sa ayaw at sa gusto mo, ayaw ko na…

kelangan kong mag-aral ngayon pero habang nagbabasa ako parang sabi ng diwa ko “I am going to shut down in five minutes. Timer starts nowthree, two, one… BLACKOUT” biglang may lilitaw na pop-up window na nag nagsasabing “ay sorry  3 seconds na lang pala… na-atat na ako eh“…. nawawala na sa wisyo yung utak ko at parang papuntang byaheng langit na naman ang kamalayan ko… kung hindi ako tumayo at nagpopost ng blog ngayon eh malamang kasing lutong ng chicharon na naman akong naghihilik…  malamang flat on bed at comatose na naman ako… malamang katulad ng palaging sinasabi ng kaibigan ko, kumakanta na naman ng “Lonely is the night when i’m not with you” ang mga textbooks ko…

Kapag pupulutin ko na yung book ko para mag-aral sinasabi ng utak ko “weeeeeeeeehhh… ang corny-corny mo!!!”…  habang nagbabasa ako parang bumabagal tibok ng heart ko, siguro pati siya naboboringan sa ginagawa ko… di na ako magtataka kung sinabi nyang “kapag hindi ka tumigil jan, ako ang titigil… makikita mo”…  saka pansin ko parang lagi akong naiihi.. kitams pati urinary system ko tamad mag-aral… pakiramdam ko tuloy walang silbi pantog ko pag nag-aaral ako… minsan pag masyado ng bumenta ang pag-jinggle ko as an excuse para tumigil ako, eh may feeling naman ako na may mag-wa-walk-out na jebs sa pwet ko.. pero kahit lumubo na ata ugat ko sa pwet  sa kakairi, wala pa ring rumarampa sa toilet bowl..

di ako madalas umiinom ng kape para magising kasi matagal na akong tapos mag-aral pero abala pa rin ang balunbalunan factory ko… laxative effect kasi sakin ang kape… di rin ako kumakain habang nag-aaral kasi at the end of the night marerealize ko na lang na mas marami pang laman ang tiyan ko kesa sa utak ko…

na-experience nyo ba yung akala nyo nag-aaral pa kayo pero natutulog na pala kayo na parang nasa alice in wonderland lang… once naging paboritong trick yan ng utak ko.. pag-gising mo ng umaga para kang lasing na di mo na matandaan kung nirape ka ba o ikaw yung nang-rape (wag kayong epal, di nangyari sakin yan)…

syet kelangan ko na talagang mag-aral… isang paragraph pa eh i-chochoke slam na ako ng mabuti kong konsesnya… cheers;p

Glesy the Great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

34 responses to “sa ayaw at sa gusto mo, ayaw ko na…

  • ayen

    nung estudyante pa ko (nde pa nmn matagal na panahon) napagdaanan ko na din yang napagdaanan mo.. at malalaman mo na lang exam na at nagsisisi ka bakit nakatulog ka habang nagrereview ka.. =)
    Glesy the great: ahaha defensive wala naman akong sinabi na 90’s pa lang doctorate ka na ah (joke)… hmmm… tama ka jan.. never namang may sinabi ko na “nagsisisisi ako, hindi ako mag-aaral mamaya” hehe.. cheers;p

  • bloom

    antagal kong hindi nakavisit dito waaaaaaaaaaaah! hahahahha..

    mageNCLEX ka sa feb 11 noh? wuhooooo. hahahaahahah!
    Glesy the great: honga honga… kinalimutan mo na ako.. hehe.. di pa ako mag-NNCLEX.. di pa nga ako nagpapasa ng reqt’s eh… sa nangyayari sa US ngayon parang nagdadalawang isip ako.. cheers;p

  • xG

    lagi mo na lang isipin
    na para yan sa magiging anak
    at asawa mo
    hahahaha🙂

    pupusta ako
    mamimiss mo rin ang magaral
    tulad ko
    haaay
    Glesy the great: advance thinking ka masyado.. siyempre isipin ko muna para yan sa ikakayaman ko… ahehe.. di ba nurse ka rin… mag-iisang taon na rin akong tapos ng mag-aral pero as of now di ko pa namimiss ang mag-aral… pero siyempre ayaw kong makipagpustahan.. mahirap na, baka matalo pa ako… cheers;p

  • joshmarie

    natagal ko yatang di nakapaunta dito…
    Glesy the great: onga matagal na… kinakalimutan mo lang ako.. ganyan ka na.. cheers;p

  • pilar

    woo…bakit nagaaral pa e ang mga nars natural na matatalino yan???😀 yahoooo!😀 naactivate ang parasympathetic mo, kailangan mong magsympathomimetic… yes… tama ba ang sinabi ko?😀

    Glesy the great: puro natural lang kasi ako pero hindi matalino… oo tama!!! hinaluan yata ng atrophine sulfate yung hangin ko… mamaya tutunggain ko yung epinephrine ko…. cheers;p

  • potsquared

    ano ba pinag-aaralan mo.. aerodynamics? pambihira.. tagay pa glesy!
    Glesy the great: ABAKADA yung inaaral ko… ang hirap grabe pare.. ahehehe.. cheers;p

  • joycee

    garsh i sooo can relate. kahet anu pang kurso mo lahat siguro ng estudyante naranasan yan.

    aral lang ng aral girl.*pero wag sobra syempre.* pagnakagraduate ka na at nawork hinde mo na gagawen yaaan!

    Glesy the great: talagang garsh talaga ha…. gusto mo pa ng rawr.. ahehe… graduate na po ako…. tingnan mo hanggang ngaun nag-aaral pa rin ako.. cheers;p

  • pmonchet

    Nung nag aaral pa ako. Tagal na ata nun. working student kasi ako.So sa biyahe ng jeep review basa ako. Pero ilang minuto lang tulog na ako. buti naman at hind ako lumalampas sa bababaan ko. Pang gabi kasi ako at may racket pa ako na review/tutorial service. hehehe

    Glesy the great: wag mo ng sabihin optional lang naman dito ang magsabi ng unforgiven age natin dito sa blog ko… ahaha huwaw naman.. lagare eto… ginagawa ko din yan minsan pero ewan ko di ako masyadong naakapagconcentrate.. malalaman ko na lang nakadungaw na pala ako sa bintana at nag mumuni-muni lang … ahehehe.. cheers;p

  • epfi

    may napanood ako kahapon sa *sound epeks* kapuso jessica soho

    “photocopy mo yung libro tapos punitin mo, then ihalo mo sa lugaw na kakainin mo”
    effective daw yun ayon sa aleng nakatira sa barong barong. dun daw sila sinuwerte… hmmm

    at isa pa.. “mas effective daw pag yung libro mismo at hindi yung photocopied lang ang isinama mo sa lugaw”

    pag naging effective sa iyo yan… sabihin mo sa akin ah
    … hindi ko pa rin gagawin

    Glesy the great: kapag effective sakin… ipapalugaw ko ang buong volume ng britannica encyclopedia at gagawin kong complete meal mo sa ayaw at sa gusto mo.. ahaha… gudluck sa tiyan nya… cheers;p

  • cindyrella

    grabe ka, di ka naman masyadong nagpapamaya maya niyan pero anyway alam ko na you’re trying di ba? ehehe!! gud luck sayo sa anuman yang pinagaaralan mo.. at oo nga pala naranasan ko na yung feeling ko nagaaral pa ako pero yun pala sa panaginip lang ako nagaaral.. wahaha!! astig no? pwede din pala yun!

    Glesy the great: pwede yun.. wonders ng sira-ulong mga utak natin.. ahaha… trying lang.. ahehe.. thanks… cheers;p

  • Jules

    aba… naaamoy ko na outstanding student ang batang ire..🙂 nagtatalo ang isip kung mag-aaral, pero sadyang nag-aaral naman… aminin🙂

    Glesy the great: ate liligo lang muna ako ha, para maamoy mo ang totoong ako… hindi po ako outstanding student.. simpleng mamayan lang din ako… at wala akong aaminin dahil yun ang totoo… ahehe… cheers;p

  • gudang

    napadaan lang. x) you still need to try. HAHA. x) lahat naman ata tayo ganyan eh.🙂 go get! x)

    Glesy the great: i tried and tried… pero hard to get pa rin eh.. ahehe… cheers;p

  • kengkay

    hanggang ngayon na experience ko pa rin yan. akala ko nahatid ko na si bunsoy sa kindergarten pero ayun at pareho pa rin pala kaming tulog, hehe

    Glesy the great: yan!!! sa lahat ng comment dito ikaw ate kengks ang nakakuha ng essence ng sinasabi ko.. ahaha… maa-aapply pa pala sa ibang bagay yung nangyayari sakin.. cheers;p

  • edchavez

    napadaan lang po. congrats sa inyong magandang blog. sadyang mahirap talagang mag-aral pero kailangan. at napagtanto ko ang disiplina pala sa pag-aaral ay training lang na magagamit mo pag medyo nagkakaedad ka na hehehe.

    Glesy the great: maganda ba to? at congrats talaga? yep napansin ko rin na parang disiplina lang talaga ang madadala mo from pag-aaral simula elementary to hi-skul.. tapos college, although iniisip natin na kelangan mo lahat yun para mabuhay.. ang totoo hindi pala yun ang all and everything of life…

    medyo nagka-edad? sinong may edad na? ako o ikaw.. linawin mo!!! hehecheers;p

  • Heleyna

    naku sis busyng busy na pala ang beauty mo. Wala nga atang katapusan ang pag-aaral sa field naten. Major problem ko din eversince yang sandamakmak na kakabisaduhin na hindi naman lahat makakatulong sa buhay at ang masakit hindi naman lahat lalabas sa exam. Bigyan ka ba naman ng cover to cover na babasahing libro tas 150 items lang ang exam goodluck naman! Anyway, likas naman sayo ang matalino at masipag mag-aral. Kayang kaya mo yan!

    Glesy the great: onga eh.. di ko pa nga natatapos basahin yung mga libro ko nung nag-aaral pa ako may bago na naman.. hehe… hmmm walang likas-likas sakin.. simpleng mamayan lang naman ako at hindi matalino… kaya wag nyo ngang sinasabing matalino ako at baka mapahiya lang ako.. ahaha.. cheers;p-pakisabi kay joycee sorry kung di ko pa nagagawa yung post… next na sya… cheers ulit;p

  • anakngpating

    hek3…

    sarap mag aral namis ko na rin yan halos 5yrs na rin akong stop sa studies ko hindi nakapag collage inggit na nga ang nararamdaman ko pag nakikita ko mga clasmeyts ko nung high school sa friendster na nag post ng kani-kanilang pistures na naka toga at hawak ang deploma ng koloheyo nila na sana ako rin nakatapos na kung nakapag aral lang so sad talga :c

    sa propesyon mo magiging succesful ka rin pag katapos ng lahat ng yan …

    gudluck glesy the great ayan ha hindi na ate yan hek3…
    Glesy the great: you’re learning, dahil ngayon wala ng ate… don’t you worry naniniwala pa rin ako na hindi lahat ng nakapagtapos eh ma-uungusan for sure ang mga undergrads…. nasa abilidad at sipag pa rin yan… marami na akong nakilalang ganyan.. at believe me they are the most hardworking people I know… as in, uy humihinga ka pa ba? cheers;p-goodluck din sayo…. yaka mo yan…

  • Pepe McKunat

    TIME MANAGEMENT!
    gawin mo iyan.
    ikaw ay magtatagumpay.

    Glesy the great: ahaha parang horoscope lang sa tabloid ang birit ah…. hehe.. siguro umay na umay na lang talaga ako sa pagaaral… kelangan ko muna ng break from it… cheers;p

  • lhay

    alam mo glesy, pag seryoso ka na sa work mo, ma ririyalayz mo na masarap mag-aral, nakaka miss kaya, ako nga every now and then nag aaral pa rin eh, cheers, nway tapos na pla kita i-guhit, bisit my blog! peace!

    Glesy the great: hmmm.. siguro nga.. kasi may target ako eh.. di ko alam wala pa kasi dun.. yoko namang magmarunong kasi baka pag mali pala ako magyabang ka na naman sakin… salot ka pa naman sa buhay ko… ahahaha… paano ka pa nakakapag-aral eh plurk ka lang ng plurk.. joke… nakita ko na yang guhit mo…request naman.. gamitan mo naman ng eraser yung ngipin ko… ahaha.. cheers;p

  • katcarneo

    Ahm, dahil guro ako, seryoso ang payo ko. Kumain ka ng apple, as mabisang pampagising yun kesa sa kape. Tapos tama si lhay, ngayon kasi sobrang gusto ko ulit mag-aral kesa mag-work. Namimiss ko ang environment ng school, pati exams namimiss ko. Well siguro kasi medyo geek-ish ako noon, sobrang sineseryoso ko ang school kaya ganun.

    Glesy the great: hi titser… sige seryoso mode tayo.. classmates wag kayo ingay magagalit si titser… apple? pwede bang ijuice ko na lang yung apple, apple juice ba… nagigising naman ako sa kape kaya lang nga mas gising na gising ang balunbalunan factory ko.. they were saying na people who opted to study than work are better facing books than reality… pero di ako naniniwala kasi ang mga tao gusto lang nila yung walang masyado pang problema…. ahehe… cheers;p

  • inocentengmalisyosa

    nakikibisita lang din glessy da great.

    tama ang sabi ng ilan dito, tamang seryosohin ang pag-aaral. ako hindi ko masyado namimiss, konti lang.. hehehe… pala-aral din kasi ako dati pero hindi halata.. lol. priority management ang dapat. alin ba priority mo: aral o gimik? magpokus ka rin… masaya din kung meron ka pinasisikatan sa klase, parang inspirasyon ang dating pero ang target mo ay pwedeng–> pasikatan lang siya or meron ka gusto maungusan… challenge kasi para sakin yun…
    oh well, hindi ako makapaniwala na nag advice ako ng matino dito..cheers!

    Glesy the great: ahaha… kala mo lang ikaw ang pinaka-matino pero jan ka nagkakamali… siyempre ang priority ko sa buhay eh none of the above sa sinabi mo… ayaw ko ng mag-aral kasi graduate na ako… at gusto ko ng gimik pero di siya ang priority ko… ang priority ko muna sa ngayon eh kumita… cheers;p

  • marlon

    Blog Hopping! Cute Blogger Dropping by!
    http://perspektib.blogspot.com,
    http://marlonofmanila.blogspot.com
    thanks for visiting!

    Glesy the great: kanina ka pa drop ng drop dito ah…. at kanina ka pa rin cute ng cute…. isa pa hahalikan na kita…. cheers;p

  • utakmunggo

    glisi,

    mag-aral ka na.

    haha..
    sus mahirap talaga kapag tapos na sa pagaaral. parang nagiging isang masamang panaginip ang kailanganin pang mag-aral muli.

    noon ngang nag-CI ako puspusan rin ang aral aral chorva ko mahirap na baka mangamote ako kapag may tinanong saken ang mga stoodents.

    bakit ayaw mo dito sa UK na lang? walang NCLEX dito. ielts lang. hihi
    Glisi the grit: tama ako nga si glisi.. ahaha.. natutuwa talaga ako pag nakikita ko yan… uy, di ko nga alam mga requirements sa uk… hmm aalamin ko nga ym mo at para kulitin kita sa mga pangkabuhayan tips na yan.. cheers;p

  • aLps

    Madalas akong mag-space-out pag nag-aaral! Grabe, ung tipong dapat basahin ko siya ulit kasi di naman pumasok sa utak ko. Hehe.

    Glesy the great: space out ba ang tawag dun? ang tawag ko lang kasi dun “ako si jane tamad” ahehe… now i know… oo nman yung tipong gusto mo ng nguyain yung libro mo para lang madigest mo siya… ahehe.. cheers;p

  • revsiopao

    wala lang…
    mas napansin ko tuloy ang post na ito kasi exams ko na.
    as in buena mano today.
    kaya nga gising pa ako e… kakatapos ko lang mag-chat mag-bloghop mag-aral.

    go go go!
    kaya natin ‘to!
    let’s bring home the bacon… pati na ang lechon, krispy pata, dinuguan, mechado…. toinks!
    Glesy the great: sige lahat na ng putahe balutin na natin at iuwi… chat!!! chat ka ng chat pero ni minsan di pa kita nakaka-chat… seryoso goodluck eating peanuts lang yan.. uy yung binigay ko sayong entry di mo pa pinopost… sumisipa na ako sa tampo dito… cheers;p

  • muymuy

    hahahaha napahalakhak ako sa post mong ito!…

    nakakainis talaga ang pag-aaral nakakasira ng pahinga!

    Glesy the great: sige halakhak lang hanggang matanggal ang ngala-ngala… as in kaka talaga.. ahehe… cheers;p

  • joshmarie

    gleasy! di kita kinalimutan!🙂

    Glesy the great: oo nga di mo ko nakalimutan.. pero yung spelling ng name ko mukhang nakalimutan mo… hehe.. cheers;p

  • gmacomics

    im back! hehe. kaso saglit lang. hehe

    Glesy the great: heto paatat… saglit lang pala, sa uulit-ulitin tagalan mo ha… cheers;p

  • rio

    glesy na miss kita….=}
    alam ko naman na yakang yaka mo yang pag aaral mo..
    go lang ng go..

    Glesy the great: talga namiss mo ko? sige nga libre mo nga ako… madali lang naman ang pag-aaral kong di mo siya papansinin, yung tipong “bahala ka sa buhay mo” ahehehe…. kaya sleep lang ng sleep.. joke… cheers;p

  • Jorge

    Hahaha, nakakarelate ako dito nung college ako, ang dami kong excuses, in the end kopya sa katabi ang ginagawa ko kasi walang laman ang utak ko sa exams, nakukuha lang sa dasal, hehehe…

    Sugod lang, review ng review!! Wag tatamarin kasi masasabi ko, mas masarap mag aral kesa magwork..

    Tagay na!

    Glesy the great: nung college ako di na ako nakakakopya… nung accounting stud ako nakakahiyang kumopya kasi mukhang isinanla na nila yung mga kaluluwa nila para lang maaral nila yung test… cheers;p

  • eloiski

    mag-aral ka.
    naku wag tamarin!
    hakhak!
    nagsalita ang tamad!
    ekshelli nitatamad din ako magreview.\
    ay hindi pala ako ang nitatamad kundi ang katawan ko.
    ang utak ko tamad din mag-isip.\
    kaya hindi ako ang nagkasala
    kundi ang katawan ko!
    hakhak!

    Aral tayo! fighting!

    Glesy the great: tinatamad na ako eh.. feeling ko kasi tapos na tapos na talaga ako jan.. cheers;p

  • walongbote

    nagsalita talaga ng utak mo ng ganun? ayos! hehehe. pero ito lang masasabi ko, mahirap ang tunay na life.. what I mean is yung wala ka na sa puder ng pagaaral at ikaw na ang magpapakain sa sarili mo..

    oo di mo xa marerealize sa ngayon pero tamo.. malalaman mo ang hirap ng tunay na life :p

    sali ka pala samin sa forum

    http://painuminmoko.suddenlaunch3.com/

    Glesy the great: uy sumali pala ako sa forum.. kaya lang nakalimutan ko yung username at password ko ahehe… churi.. cheers;p

    para masarap ang inuman at usapan.. hehehe..

  • bonistation

    haha. natawa ako sa last part promise! UNG PAG GISING mo sa umaga! hehe cool! ^^. ang ganda ng entry!

    Glesy the great: parang nangyari na sayo yan ah.. yung di mo alam kung ikaw ang nangrape o ikaw yung nirape… thanks.. cheerss;p

  • livingstain

    naku pag nakatapos ka at nagtatrabaho na mas gugustuhin mo pang magaral na lang ulit, kasi dito sa mundo ng nagtatrabaho paulit ulit lang at walang exam.

    padaan lang po.

    Glesy the great: ayaw ko pa rin.. kahit anong mangyari.. ahehehehe.. sna di ko kainin yung sinasabi ko.. cheers;p

  • DepEd Teacher

    mas mahirap mag work oy.

    Glesy the great: sorry naman po.. nagalit na si titser.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: