mukmok mode

ang sarap mag-mukmok pag naiirita ka sa paligid mo and everything is not falling into place the way you wanted it to be… Pero alam mong di pwede eh, waste of time lang kung every failed attempt mo, isisimangot mo ng mukha at ikukunot mo ng noo… nakaka-akit lang ng kamalasan ika nga saka parang bata lang na ke-galing mag-tantrums… baka gusto mong bumili rin ng lollipop para malibang ka?

In times like this na wala ka namang mapag buntunan at mapag-tripang pag sabihan ng init ng ulo (dahil madaling araw na at naghihilik na ang mga tao), all you can do is magtali ng lubid sa mataas na puno ng mahigpit na mahigpit— at gawin itong duyan para makapag-isip isip (anong iniisip mo? bad yan).. wala lang akong maisip at masyado ng padrama ng padrama habang nagtytype ako….

Anyway, seriously, akala mo kasi okay na eh.. planado mo na lahat, ilang araw ng makulay ang pantasya mo, panay-panay na ang pasasalamat mo sa Diyos and you felt the feeling again na eto na si rurok, it’s my turn on the top na.. kaya lang without preno- without kurap, nag reverse gear si Papa Jetut… Parang ooopss time-first lang may nakalimutan pala ako sa baba— back to start box again… Minsan gusto mo ng magtampururot… Feeling mo binuburot ka na masyado… Ano na naman ang trip mo? Nagbago ka na naman ng rules without notice… Nag-AWOL ka na namann at missing in action ka na naman… Pero makunat ka na eh, dapat mas marami nang lamang sago yang kokote in a jar mo, di ka na dapat pa-teenyboppers-jejemon… Dapat alam mo nang life is never meant to be perfect talaga, you have to embrace it with all its imperfections… with all its flaws and downs… with all its topak and sumpong… imbes sabayan mo ang sira ng tsubibo ng buhay, pumihit ka muna at pag-isipan on how you can go back right on the track…

You must never question Papa Jetut for all your unanswered prayers… Just pray harder that may His will be done… Imbes na makipag-tug of war ka sa gustong mangyari ng Diyos sa’yo, just let go and let yourself be guided kung saan kang kahon ilalagay… Kasi kahit anong tampo at mukmok ang gawin mo, for all those unanswered prayers, God still holds the answers… eh kasi.. all together guys— God Truly Rocks!!! cheers🙂

Change title: Motivating mode… -Glesy the Great🙂

About glesy the great

para kayong initsahan ng anghel sa impyerno...sobrang bait..ala kayong masasabi....nung pinanganak nga ako eh nagkakantahan mga angel sa heaven.. kulang na lang three kings, dalawa na sana date ng christmas natin...saka mahilig ako magpautang in advance niyo nga lang kasi sa kabilang buhay niyo pa makukuha kabuuan tapos ang bayad negotiable naman yan eh depende kung kaya niyo ang presyo ko.... View all posts by glesy the great

Comments are disabled.

%d bloggers like this: