stop look or patay kang bata ka….

Malamang lahat naman tayo naranasan ng tumawid sa kalsadang parang sinisingil ka na sa lahat ng mga nagawa mong kasalanan… yung tipong magdadasal ka muna ng 1 our father, 3 hail mary’s at 4 glory be’s bago ka tumawid…  bago ka tumawid alam mong somewhere out there at the end of the road eh nandyan lang si kamatayan at nagkakape… at parang habang tumatawid ka pakiramdam mo hila-hila mo na ang karwahe ng kabaong mo… nasa gutter ka pa lang masyado ng obvious sa mga dumadaang sasakyan na handa na silang magkasala at pumatay ng tao… yung takbong nagsasabing “nagmamadali kami, kung gusto mong tumawid, eh sorry na lang gusto ko ring dumaan eh”… mga driver na willing silang gawin kang kalso… silang mga driver na balak kang ipangtapal sa mga lubak ng kalsada… at mga sasakyan na gusto ka ng ipakilala sa kabilang buhay… Lalo na ang mga bus na kung gaano karami ang seat capacity nila kasama na ang mga naka-standing ovation eh ganun na rin karami ang mga taong pinadama nila ng near death experience… hindi to OA, may ganyan talagang kalsada…

Meron pang mga instances na habang tumatawid ako eh isang kandirit na lang mababangga na ako ng sasakyan tapos pagtingin ko sa driver nakangiti pa sa’kin.. parang ganito pa gusto nyang sabihin: “Akala mo babanggain kita noh? Joke lang!!! Wala yun, kakalabitin ka lang ng bumper ko”… parang gusto kong bumili ng ten wheeler ng mga panahon na yun at kalabitin siya ng sampung gulong ng ten wheeler ko…

Meron pa akong kaibigan na kung maka-tawid akala mo gawa lang sa karton yung babangga sakanya… Parang hawak lang niya ang baston ni Moses at hahawi ang daan… Kahit nasa gitna kami ng kalsada sinigawan ko sa nanginginig na boses ng “P*$#^ i#@ ka!!! Nakainsurance na ba ang buhay mo ngayon? Pwes, ako hindi!!!”

Sineseryoso ko ang mga sign na may nakasulat na “Bawal tumawid, nakamamatay” kahit na nakasulat pa ito sa karatula at penmanship na parang “Room for Rent” lang ang nakalagay… Siguro naman di sila maglalagay ng ganun kung lahat ng nabangga dun eh himalang nakapaglakad at nabuhay ng muli…

Nangyari na rin sa akin na habang tumatawid ako ng banayad at walang alinlangan eh bigla na lang akong nadapa ng walang kapoise-poise at halatang hindi pinag handaan… kulang na lang kumembot ako paupo, steps na sana yun ng kantang “sit down, sit down, you’re rocking the boat”… ayun, lahat ng gamit ko sumang-himpapawid lahat at nagkalat sa daan… parang may naglaro ng tumbang preso sa kalsada at umuwi ng bahay ng hindi kinukuha ang mga pamato nila… mukha tuloy akong galing sa penitensya kasi pumasok ako sa skul na duguan ang tuhod… o di ba? Malayo pa lang ako, halatang tanga na yung tumatawid…

Out Of Topic: kanina pa ako labas ng labas ng bahay nakalimutan kong naka-head band pala ako na may bulaklak na pink na sobrang laki.. kaya pala tinitingnan ako ng mga kalalakihan at kababaihan alike….. ahaha.. akala ko nakakatibo na ako ngayon… leche… cheers;p

Glesy the Great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

36 responses to “stop look or patay kang bata ka….

  • pilar

    masarap tumawid sa c5… dun talaga kala mo karera both sides.. well, mali naman talagang tumawid sa c5, kaya nga may oberpas😀 pero alam mo yun, kakatakot… kaya pinagtatyagaan ko yung pink oberpas ni bayani agbayani fernando… kahit malayo safe..😉 ingat sa pagtawid… hindi ako marunong tumawid 😀

    Glesy the great: ako rin… di ko na kinakatamaran ang paggamit ng footbridge.. mamaya sa katamaran ko eh huling katamaran ko na palang gagawin yun.. cheers;p

  • Cindyrella

    minsan talaga sobra kung makaharurot ang mga sasakyan sa atin kala mo naman hari ng daan.. sa lugar kasi namin di rin uso ang stop light T_T

    Glesy the great: hari talaga sila ng daan.. mga kumpare ni kamatayan yang mga yan eh. cheers;p

  • joycee

    dapat merong course sa college na pedxing101, o kaya kahet online course nalang for the art pf pedxing, tsaka para sa mga motorista naman, kala mo eh palage may date na lageng nagmamadali.

    if ALL people only know how to give. haysus!

    Glesy the great: ay mag-aaral ulit.. sige mag seself study na lang ako.. cheers;p

  • gmacomics

    mga bus lintik magmaneho sa daan at kung makasagasa sisiguraduhing patay ka. kaya dapat gumamit ng over at underpass.

    Glesy the great:oo nga akala ata may multiple lives ang mga sinasagasaan nila.. cheers;p

  • utakmunggo

    glisi,
    di muna ako nagbasa nitong new post mo ah kasi busy raw ako kunyari sa duty this week. heniwey, about my ym, sad to say na-virus siya. email me instead, about your queries and i will try to answer as best as i can. ilan bang passing rate?

    utakmunggo@yahoo.com

    Glesy the great: okay lang.. kunyari talaga? ahaha.. na-mail na ata kita sa pagkakatanda ko.. cheers;p

  • jex sah'pahk

    tamang pag iingat lang para d madigrasya dba wahahaha

    Glesy the great: mahirap rin kasi minsan nag-iingat ka nga pero yung sasakyan naman parang gusto ka lang gawing kalso sa daan… cheers;p

  • bonistation

    ingat sa pagtawid. ^^ un lang muna. (hinihingal pa) tumakbo kase ako galing sa kabilang kalsada papunta dito..

    Glesy the great: o bakit may takbuhan? hinga muna ng malalim… inhale-exhale….. ahehe.. cheers;p

  • potsquared

    may death wish ka na ata glesy.. pambihira.. pero nakakatakot talagang tumawid jan sa pinas… kahit nga nasa pedestrian lane ka eh.. masisisi ka pa ng mga rumaragasang sasakyan kapag tumawid.. pero at least safe ka… yang sugat mo sa tuhod.. nagkapeklat ka no… paano ka na mag bibikini niyan glesy.. tsk.. sayang ang legs… tagay mo glesy!

    Glesy the great: napatingin ako.. sa pagkakatingin ko wla namang peklat.. pero kahit wla di ko talaga ugali ang mag two piece.. kaya ng katawan pero di kaya ng may-ari ng katawan.. bwahaha ang yabang ko… cheers;p

  • anakngpating

    hek3…nanay ko takot din tumawid sa mga kalsada eh pati ko natatakot din hek3,..
    ako kahit alam ko malayo kapag nag over/under pass tinatyaga ko na ayoko pa ibigay kay kamatayan yung buhay ko lalo kasing matutuwa yun eh. saka excercise ko na rin yung pag akyat ng hagdan.;)

    Glesy the great: ako rin.. di ko ugaling isnabin ang mga footbridge.. ahehe.. mahirap na, baka bigla na lang akong yayaing magkape ni kamatayan… cheers;p

  • rebeldengpalaka

    hahaii… ganun talaga.. dito sa davao marami ding ganyan.. akalain mong binigyan narin ako ng 2 chances ni kamatayan. isang strike nalang daw.. magpaparty na kami sa ilalim ng lupa.. hahha..

    kaya ngyon inaalis ko ng yung ogali kong dare devil kung tumawid lalo na ngayong SIRA NA MATA ko… mahirap na kasii…

    kaya ang daming palakang namamatay sa daan kasi hindi tumatawid sa pedestrian lane.. KOKAAAAKKK!!

  • sandi martin

    minsan nakaka-takot talagang tumawid sa kalsada.. para bang ang mga may sasakyan lang ang may karapatan sa kalsada, at lalo ngayon, uso na ang single na motorsiklo..bigla biglang sumusulpot sa tabi mo habang tumatawid ka. Hanggang sa muling pagbabalik🙂 add kita sa list ko ha?

    Glesy the great: syur walang problema dun.. kakaiba talaga ang mga single na motor.. minsan kahit ayaw mong makabangga eh makakabangga ka kasi bigla na lang silang lulusot sa tagiliran mo.. cheers;p

  • Glenn

    Natawa ako sa “kandirit.” Hehehe.

    Marami sa mga Pinoy ang nag-i-enjoy makipaglaro ng patintero sa kalsada, kaya ang mga driver, nakiki-join din. Yon nga lang pag nataya ka, ikaw ang kawawa.

    Glesy the great: pag nataya ka tapos na ang laro… ahehe… cheers;p

  • epfi

    dapat may uniform na makukuha sa kada pedxing… isusuot toh ng mga tatawid at isasauli sa kabilang side ng kalsada kapag naka tawid ka na.

    tapos ang uniform eh katulad ng uniform ng MMDA.
    ewan ko lang hindi sumunod ang mga hinayupak na driver na yan!

    ekshulli hindi naman sila talaga takot sa mga taga MMDA,
    takot lang sila makotongan kaya sla hihinto

    OT din… guest blogger ka na naman pala. ayows!

    Glesy the great:nakakasawa na ba akong makita sa ibang blog… wag ka alala wawarningan na lang kita bago ako mag-guest blog.. nyahaha… oo takot lang sila sa kotong… ang lakas kasi ng trip minsan ng mga nangongotong na yan.. cheers;p

  • Jorge

    Woi, ingat ingat sa pagtawid, aba, masarap mabuhay.. Wala pa namang sinasanto yang mga drivers na yan..

    Ganda nmn ng supel mong pink, girl na girl.. hehehe..

    Glesy the great: pahiram ko sayo.. oo naman gusto ko pang mabuhay kaya lang baka pag patanga-tanga ako sa pagtawid eh tuldukan ni mamang driver yung buhay ko. susmaryosep.. cheers;p

  • foobarph

    di bale, may kakilala ako, may ten wheeler, balikan natin yung nang joke sayo. ^^

    Glesy the great: paki-dalian lang kasi baka maunhan pa akong ma-hit and run.. cheers;p

  • joshmarie

    naku dear. alam mo ba na isa sa mga bagay na kinatatakutan ko ay nag pagtawid? hay angd ami kong near-death experience jan. yung tipong sigurado ka namang wala ng sasakyan o kaya naka-stop tapos biglang may haharurot habang tumatawid ka. nakakaloka!

    Glesy the great: bwisit kasi minsan yung mga driver lalo na yung magbebeating the red light…. parang sila lang ang tao kung magmaneho.. cheers;p

  • kulot

    may nakita ako minsan sa net na yung mga pix ng mga nasagasaan na grabe ang kinahinatnan, meron ata isa o dalawa dun taken from c5

    Glesy the great: ay nakita ko na rin yan… yan ang pinaka-ayaw kong mangyari… yung makita ang lamang loob ko sa kalsada na parang nasagasaang pusa lang.. ako nga di ko pa nakikita lamang loob ko tapos sila makikita nila? unfair.. cheers;p

  • xG

    kapag tumawid ka
    sa pedestrian lane
    at nabangga ka
    matik na yun
    na magbabayad
    ang nakabangga sa iyo

    nasabi ko lang naman
    hahahahaha

    ako nga nabundol na e
    mabuti e buhay pa ako🙂

    Glesy the great: ang tigas ng buto mo ah.. nabuhay ka pa nun? nyahaha.. cheers;p

  • vhincent

    mukhang hinde uso ang pedestrian lane sa inyo ah? or over at underpass para sa mga tumatawid… pero sa malamang bago ka mag-graduate eh isa knang dalubhasa sa pagpapatintero sa mga sasakyan…

    Yngatz lang po!

    Glesy the great: uso ang banggaan moment.. ahaha.. graduate na po ako matagal na.. common mistakes ng mga readers ko na estudyante pa rin ako.. cheers;p

  • eli

    nakibasa lang po..
    Glesy the great: sige lang po basa pa.. cheers;p

  • rio

    takot din ako sa pagtawid tawid sa kalsada lalo na sakalsada na kung saan halos lumilipad ang mga bus sa bilis ng takbo…

    merong instance dati sa buhay ko na malapit na akong mabungo ng kotse..
    alam mo ba ginawa kO???
    pinangsangga ko yung bag ko..hehe
    as if mailiigtas ako ng bag ko…

    Glesy the great: oo nga as if namang effective kalasag ang bag mo… nyahaha…. baliw na kotse yun dapat ung walang bag ang sinasagasaan nya.. ahehe… cheers;p

  • Kat Carneo

    Ako sobrang takot tumawid, as in all the time feeling ko masasagasaan ako. So kahit gaano kataas ang overpass or kalalim and underpass, doon ako dadaan. Tumatawid lang din ako sa kalye kapag pula ang stoplight ng mga sasakyan, o kaya pinatawid na ako ng pulis. At kung walang wala talaga, sasabay ako sa kung sino mang taong tatawid din.

    Nasagasaan na kasi ako dati, ng bike. Totoo!

    Glesy the great: nyahaha akala ko naman kung anong malaking sasakyan ang bumundol sayo.. ahehe… ako rin naman kaya lang kasi minsan yung mga kasabay ko feeling ko masyadong reckless. kaya nagsasarili na lang rin ako minsan.. cheers;p

  • joycee

    Glesy girl, thank you thank you for being my guest blogger for a week. Super naapreciate ko at ng mga readers naten.

    Sa uulitin, magpopost na ako either today or tomorrow. *mwahugsss

    sa mga hinde pa nakakabasa ng guest post ni glesy sa blog ko
    click nyo na to:

    http://joyceish.com/?p=864

    Glesy the great: thank you at hinayaan mo akong umepal sa blog mo. its been a pleasure… sorry rin kung di ko naplug yung pinost ko sayo.. ahehe.. someday ipluplug ko yan.. may hinihintay lang ako at mukhang matatagalan pa yan.. cheers;p

  • kengkay

    si kengkay e laking EDSA, patintero lang sa amin yang EDSA na yan dati, hahaha

    sempre kapag bata ka feeling mo e ikaw si darna parati, walang takot. kahit na anong busina ng sasakyan, kami pa rin ang bida. ngayon hindi na, tameme na rin ako dyan

    yung ipit mo sa buhok? isipin mo na lang si kengkoy. punta kami sa isang sosyal na dining house, nalimutan nyang nilagyan pala sya ng ipit sa buhok ni bunsoy, hahaha. game naman itong asawa ko kaya kahit na huli na nung makita nya e tawa na lang din sya

    Glesy the great: ang cute nyahahaha… kunwari na lang bagong fashion statement… ayaw ko lang kasing makitang lasog-lasog na katawan ko sa kalsada dahil lang sa katangahan kong tumawid.. cheers;p

  • joycee

    Got a tag for you girl!

    http://joyceish.com/?p=888

    gudlak you’re super busy! wahahaha

    Glesy the great: lablost na lang joycee.. pero dahan dahan muna ako sa tag ngayon meron kasing isang epal eh.. cheers;p

  • lhay

    ahmm ako di marunong tumawid period! lagi akong nagpapatulong or di kaya lagi akong pumupwesto sa tabi ng tatawid para susundan ko sya at gawing shield.

    Glesy the great: eh paano kung tanga rin yung sinusundan mo… ahehe… cheers;p

  • Heleyna

    naimagine ko naman pagkakadapa mo hahaha. seriously sis, ingat ka nektaym delikado yan…sayang naman kagandahan mo!

    Glesy the great: nyahaha… kala ko pa naan kaibigan kita… nag iingat talaga ako kasi mahal ko pa buhay ko… tsk feeling dyosa naman ako sa pagkakasabi mo ng kagandahan ko… cheers;p

  • brotherutoy

    kung minsan nga hindi lang patintero ang laro natin with the cars sa daan.
    may habulan din!

    dito sa kabundukan namin, priority ang mga pedestrian. tumitigil talaga ang mga kotse kapag may nakita silang tao sa bangketa.
    Glesy the great: parang mas maganda pa jan sa kabundukan ninyo….. natatakot na kasi akong tumawid para lang pumasok sa ospital… cheers;p

  • jem

    marami talagang ungas na drivers ngayon..

    Glesy the great: talagang ungas!!!!!! cheers;p

  • Basti

    haha napatawa moko, pero seriously nakakatakot na talaga tumawid ngayon, kasi kahit nasa gilid ka lang ng daan eh maddisgrasya ka sa bilis magpatakbo ng mga driver.

    Glesy the great: totoo yan… meron sakin nakwento yung utol ko na naaksidenteng sanggol ng isang bus… karga-karga siya ng nanay niya.. yung ulo nung baby eh nakaharap sa kalsada tapos may humarurot na bus… nadale yung ulo ng bata… tsk tsk tsk… no cheers para dito….

  • Bombero King

    pahiram nang head band..!
    hahahahahahaha..!😆

    Glesy the great: naaliw sa headband? cheers…. gusto mo ng mas malaki? ahehe… cheers ulit…;p

  • mayyang

    naku! nakakatakot tlga yan fren…. dapat maging alerto ka pag nasa kalsada ka at maraming sasakyan…d lang mga sasakyan ang pag ingatan kundi ang mga holdaper at snatcher din…naku! *yan ang new post q dear kaya basahin mo…

    ui, i love pink!…hehehe..inggit lang mga nakatingin sau…o kaya gus2 ka nilang kalbuhin para makuha lang ang pink na head band mo..heheh

    Glesy the great: hindi nakakatuwa nung nakita ko sa salamin na nakahead band pala ako ng pagkalaki-laking flower… pramis malaki siya…at ingat sa pagtawid cheers;p

  • revsiopao

    nabasa ko na ‘to noon pa pwamis. gusto ko lang mag-iwan ng siopao mark now. {defensive}

    tumbling naman ako sa out of topic na pahabol: “nakalimutan kong naka-head band pala ako na may bulaklak na pink na sobrang laki…”…. hindi ako tumawa….. hindi…. bwa ha ha ha!…. nabigla lang po.

    sa totoo lang, ayoko nung mga sign na “bawal tumawid, nakamamatay”… it just shows to the world kung gaano na kagarapal ang asal ng mga filipino pedestrians sa daan. nakakahiya. {sshhhh!! huwag ka maingay… minsan pasaway din ako sa pagtawid… madaming beses na nga akong muntik mabundol e…. ssshh!! huwag mong ipagsasabi ha}

    Glesy the great: hay naku… so comment ka pala ng comment di mo naman binabasa hmmmppph… kahit ako natawa din nung pagtingin ko sa salamin para akong paso na may pagkalaki-laking flower sa ulo…

    ang lakas ng loob!!!! nagpapabundol na lang sa kalsada… shhh sikkretong malupit cheers;p

  • eloiski

    ah absta..
    sa tuwing tumatawid ako, tila nakikipaglaro ako ng patintero kay kamatayan.

    Glesy the great: oo totoo yan.. yan ang pakiramdam ko tuwing papasok ako sa ospital… naririnig ko pa siyang sinasabi na “ayan na ako, maaabutan na kita” cheers;p

  • Karlo

    Naku! Meron din ganyang kalsada malapit sa amin! Grabe, 4 lanes ang haba ng kalsada, walang pedestrian lane, at grabe humarurot ang mga sasakyan dahil kadugtong nung kalsada na iyong ang highway!

    Everyrime na tumatawid ako ay napapadasal ako! Hahaha!

    Glesy the great: aba parang uso ang suicide jan sa inyo ah.. four lanes? parang walang dudang tambayan na ni kamatayan yung tawiran na yun.. ahehehe.. rosaryo ba ito.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: