ANG BIDA (ABOUT ME)

fans wag niyo akong picturan
fans wag niyo akong picturan

Kilalanin mo muna ako:

ako po ay pinanganak sa diliman, quezon city…

bunsong anak sa tatlong magkakapatid (kaya mejo conceited)…

kambal ang dalawa kong kuya na mas panganay sakin (kaya muntikan ng maging maton, muntikan lang naman)…

nakadalawang lipat ako ng eskwelahan nung grade school (mukhang pera kasi yung una kong school, ayaw tumanggap ng cheke inilipat tuloy ako ng tatay ko, buti na lang kasi natuto din akong maging jologs para makisama sa iba)…

nag high school ako sa isang school na mejo mayabang pero ang totoo eh wala akong natutunan sa chemistry at biology… magaling yung prof ko sa physics pero madalas question mark utak ko sa pinagsasasabi niya…

nag-college ako sa isang masyadong relihiyosong unibersidad.. tungkol sa numbers ang course ko.. ang totoo kinopya ko lang yung kukunin kong course sa kaibigan ko.. naka tatlong taon at kalahati din ako dun, isang taon at kalahati na lang graduate na ako.. then i hated the course, hated the prof, hated the school, then the school hated me kaya pinatalsik nila ako (if this makes you think less of me, then you should stop reading, eto ako tanggapin nyo!, di ako magtatahi ng kwento just to make you want me).. ok lang saksak nila sa baga nila ung school nila!!! go ___e!!! HE! paking sheep.. nyahaha di ako bitter, kung iisipin ko kung ano ng kaya kong gawin ngayon I should thank that piece of past kasi it only made me stronger.. i’ve proven myself na siguro na di ako bobo..

lumipat ako sa isang college na sabihin na nating kahit ibang mga titser ay intellectually challenged din.. pero okay lang, at least dito masaya na ako, pumapasa pa ako, tapos may life pa ako.. ang course ko nga pala dito eh tungkol sa pag-aalaga ng may sakit (magpakamatay na ang di makahula neto!) dyok

graduate na ako…

pumasa na ako sa board exam ng hindi ko man lang napasukan halos lahat ng lecture sa review classes ko.. feeling matalino kasi more than half ang bumagsak.. pero after all this time I have God with me (mahal talaga ako ng Diyos, and I love Him too!

nagtraining ako sa isang institution na ang may-ari ay ang mayor ng pangasinan… tapos kakatapos ko lang magtraining sa ospital na ang specialty ay mga sakit sa bato… ngayon, bumabaligtad na sikmura kong magtraining.. gusto ko ng magtrabaho… hinihintay na ako ng kapalaran ko na yumaman… ang tagal ko daw…

Kung nagbabasa ka pa rin, ibig sabihin gusto mo talaga ako makilala: (Know me more)

*Self proclaimed na makunat pa sa buko kung maglabas ng pera..

-pinaplantsa ko pera ko dati

-nakalista sa papel kung magkano ang pera ko, magkano ang gagastusin ko at magkano ang maiipon ko sa loob ng isang buwan o mahigit

-magbabaon na lang ako kesa kumain sa tgi fridays at uminom ng kape sa starbucks (over my dead beautiful body)

-nakahilera ang barya ko… sama-sama ang sampung piso, tapos limang piso, tapos piso, tapos benchingko… (pero bawal mag withdraw)

* para akong construction worker kumain

-kaya kong umubos ng apat na pancit canton dati, madamot pa ako nun ha..

-di ka malulugi pag sinama mo ako sa eat all you can, dahil talagang I’ll eat all I can…

kilala akong tirador ng kanin.. dalhin mo rin ako sa rice all you can..

-favorite food: many to mention… basta edible, give it to me…

Aba talagang nagbabasa ka pa rin, mahal mo na siguro ako (Ay lab yu tu)

-nung estudyante pa ako rumaraket ako ng taga gawa ng assignment, reaction paper, saka case presentation.. if you need my help i’ll offer it to you in a very monetary way.. dyok.. ahihihi

-mahilig akong magbasa.. paolo coehlo (ang haliparot deep inside), mitch albom (naiiyak ako, enge ngang tisyu), jk rowling (hayup sa malikot na imagination, mahirap mag-isip ng ganitong kwento.. three thumbs up), good omen ni neil gaiman at terry pratchet (lintek, ang masayang armageddon.. nakakabaliw), bob ong (in 150 pesos abot batok na ang ngiti mo), judith mcnaught, susan elizabeth phillips at jude deveraux (kung gustong magpakabakya)… like water for chocolate (gusto ko dito ung mga pagkain, ilang beses akong napadighay ng walang laman ang tiyan).. marami pang ibang book (kaya lang nawiwiwi na ako) na irerecommend ko pero aabutin tayo ng siyam siyam at ng jinggle ko…

-maingay ako, makulit, mahilig tumawa, praning, mejo mataray, saka mababaw ang kaligayahan…

Nice meeting you all… sana masiyahan kayo sa blog ko.. mejo mababaw ung iba pero ganyan talaga ako, kung ayaw nyo eh pake ko naman…

Lablots, glesy the great;p


26 responses to “ANG BIDA (ABOUT ME)

  • yUmYuM...

    hi Gle,
    mejo nahihilig akong magbasa ng blog ng may blog eh kaya napadaan ako dito sa blogey mo…
    ngapla may blogey din me dito sa wordpress.com itu oh muymuy.wordpress.com basura pa blog ko now eh bago pa lang kasi hindi ko pa maharap pra pagandahin ng kasing ganda ko (pakshet! kafal ng fez)..hehehe..if Ok lang sayo add mo naman me sa blogroll mo oh..
    talamat!..

    your welcome daan lang ng daan okay lang sakin kahit mas madalas ka pang dumalaw sa palasyo ko..;p
    wag ka alala basura rin naman itsura ng blog ko, umaalingasaw pa…nyahaha.. onga eh, kita namn sa avatar mong byutiful girl ka!!! ahaha.. syur!! add kita.. ayos? ayos!!! cheers, glesy the great;p

  • utakmunggo

    ining, nars ka ba? nabasa ko kasi ang mga katagang “board exam”, “case presentation”.. kung oo, aba’y magkadugo pala tayo.😀 isa akong CI dati sa pinas, pero sana naman wala akong studyanteng umisip na intellectually challenged ako. wahahaha

    gusto ko yung mga choice of books mo. meron rin akong kopya ng like water for chocolate ni laura esquivel. may kaisa-isang libro akong nabasa na authored ni jude deveraux, yung knight in shining armor. hindi ko na sinoli sa may-ari. wahaha

    Talaga? Kakilig!!! Pwede na kitang recepient pag kailangan ko ng dugo… dec 07 po ako board passer.. san ka naman ng-ci?… gsto ko rin mag-ci pero di muna ngaun…

    Ay puro akin naman yung buks ko… kasi maarte ako eh.. pag magbabasa ako gusto ko kasi akin eh.. pero gusto ko yung technique mo, inaangkin mo yung mga librong hinihiram mo.. ahaha…

  • naglalambingnacute

    hey glesy!! nice blog you have here!😉

    so nurse ka pala ? nice yan.. natuto ako sa paghawak ng pera sa yo at talagang dapat ilista lahat!! magastos kasi ako eh hihi😉

    sya nga pala may tag ako sayo!

    enjoy!

    at mwaah!😉

    salamat!!! yep, isa akong nars-narsan pa lang sa ngayon… dapat talagang magtipid… lalo na’t di ka naman nangingitlog ng ginto…

    uy thanks!!! sige bisita ako sa bahay mo!!!! cheers!!!

  • utakmunggo

    sa davao ako nag-ci pero di ko papangalanan ang school baka kasi sabihin ng readers mo eh ini-endorse ko yung school. haha

    goodluck sa board exams! ang dami ko na palang ka-blog na magbo-board this coming december.

    galingang nyo ah.
    😀
    board passer na po ako!!! nagtratraining na po ako…ah talaga? sabihin mo na!!! la tayo pake sa mga nakakabasa… sino yung mga narses din dito sa wordpress?

  • utakmunggo

    ayy tang-engots. 07 pala yung nasa comment mo. haha sira ang mata ko bakit ba. haha

    si ferbert ata narsing stoodent, si ifoundme nars na paexodus na rin, si bloom magbo-board exam, si chezza at si kj kasama ko dito sa uk, neurotic sister and prinsesa musang, dakilang tambay (mia), ..

    eh wag mo nang ipa-weed out saken kung alin yung datkomista, blogspot at wordpresser dyan. hehe

    ok lang… hehe.. si ifoundme nakita ko na yung blog dati pa…. san ka nga ulet ngaun?… hahanapin ko nga yang mga yan… san mo naman balak pumuntang pagkakaperahan?

  • maye

    ahaha.. pareho tayo, inihehelera ko rin ang barya ko! at minsan inililista ko rin ang mga gastos ko. kaso may pagkagastador ako kaya di rin nasusunod yung listahan.
    bukod sa mga authors na nabanggit mo na gusto ko rin, gusto ko yung “legend” ni jude devereaux.. nabasa mo na yun?

    nice to meet you, ate!😀
    magiging regular na bwisita na ako ng blog mo kumpwede. ahaha..
    yep nabasa ko na yun!!! lamo ba nabili ko sa national yang legend worth 5 pesos? yan yung una kong nabasa na jude deveraux.. thanks to 5 peso worth pocketbuk na yan, nadiscover ko si jude deveraux siguro mga 15 na yung jude deveraux ko!!!! ahehehe.. nice meeting you too, masyado kasi akong nacacarried away pagnakakakilala ako ng taong parehas ko ng hilig.. cheers!!! welcome to my blog… you’re always welcome here!!!bisita rin ako sa blog mo…-glesy the great

  • mayui

    yun din ang kauna-unahan kong nabsang jude devereaux! haha.. yun pa lang nababasa kong gawa niya eh. naks, 5 pesos? wow. angswerte! ako sa library lang namin nung hs, bale 2nd year pa. tapos nung gagraduate na ako, sabi ko sa librarian namin palitan ko na lang, akin na lang yung book na yun. ahaha..
    natutuwa rin akong makameet ng mga taong parehas ko ng hilig (ahah.. inulit ko lang). salamat, ate!

    swerte talaga!!! mas gusto ko ata yung story mo kung pano mo siya nakuha.. ahehe pwede pala yun sa library… tingin tingin ka sa booksale, madami kang makikita dun pero di nga lang kasing-mura ng 5 pesos.. try a knight in shining armor ni jude deveraux, parang medyo same yung twist… if you like that kind of theme… again, thanks sa pagbisita…ahehe.. cheers-glesy the great;p

  • yUmYuM...

    hi ulit..napadalaw ulit..hihihi..

    salamat ha ni-add mo pla me sa iyong blogroll hehehe..

    oi add din kita sa kin pede ko ba magetlak ang iyong url?

    talamat!!

  • Mahalia

    sa URL address pa lang, kumbinsido na akong magugustuhan ko ang blog na papasukin ko. nung mabasa ko na gusto mo rin pala yung libron Like Water for Chocolate, ay naku day’ nailagay na kita sa link ko para makadalaw ako habang buhay. Sinundan ko yung link mo mula kay IFoundMe. Nice to meet you, enjoy talaga akong mag-tambay sa blog mo. Thanks

    wow may panghatak reader factor pala ang url ko… salamat naman at nagustuhan mo ang blog ko kahit feeling ko mejo mababaw lang akong tao… oo naman gusto ko yang libro na yan!!! actually marami pa!!! kaya lang najijinggle ako nung sinulat ko tong page na to… punta rin ako sa blog mo!!! makikigulo din ako… thanks sa pagdalaw!!!…

  • joshmarie

    hahaha. oo nga hatak factor ang url mo mare… anak ng piso!

    ahaha.. so tama pala ang pinili kong url… o baka naman binibilog mo ulo ko.. dyok…

  • potsquared

    oi glessy..

    *Self proclaimed na makunat pa sa buko kung maglabas ng pera. – ang ibig bang sabihin nito ay nuknukan ka ng tipid? medyo blogathon ako kaya nagbabasa basa.. at ikaw ang una kong victim.. este blogathon for the week! at least may nalaman akong konting bits and pieces tungkol sa the great one.. so para sa iyo.. itagay mo! CHEERS!

    glesy the great: oi potpot rin… oo naman!!! kung may lolo pa si nuknukan eh apo na niya siguro ako… buti naman at binabasa mo ang mga blog ko… di biktima ang feeling ko, compliment nga sakin yun na ako ang blogathon for the week mo eh… cheers din pare!!!

  • BURAOT

    nyeks… bagal ng reply ko… kaw ba nagpadala nung pic? di ko kasi lam kung kninong blog yun eh…

  • trishie

    Natawa ako sa “about me” mo.😀 Kakatuwa.
    Thanks sa pagdaan mo sa blog ko😀 mwahugs!

  • felmar fiel

    hehe nagpa-plantsa ng pera…galing…nakakatuwa ang about me mo…

    Glesy the great: ahehe.. di ko na ginagawa yan… natuto na kasi akong magpapalit ng malutong na pera sa nanay ko… salamat naman at natuwa ka sa about me ko dahil ibig sabihin natuwa ka sakin kasi tungkol sakin yan eh… cheers;p

  • epfi

    ikaw pala ang tipo na hindi pwedeng isama sa buffet…
    baka maubusan ng powtahe

    ayy ikaw pala bida dito
    soweee ate
    Glesy the great: ang kulit mo talaga.. sabing don’t call me ate eh… ilang taon ka na ba? baka mamaya mas matanda ka pa sa akin ha.. lolo ang itatawg ko syo… cheers;p

  • sandi martin

    okey ang blog mo! hanggang sa muling pagbabalik🙂

    Glesy the great: sa muli at muli rin… hintayin ko yan.. cheers;p

  • don

    napadaan lang through clicking the whole web
    gusto ko ang pagkakasulat.
    kudos…🙂

    ill link u on my site ate.
    hahahaha!

    Glesy the great: don’t call me ate.. pero thanks.. just don’t call me ate agaon.. ahahaha… bata pa naman ako.. cheers;p

  • aia

    wahahah! benta. bob ong da best! apir! napadaan lang!

  • cams

    ganda ng blog mo ah. may PR na. hahaha.. salamat sa pagpost mo ng banner ko. =) isa kang true friend!😀

  • cellphonesignalbooster

    pare amisyu na!

  • akosijec

    pit stop muna..hehe
    napadaan lang pu aku sa blog mu.aun
    pede pu ba pa add aku hehe
    ang totoo..wula pa un laman..naun ku lng kc nhalungkat sa utak ko n
    gmwa pla ku ng acct sa wpress. hehe

    salamat :))

    akosijec.wordpress.com

  • Gatigreng Daga

    maganda palang magbasa ng blog ng may blog. ganareh pala areh. san ga pedeng magbasa ng blog ng may blog. ung kagaya nareh may sense basahin. nakakatuwa nakakaaliw nakakabaliw. wala kasi akong masyadong trabaho dine sa opisina eh. eh makakatulong areh pang tanggal ng panglaw sa nangungulila.

  • lee-yow

    pssst. glesy😀 hehehehe.. mahal na kita! :)) nibasa ko kasi til end eh HAHAHA

  • turbobroth

    lol. . tagal ko hinanap blog mo Glesy! I missed your killer sense of humor. .

You must be logged in to post a comment.

%d bloggers like this: