wala akong maisip na title…

anak ng tinidor!!  its been a long time no “once upon a time” blogging for me.. namiss ko ba?  isang kumakalembang na… OO NAMAN (maton tone)!! namiss ko tong bulok at trying hard na tagalog translation ng wordpress… namiss ko magtype  habang simultaneously na jinojombag ang mga langgam na nakatira sa loob ng keyboard ko (letse sila, tama lang yan sakanila yan!)… kaya naman habang negative toothbrush event pa ang araw ko at with positive muta naman ang mata ko  eh naisip kong mag sulat ulit.. tumayo ako with a hairdo that will put your most favorite aswang personality into shame na parang na-hypnotize lang ni freud… kumuha ng ballpen mula sa loob ng bag ko while brushing aside my lunchbox na yari sa plastic with buto ng fried chicken from yesterday’s tira-tira delight at namili kung black, blue or red ba ang gagamitin kong ballpen (trivia: laging red ang ginagamit ko sa pagsusulat pag in the mood, something’s with the red that i can’t explain) kaya bakit pa kelangang pumili… humablot ako ng notebook na from the looks of it eh circa 2002-2003 ko pa siya ginamit… at nag umpisa ng mag kalyo exercise… enhale-exhale then started writing using my arabic look alike penmanship….

iba kasi ang feeling… how do i love thee? let me count the ways….

  1. i love thee na mas higit pa sa ten years of my crush at pantasya list history… (well, i-eedit ko na lang to pag nagbago isip ko)
  2. i love thee without end… isang tawarang mas  abot -kaya presyo pa sa four-gives with 0% interest ang presyo niya sakin… priceless!!! with no peso sign at mas lalong walang price tag with barcode… (mga bumbay na nagpapa five-six? move over)
  3. i love thee, na kahit sinabi kong tatanggalin ko na sa puso ko itong blog na to at di na ako magsusulat eh binabalikan ko pa rin ang mga nakaw nating sandali… (o irog ko!!)…
  4. i love thee, na ikaw lang ang nagpapangiti sakin ng ganito… (ngiti ng baliw na nakakita ng baliw-mate)..
  5. i love thee, na kung masayang masaya ako eh magbloblog ako at pag malunkot na malungkot ako eh magbloblog rin ako…
  6. i love thee na kahit naglalaway na ako sa antok eh magblog lang ako tanggal na ang hikab ko… (pwede kitang ipangtapat sa diphenhydramine50mg at nubain 10mg cocktail via IM injection)
  7. i love thee, na kahit feeling ko may multo sa likuran ko tuwing midnight tryst natin eh deadma pa rin ako… (wag ka munang magulong multo ka, kitang busy ako eh)
  8. basta i love thee at wag ka ng makulet…

di ko masasabing talent at gift ko ang pagsusulat dahil ang katunayan nyan meron akong Severe, Chronic Grammatical Disorder na nag-metastasize na hanggang sa split-ends at patay na hibla ng mga buhok ko; eto ay sakit na mahirap ng malunasan ng panonood ng epol-apol, sesame street o pakikinig magsalita sa maarteng english ni Kris Aquino,  schizophrenic english ni Miriam Santiago,  at “sinong kokontra,  ipapapatay ko kayo” english ni Ferdinand Marcos and their likes na parang may auto-grammar correct lang at may spelling suggestions pa…

mahirap iexplain pero eto lang ang masasabi ko… namiss ko talaga ang pagbloblog… its been an ancient time apart simula ng last kong kulangutin ang bawat kanto ng utak ko para makapagsulat ulet… and if there is the best way to start writing again, it is by describing how do i love thee….. cheers? cheers!!!;p- glesy the great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

6 responses to “wala akong maisip na title…

  • aia

    cheers! parehas tayo, im suffering from chronic grammatical d/o! jusko. kung nakakamatay yan, di na ako umabot ng teenage years ko sa mundong ibabaw.:p

    magblog na ulit! marami ng nagbabalik!😀

    • glesy the great

      oo… sakit ko na since birth ang mga subject verb agreement na yan…. kaya kong magconstruct pero pustahan tayo lalagkit ang dugo ng english teacher ko kasi di pa rin nagcliclick sa utak ko yang mga grammatical rules na yan… marami bang umalis?cheers;p-glesy the great

  • twistedisme

    uyyyyyyyyyyy glessssy waaahh ngayon lang ako nakadalaw!cheeerss

    balikan na sa blogs!mahirap maging haitus!ha!ha!ha!

  • Lambing

    i love thee glesy na miss din kita ng sobra

    sinong nag sabi di ka talented mgsulat? nakaka entertain kayaa!

    welcome back mwaah!

    • glesy the great

      talaga lang ha… eh wala namang kabuluhan yung mga pinagsususulat ko, kung nagsusulat man ako eh kasi dahil natutuwa ako… na-eentertain ka lang kasi mahal mo na ako…. ahahaha;p namiss din kita lambing;p-cheers-glesy the great

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: