ang pugad, bow…

kakalungkot… dati ang buhok ko kasing lago ng nagdadalagang arabyano, kasing-kapal ng nagdadalagang tupa,  at kasing haba ng nagdadalagang manananggal… dati halos wala ng puwang ang sumbrero kasi pugad pa lang ng hair ko panis na ang eskimo hat, wala ng puwang ang balakubak kasi naburdahan na ng buhok buong bunbunan ko,  at wala ng puwang ang headband kasi wala pang ten cycles of breathing wala na sya sa tuktok ng ulo ko kungdi  nasa tuktok na sya ng noo ko (hindi na sya headband, SWEATBAND na siya mga kaibigan, SWEATBAND!!!)… dati pag sinusuklayan ako ng katulong namin, para siyang may sumpong na orangutan kung hatakin buhok ko; akala mo nag-dridrive ng bulldozer habang tinitirintasan  ako; at akala mo naghahatak ng kalabaw kung magtanggal ng buhol…buti na lang di ako naging kulot, dahil kung hindi, malamang naging garden of eden sana ng mga kuto ang ulo ko; isa sa mga maraming bagay na ipinagpapasalamat ko sa diyos ang di ko pagiging kulot kasi mas mainam pa ang taong pugot ang ulo kesa naman may ulo ka nga mukha naman siyang pugad ng agila.. pramis, makapal talaga sya… NOON YUN!!!

pero ngayon, kasing nipis na siya ng laspag na bunot… sinumpa ata ako ng isang kilong tawas ng katulong namin, kaya parang kakarecover ko lang galing sa tipus… kahit ata alimango kaya na akong i-dreadlocks ngayon… hindi pa naman kasing kinis ng jolen ang fontanel ko (wag kayong mapang-api) para lang siyang puyo “in the midst of  growth spurt”….

malamang sa kakaipit ko ng buhok kaya sya numipis… kung mag-ipit kasi ako ng buhok parang gusto kong makita laman ng utak ko sa sobrng hatak, pero  pag di ko naman ginawa yun mukha namang bulag ang nagsuklay sakin kaya kelangan talaga ng kamay na bakal…

mahirap talagang maging babae… ang daming kuskos-balungos… kung naging lalaki lang ako, matagal na akong nag pipoy hairdo… kaya naman nagpagupit ako, the nearest to pipoy hairdo I can manage. cheers? cheers!!!-glesy the great

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

4 responses to “ang pugad, bow…

  • potsquared

    hi glesy long time no hear, di ka na pumupunta sa blog ko ah…

  • potsquared

    ammm talagang pinalitan ang template.. naknang tokwa.. parang naduling lang ako…

    amm.. tip ko lang.. magpa svenson ka.. o kaya yung kay arnel ignacio.. malay mo.. at tingin ko mas bagay sa yo yung buhok ni sadako.. try mo lang..

  • Rowjie

    Para sa lahat ng Pinoy WordPress users, para sa atin ito: http://pinoywp.wordpress.com

    Magiwan ng kahit anumang mensahe. Magsimula ng magandang paguusap.

    Spread the word!🙂

  • katingera

    BWAAHAHA!
    ktukayo! amishoe! mwuah!

    eto’t nagbabalik na naman ako.

    langya, unang banat pa lang sumambulat na ako kakatawa. namiss ko ito!
    haha.

    pero ouch naman yun. kulot ako. at kasing kapal ng buhok ngnagdadalagang birhen tong buhok ko. pero hindi naman sya garden of eden ng mga kuto. lol. purgatoryo lang nila.

    im back!

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: