Limit the unlimited

Nung kuriputin ng globe ang unlimited promo nila dati, isa ako sa mga umangal na akala mo pinagkaitan ng buong article ng karapatang pantao… “Una na nilang tinanggal ang drop call, tapos ngayon naman yang unli ko… ano naman ang isusunod nila, ang puri namin!?!!!” Halos 7 days of God’s holy week ata akong unli ng mga pinagpalang araw na yun na parang 7-eleven in its grand-opening lagi ang load ko, kulang na lang eh ribbon cutting araw-araw… Para rin akong NSO na may census ng Globe user’s… During peak days, kaya kong punuin ang inbox mo kung mejo maliit ang space nyan, tipong kahit wala kang load eh magloload ka para lang murahin ako at bantaan ang aking buhay… mejo pindot to the max ako noon na kung meron lang group of muscles sa may hinlalaki malamang may six packs na siya…  hindi lang letter ng keypad ko ang matatanggal pati na siguro ang thumbmark ko… Damang-dama ko ang the power of communication noon, daig ko pa ang naka-kapa, naka-tiara at baston… Kung si beethoven kayang mag-piano ng completely deaf, ako naman kaya kong magtext ng completely blind at may kasama pang smilies… kung ung Typing na subject ko nung college eh cellphone at hindi typewriter malamang isang hambog at kumakalampag na UNO ang grade ko at pwede na ring mag-resign ang prof ko…

Kaya naman nung tinanggal nila ang halos 10 peso a day na unli… parang may punitan ng cedula sa balintawak na mangyayari sa pagkatao ko… Pero…

Ngayon? Di ba kayo naaasar sa mga chain messages na ipinapangako ang karumaldumal mong kamatayan kung di mo siya isesend sa lahat ng tao sa phonebook mo … kasi ako asar na asar na rin ako sa mga ganyang messages… parang gusto kong hanapin kong sino ang puno’t dulo ng text na yan at ipadanas ang sarili nyang description ng karumal-dumal na kamatayan with personalized bonus pa galing sakin…

Meron pang nagtetext na akala mo eh galing sya sa sarili kong tadyang kung humirit ng… “Hon, loadan mo ako ng 150” kaya naman ang reply ko kagad eh “Hon, mo mukha mo!!!”… Iba naman kasi ang kurba ng mukha sa kapal ng mga taong yan di ba? ako nga hindi nakakapagload ng 150 tapos ikaw pa loloadan ko!?!

At mga text na “phwedeh bhang mhakipag-text mhate?” di ba umuulang ng “H”? di mo alam kung kakaburot lang sa scrabble nitong taong to… Kaya ang reply ko na lang eh walang kagatol-gatol na “SINOH TOHHHHHHHHHHHH?” baka kasi matuwa siya pag nabasa nya ang favorite letter nya… kaya lang napa-isip ako, baka kasi sa sobrang tuwa nya eh tumawag pa sya… at nung sinabi na niya ang pangalan nya…  na ang hilig pang magforward ng mga chipanggang mga text messages in the middle of the night… ang sabi ko na lang eh “textmate tayo after 1 week bagong nakaw ko lang tong cellphone na to eh… kakapatay ko pa lang sa dating may-ari, baka mahuli ako” at to complete the message meron pa akong “Sssshhhhhhhhhhhhh!!!” sa huli para matapos na ang mundo ng “H”

yun lang.. bow, cheers;p-glesy the great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

36 responses to “Limit the unlimited

  • potsquared

    uso pa ba ang typrewriter? anong dekada ka ba nag aral glesy? ehehehehe.. di ako makarelate sa unli… di ko na naabutan ang mga promo sa pinas.. nakakainis lang.. dito kasi unli call eh.. cheap kasi ang text lang.. hihihi <– yabang ko…

    baka kapangpangan yang ka textmate mo kaya mahilig sa H… ehehehehehe

    nabuhay ang blog mo ah… tagay mo glesy!!

    Glesy the great: pinagdudahan pa ako.. hanggang ngayon kaya may typewriting pa ring subject sa college… computer eng ka kasi kaya inaapi mo ang typewriting….

    para akong rapper pag may kausap sa cellphone kasi nanghihinayan ako sa bayad per minute.. nyahaha…

    bakit? matagal na ba yung last post ko? ikaw nga wala ka pang bago eh.. ahehe.. cheers;p

    mahilig ba sa h ang kapampangan?

  • cindyrella

    di na ako masyadong nagte text ngayon, wala naman akong ite- text. pero for sure kung nandyan pa ako sa phil, di rin ako gaanong maaapektuhan kasi naman wala din akong pang load eh.. ^^ hehe.. teka akala ko ba inaapila na daw yung libreng text?
    Glesy the great: ahaha.. ganun? magkakaroon ka at magkakaronn.. di ko alam.. may ganun ba? di rin naman kasi ako matext na sagad kasi nga sira yung cel ko.. cheers;p

  • kikilabotz

    masarap namn mkipgtxt eh lalo na pag mgnda ang ktxt.
    ahihihi.

    ska naeexercise ang mga finger natin. sabi nga ng commercial ni cessar.
    tetetetexttxt txt txtxt txt tinngg.
    Glesy the great: haliparot tong taong to.. ahehe.. ayoko na… dati sa sobrang kakatext ko sumakit na yung hinlalaki ko.. pakiramdam ko nabawasan ng guhit yung thumbmark ko… cheers;p

  • epfi

    wahaha…

    ayows din ang sagot mo dun sa naghahanap ng textmate
    lolz.

    txt nyo naman ako
    kawawa naman yung roaming ko
    walang nag ttxt
    ninuninu
    Glesy the great: eto naman ayaw ko nga ng text ng text eh.. sira yung cell ko kaya di ako makapagtext.. yan si joycee o ang hilig daw magtext.. cheers;p

  • p0kw4ng

    ay kakaasar talaga yang mga chain msg na yan..at di ko pinapatulan..ahahaha..mamatay na ang mamamatay!

    may friend akong ganyan dati as in walang pagod kakatext ng kung ano ano sa akin…panay lang naman ang deadma ko at tamad naman akong mag text…after 1 year nanawa din…ahahaha

    ay ito pa..nagkaron dati ng promo sa milan…2€ lang ang 4,0000 text..talagang magtatae ka…putsa feeling ko todo text na ako sa isang buwan pero pagtinitingnan ko ang balance ko…mga 200 txt lang ang nagagamit ko….kakatuwa talaga yun!
    Glesy the great: tama!!! yan ang mentality mamatay na ang mamatay… ako nman tamad akong magtext kasi sira cel ko ewan ko lang kung di sira to.. madali lang namang maging masipag kung may mahahagap na chismix.. ahaha.. isend to all mo ewan ko lang kung hindi mo pa magamit yan… gawain ko yan dati… cheers;p

  • joycee

    Hay nako kaloka yang mga chain msgs talaga kahit sa email, Friendster bulletin nagkalat yan!

    tapos yang nagtetext ng “Hon loadan mo naman ako” system generated chorva yata. Kabwiset mga walang magawa ahhahaha!

    Hihi sapul ako garl sa mga grabe magforward ng quotes, pero hinde na naman ako masyado ngayun. Pramis pramis talaga ask mo pa si Helena =)

    Glesy the great: may certain text messages na ayaw ko.. pero di ko na sasabihin baka ikaw ang promotor pala nun.. ahaha… cheers;p

  • sandijmartin

    HHHHHHHHhaha.. tawa ako ng tawa sa reply mo sa nagtxt sayo ng madaling araw.. takot lang non…🙂

    palagi rin akong nakakaresib nyang “hon, loadan mo ako ng 150″…
    Glesy the great: ahehe.. siguro naman di siya maniniwala na mamamatay tao ako sapat na siguro yung text ko para malaman nyang ayaw kong makipagtextmate… marami rin akong kakilala na nakakareceive nung ganun…. pa-60-60 lang kasi akong load.. ahehe.. cheers;p

  • mayui

    nung una masama rin loob ko nung nagtaas sila ng rate, pero kung tutuusin, sulit pa rin naman. nakatanggap din ako ng text na nagpapaload, pero syempre di na lang pinansin.
    mas naasar ako sa mga chain messages na yan. argh. kaya di ko na lang binabasa eh, delete na kaagad kapag natunugan na chain message. aksaya ng time at space sa inbox!

    Glesy the great: hmm di pa rin ako nasusulitan kasi siyempre naranasan ko na ang better veresion.. ahehehe… totoo sobrang sagad sa buto ang pagkaasar ko sa mga chain messages na yan…. cheers;p

  • aia

    hindi.. hindi ako natawa dito.. hindi talaga.

    syet sakit ng tiyan ko! wahahahhahahaha!!

    bwisit.. buti H lang.. may nagtetext sakin noon… “Hell0W poHw? MuStAh na p0wh kay0wh?” may h na, may w pa.. tapos yung mga phone nila parang may auto-shift every other letter. BWISIT!!! sarap paslangin e!

    Glesy the great: natawa ka ba o hindi.. make up your mind.. ahehe… nakakahilo yung mga text messages na di mo maintindihan kung capital o small letters… bigla akong nagiging illiterate pag ganyan ang sinesend sakin… umpisahan na nating paslangin yan.. cheers;p

  • Heleyna

    Uu si joycee hindi na yan mahilig mag-forward ng kung ano ano. Dalawa na lang sa isang araw. Dati kasi kulang na lang batiin nya pa ko everyday ng “happy siesta” at “happy meryenda” lolz.

    Hindi naman ako apektado ng mga unli-watebers na yan. Eh kasi minsan di naman umaabot sa sampu isang araw ang nababawas sa load ko pwera na lng pag me mga nangungulit sa YM sms..ayun napapagastos pa. Sshh hindi si joycee yun. Lahat pa ng kapatid ko SUN, at wala naman akong jowa <—plugging.

    Akin na kasi number mo gles para di na mainit ulo mo! palalamigin ko nyahaha.

    Di natuloy yung slum book tanungan natin. Na-DC na ko hihi.

    Glesy the great: talaga? naku baka natamaan si joycee sakin.. ahehe.. peace tayo joycee… kaya ayaw ko minsan mag sms… sorry, di kasi ako sun eh.. saka baka gumanti ka at sa sms ikaw naman ang mangulit.. ahehe lagi akong walang load kaya di mo nanaisin na maging katextmate ako…

    oo nga sayang.. pero okay lang yung napuputol at baka mahulog na ang puso mo sakin ng tuluyan…. tsk tsk kung ano’t-ano pa man wala akong kasalanan pag napamahal na ako sayo… wahaha.. kasuka.. cheers;p

    • joycee

      Woi gudgerl na ko ngayon o, di na nga masyado nagpoporward kase I’m a busy woman na, wehehehe.

      At tuwing weekends nalang ako nagloload wahahaha.
      Glesy the great: talaga lang busy-busy wushu…. baka naman yung di mo natetext ng weekdays eh binabawi mo na lang tuwing weekends.. bale text exponentially ang banat mo.. cheers;p

  • X

    lol

    I hate the letter H and Q sa text.

    SINOHHHHH QQQQQQQ?

    Tangina di ba?

    Glesy the great: yeah!!! PI talaga… parang ayaw kasing ipabasa yung text msg pag ganyan ang pagkakatype… ang kulit ng diwa.. ahehe… cheers;p

  • anakngpating

    huwa hehe…buti hindi ako globe user hehe smart ako eh hehe…toinx..
    wala pa naman ako nareceive na “hon load mo ko 150” yung chain mesg lang ang mga narereceive ko hehe ay at saka pala pasalod sa kapatid ko hehe atlist kapatid ko ang gagakit hindi ibang tao hehe…

    uy dito na ate kengkay EB na update nyo ko hehe

    @joycee sama ka ha hehe…

    sana kasama ang lahat hehe
    Glesy the great: onga nalaman ko ngang andito na si ate kengkay at nakita ko namang nagcomment ka dun… di naman mejo halatang chismosa ako.,.. slight lang.. cheers;p

  • francesca in france

    Dito naman sa France, hindi uso ang unli. Gusto ko rin sana. Kaya lang, walang ganung options ang mga companies dito.

    And, hindi uso ang text text. Sa mga Pinoy dito lang ata ang ganun.

    Kesa text daw kasi, bagal, bagal din ang sagot. Kung tawag, andyan agad ang sagot.

    Once, text ako ke Lolo Michel, na sunduin ako, nakauwi na ako ng bahay saka pa niya alam na nag text ako.Imagine?????

    Sa mga ka text mo, na mga pasaway, use mo na lang chika, or fring kaya.
    Ewan ko if it helps, pero cheap na raw ang ganun via pc.
    Glesy the great: nyahaha.. suki ako ng chikka pero may iba kasing texts from chikka na hindi naman narerecieve.. bad trip… oo nga grabe naka-uwi ka na’t lahat, kaloka ayaw ko pa naman ng pinaghihintay.. cheers;p

  • pmonchet

    ayos din naman ang reply mo dun sa prospective textmate mo. Siguro natakot yun.?Speaking of Chain messages,tingin ko globe at smart din may pakana niyan. Wala kasing efect sa sun yan kasi for unli ang mga sun subscriber eh. hehehe
    Glesy the great: oo ng yan din ang tingin ko.. gusto mong magreklamo sa globe.. txt ka sa 222 panigurado walang sablay may reply yun.. ahehe.. joke.. parang sun subscriber ka ah cheers;p

  • ayen

    anong meron sa letter “H” at madaming natutuwang gamitin ito? alam ko na.. baka kapampangan ung mga nakakatext mo.. lol!
    Glesy the great: and there’s the kapampangan again… ano bang meron sa “H” at parang official letter ata yan ng mga kapampangan….. cheers;p

  • naglalambingnacute

    NYAHAHAHA!!!!!😆

    yun lang..

    natawa ako.. kasi super mega naka relate ako..

    sakit ng tyan ko sa kakatawa dito sa office..

    o ayan wag kang nang magtampo. pumpasyal ako dito pwamis…

    tanginumin kasi nyang mga nag tetext ng chain messages na yan at yun hon dito mo nalang ako loadan ng 150 sa number na to.. kakapal talaga ng muks!!!
    Glesy the great: sus nambilog pa ng ulo… tsk kaya ka lang yata natawa kasi alam mong nagtatampo ako… mamaya yung tawa mo parang tawa lang ni uncle fester… ahehe.. cheers;p

  • khzr4u

    bwahahaha..ang sipag pala nito magreply..
    buti na lang kahit paano nakapagpahinga na rin ang thumb ko sa kakatext..

    ibang klase din yang nagtxt sau ah. paboritong “H”..

    natawa ako sobra..🙂
    Glesy the great: mabuti naman at natawa ka.. kasi nung binasa ko ulit yan nacornyhan na ako… kaya advice ko lang read but don’t read again.. ahehe… oo ibang klase talaga… ibang klase ang kapal ng mukha.. cheers;p

  • payatot

    ako naman e di na makatxt dahil wala na ako cel ngayon kaya tipid ako sa load, waaaaaaaa

    Glesy the great: ayaw ko namang mawalan ng load kasi siyempre paano naman ang social life ko… ahehe… pero tipid nga yan…. cheers;p

  • eloiski

    hindi ako naadik sa unli buti n lang. Hindi kasi ako mahilig magtext eh. Nagtetext lang ako once in awhile. kung kelangan lang talaga.
    Mas namomroblema pa nga ako kung may load ako eh.

    hakhak!

    bwisit ako sa mga chain letters na yan. pamatay! bwisit!
    at yang mga “h” chnes na yan. sumpain! hindi ko na maintidihan sinasabi nila ah!
    At yung mga humihingi ng load. kapal nga! ako nga hindi rin makaload ng 150 tas siya may gana pang gumanun! sumpain tlaga!

    hakhak!

    hayan at nibiwisita ko ang mundo mo!
    im alayb now!
    Glesy the great: oo nga buhay na buhay ka na…. akala ko nilamon ka na ng lupa… buti ka pa pinoproblema mong may load ka ako naman namroroblemang walang load… kaya next time bigay mo na lang sakin yan kasi ayaw kong namroroblema ka… cheers;p

  • BURAOT

    alu, pede makipag tekt mhate? wahahahha! baka naman kapampangan kaya mali ang pagkalagay ng H.

    anyhoo, spam muna. curious kasi talaga ako dun sapic profile mo eh. kahit kasi i-zoom ko, malabo pa rin. anubayun? one day-old na nakabukaka? o litsong manok na me isaw sa ibabaw?

    yun lang. heheheh.
    Glesy the great: ano bang meron sa kapampangan? uy palaka yan… wag mo siyang insultuhin…. palaka siya, palaka.. pinabili ko pa yan sa bilihan ng mga palaka UP diliman.. ahehe.. cheers

  • jex009

    gahnyahn dihn akoh magh salitah mayh S sah duloh pero hindih koh ginahgahmith sah txt dahil d akoh mahilig sah txt…. SEX pah pedeh (WASAHK)

    tangina!

    halika sumama ka sakin pasubugin natin ang globalisisyon nila….

    P.S sexm8t tau unlisex ka ba?!? nyehahaah😀
    Glesy the great: sira-ulong bata to.. yan ba ang natutunan mo sa skul? hala sige dapa at kukuha lang ako ng latigo… sex pala ha.. tagain ko yan eh… cheers;p

  • gudang

    i hate sticky caps. as well as yun nga, kc mdalas yun sa text.. hahahah :)) ewan ko.. pati yung mga lahat may ‘h’ ahahaha😀 damang dama ang pagsasalitaahhhhh! ahahaha😀
    sna nga di na lang nauso yung text eh, i prefer the live presence of the person.. awww.😀
    Glesy the great: nakanang bigla akong kinilabutan sa mga banat… “i prefer the live presence of the person” yeba.. ahaha… oo nga parang galit na galit kasi yung dating ng all caps…. kaya nung tinext ako ng all caps ang reply ko eh “galit ka ba?” ahehe…. cheers;p

  • siangelnawalangpakpak

    naku girl, kindred spirits yata tayo. noong may P10 unli pa ang globe, madalas din akong nag-uunli. sukang-suka na ang mga kaibigan at kaklase ko sa mga forwarded messages ko na puros send to many. nagcacarpal tunnel syndrome ang right hand ko sa dalas kong magtext. kaso noong lumipat ako sa smart, nawalan ako ng textmates. hahaha… at dahil sa halos karamihan ng friends ko ay globe, mga walang kwenta tuloy itong mga nagiging textmates ko sa smart. nasasayangan ako tuloy mag-unli. hehehe…

    ankapal talaga ng pagmumukha ng mga strangers na humihingi ng load sa text ano? ang gago naman natin kung basta-basta na lang tayo magsend ng load sa kanila without the proper identification. dapat kasi kung magtetext man ng hihingi ng load, dapat may kasamang “glessy, si angel ito. blogger din ako at yung website ad ko is http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/. yung website mo naman https://anakngpiso.wordpress.com. nurse ka, alam ko. at andami mong kalokohan at kakwelahan na pinagsusulat sa blog mo, tulad ko. padalhan mo ko ng P150 load.” hehehe…

    ewan ko lang kung padadalhan mo pa rin ako ng load pag ganyan ang itext ko sayo. hehehe…
    Glesy the great: siyempre dahil ikaw yan, walang duda hindi… tse ikaw nga doktor ako eh isang hamak na nurse lang tapos sakin ka pa kukuha ng pang load? hmmmph kung meron mang may karapatang manghingi eh ako yun.. ako at tanging ako lang… oist mabuti naman at nabuhay ka na!!! cheers;p

  • muymuy

    hay naku!..nung najan pa ako sa Pinas, mas mabilis pa akong magtext kesa sa takbo ng ostrichhhhhhhhhhhhhhhhhh!! yan ha super H yan..hehehe nung nakarating ako dito sa Dubai..yan na hindi na ako mabilis magtext kasi hindi na ako sanay, dito kasi puro tawag ang ginagawa ng mga utaw dito dahil mura lang ang call…so kaysa magtext call na lang diba…natatakot akong baka dumating ang araw na hindi na ako marunong magtext hehehe..echozzz
    Glesy the great: bwahahaha ostrichhhhhhhhhhhhhhhhhh talaga? worry no more dahil once a kitikitext, always a kitikitext… ahehehe lamo naman dito sa pinas mga rich lang ang kayang tumawag… cheers;p

  • karmi

    nabuhay ako dati sa drop call. grabe, those were the days!🙂

    nung umuwi ako sa Pinas nung June last year, may nagtext sa akin ng “hon, loadan..” chuva. kung pano nya nalaman ung bago kong number eh hindi ko alam. nakakaloka. hehehe. basta ingat na lang sa mga scan text messages..
    Glesy the great: those were the days talaga!!!! kaya naming magchismisan gamit ang drop call.. pero may friend akong di marunong magdrop call kasi nakakalimutan nya yung sasabihin nya kaya natutuloy ng tawag… sus di nila ako maloloko kasi wala akong load na pwede kong ipangloko… cheers;p

  • prinsesa000

    hahaha.. adik rin ako sa unli…
    kaya relate ako dito sa post mo…

    at ngayon mas hindi ako makarelate sa mga text ng mga teenagers
    kahit pag kapatid ko ang nagtext sa akin katulad na
    “eow”… o kaya “kaen na poh teo”. ..
    lerkei na talaga pag ganun ung mga text..

    globe rin ako lika textmate tayo…
    okey lang sa akin kahit mag forward ka ng maraming text
    basta wag lang chain messages….

    thanks sa comment mo sa blog ko… =)
    Glesy the great: nyahaha.. nakakabad trip akong katext kasi madalas di ako nagrereply.. minsan kasi di napupunta sakin yung txt.. ewan kong saang cel un nag short cut.. ikaw? narecieve mo ba yung text na para sakin?

    at tungkol naman sa mga text ng kabataan ngayon… OO nakakabaliw sila.. parang ayaw magpabasa ng message.. cheers

  • gudang

    hi bumabalik ako! hehe.. kakapalan ko na mukha ko.. ehehe.. anyway, pengeng help!😀 thanks!

    Glesy the great: uy dumalaw ako sa blog mo.. at kahit wala kang iniwan na link,.. nahanap pa rin kita.. ahehe.. sure kasama ka sa dasal ko.. basta ang dasal ko lang eh ibigay sayo kung anong ikakabuti mo.. mamaya gusto mo palang maging holdaper eh.. mahirap naman un.. gudlak gudang.. cheers;p

  • Kat Carneo

    Ang kulet! Ako never akong nagfoforward ng anything na chain chain na yan, as a general rule. Kahit pa sabihing made-deads ang nanay ko, o para sa Diyos yun, wala lahat. I simply ignore anyone na nakikipag-textmate, no reply, nada, zilch.

    Sa totoo lang tamad ako mag-text. Pag may nagfoforwartd sakin ng quote, walang reply ang Kat. Kung i-text mo ako ng Kumusta, ayun sasagutin kita. Pero napapansin ko yung iba pag nireply-an mo ng “Mabuti” hindi na sumasagot naghihintay lang din ata na forward-an ko sila ng quotes para may maipasa naman silang bago sa iba. Sobrang hindi ako nagsasave ng quotes, erase ka kaagad!

    Nauso yang “Hon” gimmick na yan at aminin natin marami ring naloko yan. Buti na lang Mahal ang tawagan namin at hindi Hon. Isa pa, pag may magpapaload sakin, tatawagan ko siya, baka isa sa mga kamag-anak ko na kala ume-ebs ako ng pera.

    Sun Cellular ang network ko kaya ewan ko yang mga promo ng globe. Medyo hindi rin kasi nagwowork for me ang prepaid dahil nakukunsumi ako pag nag-load ako tapos di ko nagamit at nag-expire, tapos pag kailangan ko ng load wala na pala magpapaload pa ako. Sobrang convenient din ng naka-line.

    Glesy the great: di ako nagliline.. wala lang… wala akong pambayad eh.. ahaha.. ako rin gusto ko yung kinakamusta ako.. pero yung di basta-bastang kamusta lang na parang lahat ata sa phonebook mo eh kinamusta mo.. gusto ko yung may pangalan ko talaga.. as in “hi glesy.. ang cute mo talaga”.. yung mga ganun minsan di ko pa mapigilang tumawag.. ahaha… cheers;p

  • lhay

    glesy! ok na, tenshuuuuu ulit!!! buwahahahaha.. link mo na rin dito yung entry mo sa blog ko ng makarami ng hugot!!!

    Glesy the great: ok na ba? akala ko ba ikaw na bahala sa plugging at ako lang sa post.. pati ba naman sa commercials sagot ko din? wala akong maisip pang post eh kaya di ko pa yan maplug… sasabay-sabayin ko na sana lahat para di naman ang daming sponsor.. ahehe kaya na yan ng powers mo.. ano pa’t nirvana ka sa plurk.. cheers;p

  • eli

    wahaha.tinatakot mo naman yong nakikipag THEXTH MHATE sa yo weh.

    ako rin 3 times na nagtext ang hon kong diko alam kong san naroroon. load ko daw sya.at nakitxt lang. reply ako. “OK HON, load kita, pakihintay nalang po. …wait lang ha gang mamuti ang mata mo sa kahihintay sa wala! magisip ka ng bago! style mo buloook!” ayaw magreply eh. siguro hinihintay pa yong padala kong load. hehe
    Glesy the great: di ko tinakot yun.. para magtigil lang naman siya…. sabi siguro ni hon walang masamang umasa… talagang nakitext talaga ha… ang sweet mo naman.. nyahaha.. cheers;p

  • Pepe McKunat

    hindi ako naiinis sa kanila,
    kasi pag tumingin ako sa cp ko
    sila minsan ang nakikita ko sa inbox ko.
    kaya ayos lang.
    buti nga nakakaalala kahit di ko kakilala.🙂
    Glesy the great: nyahaha.. pabless nga, masyado ka namang mabait hinihingan ka na nga ng load di ka pa naaasar.. ano number mo? text kita, bigyan mo ako load ha… cheers;p

  • nicki

    ang artepag my “H”
    example.. hi poH..azar!
    meH(me)
    pakxet tlga…

    Glesy the great: sinampolan pa talaga ako… kasuka di ba? sana wlang blogger na ganyan magtext baka nakakasagasa pa tayo… welcome nga pala nicki… dalaw ako sa bahay mo one of these days… ahehe.. cheers;p

  • mayyang

    ay! galing ni glesy ah..hehehe

    naku! wag mo nlang pansinin mga nagttxt nang ganyan noh…naku!.. kakapal nang mga face nila!…
    Glesy the great: kaw naman.. binola mo na naman ako…. kapal talaga!!!! ahehe… wala na nga akong pera hinuhuthutan pa ako!!! hmph…

  • jeniffer

    haha, ako simula nung grumaduate ako, nawala interes ko sa unli.. kaya regular load ako parati, at pag may nagtxt lang sakin.. dun ako nagrereply, paminsan nga hindi pa.. kc tinatamad ako.. hehe..di ko rin pinapansin ang mga quotes bihira ako magtxt ng quotes as in once in a bluemoon.. hehehe.. kaya lagi nilang napagkakamalan, wla na akong phone.. hehehe..
    Glesy the great: hmm parang ako ikaw.. katamad di ba? sira rin kasi yung cel ko pero feeling ko kung di sira yung cel ko malamang non-stop text pa rin ako.. ahehe.. cheers;p

  • vhincent

    hhhuwaaawwww grabe itechhhhhhh hahaha wala n pla ang unli kohhhhl dko man lan napansin hhhehhhe ???

    dapat siguro gawa tayo ng petition signatures para ibalik nila ang unli? kung may vote for earth dapat meron din vote for unli🙂
    Glesy the great: di naman siya inalis pero binababa nila yung value ng unli.. ahehe… isa ka rin ba sa mga taong H? oh noh, puhleeease!!!! cheers;p

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: