10 things about me…

tag sakin ni.. ni… sorry talaga guys.. nakalimutan ko na.. basta naghalo-halo na sakin kung sino dito at saka dun sa cute award pati nga sa dating tag nakiki-epal pa… basta eto yung tag… ayaw ko lang may makalimutan at madagdag na di naman pala ako tinag parang ang feeling naman.. ahaha

Ang rules:

1) mag-post ng 10 things about sa sarili
2) mag-tag din ng iba pang sampu..

1. malakas akong kumain as in super lakas.. parang lalaki… kaya dream ko ang magkaroon ng kaibigan na chef o kaya makakain ng mga pagkaing luto ni wolfgang puck at mario batali…

2. di ako marunong mag-bike… alam nyo ba yung kasabihan na try and try until you die?… well, totoo yun… isang try na lang ang kulang eh..  i tried then i died na sana… sayang este buti na lang…

3.  ayaw na ayaw ko ng pakiramdam na may sipon… pakiramdam ko dinikitan mo ako ng sandamukal na kanin sa mukha hanggang sa matuyo… with extra rice…

4. parang hieroglypics ang sulat ko.. ang pagbabasa ng handwriting ko ay katumbas ng pagbabasa ng Hammurabi Code at Alibata…  hindi naman ako pangit magsulat, hindi lang talaga siya mabasa…

5. ibang klase ang lecture notes ko nung bata ako… hindi kasi ako nagsusulat sa kasunod na page… kung saan ko lang page gustong magsulat dun na ako magnonotes.. kaya isang oras ang nauubos para hanapin lang kung saan ko na naman sinulat yung homework ko… saka lumalagpas ako sa kabilang page para lang ituloy ang isang sentence kapag kinakapos… walang duda, hindi uso ang hyphen sa mundo ko noong ako’y musmos pa lamang…

6. hindi ko alam kung bakit pero kulay brown ang kulay ng hinliliit ko sa paa.. kahit anong gawin kong linis sa kanya mas greater concentration ang kulay sa hinliliit ng paa ko.. badtrip!!! gustong-gusto ko pa naman ng naka-tsinelas lang…

7.  pag ako naggugupit ng kuko… sagad na sagad talaga.. minsan nga dumudugo pa siya sa sobrang sagad.. mapa-kamay man yan o paa… kasi pag nag-iwan ako ng space maya-maya lang mukha ko ng pinangkamot sa singit na isang linggong hindi naligo ang kuko ko…

8. accident prone ako.. ako yung tipong kahit hindi naka-heels nakukuha pang matapilok… minsan na rin akong tinawag na tapilok queen…

9. hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung anong pinagkaiba ng hatid at sundo..  dati kaliwa at kanan pero nadiskubre kong right handed ako kaya natuto na ako.. ayaw ko ng true and false na tanong kasi kahit dalawa lang yan nabibinggo ako jan…

10. alam na ng lahat to.. kuripot ako… dati di ako nagdadala ng extra money para di ko magastos… yung isang bulsa ko may lamang pamasahe ko papuntang school at yung isa naman eh pera pauwi kaya pag gumulong kahit isang piso at nahulog sa kanal, natural di na ako makaka-uwi…

ay isa lang pala yung cute award saka ito… sabi ko sa inyo naguguluhan na ako eh… pero para sa mga nagsabing cute ako, pwes gusto ko yang iniisip nyo.. thanks nga pala guys  ha.. lablots;p

di na ako magtatag… wala lang, gusto ko lang.. bakit ba.. cheers;p

Glesy the Great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

19 responses to “10 things about me…

  • Mike Avenue

    Merry Christmas and a Happy New Year!

    sssshhhhhzhhhhhhhhhhhh………… BOOM!

    ( Kwitis iyon.LOLZ )
    Glesy the great: aginaldo ko? ayos sa kwitis di ako nahirapan iimagine.. cheers.. aginaldo ko?;p

    : )

  • karmi

    Merry Christmas!!!! ^_^

    interesante ang sampung bagay tungkol sau.. hatid at sundo. umm, depende ata sa point of view un eh.. hehehe. ata.

    Glesy the great: xmas meri… totoong depende sa point of view dahil sa dictionary ko interchangeable yang dalawang words na yan.. cheers.. aginaldo ko?

  • cindyrellaz

    ayos to ah! merry christmas nga pala tsong! kulit ng facts about you, same tayo di rin ako marunong mag bike ^^ as in, ayoko na ding subukan!
    Glesy the great: ayos ka rin… xmas meri rin… tara bike tayo!!! ahehe.. sa larangan ng pagbibike, I give up… aginaldo ko? cheers;p

  • Jules

    maligayang pasko, glesy🙂

    sulat doktor ka ba kamo? haha
    Glesy the great: di lang parang doctor.. parang arabo pa… aginaldo ko? cheers;p

  • Pepe McKunat

    aus lang magkuripot.
    lalo ngayong may krisis.😆

    merry christmas!
    Glesy the great: kaya lang ang pagiging kuripot ko eh parang di na matatapos ang krisis.. cheers;p

  • anakngpating

    merry xmas hehe advance api new yr..
    ang kuleeet ng pang anim mo bakit mga ba brown yan hindi naman masasabing patay na yang kuko mo sa hinliliit db dahil ang itsura ng patay na kuko eh pang emo ang kulay black db….
    hindi naman siguro yan emo hehe..dahil sa kulay nyang brown …
    Glesy the great: ewan ko ba dito sa kukong to.. binibigyan ako ng kahihiyan… ano ba naman yung magmukha siyang normal katulad ng mga katabi nyang kuko… hapi new year!!!;p

  • eloiski

    merry christmas!
    nakakatuwa naman at sa wakas ay nasagutan mo na rin
    kaso may kulang pa rin eh.
    yung pic mo…..
    hekhek!
    Glesy the great: hanapin mo kung nasan.. meron kaya di ka lang naghahanap.. cheers;p

  • bloggityblogs

    Hi glesy,
    May you have a blessed New year and all the blessings be poured out to you and yours. Hope you had a good Christmas. Anong handa natin dyan?
    Glesy the great: salamat sa greetings…. wag na natin pag-usapan yang handang yan dahil ubos na at nagugutom lang ako pag naiisip ko yan.. cheers;p

  • gmacomics

    glesy the kuripot este the great pala. hahaha.
    marami nga at nagkalat ang tag na ito maski ako hindi na nagtag eh. hahaha
    Glesy the great: nyahaha… oo marami sila kaya siguro ako nalilito… alam mo bang akala ko tinag mo ako dun sa picture picture kaya nailagay kita tapos pagtingin ko sa blog mo hindi mo pala ako tinag.. kaya napagpasyahan kong wag ng ilagay kung sinu-sino yung mga nagtag sakin.. kung di ko tiningnan eh di sana sinabihan mo na akong ang feeling ko nman… hayaan nang nagawa ko na yung mga tag na yan..

    eh ano kung kuripot ako? bakit? galante ka ba? cheers;p-glesy the great

  • Kris Jasper

    SEASONS GREETINGS!

    pareho tayo… di ako marunong mag bike and yung handwriting ko, kahit doctor di mabasa. sigh… sakit ko na yan since i was a fetus.
    Glesy the great: ahehe.. tara bike tayo tapos paramihan tayo ng semplang… parehas pala tayong parang pirma ng langgam ang sulat.. cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    “6. hindi ko alam kung bakit pero kulay brown ang kulay ng hinliliit ko sa paa.. ”

    hindi naman siguro malamang patay na yang kuko ng hinliliit mong yan ha?

    “8. accident prone ako.. ako yung tipong kahit hindi naka-heels nakukuha pang matapilok… minsan na rin akong tinawag na tapilok queen…”

    hahaha… ako rin. pero gustong-gusto ko pa ring magsuot ng heels kasi kulang ako sa height. hehehe…

    “10. alam na ng lahat to.. kuripot ako…”

    sayang, mag-aaguinaldo pa naman sana ako sa bahay niyo!

    belated meri christmas at advance hafi new year! =)
    Glesy the great: di ba pag patay na natatanggal yun? eh bakit yung akin hindi? basta banas talaga ako sa hinliliit ko… sabi kasi ng nanay ko pag naglakad ka daw habang naka-heels eh gaganda ang lakad mo.. i prove her wrong dahil puro kahihiyan lang ang nadanas ko sa paglalakad gamit ang may heels.. at pasensya na bumibirit ka pa lang nagpapatay na ako ng ilaw at sumisigaw na ng “patawad!!” cheers;p

  • Jof

    happy new year na! magpost kana! hehe
    Glesy the great: nagpost na po ako.. happy new year… cheers… ;p

  • Marc

    nagbalik para magpasalamat. Salamat Ulit sa motivation!😀

    Belated Merry Christmas and A Prosperous New Year to you and your Family!
    Glesy the great: you’re welcome… anytime pupunta pa rin ako sa blog mo para tingnan kung may bago ka ng post… cheers;p

  • eiwanku

    “pag ako naggugupit ng kuko… sagad na sagad talaga.. minsan nga dumudugo pa siya sa sobrang sagad..”
    >>> aray ko pu…binabasa ko lang pero sakit na sakit na ako…hehe
    happy new year…ingat sa pagpapaputok…
    Glesy the great: talagang aray ko po.. pero ganun talaga ako maggupit minsan kasi di ko napapansin na masyado na pala siyang sagad hanggang makita ko na lang namumula na pala sya.. cheers;p

  • joycee

    wala na pala kong aasahang regalo sayo, kuripot ka ala. sabagay ako din, hahaha. ako naman sis gusto ko magka-asawa ng chef, o kahit ako nalang ang chef, hehe.

    Happy New Year! *mwah
    Glesy the great: hi joycee.. ayaw ko lang umasa ka sa wala.. dahil wala talaga.. ahehe…

    gusto ko yang iniisip mo… asawang chef.. pero mas gusto ko ata ung ako ang chef kasi pag asawa ko yung chef malamang ako naman yung taga-hugas ng pinggan tutal siya naman ang nagluto.. cheers;p

  • Jorge

    Wahahaha!! Ako din, brown ung hinliliit ko sa paa, nyemas, akala ko nag iisa lang ako sa mundo!! Nde sya patay kasi humahaba ung kuko nya eh, kahit anong kudkod ang gawin ko brown parin, grrrr!!

    Glesy the great: o di ba nakakainis.. di ko na nga alam kung saan ko pa ibabatad yung hinliliit ko para tumino lang siya… kasama mo ako… di nga sya patay kasi humahaba pa rin sya… cheers;p

  • joycee

    @glesy: di naman ako papayag na paghugasin nya lang ng pinggan ang beauty ko noh! amft
    Glesy the great: nyahaha…. so talagang kakain ka lang? sige maging chef ka na lang… para makikain na lang ako sa’yo sakaling mabigo akong makahanap ng chef na mapapangasawa.. cheers;p

  • katcarneo

    ehehe, nababasa mo ba ang sarili mong sulat? kasi may friend ako sa kaguluhan ng sulat niya pati siya hindi niya ma figure out.

    “ayaw ko ng true and false na tanong kasi kahit dalawa lang yan nabibinggo ako jan…”
    Naalala ko yung estudyante ko.

    Teacher Kat: Sentence 1, True or False?
    Student: Err…False….
    Teacher Kat: Hmmmmm…. Nice try, but I’m sorry that’s incorrect. Try again.
    Student: I don’t know.

    Haaaay, edi syempre True, kamoteng bata iyon!
    Glesy the great: nyahaha pag sinabi naman sakin na hindi false ang sagot, alam ko namang true ang sagot… ahehe.. bata pa kasi… minsan hindi pero di naman magulo sulat ko… sabi nila malinis naman kaya lang hindi lang maintindihan kasi mapayat siyang masyado tapos dikit-dikit pa…cheers;p

  • potsquared

    aba at may natutunan ako tungkol sa iyo glesy… at buti na lang di ako na tag nito at baka kung ano pa nasabi ko tungkol sa akin.. patingin nga minsan ng hinliliit mo sa paa.. ehehehehehe tagay pa glesy!
    Glesy the great: ahaha knowing you na mahilih pagtripan ang sarili.. baka nga inilaglag mo na sarili mo… sige ba ipapakita ko sa’yo basta tig-limang libo bawat hinliliit… cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: