no sleep at all is a form of death…

Naranasan mo na bang matulog na parang kindat at kurap lang ang itinulog mo?  sa sobrang ikli, parang di ka man lang binigyan ng chance na tumulo ang laway habang natutulog… nag uumpisa pa lang mag hello world ang laway mo eh kelangan mo na pala kagad bumangon… parang di nga man lang napanis laway mo kasi pag gising mo parang bagong toothbrush pa rin ang pakiramdam mo…minty fresh breath ika nga… nag-e-ehem-ehem pa nga lang ang hilik mo at hindi pa kumukulot-kulot…  pagbangon mo pwede ka na kagad bumili ng pandesal sa kanto ng walang hilamos kasi willing kang itaya ang puri mo na wala kang muta… at pinapakilala pa lang ang mga characters sa panaginip mo eh bigla ka na lang magigising kasi minumura ka na ng malutong ng alarm clock mo…

kahit siguro gaano kalaki  at kabilog ang mata mo eh sisingkit at sisingkit pa rin yan pag naranasan mo ang ganitong tulog na parang isinangla lang sayo… kahit siguro kwago kayang gawing mukhang chekwa… siguro kung kumanta ka na lang ng twinkle, twinkle little star ng dalawampung beses habang nakapikit eh ganun lang din ang katumbas ng tulog mo… ewan ko kung tulog bang matatawag yun…

at alam nyo kung anong naging consequence sakin ng ganyang tulog? dahil sa sobrang antok ko sa jeep,  sa malayuang tingin para akong nang-aagaw ng halik sa katabi ko… mukha akong anchors away sa loob ng jeep… (anchors away=ride sa enchanted kingdom)… siguro nakakagulat yung animo’y pagdamba ko… akala mo kung sinong ginugulat kasi may kasama pang kalampag… pansin ko pati mga kasama ko as jeep nagugulat na may kasamang takot…  akala siguro nila mag-aannounce ako ng “holdap to, walang kikilos ng masama”

welcome to me… happy to see myself na nagngangatngat na naman ng oras sa pagbloblog… cheers;p-glesy the great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

70 responses to “no sleep at all is a form of death…

  • sandijmartin

    naranasan ko na rin yung ganyan.. ang hirap! Dinaan ko na lang sa paligo🙂
    welcome back..

    • glesy the great

      grabe.. di ko pa rin kaya pag dinaan sa ligo… mas nahihilo ako… gumugulong paningin ko pero walang magawa kasi ayaw ko namang pumasok ng walang ligo.. di bale ng walang tulog wag lang mukhang patay… cheers;p

  • aia

    sakit sa bangs ng ganyang tulog!

  • Heleyna

    syetness! napakadaya diba sinabi ko ako dapat ang una?! edit mo oras ko wahaha.
    Shocks! kakaawa ka naman sis, ayan na nga sinsabi ko kaya kung ano-ano nararamdaman mo sa sarili mo. Hoy, yung sinabi ko sayong pacheck up ka..gawain mo yan kokonyatan kita! Hehe jowk lang sis, concern lang ako sayo.

    Namiss kita!! Kaso hindi ako “aym pers” Hmp!

    • glesy the great

      nyahaha.. nagulat din ako.. ang bilis nila eh.. kakaiba yung detector nila… sorry, mahina ka sa agawan base eh… ahehe tapos na ang office hours mo kaya tanggalin mo na yang white coat mo…

      alam mo bang may takot ako sa pagpapacheck-up… ahehe.. namiss mo ako? talaga? sige nga libre mo nga ako kung namiss mo talaga ako.. cheers;p

  • bloom

    naranasan ko yan nung ishdudent pa ko! as in.. totoo yung part na hindi ka dadatnan ng morning breath.. hahahaha! naganon na ko eh!

    • glesy the great

      kalimutan na ang pagiging estudyante… RN ka na kaya,…. congrats ulet… ang saya saya ko para sayo.. cheers;p

  • Cindyrella

    naiinis din ako pag ganyan ang nangyari sa akin, yung lalo na kung meron kang big day ahead.. grrr!!

  • joycee

    aysus, lage ko yan naeexperience lalo na sa tarbaho ko na lageng panggabi tas lalo na may aatenan akong event, nakaw sakit sa ulo! ang consequence?? ayun lumalagpas ako sa dapat na bababaan ko.

    pahinga pahinga sis, at tama si sister helena, pacheck-up ka pag may nararamdamang hinde maganda. *weh parang ako masipag magpacheck-up. wehehee.

    ingats kaw lage.

    *mwahugsss
    ~joycee

  • epfi

    wahhhhhhhhhhhh

    ganyan na ganyan ang feeling ko kanina papuntang project site
    pagod at sobrang puyat

    nagmumukha na nga akong makamasa eh
    (masandal tulog)

    • glesy the great

      okay lang yan.. ang mga ganyang tao eh nagmumukhang masipag sa mata ng ibang pasahero… pero ingat, ang mga ganyang tao eh nagmumukha ring madaling nakawan sa mata ng mga holdaper.. cheers;p

  • potsquared

    so nagtataka lang ako.. kung nakikipag tukaan ka sa katabi mo? sino sa inyo ang frog prince/princess? at glesy.. parang awa mo na sa sarili mo… matulog ka naman… pero bago yan.. tagay na muna!

    • glesy the great

      wag kang magtaka… di ko lang tinuka, tinuklaw ko pa… gwapito eh, joke… naawa naman ako sa sarili ko.. yung mga tao lang sa paligid ko ang walang awa sakin…. natutulog ako pero pamatay tulog nga lang… cheers;p

  • a.r.d.y.e.y.

    kahit mahaba na ang itinulog ko eh feeling ko napakaikli pa rin ng oras ng itinulog ko. hehehe.

    • glesy the great

      yan ang sinasabi ng mga taong matakaw sa tulog.. sige hibernate lang ng hibernate.. it’s good for the brain… nyahaha.. cheers;p

  • Jorge

    Uy, welcome back glisi!!

    Nakupo, weakness ko ang tulog, kapag ganyan ang ‘idlip’ ko, kaaway ko lahat, pati boss ko, hehehe..

    • glesy the great

      salamat, salamat.. napapangiti pa rin ako pag may tumatawag sakin ng glisi…

      so next time na magpupuyat ka sabihan mo ako para magpupuyat din ako.. tagisan tayo ng kaaway… kung gusto mo, away tayo… cheers;p

  • X

    ang hirap ng ganyan…

    namimiss ko tuloy ang buhay tambay ko.

    • glesy the great

      mahirap din…

      wag kang ganyan, namimiss ko ring maging dekorasyon lang ako ng bahay namin…

      nb: akala ko talaga nilamon ka na ng lupa.. wala na kasi yung dati mong site… cheers;p

  • anakngpating

    si X o pareho kami ng namiss ang buhay tambay hehe..
    welcome back glisi the grit hehe..:)
    naranasan ko na rin ang tipong tumutumba sa jeep dahil nakakatulog na pala bigla na lang nagugulat hehe..nakakahiyang ewan minsan lalao na kung may katapat kang boyps sa jeep pero ako pag ganun wa pakels na hehe paki ba nya eh sa wala akong tulog hehe…

    pahinga sabi sayo pahinga ka eh kw kasi ehehe…
    relax and enjoy

    • glesy the great

      tink u sa pag welcome… ahehe… ako rin wala akong pakelam basta matutulog ako… kung may angal sila eh suntukan na lang.. cheers;p

  • BURAOT

    nyeheh. baka naman sa keyboard na tumulo ang laway mo nyan.

  • p0kw4ng

    ay ang sakit sa ulo nyan..para ka pang mumo kasi para ka lang nakalutang sa lupa,hihihi

    ilang beses ko ng naranasan na pauntog untog lang ang ulo ko sa katabi..hahaha..parang nanggugulat lang!

    • glesy the great

      sakit di ba? parang may lamang martilyo yung utak mo sa sobrang bigat…. totoo buong araw kang parang nananaginip pa or rather binabangungot…

      oo.. parang jack in the box lang na panggugulat.. nyahahaha.. cheers;p-glesy the great

  • brotherutoy

    uy, gless, tulog na maayos lang ang katapat nyan. epekto yan ng blogging, na comment lang ang pahinga.ü

    laugh trip ang posts mo lagi, gless. biruin mong kahit tungkol sa pagtulog eh napapatawa mo ako.ü God bless!

    • glesy the great

      ay brotherutoy, di po blogging ang dahilan kung bakit ako puyat… at ayaw ko ng ikwento kung bakit ako puyat dahil nakakapanuyo ng dugo ang dahilan…

      huwaw naman at least napapatawa kita…. cheers;p-glesy the great

  • pmonchet

    naku! ganda ng description mo.Buti nga at hindi ka pa lumampas sa pupuntahan mo.Ako nga kapag ganyan,pabalik na yung jeep nung magising ako.Mukha kasing wala pang kita ang driver kaya hindi ako ginising.

    • glesy the great

      siyempre based on experience eh.. hay naku po.. naranasan ko ng lumampas lately lang… kahit kasi isang kanto na lang ang pagitan ng layo sa bababaan ko eh nakakatulog pa rin ako…

      mas grabe pa pala kayo, nagroundtrip kayo… lokong driver yun pinagkakitaan ang joyride mo… i’m sure pagkatapos ng roundtrip eh kumpleto na ang tulog mo….cheers;p-glesy the great

  • francescainfrance

    i experienced that, nasa flat ako for a week ng employer ko.
    Yung aso nya, 12midnight, kakahol. Gising ako, baka kako me rapist na nakapasok.
    Wala.Yung kapitbahay lang pala, kakauwi lang.

    Tulog ulit.
    3am kakahol ulit. Yung basurero truck sa kalsada, maingay
    balik tulog ulit. Pahirapan.

    7am, ungot na si aso, lalabas na raw kami kasi iihi na siya.
    Sigawan ko nga.

    “SA CARPET KA NA UMIHI,LINISIN KO NA LANG MAMAYA !!!!”

    umihi nga!
    double work tuloy, gala aso, linis carpet. Waaahhh.

    • glesy the great

      ok lang yan… mukhang napuyat din naman yung aso ng amo mo eh…. at infairness, nakakaintindi si aso… ahehe…. welcome nga pala francesinfrance.. cheers;p-glesy the great

  • let the music and silence be one… « Anakngpiso’s Bahay-Palasyo

    […] ibang page.. secret walang clue…. punta ka dito kung di mo pa nababasa… at magcomment ka kung ayaw mong magkalimutan tayo…  […]

  • pocholo

    ayan. nakapag comment tuloy hahahaa.🙂

    Naranasan mo na bang matulog na parang kindat at kurap lang ang itinulog mo?
    oo naranasan ko na talaga yan…
    everyday na nga eh.. parang isip isip ko, unfair..
    pero babala. pag kulang sa tulog,
    tuliro at wala sa sarili! hahaha!🙂

    • glesy the great

      buti naman… ahehe…

      totoo yang tuliro at wala sa sarili na part… madama akong stupid na nagawa nung araw na yun sa sobrang lutang ng utak ko.. cheers;p

  • walongbote

    ai naku, oo para kasi akong nagbabasa at nasa pelikula pag nasa panaginip hahaha..🙂

    • glesy the great

      tama yung nasa pelikula part… minsan nga continuation pa ng ginagawa ko bago matulog.. kaya madalas lagi akong napapahamak kasi akala ko gising pa ako… ahehe.. cheers;p

  • rio

    anubeh?? matulog ka ng maayos..mahirap ang ganyan…ikaw din, mababawasan ang iyong kagandahan…
    naranasan ko na din yang kulang sa tulog e lalo na nung nagaaral ako..alam mo ba na may talento akong tulog pero dilat ang mata..hehehe

    • glesy the great

      kagandahan talaga.. nagfeeling-feelingan naman ako nun… huh? totoo? kaya mo yan.. may sasabihin akong isa sa mga ka-weirduhan ko… pag ako natutulog mukha akong gising? hindi completely close yung mata ko… nyahha… cheers;p

  • neto

    welkam back.. ahm.. sa sarili ko yata dpat sabihin yun.. hehehe..

    ako ok lang msakit ulo o uob, wag alng sipon,, hirap huminga eh.. hehe..

    maigi nang walang tulog kesa walang gising..

    • glesy the great

      oo nga matagal ka ring nawala sa alam ko…

      oo nga i feel dugyot pag may sipon ako… feeling ko buong mukha kulapol ng sipon…

      nyahaha.. oo ngaman di bale ng walang tulog wag lang walang gising.. cheers;p

  • Kat Carneo

    My two roommates suffer the same thing, sobrang di sila makatulog, at sobrang inggit sila sakin dahil may kakayahan akong matulog anytime, anywhere, kahit maingay. Some pills work, siguro you should get a prescription kasi nga, slow suicide na rin yang di mo pagtulog.

    • glesy the great

      yan ang di ko gagawin.. ang magpaprescribe ng sleeping pills… baka maging dependent ako dun sa pills.. mahirap ng maging adik…

      at madali naman akong makatulog kaya lang may kelangan kasi ako talagang tapusin.. ahehe.. cheers;p

  • mayui

    hindi ko kaya ng walang tulog. as in. aantukin talaga ako.
    ang naranasan ko pa lang yung matulog ng mga dalawang oras pero pakiramdam ko kakapikit ko pa lang. yun yung kapag galing sa pagpupuyat tapos natulog ng 2hrs na power nap lang pero sobrang bitin at parang di nakatulog. mas okay na na magpuyat na lang ng tuloy-tuloy kaysa matulog ng iilang minuto dahil mas nakakadrain yun.

    • glesy the great

      oo naman.. pero minsan ako mas masarap ang gising ko sa idlip lang.. yung tipong nasa byahe eh natulog ka.. ang sarap ng pakiramdam pag gising mo.. ahehe… cheers;p

  • sparkzspot

    Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!

  • jex sah'pahk

    minsan pag di ako nakakatulog kinukuha ko ang E PUD sabay pinakikinggan ko yung kanta ng air suplly o kaya yung kanta ni bon jovi na bed of roses nyehahahaa…. nakaka antok e try mo lang Bongga!

    • glesy the great

      nakakaantok ba? gusto ko ako lang maingay pag matutulog na ako.. baka itapon ko lang ang E PUD.. ahaha.. cheers;p

  • dencios

    natatawa ako sa sinasabing mong magnanakaw ka ng halik sa jeep haha. nextime agahan ang tulog ha? para naman energized ka🙂

  • Bembot aka Jules

    napi-feel mo rin ba na parang may buhangin ang beautiful eyes mo pag puyat? ako pati likod ko masakit, naghahanap ng kama na mahihigaan. nung di pa ko nag-aasawa at nagkaka-janak, kaya ko ang walang tulugan ni kuya germs, pero ngayon, nungka, pag napuyat ako babawiin ko the next day🙂

    “minumura ka na ng malutong ng alarm clock mo…”

    pag-sinet ko sya at feeling ko pa rin matulog dahit puyat, deadma ako sa mura ni alarm clock haha

    • glesy the great

      ahaha… feeling mo yung mura ni alarm clock eh lullabye song? …

      ako namang pag napuyat ako ng isang gabi.. feeling ko buong linggo kong hinahabol.. ahehe.. cheers;p

  • jem

    waah..ayoko din ng ganyan..minsan na kasi akong nakatulog sa klase dahil sa puyat..adik kasi ako sa lineage2 noon..akala ko nga sa mga cartoons lang nangyayari yung ganun..hehe..newey, tenkyu sa pagdaan sa aking pugad.. good day..

  • kengkay

    masarap talaga matulog sa biyahe, hehe. kasi na minsan kala mo ka-close mo yung katabi mo😀

    Glesy the great: oo.. parang siamese twins lang kung makadikit ako minsan sa katabi ko…. wag lang nilang pag iisipan na magnanakaw ako… ahehe.. cheers;p

  • Kris Jasper

    Parang nasa duyan ka siguro ano?

    Lagi akong kulang sa ligo, err, I meant TULOG, pero di naman ako inaantok. hmmm….

    Glesy the great: oo naman… parang kinakantahan pa ako ng lullabye song… nyahaha.. wala na nasabi na… kulang ka sa ligo.. cheers;p

  • lalaine

    waaahhh… walang tulog? ang hirap nun… ilang beses ko na yan naranasan nung college… as in parang napapikit ka lang tapos kelangan na uli bumangon… hahaha

    mahirap kaya yun… lalo na kung sasabayan pa ng gutom… feeling mo makakaaspok ka na ng tao… hehehe

    yngat =)

    Glesy the great: di ko naman hinahaluan ng wlang kain.. baka matuluyan na akong ma-sisa nyan.. ahehehe.. di bale ng walang tulog wag lang walang kain.. cheers;p

  • charlie

    yan ang tulog na nakakasira ng ulo.. o kay sakit nyan….

    Glesy the great: talaga namang o kay sakit…. kabaliw.. cheers;p

  • IKAY

    sakit sa ulo nyang ganyang tulog…kc parang hindi ka na natulog nyan eh.

    Glesy the great: totoo yan.. kasi sabi nila 11-3 nagreregenerate ang cells mo… so kung di ka tulog mga matatandang cells ang gumagana sayo.. cheers;p

  • Lei

    ou. naranasan ko rin ung ganyan.. 3 oras na tulog. parang sabog pa ako. ahaha. feeling ko pumikit lang ako. di ko talaga nafeel na nakatulog ako.

    Glesy the great: nyahaha…. para kalang nakipaglaro ng taguan eh noh…. talagang sabog body mind and spirit.. cheers;p

  • jasonhamster

    ako dati bumagsak yung kamay ko sa braso nung katabi ko. Nagising ako at nagulat ako at nagulat din siya

    Glesy the great: ako naman hinead butt ko yung katabi ko… di lang siya nagulat tiningnan pa ako ng masama.. akala ata away ang hanap ko.. ahaha. cheers;p

  • mangbadoy

    ang sakit sa ulo nyan… sabi nga nila masakit sa ulo lalo na pag bitin… :d

    Glesy the great: parang iba yung interpretasyon ko sa sinabi mo.. ahehe.. anyway masakit nga sa ulo talaga… parang gusto mong mangagat ng tao pag narining mo na yung alarm clock mo… cheers;p

  • naglalambingnacute

    mas nahilo ako sa kakabasa ng comment.. dami huh??

    nasubukan ko na rin yang ganyan pink na palaka pero.. di ako sa jeep natutulog… sa office! nakapikit habang nag eencode!!

    na miss kita !! hehehe….😆

    Glesy the great: talaga? namiss mo ako.. ni hindi mo nga ako pinupuntuhan.. hhmmmppp.. goodluck naman sa ineencode mo, malamang mali-mali na yan.. nyahaha.. cheers;p

  • Mahalia

    Sabi raw nila, kapag walang tulog at pahinga ay nagiging makakalimutin. Mayron akong napanood sa Discovery na yung mama’ di natulog ng 4 days, eh nakasakay sa hot air balloon, papuntang kung saan, ayon, inantok, muntik nang malaglag ng ilang daan feet from the air. Kaya ingat ka, wag kang sasakay sa hot air balloon kapag inaantok ka. hehehe

    Glesy the great: parang araw-araw lang akong sumasakay ng hot air balloon ah… ahehe… muntikan ng matuluyan sa pagtulog.. cheers;p

  • naglalambingnacute

    eto namang si glesy ! nagtatampo agad..

    kaya nga kita na miss kasi di kita napupunthan… TOINKS!!

    HETO… HAYMISSYU ULE.. TAMPO TAMPO PA!!😉
    Glesy the great: tsk tampo pa rin ako.. kiss muna.. nyahaha.. cheers;p

  • eloiski

    iligo mo dapat iyan ng malamig na tubig. yung nagyeyelo! tignan natin kung hindi ka magising! hakhak!

    pero mas okay naman na ang walang tulog kesa walang gising nuh!
    hakahk!

    pero narasanan ko na rin yung walang tulog. para akong zombie! crap!
    Glesy the great: oo zombie talaga.. para kang naglalakad sa alapaap.. ngayon alam ko na ang feeling ni alice habang nasa wonderland.. ang pinagkaiba lang namin ako may eye travelling bag.. ahehe.. cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: