i lab u so mats pinas…

Dear pinas… babay na sayo… babay na sa mrt mo na pagpasok mo mukha kang tao, pero paglabas mo mukha ka ng sinabunutang unggoy… na kapag nakabackpack ka, paglabas mo nasa harapan mo na si bag.. pag nakashoulder bag ka, paglabas mo nasa balikat na sya ng ibang tao… na kapag nakastrapless na bra ka, pag labas mo nasa tiyan na sya at kung wala kang bilbil sa tagiliran iikot pa sya patalikod kung di ka madiskarte (bawal magtanong kung bakit alam ko lahat yan)…babay na sa sariwang simoy na dulot ng hangin mong kasing puti ng sabaw ng pusit… babay sa bus na naka-sulat air conditioned pero pagpasok mo parang rolling sauna lang… babay na sa jeep na naging main mode of transportation ko at naging major reason of me being morenang sunog… babay na sa kanin, of all the putahe ikaw talaga ang mamimiss kong tunay… babay na sa isaw at betamax, with all your wondrous hepatitis meal and side sauce of salmonella… 

Salamat sa taong lagi kong binibitbit pag may kelangan akong puntahan, ultimate lucky charm ka talaga… salamat sa taong tagagawa ng checklist ko, kung mayaman lang ako gagawin kitang PA (joke)… salamat sa taong may-ari ng salamin, utang na loob basagin mo na yan… salamat sa taong feeling nya iiyakan ko sya gabi-gabi, sorry di ko nasabing wala na akong globe lilibre mo pa naman sana ako sa starbucks… salamat sa taong naging mainstay kung seatmate, grabe salamat talaga kay teacher rizza mahigpit na hug bestfriend… salamat sa taong tinext at tinawagan talaga ako sa last 7 days ko sa pinas, sana lang walang kapalit yan… salamat sa taong naghintay ng 2hours sa trinoma, minsan ka lang maging on-time libre kita jollibee next time… salamat sa taong late ng 4 hours, ok lang lagi mo namang sagot eh… salamat sa taong nag-set sa eastwood pero di natuloy, see you sa nz… salamat sa taong uuwi daw from quezon province, yanu ka!… salamat kay madam petron, sorry kung never kang nakatikim ng pera ko mas mayaman ka naman sakin eh… salamat sa taong tinatanong kung magkano sweldo ko, sikret!!! salamat sa kasabayan ko sa nkti, wag mo na ako iyakan haha… salamat kay licious, sorry di ako nakapunta sa coronation mo… salamat kay anak ng teteng, sayang di ka nakasama sa kyusinero… salamat kay ex-w2b title holder, bkt wala ka?  salamat sa mga kawork ko sa nkti, sa off request nyo..salamat sa taga-boni station, goodluck sa masteral… salamat kay new mommy kasi ninang pa rin ako kahit absent-godmother ang papel ko…  salamat kay mr brunei, sa pagiging gising ng 3am nung panic mode ako– ngayon ko lang nalaman na mahal pala yung text mo nun, itaas ang shawarma… kung may nakalimutan man ako sorry… hindi by arrangement ang importance nyo… speedtyping lang to… sa taong mali ang akala ko, pasensya kung hanggang ngayon lumalapot pa rin dugo ko sayo, naging big disappointment ka kasi sakin…

Salamat sa magulang ko, kung pwede ko lang kayo ilagay sa maleta ko.. sa mga kuya ko, be good-be very very good… sa mga tita-tito ko, kayo na bahala sa lovingly parents ko… sa mga insan’s… salamat-salamat…

NOTE TO SELF: KEEP YOUR EYE ON THE TARGET… GOD FORBID, DON’T EVEN THINK OF BLINKING…

ilabuol sobra… cheers? cheers!-glesy the great;p

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

Comments are disabled.

%d bloggers like this: