silent night, holy cow…

hello, hello… ilang tulog na lang at Santa Claus is Coming to Town na naman…

christmas lights na possibleng maging fireworks dahil sa kaduda-dudang presyo (napasobra sa barat);

christmas tree na posibleng maging christmas kalat kapag isang buwan ng tapos ang pasko pero nakatayo pa rin;

gift-giving na possibleng maging hate-giving pag mortal na kaaway ang nabunot;

fireworks na posibleng maging “house on fire” kapag katabi nyo lang ang pabrika ng paputok o kaya naman “hands on fire” kapag nakipag-sawsaw suka ka sa paputok na hawak mo pero binurot ka ni super lolo;

caroling na pwedeng mauwi sa trip to san lazaro kapag hinabol ka ng asong mas mabilis pang tumakbo sa’yo…

ilan lang yan sa mga signs and symptoms na papalapit na talaga ang gastos este ang pasko pala…

pero maiba tayo… hindi ko alam kung sinong naka-isip ng santa claus pero may theory ako… si santa claus ay kathang-isip at tahi-tahi lang ng mga ninong at ninang na walang pambili ng pamasko para sa mga inaanak nila… eto ang kanilang way para makatakas sa obligasyon nila… mejo matalino rin ang naka-isip ng santa claus kasi naisip nya rin ang “naughty or nice”… kasi nga naman pag tinanong ng kanilang inaanak kung bakit di sila nakatanggap ng regalo ang sasabihin mo lang eh “siguro darling naughty ka ngayong taon na to… kaya dapat magpakabait ka next year para mabigyan ka ng regalo ni santa”…

eto pa ang isa sa ingenuity ng naka-isip ng santa claus existence na yan: ang sabihing nakatira siya sa north pole!!! siyempre nga naman kung sabihin mong nakatira lang si santa claus sa kabilang baryo sasabihin ng mga makukulit na bata na “tara puntahan natin si santa claus para kunin ko na yung regalo ko”.. pero pag sinabi nilang “tara punta tayo sa north pole” pwede mong sabihin na “walang byaheng jeep papuntang north pole”

tapos sino ba namang bata ang hindi matutuwa sa ideya na ang regalong makukuha nila ay gawa ng mga elves at dineliver ng mga flying reindeer gamit ang sleigh… kahit siguro ang pinakamatalinong bata sa mundo mauuto ng ganitong kwento…

nung bata ako naniniwala ako sa santa claus… ang umangal, yabit!!!, isipin niyo na lang na ako’y musmos pa lamang noon at lahat ng sinasabi sa akin eh akala ko totoo… kaya dati nagsasabit ako ng medyas sa pag-aakalang lalagyan to ng blankong tseke ni santa claus… ahaha… pero pramis kung nakita nyo lang yung gate namin noon, mas marami pa yung medyas na nakasabit sa bahay namin kesa sa mga ilaw ng christmas lights ng kapitbahay namin… dahil di naman kami mahilig magsabit ng christmas decor sa bahay namin, nagmistulang improvise na parol at garlands ang mga medyas naming magkakapatid… lahat ng kawit na pwedeng pagsabitan may nakalagay ng medyas, as in lahat ng medyas sa bahay isinabit ko… pwera lang yung mga butas na medyas kasi daw baka mahulog yung regalo ko pag butas yung medyas (advice ng katulong namin)… kinabukasan? laking tuwa ko at may tig lilimang piso bawat medyas na nakasabit (okay na rin sakin kahit hindi blank check, masamang tumanggi sa grasya)… at noong kinagabihan na magsasbit ulit ako ng medyas, pinigilan na ako ng magulang ko na may kasamang pagbabanta na…. ahahaha… hmmm masarap talagang maging bata, lahat ng kapricho mo nasusunod… cheers;p

Glesy the Great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

29 responses to “silent night, holy cow…

  • bloom

    akala ko naman ilang tulog na lang, board exam na! hahahaha.. yun pala, ilang tulog na lang, christmas naaa! parang hindi ko feel ang paskooooo Huhuhuhuhu!

    Glesy the great: adik!!!! after mong mag-board mararamdaman mong sobrang saya mo na parang gusto mong magpasagasa sa kalsada… para kang natanggalan ng tumor na mas malaki sa’yo.. isa lang ang maaadvice ko sa’yo “maniwala ka sa sarili mo!!!”….. ngayon pa lang isipin mo na papasa ka… tumalab sakin eh, malamang sayo rin o baka naman dahil talagang makapal lang mukha ko… alam kong ilang beses ko ng sinabi sayo to pero “goodluck for the nth time.. cheers.;p

  • joshmarie

    antagal mo nawala ah.🙂

    Glesy the great: wag mo ako masyado mamiss baka iba na isipin ko nyan… dyok… mejo busy po kasi kaya ganun.. cheers;p

  • lalaine

    maligayang pasko! ;))

    nakikibati ng maaga … hehehe.

    link ex? =)

    Glesy the great: di ako nakukuntento ng bati lang.. asan ang aginaldo ko?

    syur!!! add din kita sa blog ko.. cheers;p

  • Mahalia

    may medyas ka pa rin? baka pink na ang type ni santa ngayon…

    Glesy the great: wala na.. baka pag tinangka ko pa yun magbawas na ng anak ang magulang ko.. cheers

  • Jorge

    Hahaha, maligayang pasko po!!

    Naku yang pagsabit sabit ng medyas na yan, muntik na kong malaglag sa bintana. At pati christmas tree nilagyan ko rin. Dahil sa kokonti lang medyas ko nun, pati ung kasusuot lang sinabit ko na din para mraming matanggap na gift, toinks!!! hahaha

    O cya, alam kong ginawaran ka na din ni Timi ng award, pero ibibigay ko parin ung award mo ha:

    http://bloggerjorge.wordpress.com/2008/11/23/blogger-buddy-award/

    visit ka nalang.
    Congats!

    Glesy the great: thanks sa award…

    eh talaga namang di lalagyan ni santa ng regalo yung mga medyas mo baka akalain nya pinapractical joke mo siya dahil bakit parang may lamang patay na daga yung medyas na sinabit mo.. cheers;p

  • pepe21

    nung nagsabit ako ng medyas 2nd year na ata ako.:))
    kinabukasan eh.
    nasa plastik iyong regALO ni SANTA CLAUS.
    diba ang galing?
    gumagamit si santa ng plastik.

    lagay kita blogroll ko.

    Glesy the great: tapos may nakalagay na toy kingdom? tsk tsk tsk pinagshoshopping na lang siguro nya yung mga elves imbes na gumawa from scratch.. cheers;p

  • a.r.d.y.e.y.

    hula ko business man si santa claus. kaya sya mataba eh. ganun kasi nakikita kong negosyanteng mayayaman. mga bondat.

    tamo pag pasko ang lakas ng mga business.

    Glesy the great: pwede din kaya siyang utangan? cheers;p

  • brotherutoy

    si santa claus ay nagmula sa makasaysayang santo na si St. Nicholas of Myra, isang obispo na namamahagi ng pagkain sa mga mahihirap tuwing pasko. Malamig sa Europa kaya’t tuwing pasko ay namimigay rin siya ng mga uling para sa chimney. Inen-courage niya ang mga tao na magsabit ng medyas sa labas ng bahay para kung sakaling tulog na sila pagdaan niya eh dun na lang niya isu-shoot ang uling. bakit medyas? kasi ang dami ng uling sa punong medyas ay katumbas ng isang buong log para sa fireplace.

    bakit ko sinasabi ito? wala lang, trip ko lang.ĂĽ

    God bless!

    Glesy the great: ahehehe pakiramdam ko para mo akong piningot sa tenga.. cheers.. at least enlightened na ako.. okay lang yan kanya-kanya tayong trip walang pakelamanan… God bless din …hehe;p

  • kamotenista

    noong bata po ako naniniwala ako kay Santa Claus. nagsabit pa nga ako ng medyas sa bintana at christmas tree naman sa pag-aakala na kinabukasan may makita akong regalo sa laman nun…hehehe

    Glesy the great: so matinding hinagpis ang nadama mo ng walang laman…? wawa naman, dapat nilambing mo muna ang magulang mo… cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    hanggang college ako, nagsasabit pa ako ng medyas tuwing pasko. P100 petot ang nilalagay ni pader.

    kapag mas mababa pa dun, nagproprotest ako. harap-harapan ko na siyang hinihingan ng pera. hehehe.

    Glesy the great: kung ako magulang mo at di ka umayos-ayos makikita mo na lang isang araw pag-uwi mo nasa lansangan na mga gamit mo.. bata ka pa lang marunong ka ng mangikil… ahahaha…cheers;p

  • utakmunggo

    alam mo bang may relasyon si santa at si tut peyri?

    Glesy the great: oh my.. dalahira ka talaga pinapalabas mo bang may kulasisi si santa clause… hmmmm.. AMININ!!!!;P

  • BURAOT

    anak ka ng piso, oo. nyeheheheh!

    abot abot ka pa sa pakontest ko. magpost ka lang ng entry dito sa blog mo, tapos iwento mo yung tungkol sa pautot ko. i-link mo lang yung site ni kulapo ng 2 beses, oks na yun.

    nov.30 ang huling araw ng pagpost ng entry kaya abot abot ka pa. oks? oks.

    kung bagito pa kaw, at di ka pa marunong gumawa ng link, lemme know. oks uli? oks uli.

    Glesy the great: waaahhh… di ka ba magagalit kung pass muna ako sa iyong pacontest.. sana di mo masamain…. cheers.. ilabu buraot

  • ak0it0

    aba at usapang santa na pala dito..meri krismas🙂

    Glesy the great: at mukha atang may lakad ka at nagmamadali kang umalis, isama mo nga ako jan… cheers;p

  • potsquared

    puchat.. naniniwala ka kay santa… tsk.. ano bang pumasok sa isip mo… di ako naniniwala jan… kahit itanong mo pa sa friend kong si toothfairy… sabi niya wala naman daw santa claus… saka hindi naman daw marunong magtagalog si santa clause dahil hindi siya napupunta ng pinas.. wala naman daw chimney sa atin… saka saan ka nakakitang elves na nagbabalot ng regalo.. eh kapag nanuno ka nga magkakasakit ka.. the more pang gawin silang slaves at bigyan ng regalo.. hihihi hindi ako galit sa pasko ha.. pero kung bibigyan ako ni santa.. friends na kami.. hihihi tagay mo glesy!

    Glesy the great: siguro matagal-tagal ka bago tinubuan ng permanent teeth at bungal ka nung bata ka… kasi naman parang todo-todo ang pananalig mo sa existence ni toothfairy eh… eh yung sant a claus ko nga nagbibisaya eh sabihin mong hindi nagtatagalog jan…

    pero tungkol sa mga elves na yan di na ako tututol kasi nagtatabi po ako nung bata ako eh…

    di ka bibigyan ni santa ng gift.. syado ka daw naughty eh!!! cheers;p

  • mayyang

    wow! x’mas is coming!!!!…

    naku! ako din kaya nun nagsasabit ng mga medyas..paniwalang paniwala naman ako nun na may santa claus talaga…hehehhe… nakakatuwa kasi e! kasi akalain mo bang every morning nun may laman ng mga barya at mga kendi sa medyas ko…hehehhe…

    gawin ko nga ulit yan sa bahay..aagawan ko mga pamangkin ko..hehehe

    Glesy the great: o di ba ang saya!!! may pambili ka na ng jolens.. cheers;p

  • rio

    hindi ako dati naniniwala kay santa dahil hindi naman sya nagpapakitapero ngayong lumaki na ako…naniniwala na talaga ako sa kanya…ahehe..sana mas madaming pera pa ang ilagay ni santa sa medyasko…dadamihan ko din ang isasabit kong medyas para mas marami akong makuhang aginaldo.

    Glesy the great: ay parang tumatanda ka ata ng pabaligtad at ngayon ka pa naniwala sa santa claus.. ahehehe.. cheers;p

  • khzr4u

    ang sarap talga maging bata..madaming regalo, bawat mejas may laman..ha!ha!ha!sarap araw-arawin ang pagsabit ng mejas..:)

    Glesy the great: proof na may bunga ang iyong pinaghirapan… cheers

  • khzr4u

    ang sarap talga maging bata..madaming regalo, bawat mejas may laman..ha!ha!ha!nga lang minsan nasabit ko hindi naman butas pero nanenok ng kapatid ko..kaya mula noon bantay sarado na ang mejas wala nga lang regalo si santa

    Glesy the great: at dahil nagtype ka ulit sa pag-aakalang di pumasok ang iyong comment “try and try until you succeed”.. kaw naman kasi di tuloy makasimple si santa sayo.. cheers

  • kirksydney

    Kahit kelan, hinde ako naging excited sa Pasko.

    Sa bahay namin, mas cinecelebrate pa ang New year.

    Glesy the great: bakit naman? anong meron sa christmas Mr. Grinch at parang ayaw na ayaw mo sakanya?

  • mayui

    hindi kami nagsasabit ng medyas. nasa ilalim lang ng christmas tree yung regalo. di rin kami pinalaki na naniniwala kay santa. though tuwing pasko, may regalo naman mula sa magulang.

    hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging excited sa pasko. excited na lang ako sa christmas vacation, para bakasyon at pahinga from acads, pero sa mismong araw ng pasko, wala lang. boring, nakakalungkot. hayy..

    Glesy the great: oh? kalungkot naman…. gusto mong magpasko samin, wala kaming taga-hugas ng plato eh.. dyok… tulad ng sinabi ko maraming reasons para maging masaya sa pasko… hayy… cheers;p

  • p0kw4ng

    ako din naniniwala sa santa nong bata pa ako..kaso nahuli ko ang tatay ko na naglalagay ng mga kung ano ano lang sa medyas ko…bago mag pasko kung ano ano lang ang nilalagay nya…may bato..may laruan na luma..may polbo..may babyoil…basta kung ano ano lang..hahaha! ang matinong regalo at sa araw na lang ng pasko..walang pera eh!

    Glesy the great: okay lang yun… natuwa naman ako sa tatay mo… pagtripan ka ba naman.. okay lang yan may pambawi naman sa huli eh… buti di mo inisip na may pagkagago pala si santa nung bata ka pa… cheers;p

  • bonistation

    parte na kasi yan ng pagigin bata. ipasa nalang sa mga anak natin. minsan lang naman maging bata ^^. masaya naman diba? pero syempre wag padin kalimutan ituro ang totoong meaning ng christmas! the birth of jesus! naks!

    serious mode ang kunehong bon.

    MERRY CHRISTMAS po sa lahat! miss ko na naman ang pasko sa pinas!

    Glesy the great: totoo!!!! talagang masaya… tama, minsan lang tayong bata kasi minsan lang tayong pagbibigyan ng mga magulang natin na maging santa para sa mga ulilang medyas natin…

    onga eh… parang naiimagine pa kitang nakakunot ang noo sa sobrang seryoso..

    MERRY XMAS din…. mamamasko po!!!!;p

  • mangbadoy

    masarap pa rin magpasko satin kahit twing may pasko may away sa kanto at twingg nagbibigayan ng ulam ang kapitbahay may kanya kanyang laitan e masasabi ko pa rin na mas masaya ang paskong pinoy kesa sa lahi… sa bansa ko ngayon ang pasko at bagong taon sinicelebrate lang ng isang araw the following day may pasok na at parang walang nangyari…

    naniwala rin ako kay santa nung bata ako kaso nahuli ko sila mama at papa at nilalagyan ng pera or kendi ang medyas na nilalagay ko kaya naman di ako naniniwala kay santa pero tama ka mas okay yung concept nun para naman maging mabait taung mga bata (dati)… lol!

    Glesy the great: ahaha natawa naman ako sa mga umaatikabong bugbugan at laitan sa lugar nyo ahaha…. ay masaya pa rin talaga sa pinas ano? kasi kahit presidente ng bansa natin tinatamad pumasok pagkatapos ng pasko kaya pinapahaba nya ang holiday…

    deep in my heart naman feeling ko di totoo si santa.. gusto ko lang papaniwalain ang mga magulang ko na totoo nga siya para mapilitan silang maging improvised na santa ko… cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    ehehe. sa totoo lang, mabait akong anak no? hindi ko naman sila pinipilit. kunwari lang magtatampo. hehehe…

    siya nga pala, may award na naman ako para sayo.

    http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/2008/11/27/matagal-ko-nang-alam-na-cute-ako/

    yun lang. kaw na bahala diyan.

    magsama-sama tayong mga cute =)

    Glesy the great: aba baka over qualified ako dyan.. ahehe.. thanks cute pala ako sa palagay mo.. cheers;p

  • libay

    Merry Christmas! (advance)

    napadaan lang po…

    Glesy the great: dumaan ka lang? wala kang balak mag-stay… dito ka muna.. samahan mo ako… cheers

  • Helena

    HATE ko ang pasko…mahabang istorya kung bakit (bukod sa confidential).

    pero kasama sa mga rason ang:
    -pagkarami raming pagkain at mahihirapan na naman akong magdiet
    -wala kong pang-aginaldo sa mga inaanak
    -puro xmas songs lang ang madalas sa mga istasyon ng radyo
    -exchange gifts, kasama na ang mga demonyita-demonyito, something round, something cute, something long and hard and sticky (bawas baon pa)
    -malapit na naman matapos ang taon, at maiisip ko na naman na wala pa ring nangyayari sa buhay ko! Pakshet!

    Glesy the great: ahehe… pare-parehas lang naman problema ng lahat eh, pero nakakahanap pa rin sila ng reasons para sumaya kaya dapat ikaw din…

    bakit kelangan pang mag-diet tuwing pasko… LET GO AND LET’S EAT!!!..cheers;p

  • eloiski

    weeeee!
    lapit na nga ang krisismas!

    naniwala ako kay santa claus na yan
    pero dahil sa isang karumal-dumal an kaganapan
    nalaman ko na hindi siya totoo!

    amp!

    uto uto talaga ako!

    Glesy the great: okay lang yan… madami na talagang nabiktima ng santa claus na yan… cheers;p

  • muymuy

    pssttt!..may award ako para sayo kasi ang cute mo..

    http://muymuy.wordpress.com/2008/11/28/cute-akoang-umangal/
    Glesy the great: salamat naman sa cute award na yan… tsk tsk tsk… umaalog tuloy wiwi ko sa kilig.. cheers;p

  • ifoundme

    hay… naalala ko tuloy… bata pa ako sobra nung tinigil na talaga ng magulang ko ang ilusyon ko tungkol kay santa. siguro tinamad na rin mang-uto at tatakasan na rin ang pagkukunyari dahil wala ng pera pambili ng ibibigay ni santa. hahahha!
    Glesy the great: nyahaha.. yan ang downfall ng pagiging santa!!! ano bang hiniling mo kay santa at parang natuyuan ata ang magulang mo? cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: