ambureng-bureng (spelled boring by normal people)… presently, naghihintay akong tumapat na si short hand sa 4pm..kupad, grabe, minsan mana sa uod ang oras pag gusto mong bumilis pero pag gusto mong bumagal nakakabastos sa bilis… kung nasa bahay lang ako ngayon itutulog ko na lang to panigurado… well, friday the 13th ngayon kaya umuulan ng kamalasan sa mga taong nakapansin ng cursed day na ‘to… nasa labas ako… ang init (kawawa na naman ang kutis putragis ko)… amoy tinadtad na limang kilong sibuyas yung katabi ko… yung katapat ko na ale ang sarap palunukin ng scotch bright sa sobrang ingay—kala mo may kabugbugan sa baranggay kung mag-mura… tumitibok na utak ko sa sakit… idagdag mo pa na naguguluhan na rin siguro yung ulo ko kung dahil ba sa mabantot kong katabi, sa matinding init o sa bungangerang ale ang dahilan kung bakit sumasakit sya… confusion on its worst form ika nga…
ayan umalis na si manong na may tirador scent.. pero pinalitan naman siya ni kuya na may visually distracting na attire… si kuya parang adik lang, nakaka-nognog na nga yung init ng araw nakuha pang mag t-shirt na parang fishnet ang tela… di man lang nya naisip na pag umitim sya magmumukhang balat ng syokoy yung kutis nya… buti sana kung nagtataglay sya ng washboard abs, eh hindi eh.. at ang kulay ha, neon green, parang nakikipag-contest yung katingkaran ng shirt nya sa tingkad ng araw.. nakasuot siya ng jeans na mukhang sinampay sa barbed wire sa sobrang dami ng punit at pinalantsa ng bulag sa sobrang gusot…pero kung gumalaw si kuya PROUD AND FABULOUS ang arrive… kung meron mang semi-disente sa suot nya, siguro yung Havaianas nyang tsinelas… bakit semi-disente? kamote si kuya, ang brusko ng itsura pero naka pedicure na pink… nagulat talaga ako… sa sobrang gulat mejo nilapit ko yung ulo ko ng ilang inches sa paa nya… napansin ata ni kuya kaya in attempt na itago ang kanyang object of embarrassment eh sinubukan nyang ikulot pailalim yung mga toes nya… a lame act kasi ang lalaki ng daliri nya sa paa… ngumiti na lang siya sakin, siguro a silent way of him saying sorry sa walang kapararakan nyang kakikayan… ngumiti na lang rin ako… ah silent way to say thank you at dahil sa attire mong waging-wagi eh nakalimutan ko yung sakit ng ulo ko…. pag lingon ko wala na si manang bungangera… at parang may dumaan na malaking ulap kasi di na ganun kainit… malapit ng mag-4 halleluyah!!! layas na ako…
cheers;p-glesy the great
May 13th, 2011 at 7:44 am
hahahaha napatawa mo na naman ako panalo ang pink pedicure ni kuya at neon green na damit, sana may pektyur para mas okay ulamin hahahaha
July 11th, 2011 at 6:42 pm
oo nga, pechurs! musta na, glesy? great pa rin?
August 11th, 2011 at 5:06 am
Hahahhaah panalo ka Glesy! Nakakamiss ang mga kwelang posts mo! =)
September 9th, 2011 at 6:54 am
Oi daan ka sa bago kong blog ha! =))
September 30th, 2011 at 10:55 am
hindi mo talaga ako binigong patawanin :))
😀 namiss kita, bakla!