today is a good day to die…

Balik WordPad na naman ako dahil ang walang kwentang MS Word ko nagmemeryenda ata at parang tumuloy na sa inuman!!! Taya ng mga programs sa PC ko para sa mga bagong saltang honored guests na Virus… ayun jamming na sila at parang lukso ng dugo lang ang naramdaman sa isa’t-isa dahil di man lang pumalag ang mga pulis pangkalawakan ng computer ko… Three-in-one na happenings ang naganap…

1. WELCOME PARTY- dahil pinili nilang tourist spot ang PC ko… may 21 gun salute pa at sabitan ng sampaguita!!! Akala mo high ranking official ang lumanding… papansin eh, nagpopop-up every 5 minutes… (Mabuhay!!! All your needs will be attended… Enjoy your stay!!!)

2. VICTORY PARTY- para sa pagkakapanalo sa deathmatch nila versus antivirus ng pc ko *drumroll*… wala… mismatch ang laban, nagkakape pa yung virus habang ininvade ang mga Baryo Bulok ng pc ko (hep-hep hooray!!!) at;

3. DESPIDIDA- para sa pag-aalsa balutan ng mga programs ng pc ko.. ang mga loko mukhang masaya pang aalis at kumakaway-kaway pa… at para sa nalalapit na pagpapareformat ng de-uling kong PC (Bon Voyage!!!)

Eh kasi naman ang inyong lingkod, yours truly, nakalimutang expired na pala ang anti-virus ko since the world began… may bago akong isinalang na anti-virus… bagong infantry division ika nga na itinalaga para sumugpo ng mga kalaban… ayun!!! pinagtatawanan lang ng mga illegal alien na immigrants sa sablay kong computer.. naka-arms of mass destruction ung mga bisitang virus na to na parang fit for world war III, samantalang ang pc ko naka-pana at gulok pa rin na panahon pa ng balangay ang mga armas at parang away-tribu lang ang pupuntahan… yung tipong umaamba palang yung kalaban tumakbo na kagad ng pagkalayo-layo na parang nakaangkas lang sa formula-one ni Michael Schumacher… parang laban-tanga lang ang kayang gawin ng mga bata ko… halatang ang battlecry nila eh, “Today is a good day to die”

pustahan o.. sino ang unang sisgaw ng “i surrender!” ang may mga resistensya builders na mga virus na to o ang computer ko… Landslide win eto…

bad trip ang dami niyang sakit, di ko alam kung kelan ipapaayos ng kapatid ko o kung may balak nga pa ba siyang ipaayos… clinical impression pa lang irreversible na, baka bago pa mabigyan ng final diagnosis eto, DEAD ON ARRIVAL NA!!! yabit tayo jan… leche talaga!!! Leche!!!

Akala nyo totoo noh? Sinulat ko yan October 18, 2006… Siyempre sa huli ko na ibinunyag na past post lang to…alam kong tamad magbasa ang iba jan pag re-post eh… may tinatapos lang akong mga promises kaya di ako makapag-blogHindi yan reposted from wordpress ha…sa friendster yan galing pero revised edition… aha mahuhuli ko ang mga taong hindi nagbabasa hanggang huli.. cheers;p

Glesy the Great

 

 

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

26 responses to “today is a good day to die…

  • bloom

    hindi ako kasama sa mga mahuhuli mo! hwoahahahaha.. sus, aasarin sana kita eh, repost pala! chaka malamang sa malamang, lafftaff na ang gamit mo! yihiiii. RN na eh!

    Glesy the great: jan ka nagkakamali… hanggang ngayon naka-pc pa rin ako… wala akong laptop.. hindi lang talaga ako yung tao na kapag bumili ang public ng ganito eh makikibili na rin ako unless i really need it.. pero di ko siya kelangan kaya di ako bumibili at saka isa pa mahal…. ahahha… cheers

  • ifoundme

    hahahahah! parang battleground of the fit and fittest ah…. ang galing at 2006 pa pala tong entry na to.
    Glesy the great: 2006 entry pa talaga yan… still existing sa friendster blog ko.. pero revised edition nga lang…. ahehe… cheers;p

  • mayyang

    naku! nabasa ko po lahat lahat dahil mag isa lang ako d2 sa office at dahil ngayon lang nakadalaw ng matagal..sinulit ko na at alam kong nakalimutan mo na ata ako kaibigan..hehehe

    bat repost naman to!?..naku..busy busyhan kna naman e…hehehe

    basta, ingat ingat po🙂
    Glesy the great:di kita nakalimutan… eto naman nagdrama kagad… ahehe.. cheers;p

  • pocholo

    na track mo ako ha? may build in tracker pala itong wordpress!
    naisahan mo ako! hahaha! akala ko magiging anonymous reader ako, pero natagpuan mo din site ko. hahaha kakasuhan kita.🙂
    hahaha
    salamat sa pagdaan🙂
    Glesy the great: wag ka ng umasang maging anonymous reader ka…. talo ka na kagad sa husgado… cheers;p

  • potsquared

    2006 ka jan.. parang sa takbo ng story mo.. panahon pa ng 386 ang pc ninyo.. ehehehe.. very creative ka talaga glesy.. akalain mong nagawan mo ng storya ang mga virus at anti virus ng PC mo.. saludo ako sa iyo! tagay mo pa glesy!

    Glesy the great:2006 yan pramis… ahehe… 386 ka jan, nainsulto ang pc ko… sabing wag mo akong sinasabihan ng ganyan, parang hindi bagay eh… pero thanks na rin… cheers;p

  • epfi

    hala…
    nabuhay ka sa pamamagitan ng patay na post entitled “today is a good way to die”
    ayows!

    halatang bisi
    kaya re-post
    ehehe

    bisi ka ba dahil larb month?
    uyyy
    Glesy the great: walang kinalaman ang larb month ika mo nga…. cross my puso… bakit namatay ba ako? cheers;p

  • karmi

    hahaha. ayos ah.🙂 akala ko ngayon nangyari eh. tsk. buti pala noon pa!😀

    parang ganyan din ung nangyari sa PC namin ngayon, aun, naghihingalo na.😦 haaay.

    Glesy the great: talagang buti na lang noon pa… sobrang nag-iingat na ako ngayon pero di pa rin ako pakasiguro kasi malalakas talaga ang immune system ng mga virus na yan… cheers;p

  • ELIment

    hmmm.. sarap magbasa dito ah. magaan dalhin. galing.

    Glesy the great: salamat dalaw ulit… teka lang anong post ba ang mabigat dalhin? ay ang corny… cheers;p

  • anakngpating

    sasabihin ko sanang bumili ka na ng bagong unit eh hehe..
    di ko to nabasa..weeeew
    eto na nga yung mga pc ko rin naghihingalo na ..bibigyan ko na rin sana ng yung bulaklak ng corona kung sakaling matuluyan na sya😦 joke lang…
    Glesy the great: okay lang yan… hanggang may ibubuga pa at hindi pa tayo inaayawan gamit lang ng gamit…. ahaha.. yung akin nga hanggang ngayon still alive and kicking pa rin siya eh… cheers;p

  • pinoyonlinenovels

    anong klase yung virus na dumale sa iyo? ung sa akin ginawang inbisibol yung mga files ko kaya ayun…

    Glesy the great: di ko rin alam eh… basta magaling siyang manggulo tapos nabura lahat ng ms ko… cheers;p

  • gudang

    akala ko naman, gusto mo na talaga mag-die😀
    wag muna! life is beautiful! SOMETIMES😀

    –gudang!

    Glesy the great: sus ateng malayo sa utak ko ang magpakamatay… as in not in a light years… cheers;p

  • joycee

    sows garl muntik ako magoyo waheheh repost pala.

    sige aral lang ng aral jan okay?? libre mu nalang kame pagtapos.. *mwahugsss

    Glesy the great: hmmm common mistake ng mga bloggers na nagbabasa dito na estudyante pa rin ako… graduate na po ako… ahehe… nagoyo ka ba? okay lang yun isipin mo na lang nabasa mo siya noong oct 2006… cheers;p

  • mayyang

    sis glesy!

    ok na po yung favor…heheheh..pasensya na at ngayon q lang naayos. pwede kna ulit mkipagkulitan sakin sis…

    ingat ingat…

    Glesy the great: uy thank you… paranoid din kasi ako sa mga blogs na humihingi ng password…. cheers

  • brotherutoy

    akala ko talaga, ngayon iyon nangyari.
    sus, sa lahat ng na-virus, ikaw itong may positive outlook.
    talagang triumphant (tama ba speling?) ang tema,
    parang kabarkada lang ang virus at mga programs.ü

    uy, aling post yung sinasabi mong di ikaw.
    nagbabasa naman ako ng post…😦

    Glesy the great: huwag ng tumanggi… huli na…. sinend ko na sayo kaya wag na masyadong machismix
    siyempre pinapasaya ko lang loob ko nun kasi sobrang daming nawala sakin…. pati pagkatao ko nawala… pati mga naggagandahan kong pictures nawala… LAHAT SILA NAWALA… pero dati pa yun kaya titigil na ako sa emote ko, oa na eh… cheers;p

  • kengkay

    hanu be, hahaha. ah basta ako takot na rin akong ma hack ngayon kaya dami kong barikada

    Glesy the great: oo nga parang nabasa ko nga yan na entry mo…. aba talaga nga namang kakaiba ata ang infantry division mo ah.. cheers;p

  • BURAOT

    nyeks. kala ko totoo na. wahahahah! makapag upgrade na nga. o kaya mailipat sa ibang drive yung laman ng pc ko.

    Glesy the great: o buraot, nabuhay ka? akala ko nakalimutan mo ng dumalaw dito.. as usual di ko pa nagagawa yung pramis ko… totoong ngyari yan pero matagal na nga lang… naisalba pa naman ung pc namin… oo nga maglipat ka na sa ibang drive kasi yan din ang pinagsisihan ko noon… cheers;p

  • revsiopao

    hindi ako nagoyo pwamis… hindi talaga… hindi nga sabi e! toinks!
    kahit luma na ‘ting post na ito… bumenta pa din ha.
    wala na talaga akong masabi sa pagka-creative ng pwend naming ito.

    hanep naman kasi… pati ang mga virus na ‘yan e bidang bida.
    at may party pa sila. o ha!
    buhay pa ba ang old pc mo na ‘yan o matagal nang nailibing?

    Glesy the great: creative ba kamo? may kasalanan ka pa sakin kaya wag mo munang bilugin ulo ko…
    yep buhay pa siya… yan nga ginagamit ko ngayon eh at hanggang ngayon eh gumagawa pa siya ng history… cheers;p

  • Jorge

    Hahaha, akala ko ngaun nangyari, hanube ang kulet!!! 2006 pa? eh anong klaseng virus ba umatake dyan? daig pa yata ang i love u bug ha..

    Meron nmng free antivirus, pwede na siguro un, un ang gamit ko, so far malaks nmn ang resistensya..
    Glesy the great: di ko rin alam kung anong virus… di kasi ako marunong sa mga ganyan-ganyan eh… at paranoid akong magdownload ng mga anti-virus, paranoid ako sa mga ganyan kasi baka yung dinodownload ko mismo eh virus din… salamat!! cheers;p

  • vhincent

    gumamit kse ng mga libreng anti-virus gaya ng avg at anti-spyware na Ad aware😉
    pektib yan kahit panu.. hehe

    pero mukha kailangan n operahan ang pc mo, sige bigyan n yan ng gun salute! lol

    Glesy the great:di pa… still alive at rumarampa pa ang pc ko… tatanda pa to… ahahha… cheers;p

  • billy_boy_badboy

    hoy glessy ang corny mo parin tlaga.. lol

    basta pag masisira na ulit pc mo wag mong kalimutan na busy ako.. hehe
    dapat nag com sci ka nalang para di nagkakaganyan pc mo.. :p

    pero crioso try mo mag download ng avast.. kasi naman kung ano anong website ata nararating ng pc mo eh.. hehe joke

    Glesy the great: hay naku paolo sino kayang mas corny satin sa billy_boy_badboy na ka-ek-ekan mo… parang mama’s boy ang dating…

    pag nasira ulit ang pc ko wala akong pakelam kung busy ka dahil obligasyon mong solusyunan yun, para may silbi naman ang kayabangan mo… saksak mo sa baga mo yang comsci mo…

    naka-avast na ako ngayon pero di ko natatandaan na ikaw ang nagsabi nun so wala kang credit dun… at hindi ako mahilig sa mahahalay na site… baka ikaw… cheers;p

  • Heleyna

    Nyay, ngayon lang ako nakadalaw churi. Akala ko walang bagong new post! Hengkaso luma din pala..sows! naloko ako akala ko yan ang dahilan kung bakit madalang ka na lumalaboy. Ano nga ba?! Hihi ano ba yang bagong raket na yan ha? bulong mo sa kin! lol

    Happy Valentines sis! Mabuhay ang mga loveless. Wuuhoo!
    Glesy the great: hmph… kinalimutan mo na ako… yan ang akala mo.. ahahaha… okay lang na luma.. di nyo pa rin naman nababasa yan di ba? wag ka na machismax jan… nyahehehe… halika dito bulong ko sayo pero ang lagay eh… nyahha cheers;p

  • Pepe McKunat

    ung pc namin dedz hanggang ngayon.
    buti sa iyo nakaraos na.🙂

    nabasa ko buo.
    Glesy the great: huh? bakit mo naman pinaliguan yung pc mo? kakaiba… cheers;p

  • sandijmartin

    haha.. may gyera sa pc mo at may karerahan pa🙂

    Okey na siguro ang pc mo.. reposted pala kasi ito, galing ng friendster

    Hapi hearts day Ms. Glesy🙂

    Glesy the great: yep, okay na okay na po siya… at naghahasik na ng lagim ulit…. cheers;p

  • TeenToinks

    APIR… na Virus din yung computer ko kaya di ako naka bisita agad sayo nun dumalaw ka sa bahay bahayan ko.. hehehe Salamat!

    Kala ko naman ngayon lang na virus computer mo nun pala tagal na.. Uy, nagbabasa ako! hihihi pasilip din sa palasyo mo ha….

    Happy Valentine’s Day Glesy!

    Glesy the great: aba at nahagupit ka pala ng virus din ha… okay lang at least nandito ka din… sige lang pumasok ka na ng tuluyan, wag ka lang nakasilip jan…. welcome.. cheers;p

  • eloiski

    hakhak! repost pala ah. sabagay ako rin mahilig magrepost.
    at naman yang mga walang pusong virus na iyan ang dumadale sa rush hours ko. argh!

    happy valentines day!

    Glesy the great: o di ba? kakainis din di ba? rush hours? ahahaha… cheers;p

  • jose

    ayos lang ang repost🙂 hehe

    kumusta naman ang virus ng pc mo? naexterminate na ba? hehe

    xlinks po!🙂 salamat…

    Glesy the great: uy jose.. buhay ka pa pala.. akala ko kasi tuluyan ng nawala yung blog mo.. okay na siya. still alive ang kicking pa.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: