I came, I saw, I posted- Glesy the Great

hello peeps… isang araw habang malapit na akong maging cactus dahil sa sobrang walang magawa, bumisita ako sa Azraelworld para makichismax ng bagong ihip na balita kung meron man… nakita ko ang Invitation para sa mga gustong maging guest author sa kanyang blog… I came, I saw, I conquered ang drama ko… di na ako nagpatumpik-tumpik pa, ako po ay nangapitbahay sa azraelworld at napagdesisyunan na maki-epal dun para magpasa ng post sa kanyang Invitation… walang premyong matatanggap kaya wag nyo ng ituloy ang iniisip nyong baka may perang kapalit kaya ako nagpasa ng post (nariririnig ko na kasi ang mga kashing, kashing sa mga utak nyo eh)… wala lang!!! gusto ko kasing maka-experience na magsulat bukod dito sa sarili kong bahay, kumbaga tumikim naman ako ng ibang putahe…. masaya kayang maging guest author… ewan ko kung bakit masaya, basta masaya siya wag na kayong makulit…

so mga friends iniinvite ko po kayong pasukin, makigulo, at makitawid din ng bakod sa Azraelworld… eto yung pinost ko Post-Halloween Special: by Glesy the great

Kaya kung mahal nyo ako at mahal nyo rin ang buhay nyo, pumunta ka dun, at magcomment sa pinakamalapit na drop box…

At sa mga taong gusto ring ipagsiksikan ang sarili sa blog ng may blog… pasa din po kayo kayo kay Kuya Azrael… dito po kayo magpasa azrael.666@gmail.com

At para sa mga tao naman na gusto ring magkaroon ng guest author… Ako’y iyong, iyo!!! Sali ako jan… cheers;p-glesy the great….

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

29 responses to “I came, I saw, I posted- Glesy the Great

  • AZRAEL

    bwahahaha! ang dakilang guest blogger para sa lahat! masipag masipag! salamat sa entry glesy.. dami na gusto umarkila sayo lol

    Glesy the great: Panaka-nakang pag-gueguest lang naman wag naman fully pledge at baka wala na akong mapost nyan sa sarili kong blog…. you’re welcome kuya azrael, my pleasure na makipapel sa blog mo… kung kelangan mo lang ulit ng guest blogger sigaw ka lang ng sunog at darating ako… lablots!!! cheers;p

  • FerBert

    iniisip kong gumawa ng bagong blog eh.. yung may kasama akong magpopost ng entries.. parang magazine blog.. kaya naman nag iipon ako pambili ng bagong dot com.. pwede kitang gawin guest blogger pag natupad ko na yun

    glesy the great: anak ng piso!!! sali ako jan… pwede ba ako? pwede ba akong sumali ng wlang binabayaran? ahehehe… tagtuyot kasi ako ngayon eh, mahirap pa ako sa daga… pag natupad yan, ako’y iyong-iyo sa puso at isipan.. cheers-glesy the great

  • brotherutoy

    congrats, glesy ha. nabasa ko at talaga namang napaka… uhmmm, informative!üüü
    excited na tuloy ako sa lamay ko.ü
    God bless!

    Glesy the great: thanks… informative ba? galing pa po sa wikipedia yan.. ahehehe… talaga? excited ka na? hmmm i-contact nyo na lang po ako kung kelan ang lamay nyo at ii-sched natin yan… cheers and God Bless din po

  • mangbadoy

    at kaya ka pala naging glessy the great akala kung sino na…. kung walang kashing kashing tumatanggap din ako ng cheque or kaya naman pwede ding credit card na lang kasi good as cash yun…

    hahah!

    Glesy the great: teka lang ni-aaway mo ba ako? ahehehe… hala mahirap din ako sa daga!!! pero kung may mag-aabot din naman sakin tatanggapin ko at ng aking konsensya.. sino ba naman ako para tumanggi.. cheers;p

  • buzzingflowerpecker

    exciting yan ah?! hmm. May mga blogs ako na naaagnas na. hehehe. Mangimbita din kaya ako ng guest bloggers?

    hehe.

    Glesy the great: bakit mo naman hinayaang maagnas? cheers;p

  • foobarph

    errr…. pwede ka bang mag contribute ng pocketbook story sa site namin? ahehe.

    si azrael hindi ko na i invite, alam ko kasing sobrang busy na yan eh. ahehehe

    Glesy the great: hmmm… mejo mahirap atang gumawa ng nobela… masyado kasing rambol-rambol ang utak ko para makagawa ng isang matinong storya… di ako tumatanggi dahil ayaw ko, tumatanggi ako dahil baka di ko kaya… pero try ko, try lang muna ha di ako makapapangako.. email kita… cheers;p

  • kengkay

    uy nabisita ko na, galing nga e

    Glesy the great: ahehehe.. salamat ate kengks… sensya na ngayon pa lang ako makakapunta ulit sa blog mo kasi di ako makapagblog hopping ngayon ng matino.. miss ko na ang mga kengkays mo eh.. cheers;p

  • gmacomics

    kongrats glesy! isa kang mahusay na manunulat! astigin!

    Glesy the great: thanks… ikaw din kaya ang astig ng mga pics mo…. ahehhe.. cheers;p

  • kirksydney

    Wow sipag. Sana kasing sipag mo ako.😆

    Glesy the great: sus magtigil ka nga, mas masipag ka nga saking magpost sa blog mo eh… cheers

  • utakmunggo

    glisi! (bisaya version)
    naaliw ako dun sa 18 roses. wahahahaha grabe, pati yung lapidang give-away susmaryosep.
    tama ang temang halloween mo, para wag namang laging malungkot sa mga patay patay.
    shot pa! (in response to your “cheers”)

    Glesy the great: ahaha natandaan mo pa yung other names ko, katawa naman…. masaya naman ako nasiyahan ka din… wala naman kasi akong maishashare na katatakutan eh… shot!!!!

  • mayyang

    wow! ang galing galing mo naman kaibigan…

    maganda yan, binabahagi mo ang iyong kaalaman.. at pang halloween special pa ha!heheheh… bravo!

    kelan ka ulit dalaw sa akin?.. hehehe… namiss ko ang iyong pagkomento kaibigan🙂

    Glesy the great: galing lang, wag naman galing-galing.. dadalaw na ako ngayon kasi ngayon lang ako makakapagblog hopping ng matino-tino… pero mejo in a rush din ako ngayon pero dadaanan kita.. cheers;p

  • rio

    natuwa ako sa pinost mo dun…akalain mong arkilahin pa si kris at edu para maging host?? ang taray nun..
    pwede ka ng maging coordinator ng mamatay..hehe..pipila na ako ha{knock on wood..hehe}..baka kasi ma fully book ka e…astig yung post mo yan…cheers talaga…

    Glesy the great: salamat naman.. at least habang ngbabasa ka nakangiti at kitang-kita ang sparkling white teeth mo.. ahahaha… wag ka syado excite sa lamay mo, pati ako na-eexcite sayo eh (knock on wood) cheers;p

  • timi

    Tuwang tuwa ako sa submission mo glesy…as I said dun sa comment ko dun…gusto kitang i-hire na lamay coordinator ko pag na deadbol ako wahaha

    Glesy the great: hahaha.. wag ka masyadong maging seryoso dun ha.. takot ako sa mumu… thanks!!!!;p cheers…

  • eloiski

    hala!
    mabisita nga.

    ang sipag mo talga at ang great!
    oh shaddup! tama na ang pambobola!

    Glesy the great: honga-honga binibilog mo na naman ang ulo ko..;p cheers!!!

  • siangelnawalangpakpak

    the best ka talaga glessy. ang galing mo! nars ka ba talaga ha? o baka coordinator ng mga lamay? ehehe, joke.

    in fairness, parang ang saya saya siguro ng lamay na yan. feel ko talagang pumunta araw-araw sa vigil kahit na hindi naman ako madalas bumibisita ng patay kahit kamag-anak ko pa.

    gusto ko ding magkaroon ng mga game shows sa lamay ko pero dapat si Tito Pepe ng Kwarta o Kahon ang mage-Emcee =)

    Glesy the great: Nars talaga ako!!!! pero sa totoo lang mas gusto ko magsulat kaya lang walang pera sa writer.. sa pagiging nars meron kaya follow the light.. ahahaha…. linsyak pati ba naman si Tito Pepe di mo pa nakakalimutan!!! cheers….

  • taps

    panalo champion!

    Glesy the great: thanks? hehe.. thanks!!! cheers

  • siangelnawalangpakpak

    Glessy, tag po kita ha? Kaw na po bahala kung ano gagawin mo diyan. Pasa ko lang kasi napag-utusan =)

    http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/2008/11/15/kagatin-mo-ang-limonada-ko/

    Godbless!

    Glesy the great: waaaahhh!!! sige ipopost ko yan pero wag muna ngayon ha.. pagdouble off na ako para may post grande ako!!!! cheers;p

  • kirksydney

    Syempre blog ko yun kaya masipag ako.😆

    Glesy the great: eh basta… gusto ko eh, pake mo ba!!! heheh…cheers;p

  • potsquared

    napakahusay mo glesy… talentado ka talaga… sana i donate mo ang utak mo sa institution para pag-aralan kung bakit ganyan ang utak mo… bravo! tagay pa glesy!

    Glesy the great: salamat pero over my dead beautiful body na i-donate ang utak ko para pag-aralan at lamutakin lang… ahehehe thanks to you nagkaroon ako ng idea kung anong ipapass kong post kay kuya az.. may kakaibang anting-anting talagang dulot grad pic mo!! cheers!!!

  • lhay

    Cheers! kasi nasabi na nilang lahat ang gusto kong i-comment kaya yan na lng ang pwede kong masabi, cheers!

    Glesy the great: o sige cheers din!!!! wushu palusot ka pa.. cheers;p

  • kirksydney

    Pssssst.

    May tag ako sayo. Bihira lang ako pumatol sa mga ganito kaya pagbigyan mo na ko. Wahahaha!

    Here’s the link:
    http://kirksydney.com/2008/11/lemonade-award/

    Glesy the great: pagbibigyan naman kita eh, ang lagay eh!!!! hahaha…. sige pero wag muna ngayon nanlalambot pa ako eh.. umayos ka ha…. cheers;p

  • vhincent

    Hello Glesy! just visited Azraels blog , galing entry mo ah?!😉 nag-comment na din ako …
    salamat pla sa pag-drop by sa aming blog kahit medyo nahinti saglet pag-post namin.

    hmmm pede ka pla guest writer😉 very nice idea

    Glesy the great: thanks..;p nabasa ko nga.. parang nakahugot ka ng idea dun ah…. syur, you’re welcome dadalaw at dadalaw pa rin ako sa chizmozalounge may pagkadalahira ako eh… pede naman!!!! ahehehe.. cheers;p

  • Helena

    Oist may pera ba talaga sa pagnanars? Aba’y baka pwede pa ko magshift. Bwahahaha.

    Kung wala ka magawa sis. Sa akin ka na magpost, ang premyo iisipin ko pa (kiss pwede?…sa lips). Ang siste eh tinotopak ang aking pc kaya malamang eh maudlot pa ang aking pangarap – to blog like I have never blogged before. Kakalipat ko pa lang ng wordpress at kakakuha ng aking dot com ngayon eh mukhang mamamahinga pa ko.

    Dahil wala naman talaga kong kaibigan sa blogosphere..nagsisimula pa nga lang. Baka sakaling may magbasa pa pag ikaw ang nagpost.

    Hindi naman tunog nagmamakaawa no?

    Glesy the great: hmmm.. kakagatin ko sana po ang iyong alok pero i advice you na hayaan mong makilala ka muna ng mga tao dito sa blogsphere bago tumanggap ng guest author… ikaw at tanging ikaw muna ang gusto nilang makilala at wala ng iba pa kung bago ka pa lang sa pagbloblog… mag tatatlong buwan pa lang naman ako nagbloblog pero eventually may nakilala na rin ako kahit papano…. count me in as your friend… welcome.. bisita ako sa blog mo pag nagdouble off na ako sa duty!!!

    sa ganda mong yan may makikilala ka dito.. madaming manyak sa wordpress!!! dyok… uy yung kiss ko ha, sabi mo sa lips… nyahaha.. cheers-glesy the great;p

  • timi

    alu glesy! me award ako para sayo!

    Glesy the great: nakita ko na siya.. thanks nga pala… popost ko siya bukas!!!! ahehehe.. salamat ulet..;p cheers

  • Jorge

    Hello po. Napadaan lang, galing po ako kay Kuya Azarael, astig ung entry mo dun ah, sana makalibot ka din sa bahay ko, hehehe..

    Sama ko link mo sa blog tootsie roll ko ha, hehehe…

    Glesy the great: sige add din po kita sa blogroll ko… thanks po sa pag-appreciate.. may bago ng nag-pass.. si timi.. ang astig nung entry basahin mo.. cheers;p

  • taps

    ang tagal ni glesy… asan na kaya sya?

    Glesy the great: present…. bukas talaga magpopost na ako!!! ahehehehe…

  • kirksydney

    Pwes kelan paaaaaaaaaaaaaaaaa?

    Glesy the great: basta ipopost ko siya baka bukas pagsasabay-sabayin ko na lahat ng tags.. wag ka ngang excited!!! pag sinabi kong ipopost ko, ipopost ko.. wag ka ng makulit jan.. cheers;p

  • rio

    ano ba??? fully book ka ba at masyadokang busy??? balik na…..madami ka na atang award na dapt kunin..hehe
    Glesy the great: sus di noh… once a week lang talaga akong nag-uupdate ng blog ko.. cheers;p

  • Jules

    hi glesy! ilang beses na rin akong padaan-daan dito after nung mabasa ko ang makalaglag luha mong post kay azrael. oh nakagawa ka na ba ng kontrata sa mga gustong umarkila sa ‘yo?? cheers!
    Glesy the great: asar ka naman.. di ka man lang naglagay ng link mo para nabisita kita sa blog mo… cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: