Sa may bahay, ang aming awit…

Sa tingin nyo ba pagkatapos Niyang magik-magikang i-manufacture in 7-days rush ang mundo eh ang gusto nyang ilagay na pangalan sa etiketa ng universe na may-ari ng factory ay “Anonymous” lang? Anong tingin nyo sa ginawa ni Father God, globong gawa lang sa styrofoam tapos planets na may nakatusok na alambre? Si David Blaine nga nagseself-produce ng mga magic nya, ang Diyos pa kayang parang sawsaw-suka lang ang mga ginagawang magic ni Blaine?

Siyempre gusto niyang ipangalandakan sa kanyang madlang nilalang na Siya ang author ng Genesis hanggang Revelation… Siya ang programmer ng alpha and omega -the first and the last- na talaga namang magpapaamag sa Microsoft Windows ni Bill Gates… Siya ang engineer ng lahat ng known at unknown galaxies (naamaze kayo sa stonehenge pero dito di kayo naamaze?)… Siya ang biochemist ng all living matter… Siya ang physicist ng sub-atomic particles ng tinatapakan mo ngayon, Chorva lang kay Dearest God ang gravitational force via apple sent ni Newton at ang pinagyayabang na Radium ng mag-asawang Curie… Siya ang sumisigaw ng lights, camera, action ng lahat ng nangyari sa World History (Herodotus, sabi ni direk mag-research ka pa daw)… Siya ang writer ng lahat ng buhay ng taong tumapak sa mundong ito (Ricky Lee, anong Walang Himalang pinagsususulat mo jan ha?)…

sa lahat ng ginawang yan ng Diyos nagmukha lang baby thesis ang Theory of Evolution ni Charles Darwin… parang 1+1 lang ang E=mc2 ang equation ni Einstein… nagmukha lang baging ang times ten na haba ng Golden Gates ng New York… pinagpatung-patong na lego lang ang Empire State Building… parang pinulot lang sa junk shop ang mga invention ni thomas edison… at parang utak pang-autistic (educationally challenged) kahit mag-group study pa ang lahat ng mga nobel prize awardee kumpara sa walastek na utak ni Papa God… para sa kanya patawa lang tayo at sinasabi niyang “Weeeh… Wala na ba kayong mas gagaling jan?”… isipin mo na lang kelangan pang mabulag ni gallileo gallilee para lang malaman na tayo ang umiikot sa sun… kelangan pang mag saranggola ni Benjamin Franklin at mamatay ang isang Russian prince sa pagiging gaya-gaya puto maya para lang malaman ang tungkol sa kuryente… kelangan pang amagin si Fleming para lang magkaroon ng antibiotic at sumaya ang mga taong may sakit na dulot ng kalandian samantalang di man lang pinawisan ang kilikili ni Papa God nung ginawa nya yang mga yan…

Isipin mo na lang gagawa ba ang Diyos ng 66 books na love letter (total books of the bible— hmmm rev siopao, bro. utoy, tama ba? Hehe.. sabay kamot ulo) kung hindi Niya gustong makilala natin Siya? pero mas gusto mo pang magbasa ng twilight…Try mong gumawa ng ganung kahabang love letter malamang namatay na lang yung nililigawan mo di ka pa sinasagot…

Sa palagay mo ba ng isinama ni Papa Jesus ang 12 apostles sa kanya eh gusto niya lang gumawa ng Barkadahang Walang Iwanan? O gusto nya lang magkaroon ng sariling PSG? O kaya naman bagong chapter ng Tau Gamma? Ano feeling niyo, yung Last Supper eh just another Inuman Session tapos yung pang-tagay nila eh ginawang memorabilia, tinawag na lang nilang Holy Grail para may nickname at saka controversial tapos yung pulutan nila eh tinawag na lang na katawan ng diyos para swabe?.. yung immaculate conception ni Mommy Mary eh “in-vitro fertilization” lang?.. at higit sa lahat gusto lang magpapaprint ng sariling mukha na parang Bob Marley lang pero mas astig kasi nasa shroud siya at ang ink eh sariling dugo ni Pape Jesus nung nagpapako siya sa Krus? Sus, wala yun nang popower trip lang siguro si Father God tutal hindi naman KJ ang only son nya kasi nakisakay pa sa trip niya…mas maganda pa nga siguro kung ganyan ang kwento baka kasi sakaling naniwala pa tayo sa Kanya…

Alam nyo yun? Mas madali para sa atin na maniwala sa UFO, unggoy na naging tao, mga lamang lupa, at aksidenteng big-bang theory kesa sa Diyos; eh kung iisipin lahat ng ebidensya na totoo siya eh nakapaligid sayo … Siguro kung ang Diyos ay matinee idol na makalaglag panty ang ngiti at may breathtaking kindat… o kaya quadruple-double ang stat every game, 6 straight MVP, no-look pass, 360 degree-dunk sabay lipat ng bola sa kaliwang kamay habang nakalabas ang dila at butt slap pagkatapos… o kaya naman rapper na may six-packs, na parang bagsak ang pwet kung makapagpantalon at parang walking-chandelier sa dami ng bling-bling… na rakistang muhang di naliligo, galit sa sakanya, galit sayo at galit sa sarili kaya napagtripang magpakamatay as a recreation… o kaya naman babaeng mukhang na multiple choice na ang bawat parte ng katawan bago magpasalamat po duktor, yung boobs na parang laging water balloon na sasabog at pwet na parang kahit naka-upo eh nagbobounce… siguro kung ganyan si Father God eh baka dun lang natin maiisipan na ilagay ang picture niya sa kwarto at isearch sa web para sambahin lang siya…

Nakakahiya tayo no? Buti na lang hindi asar-talo si Lord nung paulit-ulit natin siyang dinuduga… Hindi siya rumesbak nung binully yung anak niya… Ang galing lang kasi kahit abala tayo sa paghahasik ng lagim nakukuha pa ni Lord na gumawa ng mabuti… siguro wala ng trabaho ang mga kampon ng masasama kasi naka-automatic “on” na naman tayo eh….

Lahat naman tayo mamamatay.. walang kasiguraduhan kung sino ang magkakaroon ng sedula sa langit o ang magkakaroon ng life sentence or rather after-life sentence sa Tropang Pinagbibidahan ni Satanas… Si BJ (baby jesus) lang ata ang congenitally na may one way ticket reservation diretso sa kanang upuan ni Lovingly Father… pero ikaw? Wala ka bang balak na makilala Siya? Kasi Siya matagal ka na nyang Tinetext pero wala kang load, Pini-pm sa ym pero busy ka sa forum na puro kamunduhan… Siya na nga ang pinakapapansin sa lahat kasi lahat na ginawa nya para lang mag hi-hello ka… Minsan naman lumingon ka sakanya, para maranasan mo talaga kung anong ibig sabihin ng “Love at First Sight”

“MAGSITAYO PO TAYONG LAHAT AT SABAY-SABAY NATING AWITIN ANG PAPURI SA DIYOS” hehe.. nacarried away lang ako wala pala tayo sa misa… GODTRULYROCKS.. cheers? Cheers!!!!;p

Glesy the Great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

3 responses to “Sa may bahay, ang aming awit…

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: