Category Archives: pagdaong ng bangka

food chain ng family system namin…

introducing the animal in me.. the prey and the predator theme play sa bahay namin pag nagkanya-kanyang kain, kulang na lang tall grass at thick dust pang national geographic scene na.. -glesy the great ;p

awa ng diyos nakakain na ako.. 3 hours before lumalabas na pangil ko sa gutom tapos wala pa palang ulam.. hanap ako ng hanap ng ulam kasi baka finders keepers na naman kami dito.. parang treasure hunting, winner takes all.. ung cabinet pa ayaw magpabukas, gusto ko ng sumigaw ng OPEN SESAME!!! o kaya pag di makuha sa magandang pakiusap “#!@? ka ‘pag di ka bumakas, bumilang ka ng tatlo papakilala ko sa’yo itak namin!!!” tapos nakita ko ung kuya ko lumalamon na.. “hoy bakit di ka man lang nang-aalok ng pagkain?” mahal talaga ako ng buhay, wala na raw ulam.. utang na loob minamaligno na ako sa gutom, ilang minuto na lang sasaniban na ako ng masamang espiritu.. so bago pa ako magkatawang hayop, nagpabili na ako ng pagkain.. ayun barbeque pagkain ko.. courtesy ng foodcourt ng mga karenderya sa kanto namin.. kala ko nga wala na eh kasi gabi na, buti na lang marami pang tira-tira siguro nung isang araw kaya pinipilit nilang ubusin.. eh sampu ung pinabili ko, siguro ubos na ung mga tira-tira nila kahapon.. at least tira-tira na lang nung isang araw ang pro-problemahin nila.. (dyok onli) totoong sampu ung pinabili ko kasi dinamay ko na rin ung mga fellow kasambahay ko na napag-ubusan din.. fair division ginawa ko.. kalahati sakin kalahati sa kanila.. YEAH! (the essence of equality!!) dyok agen… isa at kalahati lang sakin dun.. bakit may butal ng kalahati? binawasan ko ung iba dun para go big time naman ung pagkain ko.. na-aamaze nga ako sa mga taong walang ganang kumain.. parang sinasabi ko pano nila ginagawa un? kasi ako kahit may sakit walang kaso, para pa ring construction worker ako kung kumain.. believe it or not, kaya kong umubos ng apat na pancit canton nung panahon na nakakahibang pa siya, madamot pa ako sa apat na un.. how much more kung tatlo lang?!? don’t you dare try!!! hehe.. pero ngaun sawa na ako dun.. pagnakaka-amoy ako ng pancit canton gusto ng bumaligtad ng sikmura ko.. matakaw talaga ako, ngaun di na ako kumakain ng mcdo kasi ang liit ng rice nila, kiliti lang sa tiyan ko.. saka walang free soup, kahit man lang mukhang binatad na medyas lang.. di rin pwede pandesal lang ang almusal kasi baka wala pang dalawang oras umaalma na naman tiyan ko.. kaya kelangan ko ng mag-aral ng mabuti para siguradong kaya kong palamunin sarili ko.. di ako pwedeng magutom, baka takasan ako ng bait kapag kumalam ang tiyan ko.. hanggang dito na lang.. babayu


dearest titsers…

in memory of those well hated professors (may they rest payapa; dyok).. eto ang casting a spell moment ko,

in behalf sa mga estudyanteng pumapasok ng maaga pero binoycott ng prof,

sa mga estudyanteng adik sa libreng internet ng skul,

sa mga katulad kong tongue twister ang apelido ng tatay nila,

sa mga estudyanteng nakalimutang magdala ng payong para sa bagyo nilang prof na may dalang hanging habagat,

sa mga estudyanteng nagiging living vibrator during recitation at sa taong katulad ko na.. ahmmm.. wala nga palang tao na katulad ko…-glesy the great ;p

nasa skul ako ngaun.. at dahil narelease na ung id… eh di syempre dapat may mahita ako dito.. gamitin sa mabuting bagay!!! pairalin ang total utility sa 150 na ginastos ko dito sa id na to.. kya eto ako ngaun cinoconsume ang aking extra curricular activity=internet… wla kaming class ngaun dhil ang magaling kong prof. hindi pumasok!!! kung kumakain siya, mabulunan sana sya; kung naglalakad, mahulog sana sa manhole; kung naliligo gawin nya sanang eyedrops ung shampoo nya; kung natutulog bangungutin sana siya.. kung nagsasalita malunok sana niya ung dila nya.. kung nagluluto sumabog sana lpg nila.. pano ba naman kala ko kasi malalate ako.. tinatamad pa akong pumasok para ngang pasan ko mundo habang bumabangon ako.. pagtingin ko ng oras.. ANAK NG TIPAKLONG LATE NAKO!!!! kaya un nagmamadali ako.. tpos pagdating ko.. malalaman ko lang na di siya pumasok.. kya sana magkatotoo ung sumpa ko.. BY THE POWER BEHOLD ON ME, LET MY WILL BE DONE.. nyahaha.. joke.. bad trip lang talaga kc sna tulog pa ko ngayon..

balik tau sa prof kong umabsent ngayon, nakakatawa un kasi parang sirang plaka pagnagdidiscuss.. eto example “class we will have a quiz next meeting.. next meeting.. we will have a quiz.. class (moment of silence) class we will have a quiz next meeting.. next meeting” grabe.. minsan yung buong sentence paulit ulit.. pirated, parang anak ng bumbay at pinanganak sa quiapo.. minsan nga gsto kong sabihin.. “sir pwede paki-ulit, di ko po kasi narinig eh.. hehe..” pero in fairness naman, okay naman magturo.. kya lang sobrang putla nya.. ung first meeting nga namin sabi ko sa kaseatmate ko.. “siya ba yung cadaver natin?” bastos eh noh?…

at least di sya kagaya nung ibang prof na tumatalsik ung laway.. once, meron akong ganyan na teacher way back high school.. ay naku!!! kung naging halaman lang ako siguro puno na ako pagdating ng march!! sobrang parang tabo yung bunganga niya.. extension ata ng niagara falls un eh.. hehehe..(ang sama)..

meron din akong teacher dati na every meeting may daily edition siya ng surname ko.. pobrador.. poradora.. podadora.. ay naku.. pag malapit na `kong tawagin bubulong ako sa katabi ko.. “papaputol ko kamay ko `pag tama ung pagprounce niya ng surname ko” grabe takot ako dun.. sobra, kala ko dati di totoo ung nangangatog ung tuhod pag kinakabahan.. pero nung naging prof ko sya.. oo nga.. ung tuhod ko parang vibrator.. cronie ni marcos un eh.. laging naka red.. pagnagpasa ka ng yellow paper dun.. yabit ka, gagawin niyang confetti ung assignment mo.. tapos pag aquino name mo itakwil mo na tatay mo, punta ka na city hall papalit mo na apelido mo o kaya paampon ka na sa iba (OA naman) kasi pag-iinitan ka nun.. basta anything yellow hate na hate niya yun.. eh nagkataon before ng class niya yung kulay ng book namin yellow.. kaya dapat before pa siya dumating nakatago na yung book baka mauna ka pang magrecite.. siguro wala sa denomination ng pera niya yung 500.. kung galit siya sa pera na yun.. ako pag buntunan nya ng galit! i’ll be glad, glad and willingly haha.. tama na nga to.. haba na ata eh..


taong gubat goes to the city…

eto naman eh tungkol sa prof ko dati “the last hominid”… bwehehe sorry needlessly rude ako dito, badtrip kasi siya eh… -glesy the great

sana nagdrop na lng ako sa philo21 na yan..bukod sa sunday pa xa, kakababa lang ata ng bundok ung prof ko… pano ba naman tinuruan ata kami ng ritual sa tribo nila… pinakanta kami ‘mandale mandale..apapale, apapale..mandale mandale apapale’ bsta puro yan lng ung words with matching steps pa.. parang charm song daw… eh sa totoo lng nung kinanta nya sa hrap nmin yang song na yan ang una kng gs2ng gwin eh bato ko sya pabalik sa gubat na pinanggalingan nya ksma si tarzan…. sa lhat ng yaw ko mga ganyang prof..misyonaryo ata un eh.. nagrerecruit… ano tingin nya samin? magpapaconvert pra magsasayaw at magkakanta… health ethics un utang na loob!!! ano bang depinisyon nya nun? sasayaw sayawan nmin pasyente nmin tapos voila magaling na? eh kng pagulungin ko kya sya, pinagmumukha p nya kming tanga… di nako magtataka kng nxt meeting gs2 nya nakabahag kami… o kya next get up nya nka tabako sya tpos may balahibo ng manok, ngipin ng buwaya, buntot ng pabo at kuko ni diva sya (pangontra sapi pra di mahawaan ng sibilisasyon), tapos sa dahon kami ng saging gagawa ng assignment (na wag naman sana! kc tinta ng dugo nya pangsusulat ko pag nagtangka sya)…. tolerable pa yung una eh..introduce yourself which is so yesterday na (ano kmi hi-skul?).. at e2 pa after you have introduced yourself what is your favorite quotation… ang mahal mahal ng tuition ko tpos pagagawin nya kmi ng ganyan… naiirita tlga ako… sana nacuculture shock pa lang tlga siya ngaun, sana nxt tym nkapag adopt na siya… kc matutuwa akong ipakulong sya sa malabon zoo pag di pa sya nagtigil


wansapanapirstaym

first post ko sa friendster.. mga panahong galit ako sa color pink at mahilig akong magbasa ng blog (para pagtawanan) ang mga taong kakilala ko na jologs magsalita sa totoong buhay pero english speaking sa blog (main reason kaya ayaw ko dati ng blog).. humatsing ata ako dito kaya parang may saltik ako sa utak-glesy the great;p

try lang….

sa totoo lang sa ganitong araw na walang magawa.. makakagawa ka ng bagay na pwede mong pagsisihan kinabukasan.. katulad ng blog na to.. di ko alam kung pwede urungan dito.. pero kung pwede man baka bukas wala na siguro to.. nakokornyhan kasi ako sa blog.. pero dahil sa wala nga akong magawa.. o di sige.. blog kung blog.. ang una kong papatupad ay…

ang una kong papatupad ay… lagay tayo color.. yan.. ang ganda, so beautiful kaakit-akit.. PINK, yan ang hatest color ko.. para akong tinutubuan ng malaking ribbon sa ulo pag nakakakita ako ng color na to.. try ko kayang gawin tong theme dito para sure na wala na tong blog na to bukas,, iba naman.. green naman.. para environmentalis kuno, pero mahilig akong magtapon ng basura, mag dikit ng tsiklet sa bus (kunwari lang nandidiri akong humawak ng tsiklet noh), mag sulat ng 100 times na “gusto ko ng umuwi kasi baka masindihan ko na tong prof na to pag di pa nanahimik” sa papel na hiningi ko lang sa seatmate ko and so mach more bukod sa magputol ng puno (damo muna for beginners).. o kaya red naman para sa mga taong gusto center of attraction sila.. tapatan mo ko ng ganyang tao baka mapaaga burol niyan.. ilayo mo ko jan baka sabay-sabay kong maviolate 1-7 ng ten commandments o kaya naman blue para naman sa mga taong pacool.. hampas ko sila sa pader eh.. ano ba yan nagiging brutal na ko.. pero sa totoo sweet ako.. sabi ko at ng aking konsensya.. ano pa? yellow.. para lumigaya ang boring na buhay ko ngayon.. iba naman ang sakit sa mata.. baka maging yellow na itim ng mata ko.. hmmm.. violet.. ay ayaw ko parang patay.. yaw ko na ng iba.. o sige try ko black.. kahit di niyo mabasa.. matutulog na ako gubye to all


el de bagito…

anoder wowers!!! isa na namang a pirs to remember… inumpisahan sa friendster, sumunod sa blogspot, at lumanding sa wordpress… siyempre icocopy-paste ko muna ung mga post ko sa friendster… sana may maka-chismax na ako dito sa wordpress… para hindi lang ako nagbabasa ng blog ko… baba yu-glesy the great