photo gulat…

lagpas isang linggo na pala akong walang post… at wala na naman akong maisip na post.. kaya type lang ng type kung ano man ang pumasok sa utak kong kasalukuyang kinakabag… nov 2 pala ngayon, happy all souls day nga pala!!! happy nga ba? ayan may naisip na akong ipopost.. okay game… ready set go.. TAYA!!!

[insert Okatokat background song here]

totoong mataray ako, pero isang nilalang lang ata ang di ko kayang tarayan pag nagkaharapan kami.. yan eh ang mga mumu!!!! siguro pag nakakita ako ng multo maglilimbo rock lang ang puso ko sabay preno sa pagtibok… pati siguro 5 litrong dugo ko maiiihi ko sa sobrang takot at tutulo na lang ang sipon kong kasing lapot ng vicks… wala naman akong mga horror stories fit for “Gabi ng Lagim” episodes, puro mga kengkoy dash horror kuno moments lang…

Revelation 1: Nung bata ako kala ko may sa demonyo ako kasi takot ako sa picture ni Jesus Christ… Meron kami ditong image ni Jesus Christ na lagi kong tinatakpan ng vase noon… Kaya di niyo ako masisisi kung inisip kong demonyita ako nung bata ako at some day tutubuan ako ng buntot na kulot at sungay na spiral… noon yun di na ngayon siyempre…

Revelation 2: duty ako sa operating room (4th flr) at nautusan akong kumuha ng gamot sa pharmacy sa ground floor.. siyempre sasakay ako ng elevator kasi baka mamaya habang pababa ako ng hagdan may magsalita ng “excuse me, padaan po” sa akin na multo, lintek baka gumulong ako from 4th floor to ground floor sa sobrang takot ko… so pagbukas ko ng elevator pasok agad ako tapos sabay kunwari may tinetext para di ako matakot.. Waaaahhh!!!! bakit paakyat yung elevator? kinabahan na ako sobra baka dalhin ako sa floor kung saan nagmeemeeting ang mga mumu… tapos naalala ko, utak langgonisa naman oh, going up pala yung nasakyan ko imbes na going down… katakot noh?

Revelation 3 at ang pinaka-nakakatakot sa lahat: alam nyo ba yung mga horror sa pictures na may lumalabas na nakakakilabot na images? meron din ako nun lagi tuwing class picture saka nung kinder graduation picture ko pa nga pala… meron laging babae na nakapikit na parang napabayaan sa morgue na nakabuka bunganga… nakakatakot kasi minsan nakatirik pa yung mata nya na parang si undertaker… o kaya minsan naman “here i come to eat you” look… meron yan sa yearbook namin tapos pag tiningnan mo yung pangalan nung girl.. guess what? kapangalan ko!!!! ahaha ewan ko ba pag class picture namin noon para akong sinasaniban ng masamang espiritu… pag nakaset up na ung camera at ready to click parang trumpong rumorolyo yung mata ko na nagreresulta ng “tirik alike beautiful eyes” parang stroke patient na kumikindat… okay lang sana kung ang sinasabi ng cameraman eh “ready? one, two, three close your eyes!!!” pero hindi eh “ready? one, two, three smile!!!” naman ang sinasabi eh… minsan naman parang mejo bitin yung smile ko nagmumukha tuloy semi-smile, semi-growl yung tipong undecided kung ngingiti o magkakatawang hayop… parang ngisi ng asong ulol… sayang naman pagpupulbo at pagsusuklay ko bago mag papicture tapos ganun din pala ang end result… ano kaya magpatawas ako para humiwalay na ang kaluluwang nangtritrip sakin tuwing class pictures? what do you think guys? regal shocker di ba?

Note: mejo magaling na tong karamdaman ko… pero if caught unaware nag-eexacerbate yang mga signs and symptoms na yan…

sorry if I spoiled your Halloween Spirit guys… wala naman kasi akong mashashare na horror stories eh… cheers!!! lablots;p -glesy the great

sira kasi ung usb namin eh kaya di ko mascan ang mga ebidensya.. para di naman kayo mahirapan mag imagine.. parang ganito lang ako nun… pot it’s your time to shine!!!!

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

29 responses to “photo gulat…

  • bloom

    hahaha! ako may scary experience sa PACU ng east ave.. huwaaaaah! may mumu talaga duuuuun :((

    glesy the great: kanina lang nagkatakutan sa ward.. lintek pano naman ako makakapag rounds nyan ng madaling araw kung may pabaon na horror stories ang mga outgoing na nars… syet naglalakad ako sa corridor na parang vibrator ung tuhod ko… cheers;p-glesy the great

  • eloiski

    waaah!
    ako nga walang entry ng katatakutan!
    hahaha!
    kasi wala rin akong experience!

    bakit kaya ganyan ang mga pics nung babaeng iyon ano?
    patawas mo nga!

    hahaha!

    glesy the great: hindi na kaya ng tawas eh.. exorcist na ang katapat… dyok… cheers… onga eh buti na lang di ako lapitin ng mumu kasi matatakutin ako eh….-glesy the great;p

  • gmacomics

    sa pektyur ako nagulat at natakot. hahaha. niro lang potski.

    glesy the great: wag kang ganyan hehe… masisira kabruskuhan ni pot sakin eh… kahit mukha siyang lasing jan, walang dudang pinaglihi pa rin yan sa gwapo… (pot bumabawi lang ako sayo) cheers-glesy the great;p

  • anakngpiso

    pot… mag comment ka na!!!! habang wala pa masyado pang nagcocomment.. baka magalit ka eh…

  • potsquared

    ahahahaha… *kuha itak*ikaw naman glesy.. bakit naman ako magagalit *hinahasa ang itak* nakakatuwa nga at nailagay mo ako sa blog mo *check kung matalas na ang itak* alam mo namang malakas ka sa akin eh.. KAYA TUMAKBO KA NA! *attack with the itak*

    ahahaha…. sigurado ka bang hindi ka galit? mukhang pang troso pa ata yang gagamitin mo sakin eh… sabihin mo lang kung kelan ka na dadamba ha para maka-ilag naman ako

    naku ok lang glesy.. ehehehe natatawa naman ako sa iyo.. ikaw din pala ay natutulog kapag nagpapaclass picture… oo sayang nga eh.. sira yung usb namin meron ako ditong grad pic na parang nakikinig ng love song yung itsura ko…. gusto mo ng tumitirik.. may pic pa ako.. yun talagang undertaker.. sige ok na sakin yan baka mabaon na ako sa utang na loob sayo eh.. next time pwede mo na akong murahin pero syempre gaganti ako… hihihi no hard feelings.. ganyan ka kalakas sa akin.. *humanda ka.. may araw ka rin* hihihi tagay mo glesy!
    di ba sabi ko sayo makakaganti rin ako sa utang na loob ko sayo sa pagtadtad ng comments sa mga posts ko? sabi ko pa ifeafeature kita sa blog ko… HETO na yun!!! ano ka ba… isipin mo na lang manager mo ako… cheers.. thanks sa pagiging sport… -glesy the great

  • kirksydney

    Hahahaha bida pala si Fareng Potpot dito.😆

    glesy the great: gusto mo rin bang mafocus sa limelight? bigay ka rin ng pics mo dito… naiinggit ka ata sa pabidang handog ko kay pot eh.. malakas ka sakin eh, bibigyan kita ng spot kung gusto mong mag request.. cheers

  • trishie

    Hahaha. Natawa ako dito sa picture.😀 lol

    cute di ba?

    o pot!!! tingnan mo naman!!! di na ata nila binabasa yung mahaba kung post… picture mo pa lang worth a post na!!! cheers-glesy the great

  • batopik

    HALA! Katakooooot! hahaaha. joke lang, ang cute nga eh. parang teddyberrrr!!! hakhak. :]

    glesy the great: makalaglag panty ba?

  • marco

    dumaan lang at nakibasa… naghanap kung mayroong chatbox kaso wala akong nakita kaya dito na lang ako… hehehe

    salamat sa comment mo

    glesy the great: salamat sa pagdaan.. sige daan pa walang jaywalking dito… wala akong chatbox meebo lang pero wala rin namang kwenta… tatanggalin ko na nga lang eh… you’re welcome… cheers

  • mangbadoy

    wow may instant celebrity pala dito hahaha!

    glesy the great: yeah… pot is the name…. ahahaha

  • mayyang

    wow! bida pla d2 si kuya pot ah…

    pwedeng pxlink po?

    glesy the great: syur!!!! onga eh, siya ang nasa limelight ngayon.. cheers..;p

  • joshmarie

    naku ang okatokat ay isa sa mga shows na di ko pinapanood hehe.

    glesy the great: di rin ako nanonood nun kasi wala lang.. natatakot ako.. cheers

  • ziemom

    okatokat?!?!?!?
    medyo marami akong experience sa ganyan eh.
    masyadong mababait sila sa akin, lagi silang nagpapakita.
    di ko alam kung matutuwa ako o hindi
    sa regalong bigay sa akin
    pero sa tutuusin weirdo ang feeling
    third eye??!?!?!?!?
    un yata tawag dun, nakuha ko siya a day after my 18th birthday
    tas un nagsimula akong makakita ng mga taong ako lang pala ang nakakkita at makapaghula gamit ang baraha.

    yaan mo ikwento ko sa blog ang mga experience ko…ahihihihihihi!!!!

    kisses from manong driver. mwuas!!!!
    at belated happy halloween!!!

    glesy the great: sige, sige!!!!! sabihan mo ako pag may kwento ka na ha…. tagal ka na rin di nagpopost ng bago eh… alagaan mo si manong driver ha… sana makapagpahula din ako sayo… ahehehe

  • brotherutoy

    enjoy ang blog mo ha.üüü

    yung gradpic naman, naku, horror nga yan kasi those are the pictures that will haunt you… POREBER!!! aaahhh!!!

    syampre, dahil cute ang blog mo eh iaadd kita sa blogroll ko ng wala nang paalam.ü

    God bless!

    glesy the great: salamat naman at naappreciate nyo po ang blog ko.. enjoy din kaya yung blog nyo!!! yung elementary at grade school lang nman mukhang maligno yung grad pic ko… okay lang!!! inadd din naman kita ng wlang paalam eh… amanos na tayo.. cheers;p

  • mayyang

    salamat!

    ikaw ay kasama na sa aking blogger friends!… asahan mong parati akong mangungulit sau aking kaibigan…

    ingat!

    glesy the great: you’re welcome… sige kulitan lang tayo!!!! wag ka lang mangungutang ha… cheers

  • Kat Carneo

    nyahaha, star si potpot!

    i love halloween!

    glesy the great: talagang istariray sya ngaun dito.. ahahaha…. i love you too.. hahaha

  • utakmunggo

    ayy!! magkamukha pala kayo ni potpot?
    wahahahaha
    teka lang bakit may piktyur ka ni pot. ex mo siya ano? hehe

    oo nga naman, hindi naman wan tu tri close your eyes ang sinasabi ng mga photog eh. not following instructions. tsk.

    glesy the great: di kami magkamukha… mejo sort of ganyan ang akting ko dati pagpicturan… di ko po ex yan… nasa blog nya kasi yang pic na yan kya ginrab ko… kung sumabay lang ng kapanganakan sakin yung anak ni pot, pwede ko pang maging ex yung anak nya.. ampogi eh… haha…

    onga eh not following instructions talaga!!!

  • siangelnawalangpakpak

    natawa ako ng nabasa ko to. curious lang…

    1. bakit ba nakatakot sa lahat ng mga ospital pag gabi? ako rin, may mga lugar sa ospital na ayokong puntahan pag gabi. hindi lang ako nagpapaobvious. hehe…

    2. hindi ka talaga siguro nakikinig sa instructions ng photographer ano? siguro chismis ka ng chismis sa mga katabi mo pag nagclaclass picture na kayo. ayan tuloy, mala-mumu ang itsura mo.

    baka yun ang punishment sau ni papa jesus sa pagtatakip mo ng flower vase sa picture niya…

    glesy the great:
    salamat sa pagtawa, sana walang bayad…
    1. rehas tayo kunwari nagmamadali akong maglakad kasi busy pero ang totoo nanginginig na kalamnan ko sa takot…
    2. nakikinig ako!!! nagcoconcentrate ako sa instructions ng photographer, kaya siguro lagi akong nakapikit para makapagconcentrate ako… ahehehe….

    ngaun ko lang naisip yang punishment na yan ah… na-insulto siguro sakin si papa jesus.. isip-isip siguro nya, ang gwapo-gwapo nya tapos takot ako sakanya… cheers;p

  • rio

    natawa naman ako sa takot ka sa pic ni papa jesus..ano bang klaseng pic ang meron kayo at parang takot na takot ka..hehehe

    papabol pala si potpot..tantalizing eyes..hehe

    sana nexttime e pic mo naman ang makita namin dito..

    Glesy the great:di ko nga alam eh.. solemn naman yung itsura ng pic pero nattakot ako sa kanya dati… basta para kasing pag may ginawa kang masama magagalit siya sayo…

    oo naman papabol yan… doktora, wag mo masyadong titigan baka ma-hypnotize ka… cheers;p

  • kirksydney

    Hinde mo macacategorized ang picture ko.😆

    Glesy the great: care to try? hehe

  • taps

    panalo ang grad pic ah, parang natutulog lang.

    Glesy the great: di lang yan natutulog, nananaginip na yan…. pag nakita mo yung akin mas malala pa jan.. mukha ng binabangungot!!! ahaha.. cheers…

  • lhay

    nyay si pot , na extra pa, ampft! kumakain ako glesy, nawalan nko ng gana, galing ng diet entry mu…

    Glesy the great: hindi si pot ang extra jan… ako po yung extra jan… ahehehe.. hingi ka na lang ng copy ng picture kay pot hanggang maging aneroxic ka.. cheers… no ka ba?!? ang gwapo-gwapo ni pot eh, wag kang ganyan… cheers ulet

  • Lei

    nice.. hanep sa exposure ung guy. haha. parang little miss philippines lang oh. LOL. anyhoo.. ako naman may samaligno nung bata pa, kung ikaw takot sa picture ni papa jesus.. ako naman feeling ko nagiiba ung picture nya. ganun din feeling ko sa mga santo. wild talaga imagination ko. haha.

    Glesy the great: correction!!!! he’s not just another guy, yan ang magpapataob ng mga present star at makapagpapatili ng mga kababaihan…

    wow!!! may kauri na ako… parehas siguro tayong may pagka-wild ang imagination!!! cheers

  • watusiboy

    naku, nakakrelate ako sa pic sa taas. nababadtrip ako sa camera pag ganun. ayos din ang timing, kung kelan papikit na, tsaka makakacapture yung litrato. hehe.

    Glesy the great: ahaha…nyahaha.. ganyan din ako.. siguro dahil sa flash!!! kasi naman yung flash ng iba parang gusto kang bulagin habang buhay eh.. yung tipong pagkatapos ng flash tapos pagmulat mo uli ng mata mo kala mo nasa langit ka na!!! cheers

  • foobarph

    psaway na camera! dapat sunugin!

    Glesy the great: di ko nga alam kung sino ba talaga ang dispalinghado eh para masunog ko na.. ako o yung camera? cheers

  • Post Halloween Special: How to entertain guests at your own wake (by Glesy the great) | A Z R A E L

    […] parang first day of school ang feeling ko sa first post ko dito sa Azraelworld… Meron na po akong Halloween Special na pinublish sa blog ko at dahil parang batang napaaga ang christmas ang pakiramdam ko ngayon, […]

    Glesy the great: yes!!!!! salamat po kuya azrael at pinagbigyan nyo po ang kapricho ko!!!! sana di ko kayo biguin.. cheers

  • timi

    Hay naku…lalo na yang Gulat Me na yan kung gusto mo magpakuha para sa ID at mabilisan lang…lagi kang mukhang minulto at gulat na gulat!

    At ayos! Si Potpot ang star ah!

    Glesy the great:ahahaha… meron akong school id nung third year ata ako nun o second year hiskul… ayun, mukha akong asong may binabalak na masama… NAKANGISI!!!… thanks nga pala at na-enjoy mo ang blog ko at yung post ko sa azraelworld.. nabasa ko na nga pala siya….

    talaga… sidekick lang ako ni pot sa post na eto… cheers

  • timi

    btw gles…dahil naaliw ako sa blog mo, ili-link kita…muwah!

    Glesy the great: syur!! link di kita.. gaya-gaya ako eh.. cheers

  • Jorge

    Hahaha, astig to glesy! Kaya napapadalas ang bisita ko sa blog mo eh, hehehe… Kakatuwa din ung pic, sana nde sya magalit dahil kinabog mo sya, ehehehe..

    Huli man daw at magaling, huli parin sa pagbati ng happy halloween!!

    Kampai!
    Glesy the great: slamat naman at napapadalas… sensya na ha di kasi ako masyado ma-update ng blog ko eh… di siya nagalit nagthank you pa nga eh… saka sport yun sa ganito feeling pa-istar nga eh.. ahehe… cheers? cheers!!!!

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: