Category Archives: payo ng isang eksperto (huwag tularan)

gaano kadalas ang minsan…

10pm, sa time zone ng katawan ko alas-singko pa lang yan ng hapon kasi alas-dose naman talaga nag-uumpisa ang gabi ko… sabay sa holy week na paghihimala, alas-diyes nakatulog ng walang dayang phenergan at walang bedtime story sa laptop… tagal-tagal na rin yung last time na ma-experience ko yung normal na ginagawa ng karaniwang taong pumikit hanggang makatulog… sabay din kasi sa uso pag tulog sa gabi, nakakatampo din kayang laging burot tuwing normal na oras ng tulugan…rare miracle ‘to, mas madalang pa sa ulan sa disyerto… siguro dahil sa biglaang ulan kaya medyo feeling pinas, kaya binigla din akong nabola ng kama kong matulog, bukod sa aircon na kalimitan may topak masarap din daw magkumot… na ang unan, ang tamang gamit eh sabay sa pikit ng mata, hindi yang habit ko na patungan lang ng ulo…  na ang kama, hindi lang higaan, pwede ding gamiting tulugan pag gabi…feeling ko kasi para akong butiki na napapansin lang tuwing gabi… 

pero dahil mas matindi rin ang trip, minsan na lang maging proud kay glesy, ginising rin ako ng alas tres ng madaling araw para habol pa sa dilim, sabi ng diwa ko dapat bago mag-liwanag gising ako… pagtingin ko sa cellphone kong tumunog ng ringtone na monotone (lam mo na, bihira ang low-tech na sikat eh) pagkabasa ko “hello, sister how are you?”.. gusto ko umiyak at gumulong sa sahig…  oh come on, you must be kidding me! Anak ng turon, sira ang gabi… maagang dinuyan-maaga ding tumilaok… at dahil ako ang taong pinaghihirapan ang tulog pag walang araw, mahirap pilitin ang ayaw… hirap magkunwa-kunwariang tulog, tibok at pasma sa ulo lang  nahihita ko… wala na talagang extension ang milagro ng mahal na araw… hala sige bangon…

tapos sa harap ng salamin pagkatapos maghilamos. para pangkumpleto sa bwisit talaga eh nakapa ko tagyawat sa kilay… pero dahil sa tuwing makikita ko mukha ko sa salamin pagkagising, di ko maiwasan gawin ang ritwal—smile pa rin kahit iritado, nakakapanget mabwisit eh…. may istorbo pang tumawag, seryoso? 7:30am?… ano bang meron? laos na orasan?

gawa na lang ng isa pang milagro—mag-aagahan ako ngayon… putaheng masarap na masustansya pa… Papa Jetut, thank you for this morning, kaw talaga umagang-umaga pina-practical joke mo na naman ako… pero sabi nga ng kalaro ko dati, pikon-talo… magandang umaga :)… cheers-glesy the great :p

*wala lang, muni-muni, isipin mo na lang nasa loob ka ng utak ko, naririnig mo bulong nya… takbo ka na, bilis, baka di ka na makalabas…


ang birthday at ang chiara…

happy birthday katol!!! ikaw, mapipitik na kita eh, para kang kinder kung ma-excite sa birthday mo… makunat ka na, di ka pa ba nag-sasawang magbirthday? kalma lang, okay? bukas tapos na birthday mo kaya wag syado excite… birthday mo nga pala, bawal ka awayin… pwede rin pero bukas na lang ulet siguro para pantay na ang laban… wag ka sana maasar sakin sa mga pangtitira kong ginagawa sayo… ganito lang talaga ako maglambing… minsan nakakasakit pero madalas hmmm–nakakasakit pa rin… ay binabawi ko na, tinitira mo rin pala ako… runner up lang naman ako sa pang-aasar sayo… mas may magaspang pa ugali sakin na nakakalat lang jan sa tabi-tabi… sana habulin sya ng asong may rabies… tapos maiwan niya yung tsinelas nya… tapos makatapak siya ng tae… yan, I hope napasaya ko na birthday mo…

merong mga taong gustong bumati sayo… me included syempre… ako lang nag-intro… di ko na sasabihin kung sinu-sino sila… para pwede ka nilang siraan ng mas safe.. joke… 

wish ko sayo

1. wag masyado drama minsan ha… lamo namang allergic ako sa ganyan… bumabagal hinga ko sa sobrang bored at lumalapot dugo ko sa sobrang asar… ang mabuti eh, minsan ka lang naman magdrama sakin… ang ayaw ko lang naman yung masyado mababaw … ok lang kung kadrama-drama talaga… there are different shades of kadramahan para sakin… level I (talampakan level)-hindi nakamamatay pero kung magkwento parang katapusan na ng buong angkan niya… next… level II (tuhod level)- kung magkwento parang siya lang ang may karapatang mamroblema… next… level III (bewang level)-tolerable na sakin to… kwento ka lang, bigyan kita advise.. wag mo lang uulitin, kasi bibigyan na kita lason next time… next…level IV (lagpas tao)-di na ako magsasalita…aabutan na lang kita ng lubid (yung matibay) at bato (yung super-mega heavy) tapos ako na rin tutulak sayo sa bangin (yung walang pasabi para surprise)..ayaw ko lang ng may taong nahihirapan… ngayon may guidelines ka na.. read it again… one more time please… then please memorize.. wink-wink…

2. grabe wag ka naman masyado masaya minsan… polar opposite kasi mga trip mo eh… kung di ka malungkot, pang mental naman ang saya mo… kami tuloy nalulula sayo… minsan para kang hinahabol ng kiliti sa sobrang saya mo… nakaka-intimidate… espesyal epeks na naman siguro yan ng katol mo… pero okay lang yan, lalo na at medyo infectious yang sakit mo… wag mo lang kami masyado hawaan, nakakabaliw kasi eh… ang hirap pa namang bumalik sa katinuan… sa susunod na magpakalagpas-lagpas ka sa katinuan… isipin mo na lang na madaming taong nalulungkot, isipin mo na lang yung nararamdaman nila… hindi lang ikaw ang dapat masaya.. kami rin… haha

3.  eto matinong wish… sana maging masaya ka sa birthday mo.. alam ko malungkot ka ngayon kaya nga ginawa ko to, para lalo ka lumungkot… ay sumaya pala… sana magkatrabaho ka na para balang araw maisip mo tong ginagawa ko sayo tapos may sumanib sayong kabutihan at pautangin mo ako…  tapos sana ma-appreciate ni star yung mama nya paglaki nya… mejo may sayad man yung nanay niya pero nasayaran rin naman ng konting bait kaya pwede na pag-tiyagaan… sana makita mo na yung lalaki na hindi gago… bwahahaha… kulang lang sa batok yan.. every minute kasi babatukan mo sarili mo para bumabalik sa dating ayos… tapos habang tumatagal lalakasan mo ng hampas kasi baka na-iimune na…. HAPPY BIRTHDAY!!!;P

NEXT SALARIN…

Happy Birthday! Taun-taon ka na lang nagbibirthday, magsawa ka naman.. last na yan ha? Saka tama na yang drama.. hindi ka naman artista.. Itigil mo na kasi yang kakanuod mo ng drama at kakabasa mo ng komiks.. Lalo na yung Backyardigans nako sobrang lungkot nun panuorin.. kakaiyak.. Bakit pa kasi pinapalabas yung mga gnun.. Saka wag ka masyadong malungkot kasi natutuwa kami kapag nalulungkot ka.. baka masobrahan kami sa tuwa.. hahaha.. Itigil mo na rin yung kakakatol mo..  Kahit OK Katol pa yang gamit mo hindi ka nakakasiguradong magiging ok ka tol.. Bakit hindi ka na pumapasok sa duty mo? Madaya ka nagagalit na si amo.. Ipinagiipon ka pa naman nya ng barya tapos ganyan ka.. tsk.. Yung para dapat sayo ihinuhulog na lang nya sakin.. hahaha.. Magtrabaho ka na!  wag ka tutulad kay chuchuron..  Salot ng bayan.. Pabigat lang sa lipunan.. Nakikiagaw pa ng oxygen sa mga taong mas karapat dapat makalanghap ng sariwang hangin.. Kaya payo ko lang magtino ka na.. Ayusin mo buhay mo dahil di araw araw birthday mo.. Pagpasensyahan mo na itong sinulat ko napagutusan lang ako ni P*#@dora the explorer.. Baka paluin niya ako ng backpack niya pag hindi ko siya sinunod.. O baka magpakita siya sa paniginip ko habang suot nya ang paborito nyang Pink na damit kasama si Boots Francisco.. tapos chichismisan ako hanggang sa masira ang ulo ko..Sana bayaran niya ako para dito.. Feeling ko tuloy gumagawa ako ng testi sa Friendster..  Tama na nga..

NEXT SALARIN…

I just want to greet you Happy Happy birthday…wish you all the best in all aspect of life…If you have problem dont hesitate to txt me or call me…short msg man ito…im wishing all the best for you…love kita!=)

NEXT SALARIN…

….wag ng nagdradrama dahil nakakatanda un….laging maging masaya..may mga problema mang dumarating…ganyan tlga part ng buhay yan…kelangan harapin ng may tapang..lam ko namnurstrong enuf to face life’s challenges…take gud care of urself always..focus ka muna sa work and baby mo…wag muna sa mga bgay na tulad ng…….lam mo na un…cge enjoy life..smile…laugh…andddddd.. jump!hehe.. Loveu!mwah!happy bday!

NEXT SALARIN…

maligayang kaarawan chiara… wag ka na magyoyosi, di cool ang maging kapre… pakabait ka, yung medyo mas mabait kesa sakin… wish you all the best… 

the end…


question and answer portion

Totoong hindi lahat ng napapapadpad dito eh atat lang mabasa ang mga writing ek-eks ko… few eh tanga lang mag click ng mouse at some eh tanga lang din gumamit ng search bar… According to my experience at kay manong akismet, yung iba sa kanila eh mga halatang manyakis na walang ginawa kungdi mag stop-look-and-drool sa mga porn sites (seryoso!), mga curious nonsense na naghahanap ng mga equally nonsense na kasagutan (sana hindi sila seryoso), mga amateur plagiarist na naghahanap ng makokopyahan, at marami pang iba na pwedeng maging perfect reason “why earth is the weirdest place to live”… aksidente lang akong naligaw sa “Search Engine Terms Page”  ng blog ko (meaning: mga tinype ng mga tao sa search engine e.g. yahoo at google para makapunta sa blog ko)classify natin ang mga taong aksidenteng naligaw dito… sa dami nila pwede na akong maglagay ng “accident prone” na signage sa bawat page ng blog ko… syempre, mga deserving favorite accidents lang ang mga special mention’s dito…searchees please come on in! *drumroll*

MGA TAONG NAGTATAGLAY NG MALUBHANG KARAMDAMAN: 

searchee number 1: anong gamot sa pawis na kili-kili

searchee number 2: pagkakauntog ng singit na sanhi ng sakit

searchee number 3: meron akong balakubak sa dreadlocks

searchee number 4: gamot sa mata na laging may muta… Multiple choice: A. tamad maghilamos si kuya. B. si kuya ay tamad maghilamos C. ang paghihilamos ay kinatatamaran ni kuya D. a, b, and c E. c,b, and a.. Bawal mangopya. Pencils down please

searchee number 5: tulog mata bukas

MGA TAONG NAGTATAGLAY NG NAKAKABOBONG KARAMDAMAN:

searchee number 1: anong gagawin mo pag makalat sa bahay nyo?- Dear Inday, ang laki ng problema mo, pakamatay ka na lang kaya– Love, Amo

searchee number 2: otors bakgrawnd- d istoryang dedz n c lolo… Babala: huwag masyadong magdididkit sa cellphone, nakakabobo

searchee number 3: saan nanggagaling ang kuryente sa bahay- ah ewan, tanong mo sa buwan

searchee number 5: “pano gamiting ang ngipin ng mga hominid” at nagtype pa ulit… “pano gamitin ng mga hominig ang kanilang ngipin” isa pang type ulit… “saan ginagamit ang mga ngipin ng hominid” di pa nakuntento… “mga uri ng ngipin ng hominid” more surprises to come.. “kamay ng hominid”— ang kulit ng hominid na to

searchee number 6: nursing board bagsak- ayaw mo malaman kung pumasa ka? di bale pwede ka namang mag-exam ulit kung sa kasamaang palad eh pumas ka.. Just think positive and pray always…

wa kwents na blogpost… walang magawa eh, saka na yung ibang category or not haha… cheeers;p-glesy the great

 


loving the hate… post-merry valentines

masarap maging demonyita-slash-antagonista-slash-kontrabida-slash-maldita sa araw ng allegedly eh love day… well, 2:43 am na so it’s a loved day na pala… sabi nga nila “nothing good ever happens after 2 am, the decisions you make after 2 am are mostly the wrong ones”(“how i met your mother” should pay me for this)… at malamang mali rin tong post na to.. pwes, wala akong pake… kung sa tingin mo mali to, then please sue me!!!

pinabili ako ng flowers ng isa kong kaibigan para sa girlfriend niya… para daw bigyan ako ng leksyon at ipakita niya sakin na di lahat ng lalaki eh gago… and now,  i am laughingly surprise to be surprised, the lesson sucked kasi pumalpak yung flower shop…  it turns out, di lang mga lalaki ang gago pati mga flower shops na rin… kaya my friend, goodluck na lang sa mga lesson 101’s mo… the fate must be telling me otherwise… please cut the chase, gago talaga kayo despite the grand gestures and all…nyahaha… at kung may nakabangga ka mang matinong lalaki, sabihin mo lang para mabatukan at  masabihang “pwede ba, wag ka ngang plastikkkkk!”

imbes na ang pinagkakaabalahan ng DENR ang mga agila at dugong na papaubos na ang lahi… bakit hindi maglaan ng budget for conservatory compound para sa matinong male species na endangered na, para mapadami at pakawalan sa wildlife… actually, this makes sense… CASE IN POINT!!!…

sensya na guys, habang sinasabihan kasi ako ng kaibigan kong may matino pang lalaki, di nya lang nakita pero nagtransform ang mukha ko in to its stoic form.. mas stoic pa kay mona lisa… yeah sure, kabalbalan… sensya na pao, di ko malunok yang sinasabi mo sakin… masyadong malaki yung buto… nyahahaha…

P.S.: wag kayong bibili ng bulaklak sa KING LOUIS, mahal pero gago… kitams.. king louis… malamang lalaki may-ari… ahaha… this is such a sexist post.. peace po…cheers;p cheers!!!-glesy the great



dummies guide against carriage turned into pumpkin events…

advice #1: pumara ka ng jeep na pahahabulin at pauusukan ka muna ng tambutso makasakay ka lang  sa upuan niyang isang dangkal ang alikabok at wag ang jeep na kung makapaghakot ng pasahero eh akala mo libre ang sakay… REMEMBER: ang ganitong klaseng drayber ay perfect match para sa mga taong may chronic disorder sa pagiging late… the best salesmen in the field of public transportation are your worst prince charming when the clock tics faster…

advice#2: huwag na huwag na huwag kang sasakay sa jeep na babae ang nagtatawag ng pasahero… sa simpleng logic na mas makulit pa ang babaeng bungangera kesa sa tsongong gutom… sila ang pinakamakulit na uri ng dispatcher… sila yung tipong lahat ng kanto tinigilan para mang-ambush ng pasahero in a way that breaks every golden rules of salestalk… TANDAAN:  women are not created equal except when they are shouting… KEEP AWAY FROM THEM

advice#3: huwag kang sasakay sa jeep na pagmamay-ari ng sweet driver… dump the sweet driver dahil sila ang mga tipo ng driver na kung magmaneho eh parang nasa alice in wonderland lang… sila ang mga driver na kahit ata nasa expressway eh naka-minor pa rin in the hopes of becoming the next top grosser in town… sila yung mga driver na gentleman masyado… they see things that normal people don’t see, perfect example: pumaparang pasahero…  sa sobrang gentlemen nila hinihintuan nila ang mga seemingly-like  pasahero, semi-seemingly-like pasahero, unseemingly-like pasahero and even non-existing pasahero… meron silang overactive  imagination dahil lagi silang nakakita ng kamay na nagwawagayway, may tao man o wala sa kalsada… LISTEN: ang mga sweet driver na nasakyan mo na ay mahigit kumulang equivalent sa dami ng araw na nalate ka pag tinanghali ka ng gising…

advice#4: be the least not the first… huwag kang pipili ng jeep na aalog-alog pa ang laman at lalong huwag sa jeep na ikaw ang maswerteng buena mano na pasahero… piliin mo ang jeep na kalahati lang ng pisngi ng pwet mo ang kasya.. or much better eh wala na talagang space pero may nagmagandang loob lang na sumabit maka-upo ka lang… bakit? malamang tuloy-tuloy na ang biyahe!!! kung wala ng space malamang wala ng hintuang magaganap… KEEP IN MIND: Matter is anything that occupies space and has mass… That’s what matters most!!! di mo nagets? pwes, ako din naguluhan…

 

advice#5: pag sumakay ka ng fx sa kanto niyo at naagnas na ang pilik-mata mo kakahintay pero gusto pang punuin ni mamang drayber ang kanyang 10 seater conveyance… ang problema eh malalate ka na… here is the proven diskarte at solusyon sa iyong problema… this will work kung may kasama ka at least dalawang pasahero…. Tingin ka sa relo mo… Make a tsk tsk audible sound… engage your co-pasahero in a non commital one liner conversation “ang tagal ah… pupunuin daw ba?” no need to wait for a reply… Kausapin mo si kuya drayber “Kuya matagal pa ba?… kausapin ang katabi in a patay malisya way ulet.. “matatagalan pa ata talaga” then, baba ka na  sa fx, for sure susunod ang mga co-pasahero mo… at pag nakita kayong nagkakaisang bumababa ng tsuper… maniwala ka!! pipigilan nya ang boycott nyo at mabilis pa sa alas kwatro kayong lalarga… QUOTE: The way to make a man move is by harassing them without letting him see it coming his way…

cheers? cheers!- glesy the great

 

 

 


Sa may bahay, ang aming awit…

Sa tingin nyo ba pagkatapos Niyang magik-magikang i-manufacture in 7-days rush ang mundo eh ang gusto nyang ilagay na pangalan sa etiketa ng universe na may-ari ng factory ay “Anonymous” lang? Anong tingin nyo sa ginawa ni Father God, globong gawa lang sa styrofoam tapos planets na may nakatusok na alambre? Si David Blaine nga nagseself-produce ng mga magic nya, ang Diyos pa kayang parang sawsaw-suka lang ang mga ginagawang magic ni Blaine?

Siyempre gusto niyang ipangalandakan sa kanyang madlang nilalang na Siya ang author ng Genesis hanggang Revelation… Siya ang programmer ng alpha and omega -the first and the last- na talaga namang magpapaamag sa Microsoft Windows ni Bill Gates… Siya ang engineer ng lahat ng known at unknown galaxies (naamaze kayo sa stonehenge pero dito di kayo naamaze?)… Siya ang biochemist ng all living matter… Siya ang physicist ng sub-atomic particles ng tinatapakan mo ngayon, Chorva lang kay Dearest God ang gravitational force via apple sent ni Newton at ang pinagyayabang na Radium ng mag-asawang Curie… Siya ang sumisigaw ng lights, camera, action ng lahat ng nangyari sa World History (Herodotus, sabi ni direk mag-research ka pa daw)… Siya ang writer ng lahat ng buhay ng taong tumapak sa mundong ito (Ricky Lee, anong Walang Himalang pinagsususulat mo jan ha?)…

sa lahat ng ginawang yan ng Diyos nagmukha lang baby thesis ang Theory of Evolution ni Charles Darwin… parang 1+1 lang ang E=mc2 ang equation ni Einstein… nagmukha lang baging ang times ten na haba ng Golden Gates ng New York… pinagpatung-patong na lego lang ang Empire State Building… parang pinulot lang sa junk shop ang mga invention ni thomas edison… at parang utak pang-autistic (educationally challenged) kahit mag-group study pa ang lahat ng mga nobel prize awardee kumpara sa walastek na utak ni Papa God… para sa kanya patawa lang tayo at sinasabi niyang “Weeeh… Wala na ba kayong mas gagaling jan?”… isipin mo na lang kelangan pang mabulag ni gallileo gallilee para lang malaman na tayo ang umiikot sa sun… kelangan pang mag saranggola ni Benjamin Franklin at mamatay ang isang Russian prince sa pagiging gaya-gaya puto maya para lang malaman ang tungkol sa kuryente… kelangan pang amagin si Fleming para lang magkaroon ng antibiotic at sumaya ang mga taong may sakit na dulot ng kalandian samantalang di man lang pinawisan ang kilikili ni Papa God nung ginawa nya yang mga yan…

Isipin mo na lang gagawa ba ang Diyos ng 66 books na love letter (total books of the bible— hmmm rev siopao, bro. utoy, tama ba? Hehe.. sabay kamot ulo) kung hindi Niya gustong makilala natin Siya? pero mas gusto mo pang magbasa ng twilight…Try mong gumawa ng ganung kahabang love letter malamang namatay na lang yung nililigawan mo di ka pa sinasagot…

Sa palagay mo ba ng isinama ni Papa Jesus ang 12 apostles sa kanya eh gusto niya lang gumawa ng Barkadahang Walang Iwanan? O gusto nya lang magkaroon ng sariling PSG? O kaya naman bagong chapter ng Tau Gamma? Ano feeling niyo, yung Last Supper eh just another Inuman Session tapos yung pang-tagay nila eh ginawang memorabilia, tinawag na lang nilang Holy Grail para may nickname at saka controversial tapos yung pulutan nila eh tinawag na lang na katawan ng diyos para swabe?.. yung immaculate conception ni Mommy Mary eh “in-vitro fertilization” lang?.. at higit sa lahat gusto lang magpapaprint ng sariling mukha na parang Bob Marley lang pero mas astig kasi nasa shroud siya at ang ink eh sariling dugo ni Pape Jesus nung nagpapako siya sa Krus? Sus, wala yun nang popower trip lang siguro si Father God tutal hindi naman KJ ang only son nya kasi nakisakay pa sa trip niya…mas maganda pa nga siguro kung ganyan ang kwento baka kasi sakaling naniwala pa tayo sa Kanya…

Alam nyo yun? Mas madali para sa atin na maniwala sa UFO, unggoy na naging tao, mga lamang lupa, at aksidenteng big-bang theory kesa sa Diyos; eh kung iisipin lahat ng ebidensya na totoo siya eh nakapaligid sayo … Siguro kung ang Diyos ay matinee idol na makalaglag panty ang ngiti at may breathtaking kindat… o kaya quadruple-double ang stat every game, 6 straight MVP, no-look pass, 360 degree-dunk sabay lipat ng bola sa kaliwang kamay habang nakalabas ang dila at butt slap pagkatapos… o kaya naman rapper na may six-packs, na parang bagsak ang pwet kung makapagpantalon at parang walking-chandelier sa dami ng bling-bling… na rakistang muhang di naliligo, galit sa sakanya, galit sayo at galit sa sarili kaya napagtripang magpakamatay as a recreation… o kaya naman babaeng mukhang na multiple choice na ang bawat parte ng katawan bago magpasalamat po duktor, yung boobs na parang laging water balloon na sasabog at pwet na parang kahit naka-upo eh nagbobounce… siguro kung ganyan si Father God eh baka dun lang natin maiisipan na ilagay ang picture niya sa kwarto at isearch sa web para sambahin lang siya…

Nakakahiya tayo no? Buti na lang hindi asar-talo si Lord nung paulit-ulit natin siyang dinuduga… Hindi siya rumesbak nung binully yung anak niya… Ang galing lang kasi kahit abala tayo sa paghahasik ng lagim nakukuha pa ni Lord na gumawa ng mabuti… siguro wala ng trabaho ang mga kampon ng masasama kasi naka-automatic “on” na naman tayo eh….

Lahat naman tayo mamamatay.. walang kasiguraduhan kung sino ang magkakaroon ng sedula sa langit o ang magkakaroon ng life sentence or rather after-life sentence sa Tropang Pinagbibidahan ni Satanas… Si BJ (baby jesus) lang ata ang congenitally na may one way ticket reservation diretso sa kanang upuan ni Lovingly Father… pero ikaw? Wala ka bang balak na makilala Siya? Kasi Siya matagal ka na nyang Tinetext pero wala kang load, Pini-pm sa ym pero busy ka sa forum na puro kamunduhan… Siya na nga ang pinakapapansin sa lahat kasi lahat na ginawa nya para lang mag hi-hello ka… Minsan naman lumingon ka sakanya, para maranasan mo talaga kung anong ibig sabihin ng “Love at First Sight”

“MAGSITAYO PO TAYONG LAHAT AT SABAY-SABAY NATING AWITIN ANG PAPURI SA DIYOS” hehe.. nacarried away lang ako wala pala tayo sa misa… GODTRULYROCKS.. cheers? Cheers!!!!;p

Glesy the Great


para sa totoong THE GREAT…

alam kong busy ka sa party mo na sky is the limit  jan sa langit… siyempre anniv ng muling pagkabuhay mo… sa linggong to, pinaalala mo na naman na TL ka sa mga peeps na nilikha ni Daddy mo… mejo matigas lang talaga ulo namin kasi kahit ilang taon ng lumipas nung naging SuperHero ka (kahit pagsama-samahin pa ang justice league, anime at all star cast ng cartoon network)  eh kina-career pa rin namin ang pagiging bratty… pero wala pa ring mas titigas sa ulo mo kasi naging walang kamatayang hobby mo na ang patawarin kaming mga suwail mong chikiting… the best ka talaga…

oo nga pala, sorry nga pala sa mga nagawa kong kasalanan, di ko mapapangakong di na mauulit yun kasi alam mo naman ako, mejo uto-uto kay bad boy satan minsan… sorry kung lagi kang nadidisappoint sa aming mga creations mo at marami ka ng nagiging katunggali sa aming mga fans mo… sorry na di namin natupad ang Last Will and Testament mo na maging magaling na mayordoma ng buong nilikha mo… tingnan mo naman tong mundong to: ang dugyot na nga,  amoy “Eau de  Anghit” pa… dapat nga matagal mo na kaming sinisante at tinapon sa kangkungan pero dahil the best kang amo, di ka pa rin nagsasawang swelduhan kami ng mga blessings… sorry na kahit ayaw mo kaming napapatrouble eh ang hilig pa namin sa gulo… dati sampalan at sabunutan lang ang alam namin pero ngayon nagbabarilan, nagsasaksakan, at nagbobombahan na kami… at kung di man kami nagsasakitan eh napapabilis pa ang paggawa ng laway namin sa chismisan at siraan namin sa isa’t-isa… ako na ang magsosorry at nabuo ang “the buzz, showbiz linggo at star talk”… di  pwedeng maging rason na its part of growing-up naming mga kids mo kasi pa-grabe ng pa-grabe ang pinapauso naming mga kasalanan… sorry at di maubos-ubos ang mga manyak at mga kiri dito sa mundo… sorry kung pang-oscar awards ang mga script na nagagawa naming kasinungalingan.. sorry na imbes na ang hilingin namin eh mapalapit sayo eh mas gusto pa namin na humiga sa salapi,  maging politiko na kurakot at maging mukhang pinaglihi sa hollywood star…

saka sorry nga pala na nung bata ako takot ako sa mga kodak mo… bata pa ako nun kaya di ko pa alam na sobrang gwapo ka pala… sus parang di mo naman alam na cute ka… at ngayong matanda na ako na-aappreciate ko na ang kagandahan mong lalaki saka syempre ang mga swabe mong one liner na words of wisdom… at dahil dun kulang pa ang thumbs up ng centipede para sa ka-astigan mo…

teka yung kiss ko? mwah… o hug naman.. yaannnnnnn…

sa post na to… hindi ako ang the great…. Ikaw yun…;p-PAPAJESUSTRULYROCKS

cheers ba cheers? Cheers!!!!!!!