scene uno

picture this (CLICK-CLICK): naka upo ka sa jeep, yung upong parang pang-tatlong tao ang ibinayad mo- naka-patagilid…

mabilis ang takbo ng jeep — sort of low class Formula One race AND our very own Jeep-type Drifting everytime na may pumaparang pasahero…

tapos ka ng magbayad — buo/barya/peke… sinuklian ka/walang barya panukli/di ka sinuklian/kulang bayad mo/kulang sukli sayo/o talagang wala kang balak magbayad— (multiple choice, ikaw na bahala kung anong gusto mo, malaki ka na…)

nakatingin ka sa labas ng bintana—- fast pace na nakikita ang nadadaanang mga — (1. mmda looking for his next target jeep-taxi-bus-dalaga-bakla-tomboy-butiki-baboy basta may pera)

(2. normal-dalagang nakashades 2.1. bad- dalagang nakashades at nakapaldang kita na ang thy kingdom come nya 2.2 worse-dalagang mukhang lalake na nakaheadband at nakashades 2.3. worst- ale na mukhang lalaki na nakashades at nakaheadband 2.4beats them all- di mo alam kung babae o lalaking nakashades, nakadeadband, nakapalda pero ooops may bigote (CAPITAL HUH?)

3.1. good- lalaking inaalalayan yung matandang tumawid 3.2. better- lalaking sumabit para makasakay yung matanda 3.3. best- lalaking inalalayan ng tumawid yung matanda, sumabit pa para makasakay, tapos inihatid pa sa kabilang kalye 3.4. simply the best- tapos pag dating sa kabilang kalye bineso-beso, tapos kinuha ang kamay para iholding hands at isang kamay para akbayan si may asim pang nakakabutas ng dila si Lola Cougar… gusto mong matawa pero di mo magawa kasi walang privacy dash ayaw-kong-mag-mukang-baliw-tumatawa-magisa… pero sa loob loob mo gumugulong ka na at buhol-buhol na bituka mo kakatawa…

ng biglang napahinga ka ng malalim at napalaki ng mata sa nakita mo…..

up came the picture ang malaking bus na mas mabilis pa sa jeep mong sakay…

you look down and seen the munting ilog ng tubig, putik, lumot at iwi-kadiri unmentionables…

napatigil ka pati na rin ang tawa deep inside mo at tumuwid ang kani-kaninang buhol-buhol na bituka….

ang kaninang namumula mong mukha kakapigil ng tawa eh naging instant whitish glow…

nag-slow motion ang lahat sa iyong wide true to life plasma screen…

accident waiting to happen ang lahat… here comes the karma…       coming…       still coming…

and then…  SPLASH, isa pang SPLASH, mahabang SPLASH, at mas malaking SPLASH!!!…

CONGRATULATIONS! you just won a mudpack facial mask courtesy of dysfunctional sewerage system in cooperation of  Manila Waters for their moisturizer and DPWH for their putik making project… THREE THUMBS UP!!!

MORAL LESSON: Love not Laugh thy neighbors—Even in silent mode please….

PURPOSE OF THE POST: wala lang, sabi nila vitamins a-z ng brain ang malikot na imagination….

cheers? cheers!!!-glesy the great


About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

One response to “scene uno

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: