Wrecked Sweet Home

Sobrang gulo na talaga ng bahay namin… Mukha na siyang bangketang araw-araw na ni-raraid ng MMDA… Nagmistula na kasing Hinulugang-Taktak ng Antipolo ‘tong bahay namin tuwing umuulan… Nag-umpisa sa isang patak-patak hanggang nauwi sa state of calamity… Ang buong tao eh ikot ang pwet na tipong parang lulubog na ang barko pag hindi natanggal ang tubig… Kaya ang nanay ko eh naging captain of the ship habang hate words is in the air.. “@#*&%+ $#@, maglilinis na nga lang kayo naglalamugan pa kayo!!! Hoy ikaw anong gagawin mo jan? tingnan mo nga yan!!! Ang dungi-dungisin”… Well, pinagsamang talking armalite at flying granada talaga nanay ko, matagal ko ng tinanggap yan simula pagkabata…

Kaya ayun nagsimula na ang pagbobomba este pagbaklas sa parte ng bahay namin… una, doon muna sa terrace namin na nagsisilbing Suez Canal ng katawang tubig papuntang sala namin tuwing tag-ulan… at hindi lang yun… pag-uwi ko ng bahay mula sa medical mission habang ang pakiramdam ko eh at long last mayayakap ko na rin ang unan kong mukhang longganisa na sa katandaan, isang makatindig balahibong ilong ang nadatnan ko…

Anak ng pisong binarat naman o!!!

MUKHA NG HINIROSHIMA YUNG KWARTO KO!!!
Bungkal-bungkal na yung lupa at pagtingin mo sa taas kita mo na ang buwan at ningning ng mga bituin sa kalangitan!!! WALA NA AKONG KWARTO!!!!
As expected, sumunod na ang Nagasaki Bombing nang hagupitin na ang kabilang kwarto, at isa pang kwarto… ayun mukha na kaming skwa-kwa(squatter) ng kapatid ko dahil wala na kaming matulugan, minsan dito-minsan doon…

Siguro tinatamad na ring maglinis ng bahay yung katulong namin dahil pagtingin ko sa chandelier namin napasigaw ako ng “Happy Halloween!!!!”—-dahil inagiw na ng katakot-takot…

Mga naninirahang hayop lang dito sa bahay namin ang masaya sa gitna ng kaguluhan… Mukha na silang kumakain ng sapat at nagtatamasa ng masaganang pamumuhay… Sobrang gadambuhala na kasi ng mga daga dito na kahit siguro si Max Alvarado magtatatakbo at titili pag nakita… Tipong yung boses nyang tunog bulldozer eh magtutunog na maliit na torotot sa pagtili… Mukha na silang life-size na Dodeng Daga.. Wala na ring mga pusa sa amin dahil mukha na kasing dinosaur sa paningin nila ang mga daga dito, di na nila kayang madala sa kalmutan dahil tigre na ang katapat ng mga daga dito na may sakit na gigantism…

Haaayy… Wrecked Home Sweet … Cheers;p

Glesy the Great

Anak ng piso naman!!!

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

30 responses to “Wrecked Sweet Home

  • naglalambingnacute

    naku… nakakatakot naman … happy halloween sa kwarto mo hihi..

    takot ako sa daga….

    sensya na at now lang ako nakapasyal.. mwaaah

    ok lang yan . .

    Glesy the great: hindi!!! wala ng pali-paliwanag.. nagtatampo pa rin ako sa’yo.. ipinagpalit mo na ako… kiss muna.. cheers;p

  • mangbadoy

    yung pusa rin namin sa pinas takot sa dagang malalaki siguro di na masarap kaya kahit iharap mo pa sa mukha nila ang patay na malaking daga ay dedma sila… wala silang reaction at parang sinasabihan pa ako ng “get out of my face”… choosy mga pusa yan!

    Glesy the great: samin din ganyan ang drama nila!!! mukha na daw kasing junk foods itsura ng mga daga namin!!! concern sila sa health nila eh.. sa mga bibwit na lang daw sila, ayaw nila sa mukhang baboy ramo na daga.. cheers;p

  • lhay

    Renovation ba yan? MAYAMAN! at uso pa pla amg chandelier ngaun ? tsk.. watta!

    Glesy the great: hindi kami mayaman.. napilitan na lang dahil hindi na kasi livable ang bahay namin… when it rains, it pours din… cheers

  • Pepe McKunat

    ikaw ay masinop.
    sa maduming paraan.😆

    Glesy the great; make up your mind… sabihin mo na lng na cute ako para masiyahan pa ako.. cheers;p

  • Jorge

    Wahaha! Halloween ito! toinks!!

    Kakatuwa naman ung pagdescribe mo sa bahay nyo, nalaglag ako sa upuan ko ah! hahaha..

    Next time irecord mo nlng ung ‘speech’ ng nanay mo tas i-play mo nalang kapag naging ‘captain of the ship’ ulet, toinks!!

    Goodluck sa paglilinis at renovation, aaww!

    Glesy the great: naku wag na lang baka sumabog pa yung recorder ko nyan… kapag dito ka nakatira di ka matutuwa, maiimbyerna ka!!! cheers

  • potsquared

    aba ang mga daga ngayon.. nakikipag titigan pa sa iyo.. kahit ambahan mo.. di natitinag.. at tama ka.. mapapatili nga ang kahit na sinong lalake.. buti na lang at di ako takot sa daga… IIIIKKKKKK!!

    Glesy the great: baka nagpapacute lang sayo yan… wag mong kindatan baka dumami lalo daga sa inyo… nung inambahan ko nga, pinakyuhan ba naman ako… kung di ba nman bastos ang tawag dun ewan ko na lang… cheers;p

  • edchavez

    hi, nakakaaliw naman ang kwento mo. at least hindi tunay na katulad ng demolisyon at gibaan na nangyayari sa mga totoong iskwater.

    Glesy the great: salamat naman at sa gitna ng sakunang aming nararamdaman eh naaaliw ka naman… parang too good to be true na nga ang demolisyon at gibaan dito samin eh…cheers;p

  • bonistation

    hehe. under renovation ba! eh hintay lang ang back to BAHAY PALASYO kana uli. ^^
    nakiraan lang po (nagdumi pa) toinks!

    Glesy the great: di naman palasyo… eto lang blog ko ang kunwari palasyo… sige daan lang… alis ka na? hatid na kita sa labas… bago ka lumabas, offertory mo? cheers;p

  • rache

    napadaan lang po galing sa plurk… hehehe… ganda ng bahay nga malapalasyo ng halloween cast ang description…. nakakatuwang blog…

    Glesy the great: aba may mabuti palang maidudulot sakin ang plurk na yan… thanks!!! alam ko napasalamatan na kita sa plurk eh… ikaw kasi eh.. cheers

  • timi

    para sigurong na-nuke yung bahay nyo wahahaha!

    Glesy the great: totoong parang may lumanding na nuclear bomb samin… tumaas ang mortality rate ng mga pader namin.. cheers;p

  • eloiski

    magandang bahay!
    adbans na kayo para sa haloween!
    haloween para sa next year!
    cheers!

    merry xmas!
    Glesy the great: di naman magandang bahay.. ayusin lang naman kasi sobrang exag na yung tulo.. cheers!!!!

  • siangelnawalangpakpak

    wow… so nirerenovate na ngayon ang bahay niyo? chandelier? di ba mga mayayaman lang ang may ganun sa bahay. uyyy… rich kid…

    baka maging palasyo na ang bahay niyo niyan.

    Glesy the great: for the nth time hindi palasyo ang bahay namin at di kami mayaman.. kung mayaman ako di sana ako kasingkunat ng niyog pag dating sa pera.. cheers;p

  • brotherutoy

    yung daga na lang ang alagaan nyo instead na pusa. at least malalaki na sila, diba?

    God bless sa renovation at konting paypay naman kay mommy. high blood eh.
    Glesy the great: ayokong alagaan yung mga daga na yun.. kasi naniniwala ako sa food chain.. baka pagdumami tong mga jalimaw na dagang to eh baka mag-sidatingan naman ang mga sawa sa bahay namin..

    nanay ko di nadadaan sa paypay kalabit lang sakanya ang paypay… God Rocks po…cheers;p

  • cindyrella

    well, e kung palasyo naman pala sabihin niyo na lang sa hardinero at body guards niyo na sila ang maglimis ng bahay at hindi yung tatamad tamad sila. ^^

    padaan lang po..

    adv happy christmas! yan ang regalo sayu ni God!

    Glesy the great: wala kaming hardinero.. kung meron lang ba eh di sana di nangyayari sakin ito…. ako nga walang matulugan eh, san ko pa kaya patutulugin yung mga hardinero at bodyguard na yan.. mukhang naughty ata ako ngayong taon na ito at ganito ang natatanggap ko…cheers;p

  • mayyang

    naku..ganyan tlga pag nagpapaganda ng bahay!

    ganyan talga ang nanay! naku..kulang nalang pati yung mga daga nyo mayanig sa boses nila…hehehehe…

    Glesy the great: di kami nagpapaganda ng bahay kasi parang lalong gumugulo yung bahay namin sa nangyayari ngayon… oo naman, as i said matagal ko ng tinanggap yan simula pagkabata.. cheers;p

  • gmacomics

    todo renovation ngayon glesy the great ah! hehehe. so sa cr kayo natutulog ngayon? hehe. joke.

    Glesy the great: galing ah… yan kasi ang lagi naming sinasabi ni kuya… “sa cr na lang tayo matulog!!!” cheers;p

  • walongbote

    aiks.. kawawa naman kayo jan.. pero maaayos din yan kailangan nyo ng mag renovate ng bubong… herheh…
    Glesy the great: wawa talaga kami.. padalhan mo nga kami ng branded na mga damit, imported na de lata, saka mga 5 sakong bigas… salamat sa kawanggawa.. cheers;p

  • joshmarie

    nakarelate ako sa hiniroshima na kwarto nyahaha

    Glesy the great: bakit? hiniroshima din ba ang kwarto mo.. at least di nyo naranasan ang plague katulad ng amin… cheers;p

  • rio

    wow renovation…imbitahan mo kami sa blessings ha…
    baka gusto mong ilaban yang mga daga mo sa daga namin sa bahay…malulusog din mga alaga kong daga..hindi na nga namin mawari kung ano ang daga sa pusa e.hehe
    Glesy the great: sus wlang blessings-blessings… yung mga nakatira dito ang dapat binebendisyunan ahehe… cheers

  • kengkay

    at least theme park pala ang dating ng inyong sweet home ngayon, hehe

    Glesy the great: yeah parang jurassic park siya ngayon.. cheers;p

  • kamotenista

    konting tiis lang at makakabalik ka na sa hideout mo…hehehe
    Glesy the great: tingin ko matagal na tiisan to.. kasi huminto sila ngayon!!!!!!!! haay kelangan kaya ako makakalanghap ng hanging hindi amoy semento.. cheers

  • Mike Avenue

    Masarap pulutan iya!
    Glesy the great: gusto mo? sa dami ng daga samin pang oktoberfest na pulutan to.. cheers

  • kirksydney

    Pwes maglinis ka na!
    Glesy the great: wala kang karapatang mag drama ng ganyan dahil alam kong mas tamad ka pa sakin.. cheers

  • Mahalia

    hayaan mo glesy,

    makikita mo ang resulta ng pagsasakripisyo mo kapag natapos na ang renovation. Pwede ka pang pumili ng kulay na ipipintura sa kwarto at ipagtatahi kita ng mga kurtina at matching punda sa langgonisa mong mga unan. hihihi.
    Glesy the great: sana nga matapos na…. talaga? may libre akong kurtina sayo… hay naku may news po ako sa inyo, tinapon na ng nanay ko ung unan ko!!!!! so pwede mag-request? pwede bang unan na lang ang ibigay nyo po.. ahaha cheers;p

  • taps

    hindi kaya magkamag-anak ang nanay mo at nanay ko?

    pareho silang may kakambal na armalite mouth.
    Glesy the great: gusto mo mag-EB silang dalawa? sabihin mo sa nanay mo dalhin nya yung birth certificate para magkaalaman na.. cheers;p

  • kirksydney

    Psssst may tag ako sayo, gawin mo ha:

    http://kirksydney.com/2008/12/tag-ina-nga-naman-o/
    😀
    Glesy the great: yan ka na naman.. mangungulit ka na naman ng tag mong yan.. cheers;p

  • burinj

    yamings ka pala talaga!
    Glesy the great: di ah.. dukha lang kami… DUKHA….cheers;p

  • Mars from Myguideblog.com

    Thanks for great post !
    Glesy the great: thanks kahit alam kong spam ka lang.. cheers;p

  • Helena

    wahaha! pasahurin nyo naman kasi ang katulong nyo para maglinis. Kami nga walang katulong {singhot}. Pero dahil wala rin naman kaming peyrents dito. Wala rin sasaway ng mga kalat. Woohoo!

    Kakaburaot lang minsan pag super stressed na, paguwi ko parang gusto ko uli bumalik sa ospital mas masarap pa matulog sa delivery room!!
    Glesy the great: uy nag-aadvance pa nga ng sweldo yan eh plus pa yung mga nakukupit nilang mga barya sa amin…hindi kasi samin pwedeng walang katulong kasi marami kami sa bahay… ano bang trabaho mo? bakit delivery room? cheers;p

  • felmar fiel

    wow! ang galing naman ng. sana may pictures para makakita ako ng wrecked sweet home…isinama kita sa blogroll ko…
    Glesy the great: uy teka lang paano kita isasama sa blogroll ko eh di ka naman nag-iwan ng link dito..
    sus ang tagal-tagal nga bago ko makapag-pasa ng pesteng tag na may pic na yan.. hehe… cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: