manigong kaarawan, katheng…

Alam na alam kong kahit ingrown mo kikiligin dito… eto ang kabayaran sa lahat ng panlilibre mo sa akin… simula sa mga double rice meals at bottomless drinks mong suhol sa’kin; down to the minimum fares mong abono sa jeep (hmmmm… 2.50 or 4.00 pesos-ages ago na nga bang nakakaraan?) at mga short-changed utang ko sa’yo…  simula sa mga non-refundable, non-transferable, over the counter na utang na loob; down to the non-rechangeable, non-upgradable, over the bakod na small favors (hmmmmm…. a decade ages ago ng nakakaraan) at mga short-comings with side-kicks included na tulong mo sakin… simula sa pagiging small time offender ko sa’yo hanggang sa pagiging big time transgressor ko (nah, those are the things you are not aware of, kaya let’s leave it that way na lang wink-wink *insert evil-pambaliw laugh here)… dahil i’ll make this chuper-juper memorable for this chuper-juper day mo; na kahit sa mga future apo mo sa tuhod eh gagawin mo pa etong pang “once-upon-a-great-time” istorya; nararapat lang na lahat ng future utangs, future loans, future lupa at bahay hulugans,  future pagpapaaral sa magiging future anaks ko at isama na rin natin ang annuals para sa death and dismemberment insurance at sa magiging future kabaong ko eh ikaw ang GUARANTOR.. syet, this will make a nice wedding-till-death-do-us-part-vow.. ahahaha alam mo? i’m liking this a lot, di ba obvious? parang mas masaya pa to sa sarili kong brithday ah..  pero it’s all right-it’s okay inday, alam kong mas alam mo na nang maging cute at fully-pledged na kaibigan mo ako eh equated na yun para maging fully-pledged financial assistant kita…it’s all worth-it! In Fact at Sa Katunayan! may utang ka pa saking sukli dahil napadpad ako sa buhay mo… pero dahil birthday mo ngayon at malas ang singilin ng utang ang may birthday… bukas mo na lang bayaran… yikee..

Actually, dapat igreegreet lang kita ng alas dose ng madaling araw, pero jurassic era na kasing pakulo yun at dahil ayaw ko ng mga panahon pa ni mahomang pakulo at higit sa lahat according kay 222 wala na raw akong load (kahit kelan talaga walang sense kausap si 222), I opted na mag post na lang sana sa facebook wall mo ng isang makapagbagbag-pwet na message… pero Anak ng Apo ng Crocodile naman oo, ang dami ng nag-greet eh… excuse me, i’m not just part of the crowd lang ng buhay mo para isasama mo lang ako sa list ng mga acquaintances mo? I can smugly say na hindi lang ako tao na dadaan lang sa buhay mo… MAMARKAHAN ko ang buhay mo, itaga mo yan sa matatalim na central incisor ng ngipin mo bwahahhaa.. anyway, while in the middle of composing my makapababag na pwet na message sa wall mo, napatagilid ang ulo ko and thought “kulang tong message box na to, intro pa lang kulang na, kelangan new post box ng blog ko to”  At yan ang alamat ng kalakohang ito, or more like an epic kasi heroic deed ito on my part…

happy birthday.. nabasa ko sa wall mong may bago ka na namang drama… kung ano mang drama mo… tigil-tigilan mo na yan, ang tagal na nating magkadikit… kilala ko na ang prologue ng mga kwento mo… nasa introduction ka pa lang, nasa credits na ako..awts? where’s the suspense??? maraming araw para maging aspiring-artista… meron ka pang 364 days iha…  dun na lang ilaan yan pero wag ngayon… matatanda lang ang malungkot tuwing birthday nila… okay?

Kidding aside, salamat kay teacher—syet nakalimutan ko na name nun, ayaw mo kasi mag reply sa chikka sms ko— na iniba nya ang sitting arrangement ng class hanggang mapunta tayong dalawa sa pinakalikod at pinaka-kanto ng classroom… that’s when our kapalaran at kalokohan collides… amidst the smelly smokey mountain basurahan na nakatirik sa likuran natin… grabe, tanda mo pa yun? kulang na lang gawin nating back-pack yung trash can.. lagi pa tayong nanganganib na matamaan ng mga flying–half-court/buzzer-beater–trash ng mga bastos nating mga classmate… tapos tayong dalawa naman mejo exclusive ang ating basurahan… ang mga pinagtasahan ng lapis at crumpled paper natin sa drafting eh para lang sa TEACHERS DESK na katabi lang natin… panis!!! na-iimagine ko pa rin ang amoy iced tea na maasim-asim na basurahan sa likuran natin, na palagay ko eh main culprit kung bakit hindi gumaling-galing ang sipon natin nun.. pero in the long run, our immune system won the battle, kasi eventually, natuto na ring ifilter ng butas ng ilong natin ang di kagandahang aroma sa likuran natin…

tapos tanda mo pa yung tag-line na “I’m tooth fairy and I have a new prospect” sabay tingin sa pustiso ng teacher natin na palaging nanganganib na tumalsik… ang dami ko pang natatandaan… tulad ng pulis kalawakan, brandy, peter rabbit, michael jackson, starship troopers, paborito, CAT, black squadron, jessa, singing the tune of “that’s what friends are for” tuwing nag-checheck tayo ng papel, kulot, escoto, lapad, attendance notebook na biglang nawala thus erasing the 25+ absences of one rochel casiano, pilosopo tasyo, el fili-noli, count off para sa groupings ng project pero in the end tayo pa rin ang magkakagroup.. these seems like an ordinary words lang sa ibang tao pero makatanggal tadyang na tawa pag naalala natin…di ko naman alam noon na eto palang newly-assigned seatmate ko sa class eh magiging mainstay seatmate rin ng buhay ko… malay ko bang hindi lang pang high-school ang dialogue nating dalawa sa life-script natin… i can hear you sniffing na, kasi alam kong gawa sa timbang butas ang tear gland mo… hephep, bago tumagas yan, pihitin mo muna dahil there is more years to come pa… lagpas isang dekada na pala tayong magkaibigan, kadiri…  syet naalala ko na name nya… thanks nga pala kay teacher rizza!!!

kumusta na nga pala yung yellow sophomore shirt natin? pag pumupunta kasi ako sa bahay nyo dati, yan lagi ang suot mo.. nag-iiba lang ang  short pero same shirt pa din… parang alaga sa laba rin, habang tumatagal nag-iiba na ang shade nang pagkayellow nya (evidence of frequent washing is equals to evidence of favoritism)… nag-iba na itsura ng bahay niyo pero same shirt pa din.. hindi ko alam kung paano ka mag-ayos ng cabinet mo pag nagtitiklop ka… First out-First in or Last out-First in… siguro none of the above no? Kasi palagay ko laging nasa ibabaw yang lintek na sophomore shirt na yan… walang duda, favorite mo sya… hindi ko alam kung favorite color mo ang yellow o dahil yellow ang favorite color mo… sana naman sinunog mo na yang t-shirt na yan… kids please don’t try this at home.. bigla ko lang kasi syang naalala…

ikakasal na si ex-pres, ex-cheerdancer, pero never to be the ex-peter rabbit na pot… salamat naman at nakapili ka na ng dress mo without looking like “dinamitan na aso” ang sabi mo nga… ang haba na pala neto…

we’ve been through a lot… di ako magsasawang pakinggan ang mga teeth grinding drama mo at hinaing mo sa buhay… yang edad, figure lang yan… sabi ko nga dati, tuwing birthday, isipin mo na lang na ginawa ang calendar para bilangin kung ilang beses nang umiikot ang mundo sa araw, hindi para bigyan ng label kung kelan ang date na na-manufacture ang isang tao… wag mong kakalimutan na “it’s a choice to be happy” kaya choose happiness at wag ang problema mo ngayon… pramis, na-sesense ko na yang problema mo…

wish ko? corny na yun… saan ang thrill kung lahat na lang hiniling mo sa buhay? for a change, walk through life blindfolded pero dapat nakangiti… cheers? cheers!!!! HAPPY BIRTHDAY, KATHENG.. lablots;p

ps: sorry ngayon lang to.. lagi kasing nauutusan kaya di matapos-tapos… at sorry di mo ko nayaya ngayon kasi gusto ko tapusin to…


About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: