the proud, the few, the sandatahang maka-langgam…

Mga langgam dito sa amin parang Hukbo ng Sandatahang Rebolusyonaryong Nagkakaisa… Tama ba namang gawing Camp Aguinaldo yung keyboard namin? Hindi ko alam kung bakit pero ang hilig-hilig nilang ilaan para sa mga pabahay project nila ang keyboard ko… Habang ako eh hirap na hirap magpipindot times ten para sa isang letter lang dahil mukhang tinirikan na naman ng mga langgam ng livelihood community ang isang piraso ng pindutan ko… at di lang yon guys, mukhang may bagong batalyon na naman ng mga langgam ang magsisililipat bahay papunta sa keyboard ko…

Kung makapag martsa sila sa harapan ko parang buong giting pa nilang sinisigaw ang “The Proud, The Few, The Marines!!!” Lahat na ata ng massacre pinlano ko na with military precision, pero parang may ninong ata to sa furenaria, may renta na sa sementeryo at may insurance na ang mga mahal sa buhay kaya hindi na takot mamatay… sana alam nyo yung feeling na tuwing sa pag-aakala kong namamatay na sila at unti-unti ko ng nacoconquer ang mga barracks nila eh saka naman sila magpapasiklab ng kanilang sandatahang lakas… parang “mama mia, here we go again”… feeling ko mga sacrificial lambs lang yung mga pinapabayaan nilang patayin ko… mas malupit pa rin talaga ang counter-terrorist operations nila, parang ako yung nagmumukhang burot every encounter namin… isang langgam muna lalabas, kulang na lang torotot at bandera mukha ng parade of colours tapos hanggang maya-maya magsusunuran na ang mga disipulo at mga propeta… Akala mo mga bugtong na anak ni Bathala kung magpakita sakin… Kung makapang-akyat panaog akala mo mga titulado at mga priviliged citizens ng keyboard ko… Akala mo may legal rights na manirahan sa keyboard ko., grabe, so kapal di ba?..  Kaya bago pa ako maging proud owner ng isang ant farm at baka biglang maisipan nilang magrelocate at pagtulung-tulungang i-bayanihan ang keyboard ko, dinispatya ko na ang pest infested kong keyboard…

Pero okay na rin to kesa naman dati na nakikidagdag pa sa sakit ng ulo ko ang printer namin… May pagka-printer-slash-thumbprint-slash-shredder ang printer namin dati eh… In its best times magpriprint siya ng maayos at walang kapalya-palya pero in its worst times eh kung mag-print parang mas mababasa mo pa thumbmark ko kesa yung printout nya… meron pang pakulo yan na mukhang Bar Code yung pagkakaprint kasi talaga namang mas malupit pa ang stripes nya kesa sa balat ng Zebra… kelangan mong maging higly literate with a twenty-tweny vision para lang mabasa siya pero siyempre practice makes perfect… and i got a lot of practice…

Meron once, nagpuyat ako sa paggawa ng case presentation namin, mejo malapit na akong mangisay sa pagod at pagpriprint na lang talaga ang itutulog ko.. pero nag-uumpisa pa lang akong matulog na parang tupa ng biglang magising ako na may ugong ng bulldozer na dumadaan sa loob ng bahay namin.. pagtingin ko sa printer naming walang silbi, on process na niyang ginawang Origami Art ang mga papel ko!!! Tupi-tupi na nga, punit-punit pa… yung tipong kulang na lang calligraphy eh paper fan na siya… matatanggap ko pa kung kalabaw siya para araruhin na parang sakahan yung mga papel ko.. pero hindi eh.. PRINTER siya!!! PRINTER!!! ano ba namang mahirap intiindihin dun?… sumagot kayo!!! ano? BOW

cheers!!

glesy the great ;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

14 responses to “the proud, the few, the sandatahang maka-langgam…

  • joycee

    Hownow! Baket nilalanggam ang keyboard mo? Kumakain ba ng matamis yun? At baket topakin ang printer mo? Sigurado ko hinde mo din alam ang mga sagot jan.

    Panahon na para palitan sila wehehhe.

  • cindyrella

    easy ka lang gle!! hehe! siguro kaya nilalanggan ang keyboard mo ay dahil madalas pag nasa harap ka ng monitor ay meron kang nginunguya!! haha! ayun nilanggam tuloy! buti walang langgan d2 sa 15th floor na flat namin! haha!

  • don

    bakit naman kasi nilanggam keyboard mo?
    marame ka bang nakin na choknut? hahaha
    mag hugas kasi ng gamay… hahaha

    kame din dito nilalanggam.
    sabi ng dad ko, ibig sabihin daw marameng pera.
    sabi ko, NASAN NA ANG PERA KUNG TOTOO?

    hahaha..
    tc

  • anakngpating

    hala may tirahan sa keybord at ang langgam ang nakatira maiintindihan ko pa kung alikabok eh pero hindi mga may buhay ang nakatira sa keyboard mo paano napunta jan ang mga langgam, ang tamis ata ng keyboard mo at pinapamahayan yan ah, at pati ang printer topakin na rin hindi kaya talaga sira na yang mga yan at kylangan na nilang paltan, baka ngumangawa na yang mga yan eh di mo pinapakinggan glesy hehe…

  • eloiski

    ui bat nilalanggam… ang tamis siguro ni keyboard. sweet siguro siya.. apir!
    pero pati rin dito nilalalnggam kami… hakhak!

  • sandijmartin

    Hapi Easter syo at syong pamilya glesy!

  • epfi

    happy easter ate! lolz
    ehehe

    isa lang meaning nyan
    wag ka kasi kumain sa harap ng PC🙂

  • Kat Carneo

    Nyah, kailangan nang mag-retire ng printer mo. Good thing yung keyboard ko hindi pa nilalanggam, puro pagkain kasing na-shoot sa mga pagi-pagitan wahahaha.

    Naalala ko yung luma naming dot matrix printer sa bahay na pagmagpprint ang ingay at mangingilo ka, tapos ang labo naman ng print.

    Uy, off topic, see you sa medical mission ha?

  • Jorge

    Hello kapatid! Happy Easter!

    Cencia na ngaun lang nakadalaw..

    Magbabakasyon ako sa pinas this 15. May pacontest akong iiwan sa blog ko. Sali ka ha!

    Godbless!

  • Heleyna

    Bwahaha…nilalanggam din ang bahay namin at ramdam ko rin yang “Mama Mia, here we go again” tuwing sinusubukan kong puksain ang mga langgam na yan. Ang masuwerte lang hindi nilalanggam ang keyboard ko kahit dito ako kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan wahaha.

    Wag kasi gumamit ng fake na ink nakakasira daw ng printer yan ahaha joke lang. Leche talaga mga printer, mas mahal pa papalit ng peripherals kesa sa pagbili mo mismo nung buong printer. Kaya minsan pag nasira mas gusto mo itapon na lang at bumili ng bago. Haays.

    Goodluck sis. Mwaaah. Tara YM na..iko-corrupt uli kita. nyahaha.

  • aia

    suspetsa ko.. mahilig kang kumain ng tsokalate sabay tayp sa keyboard.. o kaya kumain ng bread na grabe makapagproduce ng bread crams. hahahahhaa!

    at alam ko yung pakiramdam kapa salot sa buhay mo ang printer! nakakakulot ng bangs! nang gumagawa ako ng ncp, imbes na itulog ko nalang yung oras ko ng pagpprint, e wala kailangang bantayan ang printer dahil nabubulunan sya kapag kumakain sya ng papel. hirap makipag tag-o-war sa printer a..

    i feel your pain.:p hahahahhah

  • potsquared

    eh sa malamang sa harap kayo ng computer kumakain kaya ginawang bahay kalinga ng mga langgam ang keyboard nyo… buti naman after 10 years eh napalitan nyo na keyboard nyo… naawa din kayo… at ano ba yang printer nyo.. dot matrix? di na uso yan… tagay mo glesy!

  • Jorge

    Ahaha, astigin ka talga glesy!!

    Bili na kasi ng laptop para mas lumawak ang batalyon ng mga langgam este para nde na langgamin, hehehe..

    Nde mo pa pinapadala sa email ko ung details mo, wait ko ha..

    Godbless!

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: