happy birthday!!!!

naka-save itong araw talagang to para gumawa ako ng post para sa isa jan na nagbibirthday… THE SUSPEK: Mychel Alcantara… the AGE: according to birth certificate-32 years old,  according to face value-parang kahapon lang nagkamens, according to body type- teenedyer na teenedyer!!! nyhahahaha susmaryosep (ang bangis)… CIVIL STATUS: single pero mahaba ang pila, please walang singitan… yung mga ex disqualified na,  naman! wag masyado swapang give chance to others… HOMETOWN: Candelaria, Quezon… halos sampung taon ng wala sa pinas pero ang punto parang nag cr lang sya sa Israel…

pinsan ko nga pala…  may gatas pa ako sa labi nung umalis to eh, pero ang natatandaan ko talking armalite din to… it runs with the family kasi… pero siya walang duda hindi naipagpalit sa delivery room… siya yung tipong maririnig mo muna siyang dumating bago mo siya makita… pag nag reunion kasi mga nanay namin akala mo laging may giyera na pupuntahan… talagang nag-sigawan, nag-sisigawan, mag-sisigawan… na-over expose lang tong si ate myce kaya nung lumaki kanyon din ang boses…

adik nga pala to sa picture… kung illegal lang ang pagpipicture, matagal na sana to sa correctional at siya ang mayora ng selda… naalala ko dati nagpost to ng picture sa profile ko sa friendster… ANG LAKI!!! sa sobrang laki parang pakiramdam ko naagawan ako ng account bwahahaha… kahit nasa testimonial box lang yung picture nya, mas malaki naman sa primary picture ko… sabi nga nila, picture paints a thousand words…. sa laki ng pic nya kulang ata ang thousand… ahehehe… eto yung tipong hindi seasonal magpalit ng profile pic, naayon ito sa alignment ng mga planeta at bituin sa langit… siya nga ang unang naiisip ko pag nababanggit ang salitang solo pic…

pero sobrang sipag.. as in lagare!!!! panis ang sipag ng langgam… pakiramdam ko masama akong anak pag marinig mo kung anong klaseng anak yan… pang drama anthology ang dating eh….

pero seryoso… happy birthday!!! eto na lang regalo ko sayo, tutal naman mas mayaman ka naman sakin… uwi ka na para makapamasyal na tayo ng bongga.. yung pasyal na maka-nipis sakong… isa pa nga palang wish ko mag-asawa ka na!!! excited na akong suotin ung pang abay ko hehe… lablots;p cheers para sa birthday mo!!!

-glesy the great;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: