oyayi ni manong drayber

meron ba kayong mga sleeping moments nyo sa jeep? yung mga moment na kahit may sumigaw ng bomba sa gitna ng byahe eh hihilikan mo lang yung sumigaw? yung tipong kahit alam mong pinagtitinginan ka na ng ibang pasahero, pupungayan mo lang ng mata tapos balik sa tulog ulit? yung tipong kung saan saan na gumegewang at umuubtol ulo mo kakatraveling… at yung tipong kahit ata kasingtaas ng mount everest ang lubak sa daan hindi eto ang dahilan para gumising ka at putulin ang tulog mo…

ang sarap kasing matulog sa jeep o kaya sa fx, di ba? kahit sinasabi nilang wag kang matutulog sa jeep dahil baka manakawan ka ang sabi ko na lang “anong magagawa ko!!! eh pag-upo ko sa jeep parang “ON” button ng remote control ang pwet ko na magsisignal sa mata ko na pumikit na siya at matulog ng mahimbing…”

nung minsan nga eh magbabayad na sana ako ng pamasahe, hawak ko na yung coin purse ko at nakabukas na talaga siya, ready to withdraw… tapos sa di inaasahang kadahilanan para akong hinypnotize at nakatulog ako habang nagbibilang ng barya… ayun, nagising ako nung nagtalbugan lahat ng barya ko sa sahig ng jeep… napatingin yung driver sa amin, akala siguro naglalaro na ng “paluan ng palayok” yung mga pasahero nya kasi biglang nagkalansingan ng barya yung jeep nya … ako pa naman yung tipo ng tao na parang nangaroling sa tatlong baryo yung wallet ko sa dami ng barya…

minsan naman nauuntog ko yung ulo ng katabi ko sa kakatulog ko… eh nagkataon minsan medyo mukhang nawawalang kapatid ni kingkong yung katabi ko… napalakas ang pwersa ng pagkakauntog ko kay baby brother ni kingkong, kaya bigla akong nagising at natakot sa sarili kong buhay, parang gusto ko na tuloy tumalon sa bintana na lang…nung tumingin si baby brother ni kingkong sakin akala ko dadambahan na ako at gagawing bulalo yung buto-buto ko, buti na lang tumingin na lang ulet siya sa bintana…

minsan naman napapasampay ako sa balikat ng drayber pag nakapwesto ako sa likuran nila, kulang na lang gawin kung unan yung bunbunan ni manong drayber… minsan naman ginigising na lang ako ng driver o kaya ng sidekick ng driver para sabihing bababa na daw ako… minsan naman muntikan na akong makapagbayad ng dalawang beses kasi akala ko di pa ako nagbabayad…

kaya bihira lang ako umupo malapit sa pintuan kasi baka palabasin ng drayber na may balak talaga akong magpakamatay kasi nakita na lang nila akong tumalon… pero ang di nila alam eh seryoso ako sa kakatulog… ano na lang sasabihin ng magulang ko? pagkatapos nila akong palakihin eh pagpapalit ko lang ang buhay ko sa maikling ligaya na dulot ng duyan ng jeep… cheers..-glesy the great.. lablots;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

30 responses to “oyayi ni manong drayber

  • mayui

    ahaha.. ingat lang sa ganyan!
    ako, meron! haha. once pa lang ako nagzone-out talaga, kaya ang resulta–lagpas ako at kinailangan pang lakarin pabalik! pagod na pagod at antok na antok na, kinailangan pang maglakad! saklap talaga.
    bukod naman dun, di na ako nakakatulog dahil mahirap na, baka madukutan pa.

    glesy the great: hmm di ko pa naman nararanasan na lumagpas… muntikan lang naman at kung lumagpas man ako mga ilang kembot lang ang lalakarin ko… cheers;p

  • eloiski

    hahaha!

    hindi ko pa naman naexperience na matulog sa jeep ng ako lang mag-isa!
    nung maliit ako malamang tulog ako ng tulog pero andun naman si mama!

    sa ngayon, natutulog ako sa bus! okey lang.. mejo mahaba-haba ang pagtulog ko! yehaaaaaa!!!

    pero agree ako dun sa gumegewang gewang! hindi naman ako ganun, yung mga katabi ko oo!
    hahaha!

    glesy the great: ayaw ng mata kong matulog sa bus.. di ko nga alam kung bakit eh.. basta gusto ko lang sa jeep at sa fx.. pero sa bus ekis…. cheers…;p

  • potsquared

    hmm ang pinakamemorable sa akin yung nakasabit yung kamay mo sa hawakan ng kisame ng jeep tapos mahuhulog sya kasama ng katawan mo.. pero para hindi halatang napahiya ako.. hahawak uli ako sa hawakan para maulit ang nangyari… amfpt…

    wala pa naman akon maalala na naheadbutt ko katabi ko.. wag naman..

    try mo once para mas lumawak ang experience mo tapos hanap ka ng katabi na tipong makakahanap ka ng away…

    cheers glesy! tagay mo!

    glesy the great:nakalimutan kong ikwento yang napapaalis hawak mo sa may hawakan sa kisame.. nangyayari rin yan sakin.. todong from ceiling to floor talaga ang transition ng hand movements ko.. hahaha.. kanina ka pa tagay ng tagay simula sa first post ko sa blog ko na to.. di ka pa ba lasing? pero sige cheers for the nth time!!!!!

  • poochpaws

    makiki-post na rin — natuwa lang ako sa entry.

    nung una libangan ko lang din ang manood ng mga nakakatulog sa sasakyan. ngayon, isa na rin ako sa mga nakakatulog. ang sarap nga matulog sa sasakyan, para kang ipinapagduyan. malas nga lang ng ilan na napapahamak dahil nadudukutan.

    glesy the great: sige lang po, don’t be shy we’re all frends here… ahahaha… salamat namn at natuwa ka sa entry ko sana lang nilagay mo ung url mo para nakadalaw ako sa blog mo…

    at isa ka pa pala sa mga taong pinagtatawanan ang kauri ko… eh magiging kauri ka rin pala namin…

    ganito lang kasi ang technique para di ka madukutan habang nagmememe ka sa jeep eh.. upo ka sa likuran ng driver tapos yung bag mo ilagay mo dun sa sandalan ng drayber at sandalan mo.. para di sila maka-epal yang mga bwisit na kawatan na yan… cheers;p

  • BURAOT

    psssttt. me pic na ba kaw? hehehhe. kulit.

    glesy the great: ano ba yang pic na yan… ano gusto mo whole body pic? ikakalakal mo ba ako.. gusto mo ba may autograph ko yung pic…. ahehehehe.. seryoso para san yan?

  • kirksydney

    Wahaha naiimagine kita sa loob ng jeep habang nagbabasa ako lalo na dun sa part na nagkalansingan mga barya mo. Sana lang wala akong mabalitaan na:

    Babae, nakatulog sa loob ng jeep – inuwi sa bahay at inasawa na ng driver.
    😆

    glesy the great: ahahaha gagong to, pag nangyari yan mababalita ka rin sa obituary ng mga frends and lovers mo at ako naman ay magiging convict for murder dahil sayo… ahahaha

    naimagine mo ba? isipin mo na lang para lang akong nagdadasal habang nagbibilang ako ng pera tapos bigla na lang akong nag-epileptic.. hahaha cheers;p

  • FerBert

    masarap matulog sa jeep masarap magday dreaming sa loob ng jeep

    glesy the great: sa ngayon isinasatulog ko na lang sa loob ng jeep lahat ng dreams ko.. wala ng day-daydreaming, knock-out agad….cheers;p

  • taps

    hehe maupo o masandal…tulog…

    glesy the great: natumpak mo!!!! cheers;p

  • rio

    hahaha..tawang tawa ako dito habang nagbabasa ng makulit mong entry. nag flash back tuloy sa akin ang mga katangahan ko sa jeep..

    glesy the great: sige lang tawa lang ng tawa doc ipakita mo yang million dollar smile mo doktora… sana shinare mo rin ung mga katangahan na na-expirience mo doc… cheers;p

  • rio

    teka, pumasok ba ung comment ko?? bakit nawawala??

    glesy the great:sa taas lang ang tingin doc.. anjan pa siya, still alive and kicking…. pinulot ko sa mga spam ko.. cheers;p

  • Mahalia

    may kasabay ako dati, katapat ko sa dyip, nagugutom yata sa barbekyu kong dala, at talagang mukhang naglalaway na. muntik ko nang ibigay sa kanya kaya lang na hiya naman akong subuan sya, baka mabilaukan.

    tiklop ang mata, bukas ang bibig. hahaha

    glesy the great: ahaha.. sana di naman ako ganyan.. if ever makasabay mo ako at nakabukas ang bibig ko at nagkataong may dala ka ulet na barbecue, salpakan mo lang ako ng isang stick, humihingi talaga ako nun.. ahehehehe.. cheers..;p

  • utakmunggo

    ay. ahihi.. nagagawa ko yan kapag galing sa work at pagod. mga twice pa lang naman akong lumampas sa babaan.. lampas na worth P50. pahamak na “on button” yan. hehe

    glesy the great: ahahahaha.. as in super lagpas sya ah, mukhang nagpajama party ka na sa sasakyan…. talaga lang, lintek na “on button” yan hindi nauubusan ng batterya!!! cheers..;p

  • chochai

    hahaha. ako meron… antok na antok talaga ako nun. tapos naalimpungatan ako kasi malapit na akong bumaba. sa halip na “para po” ang sabihin ko, “ba-bye po” ang naisigaw ko sa driver. hahaha.

    glesy the great: hala may ganyan din akong moment.. hindi ako tulog nun may kasama akong frend na si nadine… siyempre sasabihin ko sa frend ko bago ako bumaba “babay nadine” tapos imbes na masabi ko “manong para” ang nasabi ko “manong babay!!!! ahahaha.. cheers;p

  • kirksydney

    Lovers talaga?😮

    glesy the great:ahaha, mali ba? dapat ba singular lang hindi plural… o sige lover na lang!!! wushu ayaw pa talagang pabuko eh!!! cheers…

  • kirksydney

    Ayan tama yan, umayos ka.😆

    glesy the great: sige, paniwalain mo ang sarili mong totoo yan.. ahaha.. cheers!!!;p

  • joshmarie

    oo taga quezon ako…

    sa lucena city. salamat sa comment🙂 mwah!

    glesy the great: ah okay quezon kasi ang province namin eh.. walang anuman!!!;p

  • walongbote

    ahaha.. napapahiga ako dun sa shoulder ng katabi ko pag sobrang antok me… hehehe.. siguro naman laht naranasan na yun..

    nextime isara ang coin purse ahh.. hehehe..

    glesy the great: ahahaha…. may mga iba na ang galing magbalanse ng ulo parang laging may tungkod leeg nila para di sila magpagewan-gewang… hehe, di na lang ako magbabayad next time para sigurado.. dyok.. cheers;p

  • kengkay

    hahaha, yang mga natutulog sa mga sasakyan ang masarap pagmasdan. kapag nagbibiruan kami ng barkada, isa yan sa mga scene na ina-act out namin😀 at mag ingat ka sa pag sleeping beauty mo sa dyip, alam mo na…

    glesy the great: pag alanganin ang oras di na ako nagcocommute nagpapahatid na lang ako or pasundo kasi baka makatulog ako sa dyip… sige, sige jan kayo magaling ang pagtawanan ang mga naaapi.. ahahhaa cheers;p

  • gmacomics

    naku glesy ingat ka baka makatyempo ka ng mga loko loko jan. anyways naexperience ko na din yan, mahirap talaga talunin ang antok kaysa kalasingan. nakaktawa dati may experience ako nakita ko tumulo mismo ung laway nung nakatulog na mama.. hehehehe.

    glesy the great: honga eh… pero nagigising ako every 5 mins siguro tapos tulog ulet tapos gising ulet tapos tulog ulet… mahirap talagang talunin depende na nga lang pag may nobelang nagaganap sa loob ng dyip (example: may nag-aaway sa loob ng dyip: drayber vs pasahero or pasahero vs pasahero or drayber vs another drayber or drayber vs pulis)…. sana naman di ko maranasan yang tulo laway na yan… eew eh.. hehehe cheers;p

  • Lhay

    khit klan di pko nkatulog sa ano mang klase ng transportasyon, mapa land,sea or air gising ang diwa ko, at isa ako dun sa mga taong nagmamasid sa mga natutulog at para masaya ni pipiktyuran ko pa para dagdag sa koleksyoness ko – mhaLhay

    glesy the great: ahehe… sana di tayo magkasabay.. favor, pag its my turn to shine na sa mga koleksyoness mo wag mo akong picturan, videohan mo na lang ako… cheers;p

  • buzzing flowerpecker

    takaw-tulog din ako pag nasa sasakyan…hehehe. Pero praktisado ko nang wag kumiling-kiling yung ulo ko o kaya’y bumukas yung bunganga ko at tumulo yung laway ko. hehehe.

    may ideya ako…isama kaya kita sa isang byahe kung saan natitibag lang naman ang kalsada…este…trail na dinadaanan ng jeep…tapos malalim na bangin at galit na galit na Agos River lang naman yung babagsakan natin?

    magandang praktis yun para mabawasan nang kaunti ang pagiging takaw-tulog mo sa sasakyan. hehehe. napapanaginipan na nga ng boss ko yung biyaheng yun dahil katakot. hehehe.

    glesy the great: dun ako malapit lagi sa may driver pero di sa harapan ng jeep ha dun lang sa malapit sa driver o kaya malapit sa harapan, yung sandalan nila ang ginagawa kong unan kaya madalas akong maka-untog… hala, yaw ko nga jan sa general practice mong yan, parang mapapaaga buhay ko jan.. ahehehe… kawawang boss.cheers;p

  • joshmarie

    hehe. ang kulet. parang two times ata nangyari sakin yun. hehe

    glesy the great: yeahey!!! oh di ba nakatagpo ka ng kauri mo sa katauhan ko.. ako maraming beses na.. cheers;p

  • kirksydney

    Walang new post. Okay babye.😆

    glesy the great: yan ka na naman eh napipilitan tuloy akong magpost… o sige babay!!! paki-hi na nga lang pala ako sa mga chikas mo… ahahaha..;p cheers;p

  • rio

    tao po…nakatulog na naman sa byahe..tsk tsk..hehe

    glesy the great: the doctor is in pala…. hi doc… ahehehe hindi lang sa dyip pati dito sa bahay kaya di ako makapagpost… cheers….;p

  • joshmarie

    la nga pala chatbox dito… hehe

    dropped by again. ingats!

    glesy the great: wala pa ako balak maglagay kasi hmmm… wala lang, walang rason… next time you dropped by samahan mo ng sobreng may lamang limpak-limpak na salapi.. cheers;p

  • Lei

    nakakamis talaga ang jeep. pati tambutso nami-mis ko rin. isama mo na rin ung drayber na madumi ung dulo ng kuko pero mabait dahil ililibre ka sa pamasahe kapag ikaw ang unang pasahero tapos bente pesos ang pera mo. (taktika ko minsan para makalibre sa pasahe. LOL)

    meron akong malagim na experience habang natutulog sa jeep.. buti nalang naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may dumudukot sa bulsa ng palda ko nung 1st year high school ako. dahan dahan pa talaga. tapos paulit-ulit. pucha. kahit tulog ako malakas pakiramdam ko. sinabihan ko nga ung lalake eh. sabi ko, “kuya sigurado ho ba kayong bulsa nyo yang dinudukot nyo” — malas nya kasi nilakasan ko talaga boses ko para mapahiya sya. aun mayamaya bumaba sa may kanto. guilty ang pootah.
    Glesy the great: nyahaha… may gumagawa din pala nyan.. ako rin pag maaga buo yung binibigay ko para walang panukli.. minsan naman talaga pag unang pasahero di nila pinagbabayad, naranasan ko na rin yun… hayop sa style kay kuya ah… buti di ka tinutukan ng kutsilyo… cheers;p

  • Helena

    Hahaha ako nga mas pinipili ko maupo sa babaan ng jeep para pwede ko isandal ang ulo ko. Nauntog na rin kasi ako minsan sa ulo ng isang miss at patay malisya kunyari tulog pa rin ako pero kabang-kaba na ko dahil baka ipahiya nya ko. Ayun nadala na ko.

    Problema nga lang minsan umuuwi ako na may bukol sa noo, (walang joke) at nagigising na lang ako na may kung sinong lalaking halos nakadagan na ang buong katawan sa kin (napagkamalan atang ako ang dyowa nya).

    Haay, nagyayari yan madalas pag kagagaling ko lang ng duty. Minsan umuwi ako galing fabella hospital, nagising ako nasa pier na ko. Pota!
    Glesy the great: nyahaha… ngayon lang ako magrereply dito… naranasan ko na rin na may bukol ako sa noo, nauntog ako sa hawakan sa malapit sa pintuan… cheers;p

  • rex joseph querubin na gwapo

    naranasan ko naman un pero hindi naman nananandal ng katabi hahha. kahiya un hahaha. gising gisng hahaha
    Glesy the great: leche ka… anong gwapo? ang kapal ng mukha mo… bakit dito ka lang nagcomment sabi ko lahat ah.. cheers;p

  • venji

    Heehehe… bago lang po ako dito.. Totoo talaga mahirap palagiing gising sa loob ng dyepney habang naglalakbay. Minsan nga, napahinto ko ang dyep sa lugar na di ko bababaan.. hehehe… kc poh kala ko nasa babaan na ako…

  • Thomasina Mccomsey

    “I happen to be studying your entries for the duration of my afternoon escape, and that i need to admit the entire post has been extremely enlightening and quite effectively composed. I imagined I would allow you to know that for some reason this blog site does not show properly in Internet Explorer 8. I wish Microsoft would quit altering their software program. I have a question for you personally. Do you mind exchanging blog roll links? That will be seriously cool! “

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: