I’m… I’m too hot for your clothes…

napupundi na talaga pasensya ko sa plantsa namin.. nakakaalarma na kasi ang pagtaas ng death rate ng mga damit namin dahil sa despalinghadong plantsa na ito… 3 pares lang ang uniform ko pero kung magsunog ako ng uniform akala mo may pabrika kami ng tela at patahian ng damit, ang lakas ng loob!!!!… para siyang serial killer na iniisa-isa ang mga uniform ko sa aparador, naiimagine ko siyang nakangisi habang sinasabing “you can run but you can’t hide” *insert devilish laugh here*…  isang pantalon na at isang blouse ang di ko na pwedeng isuot dahil hindi naman lahat ng taong makakasalubong ko eh legally blind para di makita ang hindi pwedeng itagong butas sa parte ng damit ko…

walastek ‘tong plantsa namin… bilib talaga ako (idol!!!) kasi kahit naka-minimum ang heat kaya nyang gawing itsurang tinortang talong ang pantalon mo… gusto ko ngang i-audition to sa La Germania para sa “The wonders of cooking without oil”… kahit ata swelas ng sapatos kaya nyang gawing rubber band, timer starts now… 1 minute lang o pustahan tayo…

yung tela nga ng kabayo (yung plantsahan) namin mukhang walang-awang paulit-ulit na pinagsasaksak ng isang adik gamit ang isang JUNGLE BOLO… mukha siyang papel na ginamit sa paglalaro ng SOS pero puro “O” lang ang itinaya…

kanina ko lang napansin… pucha parang may kwitis sa loob ng super plantsa namin at parang may kislap ng kislap… hanep may bagong trick na naman si super plantsa…  hello benjamin franklin dito mo nga paliparin saranggola mo para sumikat naman to…

mistulang mahal na sa museum ang plantsa namin pero talaga namang kung umasta akala mo naman inimbento ni Einstein sa sobrang yabang… akala mo naman the next technological breakthrough… akala mo naman siya na ang “the father of all plantsa”… father-father, tae mo!!! papalitan din kita akala mo…

parang gusto ko ngang itry plantsahin yung pandesal… abangan ko lang baka naman talagang totoo ang magic at maging biskwit to… ikaw? anong favorite sandwich filling mo?

cheers!!!;p

Glesy the Great

* Yung mga nag-tag sa akin nung picture-picture at pagiging cute ko (ehem) thank you.. gagawin ko siya nagtotopak pa lang talaga yung pc ko… kelangan ko na lang talagang mag-update post dahil baka amagin ang blog ko at makabuo na tayo ng panibagong strain ng antibiotic…*


About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

53 responses to “I’m… I’m too hot for your clothes…

  • bloom

    wahahaahahahha! t*enah.. hahaaahhaahahahhaha! shet na plancha yan! father of all plancha pa eh.. naawa naman ako sa kabayo nyo eh!😦 palitan mo ng damit glesy! yung mga mga lumang bedsheets jan! hahahaahha!

    ang bad ng plancha nyo! tsktsk. dapat nilulublob sa tubig yan habang mainit. hayaan mo shang makuryente! hehehe.. ok fine, kung serial killer yung plancha nyo, ako psycho killer! wahahahahaha!
    Glesy the great: bad talaga!!! ok din ilublob sa tubig yan para makuryente kaya lang baka kami naman ang lumublob sa apoy pag nagtampo si father plantsa… baka isama pa kaming lahat sa katapusan nya.. cheers;p

  • Cindyrella

    grabe gaano na ba katagal yung plantsa niyo? gusto mo manghingi ako ng donasyon para makabili na kayu ng hightech na plantsa lol!! wag na lang kayu mag plantsa.. di naman ata nanghahabol yang plantsa niyo di ba?
    Glesy the great: di naman katagalan mukha lang siyang hinukay pa from treasure chest… sige tayo ka ng foundation… di pwedeng di mag plantsa, ayaw kong magmukhang ginamit ko pang pangtulog yung uniform ko.. cheers;p

  • brotherutoy

    hheheheehe…. teka, iinom muna ako ng tubeg. di ako maka-comment sa katatawa!
    Glesy the great: sige takbo kagad sa drum sabay dive… dahan-dahan sa tawa baka mapa-curse ka.. cheers;p

    God rocks-glesy the great

  • Helena

    hahaha…ganyan din plantsa namin gles kaso mumurahin lang yun. So ano ba talagang brand ang maganda? Yung mabigat o yung magaan? Super bilis ko nga magplantsa. Bago pa sya maka-react tapos na ko.🙂
    Glesy the great:hay nako helena pati ako eh naguguluhan na… bumili ako ng mabigat, sira.. bumili ako ng mabigat, sira din…
    ayos kang magplantsa ah.. so kumusta naman ang damit mo di naman siya mukhang origami na tadtad ng tupi? cheers;p

  • mangbadoy

    bili na ng bagong plansta may mga non stick na plantsa ngayon tapon mo na yang di uling nyong plantsa…

    pwede mo naman gawing lutuan ng burger ang plantsa nyo hehehhe!
    Glesy the great: hmm totoo ba yang non-stick non-stick na yan? para mapalitan ko na tong plantsa na to… para akong tangang saksak-tanggal, saksak-tanggal ng plug eh… baka mainsulto si super plantsa pag ginawa ko na lang siyang lutuan…cheers;p

  • kengkay

    ginawa ko yan dati, hahaha. kasi ang lamig na ng pandesal so nilagyan ko sya ng keso at binalik sa supot tapos pinalantsa ko sya, ayun meron akong grilled cheese, hahaha
    Glesy the great: wow!!!! ang tindi naman ng trip mo ate kengkay!!!!! di ko kayang gawin yan… sa sobrang dami ng damit na nasunog nito baka gawing uling yung dapat sana ay grilled cheese eh.. cheers;p

  • rio

    ayaw mo nyan? 2 IN 1..may plantsa ka na may oven toaster ka pa…sosyal nga yan e..hehe
    dati may plantsa kami mas astig sa plantsa mo kasi yung plantsa namin once na uminit hindi na pwedeng hawakan dahil grounded..hehe

    palitan mo na yan at baka masunog nya ang favorite damit mo.
    Glesy the great: dapat mag-EB yung plantsa nyo at plantsa namin… para mag head to head sila ng kayabangan… baka magkaseatmate yan nung inaassemble kaya parehas may attitude problem.. cheers;p

  • utakmunggo

    hoy palitan mo na yung plantsa mo delikado na yan sa sunog anukaba. hehe..

    seriously, palitan mo na. ganyan rin yung nangyari sa amin eh. bkit ka magtitiis sa plantsang ganyan? bumili ka ng bago. mas mahal pa nga ang labas kung iko-compute mo lahat ng damit na nasayang.

    pag nakabili ka na, balibagin mo sa semento yung lumang plantsa nang makaganti ka. hehe
    Glesy the great: alam mo ate UM pinalitan ko na yan dati pero yung ipinalit ko bumigay kagad kaya balik na naman ako sa nakasanayan na… ahehe…. inaalam ko pa kung anong pinakamaayos na brand…. feeling ko pinagtatawanan lang ni super plantsa yung mga baguhang plantsa namin eh.. cheers;p

  • kirksydney

    Weeee excuses! Gawin na kung gagawin!
    Glesy the great tingnan mo to!!! ang haba-haba ng entry ko yung lintek na tag mo pa rin ang maicocomment mo… oo na, oo na gagawin ko din yun matuto ka ngang maghintay syado ka hot lagi eh… buhusan kita ng tubig eh… cheers;p

  • vhincent

    tadan… at tumpak ang iyong sagot ….bile kna ng bagong uniform! hehe
    Glesy the great: yoko na!!! isang buwan lang akong magtratraining eh… sana lang talaga may pambili ako ng uniform.. ahaha.. cheers;p

  • fonse.

    I enjoy your entries; fun, fun, fun!
    Anyway, magandayatang gawin pang luto ng itog (chicken, no duck hehe) pang almusal tsaka sausage (yung italian😉 ) tsaka burgers o picha pie (yung shakey’s)
    Glesy the great: Thank you talaga… isa ka sa mga nagcocomment na alam kong di binibilog ulo ko.. ahahaha… nagseryoso?

    maganda nga.. kaya lang ayaw ko namang magmukhang kinusot hanggang matuyo yung uniform ko… ahehe.. cheers;p

  • Jof

    haha napadaan lng.

    nice post. nkakatuwa!
    Glesy the great: daan lang ng daan.. ahehe.. welcome-welcome.. thanks… see yah.. cheers;p

  • joshmarie

    nabsa ko koment mo dun sa nakkatensyon at nagpasakit ng bangs ko hehe. i love ur comment.🙂 ingat.
    Glesy the great: ano yun? yung mejo nagkainitan sa comment box mo.. tapos may nasundan pang post sa isang side.. wala yun, dapat naman talaga wag na yang away-away na yan… feeling ko nagkaroon lang ng misunderstanding eh.. natensyon ka ba? cool ka lang.. ikaw talaga ang may kasalanan non eh!!! ahehe.. joke… cheers;p

  • Akina Bukolmo

    Hahahaha! Ipa-assassinate mo na lang yang plantsa mo. tutulungan pa kita. Ayiii!
    Glesy the great: wag ka ng tumulong baka sa kahuli-hulihang pagkakataon isipin pa nya na kelangan pa ba talagang dalawa pa ang pumatay sa kanya.. cheers;p

  • mayyang

    hay! ang mahiwagang plantsa nga naman..heheh

    palitan mo na ang iyong mga uniform kong n=sunog na lahat…hehehe..naku!ingat ingat ha…palitan niyo na kaya yan at baka makasunog kapa…

    lagot ka pag nagkataon glesy!jowk..hehehe

    ….stay safe🙂
    Glesy the great:napalitan na po..kaya goodbye hambog na plantsa ahehe… siya ang mag-ingat sakin.. lalo pa’t may pinangpalit na ako sa kanya.. cheers;p

  • kamotenista

    ang galing naman ng plantsa na yan…..wahahaha

    may kakambal pala ako sa pagsunog ng mga damit dito.isang pahid lang at sunog na…

    ilagay na sa vault yan….lols!
    Glesy the great:walang magaling sa plantsa na to… ahehe… oo nga mukhang identical twin tayo.. cheers;p

  • walongbote

    pwede ng alternative na paputok yan sa new year. instant kwitis. hehe. palitan na yan. at mukang nagmamakaawa na ang placha.
    oo ang cute nga ng kulay eh may pagkawhitish tapos blue naman… napalitan na po.. cheers;p

  • buzzingflowerpecker

    ipa-timbang mo na yung plantsa nyo. hehe. pero bago yun, i-dissect mo muna at kunan mo ng mga piyesa. hehe.
    Glesy the great: ikaw rin!!! gusto ko yang naiisip nyong pagkakaperahan… di ko kasi alam yung mga pyesa dito na pwedeng manenok sa katawan ng mayabang kong plantsa.. cheers;p

  • gmacomics

    kelangan na isanla yang plantsa na yan sa magbabakal. hehehe.
    Glesy the great: Hmmmm, i like your kumikitang kabuhayan idea ha.. cheers;p

  • taps

    kawawa naman yung plancha chaka si kabayo…

    may ishnow pala dito sa blog mo, nakakagulat. akala ko sira monitor ko lol…
    Glesy the great: nagustuhan mo ba ang snow? ako trip na trip ko rin… sa plancha at sa kabayo ka lang naawa samintalang ako yung nauubusan ng damit.. cheers;p-glesy the great

  • xG

    delikado yang plantsa niyo
    di biro yan🙂
    Glesy the great: delikado nga sya kaya lang kami kasi yung tipo ng tao na habang gumagana pa ang isang bagay di muna namin pinapalitan… feeling namin lahat ng bagay eh lasting.. ahehehe.. cheers;p

  • Jorge

    Bwahahaaha!! Ang sakit ng tyan ko kakatawa, idol!!!

    Astig ang plantsa nyo ah, pwedeng pang BBQ, toaster o pang fry ng burger, oha?! Multi purpose… May ipagmamayabang naman pala talga..

    Sabihin mo sa plantsa nyo… “May araw ka rin! {sabay halakhak!}” toinks!
    Glesy the great: Kabag lang yan ang sagot jan motilium.. nyahehehe… wag naman idol ang tawag sakin kinikilabutan ako eh… ahehe
    oo, puro yabang nga ang alam eh…
    lagi ko tong sinasabihan… tuwing magplaplantsa ako bago ako mag-umpisa binubulunga ko na “leche ka, wag mong ihawin yung damit ko!!!” cheers;p

  • FerBert

    bawal akong magplantsa.. ultimate sole destroyer ako ng damit.. haha
    Glesy the great: sana ultimate sole destroyer ka rin ng plantsa para ibigay ko na lng yung plantsa namin sayo… cheers;p

  • potsquared

    pasaway yang plantsa ninyo… wawa naman ang mga pinatay na damit.. may they rest in pieces… ako ang problema ko naman ay ang washing machine ko.. ayaw niyang mag spindry.. laging parang may bandang sintunado kapag magsusubok siyang magspindry.. kaya kinalabasan ng damit ko.. mga basang sisiw… tagay mo pa glesy!
    Glesy the great: ano kaya at try mong ispin dry yung plantsa namin sa washing machine mo habang nakasaksak para sabay na silang sumabog.. ahaha… at least yung plantsa namin masyado pang masipag uminit dahil nakakasunog pa nga sya eh… cheers;p

  • potsquared

    at glesy.. matagal ng nakahanda itong comment ko.. nakalimutan ko lang.. eheheh tagay pa!
    Glesy the great: uli-uli wag mong kakalimutan dahil sa susunod tayo na ang magkakalimutan.. joke…. o sige cheers pa!!!;p-glesy the great

  • Pepe McKunat

    nAkakaba iyang plantsa nyo.
    kelangan na iyang iTERMINATE.
    5, 4, 3, 2, 1.
    BOOM!
    aus.😆
    Glesy the great: Good news!!! pinalitan na namin yung plantsa namin!!!! nawala kahapon ang kayabangan nya at tuluyan ng di gumana kaya napilitan kaming palitan na siya.. cheers;p

  • anakngpating

    magic chocolate filling ang biskwit ko
    kuya hehe anak ka talaga ng piso idol kita
    hehe whooooow idol
    yung plantsa nyo anung brand ba?
    wag naman sanang 3d yan hehe
    yaan mo kuya dis coming 18 may x mas party kami
    baka sakaling palarin ako makuha sa raffle yung plantsa na
    kasama sa raffle eh pwede tayong mag hiraman hehe …
    Glesy the great: uy Anak ng Pating… wag mo akong tawaging idol parang di kasi bagay.. ahehe… hindi 3D, nasira na yung 3D namin… at teka lang anong KUYA!!!!!!!!!!! babae ako.. hindi kuya.. ate, nene, ineng, she, her, girl, woman…

    o sige pambayad sa paninirang gender mo sa akin, akin na lang yung plantsa mo.. cheers.. welcome sa blog ko….;p

  • kirksydney

    Mainipin ako.. nasaan na yung tag?
    Glesy the great: ah talaga? mainipin ka? pwes wala akong pake… maghintay ka jan!!

    bakit di ako makapunta sa blog mo? BULOK!!! cheers;p

  • Kris Jasper

    APIR tayo! kaya lang, ang murderer d2 sa apartment eh yung washing machine. grrrr!!!!!

    dami nang damit na napatay nito. sigh….
    Glesy the great: bakit? paano nakakawasak ng damit ang washing machine? may patibong ba yan? di lang apir.. cheers pa…;p

  • ayen

    baka magkamag-anak ung nagimbento ng plantsa natin.. ung plantsa kasi namin pwede ng gamiting paputok sa new year… umaapoy ng kusa kahit hindi mo sindihan.. =)
    Glesy the great: parehas ding may attitude problem? pwede bang pang-gatong? cheers;p

  • katingera

    oy katukayo!
    buhay n uli ako?
    ztah?
    my prenster kb?

    o relx lng tol, easy plntsa lng yan
    mxado mo nmng hinahras yang plntsa mo?
    reklmo m s pulis!
    sbihin mo lumlbag ng human ryts at naninira ng property ng iba!
    haha. ingatz
    Glesy the great: oo naman may prenster ako.. add mo ako? email mo na lang ako ayaw kong ibroadcast dito friendster account ko.. para makita ko rin ang picture ng tukayo ko…. bakit pala ang tagal mong nawala? cheers;p

  • anakngpating

    sori ate mali lang ng type yun nyahaha
    pero talagang hindi ko alam
    nyahehehe
    di ko pa nabubunot yung plantsa eh hehe …
    Glesy the great: wushu wag ka ng magkaila!!! basang-basa ko KUYA ang tawag mo sakin.. ahehe.. okay lang basta wag ng mauulit kung ayaw mong maging anak ng lang ng galunggong.. cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    hahaha… naaalala ko rin nung nagloko yung plantsa namin at muntik na akong hindi makasama sa bridal entourage dahil pinalantsa ko yung aking pink na bridesmaid dress at muntik siyang lamunin ng buhay ng plantsa namin.

    “parang may kwitis sa loob ng super plantsa namin at parang may kislap ng kislap”

    bata ka! itapon mo na yang plantsang yan at baka masunog pa ang bahay niyo. sayang naman. alam ko pa namang newly-renovated yang bahay niyo. hahaha…
    Glesy the great: ahaha.. talaga namang lamunin ng buhay eh noh? ewan ko ba nung nakita ko yung kwitis effect di ako natakot.. pero don’t you worry doc idinispatya ko na sya…

    sayang naman kung di ka naka-attend di ba.. gustong-gusto ko pa namang uma-attend ng kasal.. cheers;p-glesy the great

  • eloiski

    ang sagot sa problema mo bumili ka ng bagong
    bagong damit every week!
    wahahaha!
    adik na adbays eh noh!
    Glesy the great: hmm parang ayaw ko yang advice mo, masyadong magastos… oo adik ka talaga.. cheers;p

  • lee-yow

    alam mo ba… nakailang palit na din kami ng plantsa kasi panay dispalenghado na rin tulad ng sa inyo… naiintindihan ko ang nararamdaman mo… buti na lang at wala kaming uniform ngayon college… kasi.. naka-downy lahat… hahaha! LoLz! hahaha… wala ng plantsa-plantsa… i-try mo rin… baka sa susunod, hindi mo na kailangang gumamit ng plantsa… ^^,cheers!
    Glesy the great: ayaw ko ng downy ewan ko kung bakit basta ayaw ko.. di kasi maganda ang result pag may pabango ka pa.. ewan ko weirdo kasi ilong ko eh.. cheers;p

  • joycee

    nakaw, nakakalokong plantsa, eh kung wag ka nalang magplantsa??

    Glesy the great: hindi pwedeng di ako magplaplantsa kasi ayaw kong magmukhang niyamukos yung damit ko.. cheers;p

  • revsiopao

    bwa ha ha ha!….. {wan mor taym}…. bwa ha ha ha {habang gumugulong!}
    .
    .
    this post made my morning! kaytagal kong hindi nakadalaw dine at ito ang bubulaga sa akin. panalo ka talaga kumare. aba at pati ang plantsa mo ay manang mana yata sa ‘yo… agaw eksena. he he!
    .
    .
    woi, palitan na kaya si “father of all plantsa”…. sige ka, ‘pag tuluyang nagpasikat ‘yan ay baka mag-instant fireworks sa inyong bahay kahit hindi pa new year {huwag naman!… knock on my wooden head. toinks}
    .
    .
    give mo na lang sa akin ‘pag ididispatsa mo na siya ha… baka puwede na rin panluto ng siopao ko ‘pag puno ang steamer. cheers!
    Glesy the great: rev, nabitin ako sa tawa nyo..request naman, isa pang bwahaha nman jan tapos mga sampung gulong pa… salamat sana madami pa akong magawang umaga para sayo.. ahehe… ikaw kasi bakit di mo ako pinupuntahan dito.. hmpp.. pinalitan ko na yung plantsa kaya wala ng magaganap na fireworks display… naku, ayaw kong masira ang tinda mo baka gawing inihaw na siopao yang mga tinda.. iniisip lang po kita… cheers, God Rocks;-p

  • Bombero King

    basta ako nag papa laundry ako..!
    mura lang..!
    35 pesos per kilo..!
    kapag kasama plancha..,
    45..!
    mura na..!
    mabango pa..!
    maganda pa pag kaka plantcha..!
    winner..!😉
    Glesy the great: magaling naman akong magplantsa kaya lang talagang mas magaling mag sunog ng damit yung plantsa namin eh.. cheers;p

  • repah

    baka bnili mo kay dj bombay yang plantsang yan.. kya walastik astig talaga.. hehhhehehe..
    glesy the great: nakalimutan ko na kung san to binili pero sigurado akong hindi sa bombay.. cheers;p

  • karmi

    medyo may masamang karanasan ako sa pagpaplansta.😛 hehehe.

    Merry Christmas glesy.. ^_^
    Glesy the great: naiintindihan ko yang karanasan mong yan kasi beterano na ako jan… merry xmas din!!!.. cheers;p

  • rio

    merry Christmas glesy the great
    Glesy the great: o eh bakit merry xmas lang.. ang lagay eh ganon na lang? asan papasko ko.. kahit libre pa-pasta lang okay na sakin.. cheers;p

  • kengkay

    here’s wishing you a hotter meri krismas😀

    Glesy the great: merry xmas din.. aginaldo ko? cheers

  • batopik

    hakhak!
    adek!
    merry christmas!

    Glesy the great: adek ka din ahehe.. xmas meri din… aginaldo ko? cheers

  • walongbote

    ECARD

    Glesy the great: thanks!!!! aginaldo ko? cheers;p

  • kirksydney

    Paasa, wala pa rin yung tag.😆
    Glesy the great: gawa na.. kaya tumigil ka na sa kakulitan mo… hmp kurutin kita sa singit eh… aginaldo ko?

  • Bombero King

    merry XXXmas..!😉

    Glesy the great: meri xmas din.. aginaldo ko?

  • pusa

    ang plantsa bow!🙂

    happy holidays to you glesy , have very merry christmas🙂
    Glesy the great: oo.. hanggang bow na lang… meri xmas din.. cheers.. aginaldo ko?

  • vhincent

    napadaan lang ulet, meri xmas!

    Glesy the great: sige lang po.. daan lang ng daan.. meri xmas.. aginaldo ko?

  • p0kw4ng

    masyadong eksayted ang plantsa nyo sa bagong taon..hahaha

    hapi pasko din sayo!
    Glesy the great: pwes huling taon na niya ang 2008 dahil bumigay na siya…. meri xmas din.. cheers.. aginaldo ko..;p

  • khzr4u

    glesy pwede bang mahiram yang plancha mo..

    gusto ko lang planchahin ang utak ng sekretarya namin
    nahamugan kasi ng buhangin eh..one time lang..salamat!

    merry xmas!!!more blogs to us!!🙂
    Glesy the great: hindi lang hiram.. gusto mo sayo na… idikit mo na sa ulo ng sekretarya nyo.. cheers… meri xmas din.. aginaldo ko?

  • cindyrella

    Akala ko naman kung ano ibig sabihin ng BJ! Baby Jesus pala!! merry christmas tol!! give love on christams day!!

    p.s.: tawad muna LOL!!
    Glesy the great: Ikaw kasi kung anu-anong naiisip mo.. thank you, thank you.. ang babarat ninyo thank you.. cheers;p

  • billy_boy_badboy

    ayan ka nanaman glesy.. tsk tsk tsk alam mo ng may topak dapat palitan na.. bago maubos ang damit mo.. hehehe

    Glesy the great: oo eto na naman ako… tsk tsk tsk di kasi ako katulad mo na konting palya lang naghahanap na ng gastos… uy may natira pa akong damit bago ko pa siya napalitan.. nyahaha… cheers;p

  • tikbalang

    first time ko on this site….tulingan ay “bullet mackerel’ or sometimes, “frigate mackerel”.
    napakasarap na isda, at napakadugo at malansa rin kung hindi ka marunong magluto. staple ng mga batangueno: sinaing na tulingan! may personal twist ako: instead of pork skin with a layer of fat to fix the flavor, add a ladle of cheap olive oil. tastier, healthier, etc. kung wala kayong dried kamias, don’t even think about doing the dish, or be creative. tingin ko, kalamata olives would do the trick. sinaing na tulingan makes for the best fried fish ever, with scrambled eggs, etc.

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: