maging empleyado kasi madami kang pero.. pero sa totoo lang.. kung may delorean (kotse sa back to the future).. babalik ako sa pagiging estudyante..

    isa pa.. doon sa number 5.. meron ba sa inyong gamit na napkin sa inidoro… sa amin uso yan!

    glesy the great: eto ang katunayan na pumasok siya ngunit nasa spam nga lang… cheers

  • kirksydney

    Ang tagal ng new post ni Glesy!😀

    glesy the great: once a week lang kasi ako ngpopost… pero dahil nagrequest ka.. lintek mapipilitan tuloy ako… gagawa ako.. kukutusan kta pag di mo binasa…

  • Lei

    uy.uy. 22o nga un.. ang ID na ang katumbas ay buhay at report cards na ang katumbas ay kamatayan. malas ko lang at nag.aaral pa ako hanggang ngayon. swerte ung mga may trabaho.
    Glesy the great: o di ba? tapos yung mga guard parang nanghiram ng kaluluwa kay undertaker.. kulang na lang kasahan ako ng baril pag nakalimutan ko yung id ko… minsan nga mag-eexam ko ayaw kong papasukin, nakipag-away talaga ako.. pinapasok rin naman ako

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: