Category Archives: napagtripang araw ng pagdiriwang

loving the hate… post-merry valentines

masarap maging demonyita-slash-antagonista-slash-kontrabida-slash-maldita sa araw ng allegedly eh love day… well, 2:43 am na so it’s a loved day na pala… sabi nga nila “nothing good ever happens after 2 am, the decisions you make after 2 am are mostly the wrong ones”(“how i met your mother” should pay me for this)… at malamang mali rin tong post na to.. pwes, wala akong pake… kung sa tingin mo mali to, then please sue me!!!

pinabili ako ng flowers ng isa kong kaibigan para sa girlfriend niya… para daw bigyan ako ng leksyon at ipakita niya sakin na di lahat ng lalaki eh gago… and now,  i am laughingly surprise to be surprised, the lesson sucked kasi pumalpak yung flower shop…  it turns out, di lang mga lalaki ang gago pati mga flower shops na rin… kaya my friend, goodluck na lang sa mga lesson 101’s mo… the fate must be telling me otherwise… please cut the chase, gago talaga kayo despite the grand gestures and all…nyahaha… at kung may nakabangga ka mang matinong lalaki, sabihin mo lang para mabatukan at  masabihang “pwede ba, wag ka ngang plastikkkkk!”

imbes na ang pinagkakaabalahan ng DENR ang mga agila at dugong na papaubos na ang lahi… bakit hindi maglaan ng budget for conservatory compound para sa matinong male species na endangered na, para mapadami at pakawalan sa wildlife… actually, this makes sense… CASE IN POINT!!!…

sensya na guys, habang sinasabihan kasi ako ng kaibigan kong may matino pang lalaki, di nya lang nakita pero nagtransform ang mukha ko in to its stoic form.. mas stoic pa kay mona lisa… yeah sure, kabalbalan… sensya na pao, di ko malunok yang sinasabi mo sakin… masyadong malaki yung buto… nyahahaha…

P.S.: wag kayong bibili ng bulaklak sa KING LOUIS, mahal pero gago… kitams.. king louis… malamang lalaki may-ari… ahaha… this is such a sexist post.. peace po…cheers;p cheers!!!-glesy the great


Advertisements

Sa may bahay, ang aming awit…

Sa tingin nyo ba pagkatapos Niyang magik-magikang i-manufacture in 7-days rush ang mundo eh ang gusto nyang ilagay na pangalan sa etiketa ng universe na may-ari ng factory ay “Anonymous” lang? Anong tingin nyo sa ginawa ni Father God, globong gawa lang sa styrofoam tapos planets na may nakatusok na alambre? Si David Blaine nga nagseself-produce ng mga magic nya, ang Diyos pa kayang parang sawsaw-suka lang ang mga ginagawang magic ni Blaine?

Siyempre gusto niyang ipangalandakan sa kanyang madlang nilalang na Siya ang author ng Genesis hanggang Revelation… Siya ang programmer ng alpha and omega -the first and the last- na talaga namang magpapaamag sa Microsoft Windows ni Bill Gates… Siya ang engineer ng lahat ng known at unknown galaxies (naamaze kayo sa stonehenge pero dito di kayo naamaze?)… Siya ang biochemist ng all living matter… Siya ang physicist ng sub-atomic particles ng tinatapakan mo ngayon, Chorva lang kay Dearest God ang gravitational force via apple sent ni Newton at ang pinagyayabang na Radium ng mag-asawang Curie… Siya ang sumisigaw ng lights, camera, action ng lahat ng nangyari sa World History (Herodotus, sabi ni direk mag-research ka pa daw)… Siya ang writer ng lahat ng buhay ng taong tumapak sa mundong ito (Ricky Lee, anong Walang Himalang pinagsususulat mo jan ha?)…

sa lahat ng ginawang yan ng Diyos nagmukha lang baby thesis ang Theory of Evolution ni Charles Darwin… parang 1+1 lang ang E=mc2 ang equation ni Einstein… nagmukha lang baging ang times ten na haba ng Golden Gates ng New York… pinagpatung-patong na lego lang ang Empire State Building… parang pinulot lang sa junk shop ang mga invention ni thomas edison… at parang utak pang-autistic (educationally challenged) kahit mag-group study pa ang lahat ng mga nobel prize awardee kumpara sa walastek na utak ni Papa God… para sa kanya patawa lang tayo at sinasabi niyang “Weeeh… Wala na ba kayong mas gagaling jan?”… isipin mo na lang kelangan pang mabulag ni gallileo gallilee para lang malaman na tayo ang umiikot sa sun… kelangan pang mag saranggola ni Benjamin Franklin at mamatay ang isang Russian prince sa pagiging gaya-gaya puto maya para lang malaman ang tungkol sa kuryente… kelangan pang amagin si Fleming para lang magkaroon ng antibiotic at sumaya ang mga taong may sakit na dulot ng kalandian samantalang di man lang pinawisan ang kilikili ni Papa God nung ginawa nya yang mga yan…

Isipin mo na lang gagawa ba ang Diyos ng 66 books na love letter (total books of the bible— hmmm rev siopao, bro. utoy, tama ba? Hehe.. sabay kamot ulo) kung hindi Niya gustong makilala natin Siya? pero mas gusto mo pang magbasa ng twilight…Try mong gumawa ng ganung kahabang love letter malamang namatay na lang yung nililigawan mo di ka pa sinasagot…

Sa palagay mo ba ng isinama ni Papa Jesus ang 12 apostles sa kanya eh gusto niya lang gumawa ng Barkadahang Walang Iwanan? O gusto nya lang magkaroon ng sariling PSG? O kaya naman bagong chapter ng Tau Gamma? Ano feeling niyo, yung Last Supper eh just another Inuman Session tapos yung pang-tagay nila eh ginawang memorabilia, tinawag na lang nilang Holy Grail para may nickname at saka controversial tapos yung pulutan nila eh tinawag na lang na katawan ng diyos para swabe?.. yung immaculate conception ni Mommy Mary eh “in-vitro fertilization” lang?.. at higit sa lahat gusto lang magpapaprint ng sariling mukha na parang Bob Marley lang pero mas astig kasi nasa shroud siya at ang ink eh sariling dugo ni Pape Jesus nung nagpapako siya sa Krus? Sus, wala yun nang popower trip lang siguro si Father God tutal hindi naman KJ ang only son nya kasi nakisakay pa sa trip niya…mas maganda pa nga siguro kung ganyan ang kwento baka kasi sakaling naniwala pa tayo sa Kanya…

Alam nyo yun? Mas madali para sa atin na maniwala sa UFO, unggoy na naging tao, mga lamang lupa, at aksidenteng big-bang theory kesa sa Diyos; eh kung iisipin lahat ng ebidensya na totoo siya eh nakapaligid sayo … Siguro kung ang Diyos ay matinee idol na makalaglag panty ang ngiti at may breathtaking kindat… o kaya quadruple-double ang stat every game, 6 straight MVP, no-look pass, 360 degree-dunk sabay lipat ng bola sa kaliwang kamay habang nakalabas ang dila at butt slap pagkatapos… o kaya naman rapper na may six-packs, na parang bagsak ang pwet kung makapagpantalon at parang walking-chandelier sa dami ng bling-bling… na rakistang muhang di naliligo, galit sa sakanya, galit sayo at galit sa sarili kaya napagtripang magpakamatay as a recreation… o kaya naman babaeng mukhang na multiple choice na ang bawat parte ng katawan bago magpasalamat po duktor, yung boobs na parang laging water balloon na sasabog at pwet na parang kahit naka-upo eh nagbobounce… siguro kung ganyan si Father God eh baka dun lang natin maiisipan na ilagay ang picture niya sa kwarto at isearch sa web para sambahin lang siya…

Nakakahiya tayo no? Buti na lang hindi asar-talo si Lord nung paulit-ulit natin siyang dinuduga… Hindi siya rumesbak nung binully yung anak niya… Ang galing lang kasi kahit abala tayo sa paghahasik ng lagim nakukuha pa ni Lord na gumawa ng mabuti… siguro wala ng trabaho ang mga kampon ng masasama kasi naka-automatic “on” na naman tayo eh….

Lahat naman tayo mamamatay.. walang kasiguraduhan kung sino ang magkakaroon ng sedula sa langit o ang magkakaroon ng life sentence or rather after-life sentence sa Tropang Pinagbibidahan ni Satanas… Si BJ (baby jesus) lang ata ang congenitally na may one way ticket reservation diretso sa kanang upuan ni Lovingly Father… pero ikaw? Wala ka bang balak na makilala Siya? Kasi Siya matagal ka na nyang Tinetext pero wala kang load, Pini-pm sa ym pero busy ka sa forum na puro kamunduhan… Siya na nga ang pinakapapansin sa lahat kasi lahat na ginawa nya para lang mag hi-hello ka… Minsan naman lumingon ka sakanya, para maranasan mo talaga kung anong ibig sabihin ng “Love at First Sight”

“MAGSITAYO PO TAYONG LAHAT AT SABAY-SABAY NATING AWITIN ANG PAPURI SA DIYOS” hehe.. nacarried away lang ako wala pala tayo sa misa… GODTRULYROCKS.. cheers? Cheers!!!!;p

Glesy the Great


para sa totoong THE GREAT…

alam kong busy ka sa party mo na sky is the limit  jan sa langit… siyempre anniv ng muling pagkabuhay mo… sa linggong to, pinaalala mo na naman na TL ka sa mga peeps na nilikha ni Daddy mo… mejo matigas lang talaga ulo namin kasi kahit ilang taon ng lumipas nung naging SuperHero ka (kahit pagsama-samahin pa ang justice league, anime at all star cast ng cartoon network)  eh kina-career pa rin namin ang pagiging bratty… pero wala pa ring mas titigas sa ulo mo kasi naging walang kamatayang hobby mo na ang patawarin kaming mga suwail mong chikiting… the best ka talaga…

oo nga pala, sorry nga pala sa mga nagawa kong kasalanan, di ko mapapangakong di na mauulit yun kasi alam mo naman ako, mejo uto-uto kay bad boy satan minsan… sorry kung lagi kang nadidisappoint sa aming mga creations mo at marami ka ng nagiging katunggali sa aming mga fans mo… sorry na di namin natupad ang Last Will and Testament mo na maging magaling na mayordoma ng buong nilikha mo… tingnan mo naman tong mundong to: ang dugyot na nga,  amoy “Eau de  Anghit” pa… dapat nga matagal mo na kaming sinisante at tinapon sa kangkungan pero dahil the best kang amo, di ka pa rin nagsasawang swelduhan kami ng mga blessings… sorry na kahit ayaw mo kaming napapatrouble eh ang hilig pa namin sa gulo… dati sampalan at sabunutan lang ang alam namin pero ngayon nagbabarilan, nagsasaksakan, at nagbobombahan na kami… at kung di man kami nagsasakitan eh napapabilis pa ang paggawa ng laway namin sa chismisan at siraan namin sa isa’t-isa… ako na ang magsosorry at nabuo ang “the buzz, showbiz linggo at star talk”… di  pwedeng maging rason na its part of growing-up naming mga kids mo kasi pa-grabe ng pa-grabe ang pinapauso naming mga kasalanan… sorry at di maubos-ubos ang mga manyak at mga kiri dito sa mundo… sorry kung pang-oscar awards ang mga script na nagagawa naming kasinungalingan.. sorry na imbes na ang hilingin namin eh mapalapit sayo eh mas gusto pa namin na humiga sa salapi,  maging politiko na kurakot at maging mukhang pinaglihi sa hollywood star…

saka sorry nga pala na nung bata ako takot ako sa mga kodak mo… bata pa ako nun kaya di ko pa alam na sobrang gwapo ka pala… sus parang di mo naman alam na cute ka… at ngayong matanda na ako na-aappreciate ko na ang kagandahan mong lalaki saka syempre ang mga swabe mong one liner na words of wisdom… at dahil dun kulang pa ang thumbs up ng centipede para sa ka-astigan mo…

teka yung kiss ko? mwah… o hug naman.. yaannnnnnn…

sa post na to… hindi ako ang the great…. Ikaw yun…;p-PAPAJESUSTRULYROCKS

cheers ba cheers? Cheers!!!!!!!


silent night, holy cow…

hello, hello… ilang tulog na lang at Santa Claus is Coming to Town na naman…

christmas lights na possibleng maging fireworks dahil sa kaduda-dudang presyo (napasobra sa barat);

christmas tree na posibleng maging christmas kalat kapag isang buwan ng tapos ang pasko pero nakatayo pa rin;

gift-giving na possibleng maging hate-giving pag mortal na kaaway ang nabunot;

fireworks na posibleng maging “house on fire” kapag katabi nyo lang ang pabrika ng paputok o kaya naman “hands on fire” kapag nakipag-sawsaw suka ka sa paputok na hawak mo pero binurot ka ni super lolo;

caroling na pwedeng mauwi sa trip to san lazaro kapag hinabol ka ng asong mas mabilis pang tumakbo sa’yo…

ilan lang yan sa mga signs and symptoms na papalapit na talaga ang gastos este ang pasko pala…

pero maiba tayo… hindi ko alam kung sinong naka-isip ng santa claus pero may theory ako… si santa claus ay kathang-isip at tahi-tahi lang ng mga ninong at ninang na walang pambili ng pamasko para sa mga inaanak nila… eto ang kanilang way para makatakas sa obligasyon nila… mejo matalino rin ang naka-isip ng santa claus kasi naisip nya rin ang “naughty or nice”… kasi nga naman pag tinanong ng kanilang inaanak kung bakit di sila nakatanggap ng regalo ang sasabihin mo lang eh “siguro darling naughty ka ngayong taon na to… kaya dapat magpakabait ka next year para mabigyan ka ng regalo ni santa”…

eto pa ang isa sa ingenuity ng naka-isip ng santa claus existence na yan: ang sabihing nakatira siya sa north pole!!! siyempre nga naman kung sabihin mong nakatira lang si santa claus sa kabilang baryo sasabihin ng mga makukulit na bata na “tara puntahan natin si santa claus para kunin ko na yung regalo ko”.. pero pag sinabi nilang “tara punta tayo sa north pole” pwede mong sabihin na “walang byaheng jeep papuntang north pole”

tapos sino ba namang bata ang hindi matutuwa sa ideya na ang regalong makukuha nila ay gawa ng mga elves at dineliver ng mga flying reindeer gamit ang sleigh… kahit siguro ang pinakamatalinong bata sa mundo mauuto ng ganitong kwento…

nung bata ako naniniwala ako sa santa claus… ang umangal, yabit!!!, isipin niyo na lang na ako’y musmos pa lamang noon at lahat ng sinasabi sa akin eh akala ko totoo… kaya dati nagsasabit ako ng medyas sa pag-aakalang lalagyan to ng blankong tseke ni santa claus… ahaha… pero pramis kung nakita nyo lang yung gate namin noon, mas marami pa yung medyas na nakasabit sa bahay namin kesa sa mga ilaw ng christmas lights ng kapitbahay namin… dahil di naman kami mahilig magsabit ng christmas decor sa bahay namin, nagmistulang improvise na parol at garlands ang mga medyas naming magkakapatid… lahat ng kawit na pwedeng pagsabitan may nakalagay ng medyas, as in lahat ng medyas sa bahay isinabit ko… pwera lang yung mga butas na medyas kasi daw baka mahulog yung regalo ko pag butas yung medyas (advice ng katulong namin)… kinabukasan? laking tuwa ko at may tig lilimang piso bawat medyas na nakasabit (okay na rin sakin kahit hindi blank check, masamang tumanggi sa grasya)… at noong kinagabihan na magsasbit ulit ako ng medyas, pinigilan na ako ng magulang ko na may kasamang pagbabanta na…. ahahaha… hmmm masarap talagang maging bata, lahat ng kapricho mo nasusunod… cheers;p

Glesy the Great


photo gulat…

lagpas isang linggo na pala akong walang post… at wala na naman akong maisip na post.. kaya type lang ng type kung ano man ang pumasok sa utak kong kasalukuyang kinakabag… nov 2 pala ngayon, happy all souls day nga pala!!! happy nga ba? ayan may naisip na akong ipopost.. okay game… ready set go.. TAYA!!!

[insert Okatokat background song here]

totoong mataray ako, pero isang nilalang lang ata ang di ko kayang tarayan pag nagkaharapan kami.. yan eh ang mga mumu!!!! siguro pag nakakita ako ng multo maglilimbo rock lang ang puso ko sabay preno sa pagtibok… pati siguro 5 litrong dugo ko maiiihi ko sa sobrang takot at tutulo na lang ang sipon kong kasing lapot ng vicks… wala naman akong mga horror stories fit for “Gabi ng Lagim” episodes, puro mga kengkoy dash horror kuno moments lang…

Revelation 1: Nung bata ako kala ko may sa demonyo ako kasi takot ako sa picture ni Jesus Christ… Meron kami ditong image ni Jesus Christ na lagi kong tinatakpan ng vase noon… Kaya di niyo ako masisisi kung inisip kong demonyita ako nung bata ako at some day tutubuan ako ng buntot na kulot at sungay na spiral… noon yun di na ngayon siyempre…

Revelation 2: duty ako sa operating room (4th flr) at nautusan akong kumuha ng gamot sa pharmacy sa ground floor.. siyempre sasakay ako ng elevator kasi baka mamaya habang pababa ako ng hagdan may magsalita ng “excuse me, padaan po” sa akin na multo, lintek baka gumulong ako from 4th floor to ground floor sa sobrang takot ko… so pagbukas ko ng elevator pasok agad ako tapos sabay kunwari may tinetext para di ako matakot.. Waaaahhh!!!! bakit paakyat yung elevator? kinabahan na ako sobra baka dalhin ako sa floor kung saan nagmeemeeting ang mga mumu… tapos naalala ko, utak langgonisa naman oh, going up pala yung nasakyan ko imbes na going down… katakot noh?

Revelation 3 at ang pinaka-nakakatakot sa lahat: alam nyo ba yung mga horror sa pictures na may lumalabas na nakakakilabot na images? meron din ako nun lagi tuwing class picture saka nung kinder graduation picture ko pa nga pala… meron laging babae na nakapikit na parang napabayaan sa morgue na nakabuka bunganga… nakakatakot kasi minsan nakatirik pa yung mata nya na parang si undertaker… o kaya minsan naman “here i come to eat you” look… meron yan sa yearbook namin tapos pag tiningnan mo yung pangalan nung girl.. guess what? kapangalan ko!!!! ahaha ewan ko ba pag class picture namin noon para akong sinasaniban ng masamang espiritu… pag nakaset up na ung camera at ready to click parang trumpong rumorolyo yung mata ko na nagreresulta ng “tirik alike beautiful eyes” parang stroke patient na kumikindat… okay lang sana kung ang sinasabi ng cameraman eh “ready? one, two, three close your eyes!!!” pero hindi eh “ready? one, two, three smile!!!” naman ang sinasabi eh… minsan naman parang mejo bitin yung smile ko nagmumukha tuloy semi-smile, semi-growl yung tipong undecided kung ngingiti o magkakatawang hayop… parang ngisi ng asong ulol… sayang naman pagpupulbo at pagsusuklay ko bago mag papicture tapos ganun din pala ang end result… ano kaya magpatawas ako para humiwalay na ang kaluluwang nangtritrip sakin tuwing class pictures? what do you think guys? regal shocker di ba?

Note: mejo magaling na tong karamdaman ko… pero if caught unaware nag-eexacerbate yang mga signs and symptoms na yan…

sorry if I spoiled your Halloween Spirit guys… wala naman kasi akong mashashare na horror stories eh… cheers!!! lablots;p -glesy the great

sira kasi ung usb namin eh kaya di ko mascan ang mga ebidensya.. para di naman kayo mahirapan mag imagine.. parang ganito lang ako nun… pot it’s your time to shine!!!!