revenge is best served cold….

pag log-in ko sa wordpress ang sabi ko mag popost ako ngayon kaya lang natagalan ako mag-isip kung ano ang ipopost ko hanggang magkaroon na ako ng feeling na parang najijinggle na ako ASAP… kala ko mapipigilan pa ng pagkukuyakoy, pagtingkayad ng paa, matinding bladder control at makabalisawsaw na mahigpit na pagkakaupo.. pero no can do, hindi lang ata tawag ng kalikasan ang nararamdaman ko kungdi tawag na ni bathala…

so habang ginagawa ko ang business ko habang hinuhum ang “like a virgin” (nalalast song syndrome ako sa pamangkin kong 6yo-kinakanta nya rin kasi yun), sa peripheral vision ko may napapansin akong lumilipad lipad…. pag lingon ko wala naman… dedma, so continue ang chorus ng “like a virgin” as if no interruptions ever occured… hanggang lumipad na sa central vision ko ang misteryosong (UFO) unidentified flying object kani-kanina lang… at kumurap ako ng mga limang beses at kumurap pa ng isang mahigpit hanggang lumaki ang mata ko na parang nakakita ng aswang… the UFO has been identified… anak ng piso!!!! IPIS po mga kaibigan, IPISSSSSSSS!!!!

di ko alam kung anong gagawin ko kasi parang wala pang balak maputol ng wiwi ko… 600 ml ata laman ng pantog ko kaya tagas pa rin ng tagas… isipin mo na lang ang sakunang nadarama ko ng mga panahon na yun.. the feeling of indecision!!!! parang eternal panic… tatayo ba ako? kaya lang ayaw kong magkalat ng ihi sa floor ng cr at mabasa ang pajama ko (kadiri naman)… tatayo ba ako? kaya lang baka pagtayo ko lumanding sakin at bigla na lang akong magtatakbo sa labas habang nakababa pa ang pajama at panty ko at habang ang bwisit na wiwi ko ay kasing lakas pa rin ng niagara falls!!! tamang-tama ginagawa bahay namin ngayon, ano na lang reaksyon ng mga karpintero pag nagtatakbo ako with all my naked glory (sana nagpose na lang ako sa fhm, may bayad pa ako!!!)… or magcrocross fingers na lang ako at tawagin ang lahat ng nacanonized na saint na sana hindi lumanding ang bwisit na ipis… pero HINDI!!! ayaw na ayaw kong nadadapuan ako ng ipis…

tingin ako, left and right, up and down… asan na ang target kong pesteng ipis? malapit sa pintuan… tingin ako, left and right, up and down… asan ang pwede kong gamitin na weapon of mass destruction? heto dyaryo!!!! nirolyo ko ang dyaryo, yung tipong kahit antenna durog!!! pagkatapos kong i-assemble ang aking armas, tiningnan ko ulit ang kalaban… shit, di ko abot!!! nag dry run ako ng hampas with my arms fully extended… ayaw!!! di talaga abot… tinaymingan ko, hinintay kong lumipad… and then nung nagtake-off na siya papunta sakin… first attempt: strike one…. second attempt: strike two.. then KABAAAMMM!!! HOME RUN…. tepok kang ipis ka… kasabay ng paghihingalo ng ipis ay ang pagtigil ng ala-niagara falls na wiwi ko…. see? instant post sa blog… moral lesson: everything happens for a reason…

tapos na ang pelikula… turn mo naman para magcomment… pag di mo tinapos ang pagbabasa, dadapuan ka ng ipis habang natutulog… pag tinapos mo ang pagbabasa pero di ka nagcomment, dadapuan ka ng ipis habang jumejerbaks…. pag di mo na nga tinapos ang pagbabasa at di ka pa nagcomment, dadapuan ka ng ipis habang tapos ka ng jumebs kaya lang walang tubig!!!

at pang nagcomment ka… you will have a good luck for 5 years… pag nagcomment ka at nag-invite ka pa ng frends dito, you will have good luck forever, magiging instant cockroach repeller ang presence mo…

THE END (background song: we are the champions) cheers-glesy the great.. lablots;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

25 responses to “revenge is best served cold….

  • utakmunggo

    share ko lang ang ipis moments ko:

    yung isa, nakatago sa crack, antennae lang nakalabas. pinutol ko ng scissors ang antennae niya. hahaha

    yung isa, nakatiwangwang sa floor habang pasipa-sipa pa sa ere ang mga paa. ni-tape ko siya sa floor ng tatlong araw hanggang sa maubos siya ng langgam.

    *at wtf*&^%$£”!!!! ayoko ng ipis na lumilipad!*

    glesy the great: parang naaalala ko nga yan post mo na yan ate munggo… nyahaha… wala pa ako sa level mo kung pumatay ng ipis…. grabe, di mo na kelangan ng cockroach repellant… kilala ka na siguro ng mga ipis… cheers;p lablots

  • kirksydney

    Ang kawawang ipis. Bow.

    glesy the great: tama lang sa kanya yun.. nakuha mo pang maawa sa ipis kesa sakin!!!! actually di ako pumapatay talaga ng ipis kung di siya lilipad papunta sakin… desperate times calls for desperate measures/… cheers;p

  • nuel jose

    at ano ito?! chain post?!😆

    onga.. kawawang ipis..😆

    glesy the great: di naman chain post… tinitingnan ko lang kung gaano kayo takot sa ipis… ikaw rin, nakuha mo pang maawa sa ipis.. cheers;p

  • fonse.

    ang haba ng pag-ihi mo. nagawa mo pang mag dry-run at hindi napatigil ihi mo. :))

    glesy the great: mahaba lang yung kwento ko,… ahaha oo tinry ko baka umabot kaya lang no can do pa talaga… sayang di ko inorasan, eh di sana nalagay ko din dito… cheers;p

  • gmac

    hala ka glesy. pag nalaman ng mga angkan ng ipis yung ginawa mo pagtulog mo sa gabi magrevenge sila sa iyo. hehehe.

    akalain mo un, umihi lang nakaisip na ng entry. hahaha. peace

    glesy the great: ahaha sabi ko nga eh ang moral lesson dito eh, everything happens for a reason… wag ka naman ganyan baka matuloy yan, ikaw ang ituturo ko… peace din at may kasama pang cheers para sau…

  • rio

    at may banta pa?? hahaha…

    kakabadtrip tlga yang mga ipis nayan lalo na yung ipis na kulay brown at matigas ang likod..ang baho nun kapag napisa..

    glesy the great: oo naman. kelangan talaga ng banta segurista ako eh… ahehehe…. hmmm may iba pa bang kulay ng ipis… ahaha, talagang alam mo ang texture ng ipis ha…. ay oo nuknukan talaga ng baho ang ipis!!! kadiri na nga mabaho pa.. cheers;p

  • eloiski

    bwahahaha!

    ipis ba kamo?

    ang tindi ng experoience ko dyan!

    buti sayo at isa lang eh ako and dami literally!

    maliit na bata pa lang ako noon at natutulog kami ni mama den ayun binuksan ko yaong ilaw kasi ewan ko na kung ano rasun tapos hayun tae ang daming lumilipad na ipis!

    shemay! hindi nga namin alam kung saan nanggaling ang mga ipis na iyoN!

    kaya hayun tinulungan ko si mama sa pagpatay!

    bwahahaha!

    glesy the great: honga grabe… kung ako siguro yun di ko na ako makakatulong pumatay sa ipis.. isa pa nga lang ng ipis na lumilipad umiikot na pwet ko sa kakatakbo eh, ano pa kaya yung isa.. cheers;p

  • muymuy

    …ang dami ngang tao ang nagtitili kapag nakakakita ng ipis lalo nat nalipat..pro ako hindi keri lang sakin..parang wala lang…mas hindi ko bet ang mga daga lalong-lalo yung mga tipong nakakalbo na…iyyyyyywww!!!…lalo pa cguro kung lumilipat pa itu noh?!..hehehehehe

    glesy the great: ayaw ko rin ng daga!!!! baka maging post ko rin yang mga daga na yan!!!! kadiri rin kasi eh…. honga buti na lang di lumilipad yang mga dagang yan… cheers;p

  • FerBert

    hindi ako nandidiri sa ipis dati pero simula noong makasama ko ang mga kaibigan kong sosyalera na ipis hater ayun nahawaan na ko.. yun nga lang di ako nahawaan ng kasyosalan nila.. jologs pa rin me.. lols

    glesy the great: ahehe.. ayaw kong magkaroon ng kaibigang sosyalera…. okay lang maging jologs.. mas gusto ko pang maging jologs kesa maging sosyal… mas nandidire ako sakanila eh… cheers;p

  • potsquared

    hindi naman ako takot s ipis.. nakakadiri lang.. kaya kong pisain ang ipis gamit ang mga mala-bakulaw kong mga kamay… ipis experince ko na di ko makakalimutan.. yung buong kwarto ko dati ay napuno ng ipis dahil malapit dati sa imburnal ang bahay namin at parang lilindol ata.. as in kasuluksulukan ng kwarto ko may ipis.. feeling ko ako si panday.. gamit ang tsinelas kong beachwalk at ang manual pump ng baygon.. sinuong ko ang mga kalaban at ako ay nagwagi.. medyo high nga lang ako sa amoy ng baygon pero pare! heavy! tagay mo glesy!

    glesy the great: buti ka pa hindi takot, kasi ako nag-iiba tili ko pag nadadapuan ako ng ipis, pati tonsils ko tumitili… eh di ubod ng bantot kamay mo pagkatapos mong pisain ang ipis ahehehe (talagang mala-bakulaw ha)… grabe tumatambay sa ilong ang amoy ng baygon…. pag may nagbomba samin takot akong matulog kasi baka di na ako magising… PANDAY, PAAUTOGRAPH NAMAN mwah… cheers!!!!;p

  • pusa

    nanginginig pa habang nagko-comment! sus takot ko lang sa ipis😀

    ahehehe… oh baka maihi ka na rin sa takot ha.. don’t you worry di ka nag-iisa… cheers;p

  • Marc

    Hay ako nga kahit butiki lng dumapo sa paa ko eh nagugulat na ko ano pa kya kung ipis! hehe! Next time bring baygon mahirap ng magkaron ng scandal dahil lang sa ipis! hehe! have a nice day!

    glesy the great: bakit ka naman dinadapuan ng butiki? baka marunong ka bang matulog sa kisame, ahehehe…. malay mo madiscover ako sa scandal na yan na maging endorser ng baygon… cheers;p

  • taps

    takot din ako sa mga tora-tora (flying ipis)

    glesy the great: tora-tora ba tawag dun… ahehehe.. kilabot ng chicks takot sa ipis… cheers…. okay lang yan di pa rin mababawasan brusko effect mo khit takot ka sa ipis.. cheers

  • rhap

    i hate ipis!!!

    glesy the great: hate them too…. galit natin sila!!! che…cheers;p

  • lhay

    alam mo ba ang expan ng buhay ng ipis ay 7 araw kahit pinutol mo na ang ulo nito? that’s a fact! kaya kung papatay ka ng ipis wag lang basta nirolyong dyaryo ang gamitin mo, baygon!!! para siguradong tepok kapag ang tinira mo eh yung inner laman loob nya..

    glesy the great:talaga? aba bagong kaalaman yan ah… yoko ng baygon ambantot… parang pakiramdam ko ako next na mangingisay pagkatapos ng ipis pag mejo napatagal ang amoy ko sakanya.. cheers…

  • kirksydney

    Talaga! Mas deserving ng awa ko yung ipis kesa sayo.😆

    glesy the great: aba, aba, aba… mataray ka ha, ano? suntukan na lang.. sige magsama kayo ng ipis mo…, umayos ka ha… lol..cheers…;p

  • Bonaks

    Hmmmmm…nakarolyong dyaryo pala ang gamit mong sandata. Ako, masmalakas ang tiwala ko sa tsinelas, lalo na kung nakasuot ito sa aking paa! Aba’y sa lakas ng combong iyon ay pati ang molecules niya’y madudurog!!! Subukan mo minsan.😉

    glesy the great: yun lang ang pwedeng gamitin na sandata eh…. walang available okay sana kung may granada akong hawak… grabe naman kasinglaki ba ng pison yung paa mo at pati molecules ng ipis durog… pag minsan na kelangan ko ng pamatay ipis, peram ng paa mo ha… cheers

  • joshmarie

    i like the title…🙂 pwede rin naman iserve yan ng sweet.🙂
    Glesy the great: di bagay… parang naiisip ko ipis na dessert.. cheers;p

  • ifoundme

    waaaaahhhhh!!! buti naman patay na si flying ipis… pero alam mo, para sakin mas okay pa yung ipis kasi madali lang hampasin ng tsinelas pero pag daga na….. eeeeewwwwww!!!!! as in asahan mong tatalon ako as mesa pag ako nakakita ng isa…. kadiri talaga…. eeewwwwwwwww!!!!!!
    Glesy the great: kung nakatira ka sa amin at makita mo ang mga daga dito baka piliin mo na lang na mag alsa-balutan.. cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    sa totoo lang, hindi ako takot sa mga flying ipis. sa jumping frogs, oo. ewan ko na lang paano ako nabuhay dati nung Biology days namin.

    may kakilala akong lalake. gwapo. matangkad. malaking tao. macho. pero pag may makita siyang flying ipis, kung makatili, akala mo nirereyp ng isang buong fraternity.

    salamat nga pala sa pagbisita sa bahay ko.
    Glesy the great: nyahaha.. ako ayaw ko rin ng palaka kadiri kasi yung balat e.. nung nag-dissect kami ng palaka pinahawakan ko sa kaibigan kong lalaki.. tapos nung wla na siyang malay saka ko na lang siya inumpisahang pagdiskitahan.. cheers;p

  • mang badoy

    isa lang masasabi ko nireport ko na ang kaso mo sa sandigang bayan para maaksyunan ang pagpatay sa mga insektong katulag nito… dapat natin isipin na may buhay din sila kaya dapat kinain na lang natin ang ipis… hhahaah!
    Glesy the great: akala ko pa naman animal lover ang banat mo… lintek may balak ka palang gawing putahe ang ipis… talagang sandigang bayan ha, hindi ko alam na may ipis na pala tayong gov’t official na… cheers;p

  • taympers

    at talagang merong ganu e no, ang magcomment.hahaha… naks ang lesson ah, at may instant entry pa… bravo! teka, exit muna ako ha, cr lang.hehe
    Glesy the great: o sige sana walang ipis… siyempre.. mag-comment naman kayo para kiligin naman ako.. cheers;p

  • kengkay

    langyang ipis yan. ayaw din yan ng mga little kengkays kasi alien din sa kanila yan e.:)D
    Glesy the great: bakit wlang aleman na ipis? cheers

  • anakngpating

    makapag comment nga baka palarin akong maging gud luck ang dadaan na 5 yrs sakin eh hehe sayang naman … ipis lumalabas yan pag tag-ulan o parating plang ang ulan naghahanap ng pag tataguan hehe kaya kapag sa bahay at mukang uulan nagsisiliparan yan kaya tamang kulambo ako kapag matutulog ayoko mag show sya sa ibabaw ng ilong ko at lalo ng ayoko kagatin nya ang maliit kong mata hehe mahirap dumilat eh hehe,…baka mapagkamalan pa kong nakipag away..nyahaha
    Glesy the great: buti na lang di ko pa naranasan na kagatin ng ipis… mahilig ka pala sa kulambo.. kasi tita ko hindi nakakatulog ng wlang kulambo sa paahan.. cheers;p

  • anakngpating

    uu hindi ako nakaktulog ng walang kulambo sa paa hehe nikikiskis ko kasi yung palad ng paa ko dun hehe ….ngayon na lang ako walang kulambo sa tinutuluyan ko dito kasi parang nakakhiya kung mag sabi ako sa mga kasama ko sa kwarto na magkulambo tayo eh mga sosyal pa naman sila heeh kaya bumabawi na lang ako pag nasa bahay talga ko kaylngan talaga may kulam-bo hehe ….

    may plantsa na ko nabunot ko sa raffle
    ..
    Glesy the great: weh ano kung sosyal sila.. kung ako yun pinagpag ko pa yung kulambo sa pagmumukha nila.. ahehe… sige regalo ko na lang sayo yang plantsa na yan…. may plantsa na kami… grabe i love our new plantsa na… kulang na lang plantsahin ko lahat ng damit ko sa sobrang tuwa sa kanya kaya lang mahal sa kuryente ang plantsa eh.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: