dear new year… oo, ikaw nga 2013

after 12 hours of saying goodbye-babush sa 2012 and spending half day of the first day of 2013– kurap pa lang ang tulog ko, upo pa lang ang pahinga ko, at tubig pa lang ang almusal ko pag-uwi… goodness-gracious… may it not be a premonition of one year worth of eye-traveling-bags, tagyawat-producing stress at ulcer-inducing na lipasan ng gutom… I confess na madami rin akong never do’s and never be’s na superstition hits na ewan ko kung bakit sikat na sikat every new year– pero tulad ng mga ex-years of my 20 years of life (weh?), eto lang ang palaging mantra ko “sa pagkakaalam ko lang kasi, ako ang hinahabol ng swerte and not the other way around…” pasensya na lang talaga sa mga chekwa, its disciples and semi-believers na naging incantations na ang mga kaswertehan at kamalasan every bisperas– hindi talaga ako mahilig maki-uso eh, depende pa sa trip (blame it to my semi-permeable personality)…

Anyway, kahit mejo pinag-tripan man akong todo ng year 2012, bibigyan ko siya ng virtual 21 gun salute para sa mga never-expected kaganapan, quasi-wish granted na hiling at fully-memorable and noteworthy of experiences na pinatikim sakin… talaga nga namang this previous year made my life seems like half-jungle lang ni tarzan…

At para sa 2013… o swerte, habulin mo ako dahil pramis di kita buburutin… para sa lahat, happy new year!!! cheers? cheers ;p-glesy the great

papa-antok lang blogpost tutal new year naman

Advertisements

mukmok mode

ang sarap mag-mukmok pag naiirita ka sa paligid mo and everything is not falling into place the way you wanted it to be… Pero alam mong di pwede eh, waste of time lang kung every failed attempt mo, isisimangot mo ng mukha at ikukunot mo ng noo… nakaka-akit lang ng kamalasan ika nga saka parang bata lang na ke-galing mag-tantrums… baka gusto mong bumili rin ng lollipop para malibang ka?

In times like this na wala ka namang mapag buntunan at mapag-tripang pag sabihan ng init ng ulo (dahil madaling araw na at naghihilik na ang mga tao), all you can do is magtali ng lubid sa mataas na puno ng mahigpit na mahigpit— at gawin itong duyan para makapag-isip isip (anong iniisip mo? bad yan).. wala lang akong maisip at masyado ng padrama ng padrama habang nagtytype ako….

Anyway, seriously, akala mo kasi okay na eh.. planado mo na lahat, ilang araw ng makulay ang pantasya mo, panay-panay na ang pasasalamat mo sa Diyos and you felt the feeling again na eto na si rurok, it’s my turn on the top na.. kaya lang without preno- without kurap, nag reverse gear si Papa Jetut… Parang ooopss time-first lang may nakalimutan pala ako sa baba— back to start box again… Minsan gusto mo ng magtampururot… Feeling mo binuburot ka na masyado… Ano na naman ang trip mo? Nagbago ka na naman ng rules without notice… Nag-AWOL ka na namann at missing in action ka na naman… Pero makunat ka na eh, dapat mas marami nang lamang sago yang kokote in a jar mo, di ka na dapat pa-teenyboppers-jejemon… Dapat alam mo nang life is never meant to be perfect talaga, you have to embrace it with all its imperfections… with all its flaws and downs… with all its topak and sumpong… imbes sabayan mo ang sira ng tsubibo ng buhay, pumihit ka muna at pag-isipan on how you can go back right on the track…

You must never question Papa Jetut for all your unanswered prayers… Just pray harder that may His will be done… Imbes na makipag-tug of war ka sa gustong mangyari ng Diyos sa’yo, just let go and let yourself be guided kung saan kang kahon ilalagay… Kasi kahit anong tampo at mukmok ang gawin mo, for all those unanswered prayers, God still holds the answers… eh kasi.. all together guys— God Truly Rocks!!! cheers 🙂

Change title: Motivating mode… -Glesy the Great 🙂


para sa taong may ip address na 203.116.251.234 na taga singapore… salamat sa marathon.. 🙂


madaling araw muni-muni

anong oras na… maya-maya aalulong na ang mga worshippers pero ayaw pa ako dalawin ng antok… a brght idea in high voltage and fast succession just burst on my mind… sabi nga nila, strike while the iron is hot… kaya naman slug-slap-smack-and-smash ang bawat baranggay kanto ng utak ko… who needs sleep anyway? pag ganitong alive, awake, alert, enthusiastic ako, kahit tuhugin pa ako ng valium, lalabanan ko wag lang mawala ang mga negatively charged electrons… count months, inhale-exhale… I smell newly baked dough in green colored fantasyland… keep smiling… 🙂


when it rains. it pours

Godtrulyrocks talaga…. and it keeps getting better… kakapasalamat ko pa lang kahapon, may good news na naman…

LEVEL UP!


the noynoying mode…

pag nasa “noynoying mode” ka at walang magawa (click here for reference), try mo titigan ang buhay mo in large fractions ng nakade-kwatro habang nagkakape… minsan ang maling akala natin boring ang buhay natin, pero however slow mo it may seem to us, mabubulag rin pala tayo sa dami at bilis ng nangyari at nangyayari… parang ganito lang yan: napagsawaan na yung joke, pero di mo pa rin gets/magtitime-first ka pa lang, pero sorry game over na/papunta ka pa lang, ubos na yung handa

Nung natanggap ko na yung visa papunta sa bansang to, akala ko ang next coming attraction ng buhay ko eh magiging poster kid na ako ng “snail’s life in a bottle” sa sobrang eventless… kelangan ko na talaga iwan “SI pampasaya”, “ANG MGA pampasaya” at “SA MGA pampasaya” ng buhay ko… pero iba ang idea ng biographer ko— itali ako sa baging ni Tarzan na naka-high sa drugs habang hinahabol siya ni Godzilla’ng gutom… nawala si “SI”… nabawasan “ANG MGA”… at may bagong “SA MGA”…

nakaltasan man ako, I was never the type na ikukuyakoy na lang lahat at magmumukmok…since then, always bulong to self: “sige lang, just keep me on my toes kasi I know you still kept something for me” Iba talaga pag full force mong hiniling eh, kahit anong mangyari aalog pa rin ihi mo sa pantog sa sobrang kilig, lagi mo sasabihin na “this is just a preview, you wait and see”… basta smile abot-batok at maghapon-magdamag and have faith that it will happen soonest… At tingnan mo nga naman, it may have given to me in a diffferent way and form…in a different gift wrap… by a different rudolph… and through a different sleigh.. pero saktong-sakto, walang butas-walang palya pa rin… Godtrulyrocks talaga, thank you ng maraming lubos, liklik at umaapaw…

kaya minsan talaga what life throws on us is never what we have expected and guessed… every chapter, may jack-in-the-box decoy na surprise sa’yo si Papa Jetut… ikaw na lang bahala kung sisigaw ka ng burot o click “start new game”…

pag sumigaw ka ng burot, congrats! sayo na ang medalyon ng “asar talo”… kung ayawan na kagad, pano mo malalaman on what the next level has for you..

click “start new game”.. .and the fun has only just begun…

*cheat code not to die: When you are falling, Press Start + Select in mid-air*–Super Mario nung unang panahon..

I love life when I am only expecting to get a freebie but got the whole package… and I never loved it less even if I wanted the whole pie but got the crust only… ‘coz, again, I know the fun has only just begun…

CLICK START.. “teacher, may I go out and can I have a tissue please…”


happy april fools day!!

nasa north pa rin kayo, nasa south na ako… pasensya wala ako jan, ewan ko ba kung ano na namang nadagdag sa listahan ng mga kasalanan mo at kung bakit isang sikat na nga lang ng lintek na araw na yan nawalan ka pa ng panauhing pandangal sa birthday mo… sayang talaga, dapat may surprise ako sa birthday mo eh, nakakalapot pa naman ng puso yung naisip ko (I think?), kaya lang kinarma ka nung biglang suntok sa gulat akong na-transfer sa ibang ospital… it’s a big “isakto natin sa birthday ni bernadette” modus operandi ng MOH yung pagkakalipat sakin (I think?)…

biglang nag fast forward ang matayog na pangarap na live out natin minus sheila at “prove glesy wrong every payday” para sa pantasya kong raise minus kayo… na re-enact ang mga post-shift love monologue ni pareng jo sa mga omani habang naglalaba at pre-duty hate monologue ni sheila towards aisha and the likes bago maligo… nag-replay ang mga peri-duty na toxic mode ng mga crying tiyanak mong pasyente sa pedia at peri-duty chillax mode ng mga tiyanak-bearing buntis kong pasyente sa maternity… nag-rewind ang mga hakot-muta tulog marathon sa kwarto ni pareng jo at badu type fine dining sa hawla ni sheila… nag-flashback ang mga mopping episodes ni jo habang lahat tayo duty, vacuuming micropore ni sheila ng mga buhok nya sa kwarto, red backpack ko para sa mga paraphernalia ko na galing sa bodega ko at black bag na parang sando bag lang  para sa mga labada mo galing sa haunted room mo… nag-rememorate ang mga souk versus chinese—budget versus al fayha—bushra versus wisal—baba versus market… ang mga malayo sa pang musmos na bata na mga banat nyo (hindi ako kasama)… ang small but terrible na netbook mong bumabayo ang sounds… ang mga kuya’s soundtrip time of the day… sa mutual strawberry favorite… ang maltesers mo… ang mga play nights/screeching court concert ko/palong-palo mong outfit (rubber shoes at bitin na bulaklakin na alanganing pantulog at alanganing hmmmm teka lang ha… mukhang pantulog pa rin talaga eh)/sablay na smash ni di umano’y long legged na si sheila (ows? Mas mahaba pa ata braso ko kesa legs mo)/scoring apir namin ni kuya padok para sa mga unsavable saves/quotable commentaries natin ni jo at dayday pag nasa bench na tayo at lawit na dila natin sa pagod/walang ayawan na fighting spirit ni renegem kahit lantang pasas na mga kalaban nya/ tira while flying in the air ni reymon/mas nakakapagod pa rin pala talagang tumawa kesa maglaro minsan lalo na pag ibang tao yung pinagtatawanan mo…

bigla tuloy akong nag-crying de glorya sa hallway nung lumabas ako sa opisina ng kataas-taasan tapos sakto kakajinggle mo lang ata sa CR… kadiri-kahilakbot at kasuka!!! Hindi ko ugali ang umiyak for all the world to see… ipagpapalit ko ba naman kayo sa mas mataas na sweldo??? Syempre oo naman, walang duda… magpapatumpik-tumpik pa ba naman ako? joke lang.. dumadrama na eh… ayaw ko talaga ng drama…

salamat sa lahat talaga… salamat sa the big bang theory… pinaramdam nyo talagang special ako nung last day ko jan…tingnan mo naman nakalimutan ko yung laptop pero yung blender una ko pang inakyat sa tabi namin lols…

huling habilin… pag hindi mapigil ang kinakating gastador na palad alalahanin lang ang laging bilin ni glesy “kaya mong mabuhay ng wala yan, kaya kung ako sa’yo wag mo na bilhin yan”… pag nahahawa kayo sa mga spending extravaganza ni sheila, itali nyo kamay nya sa tumatakbong camel para matutong mag break…don’t forget to linis the kalan bago matulog (anti-cockroach propaganda)… especially for you: walang masamang maging neutral and undecided, kesa naman sure but wrong…

talagang hinuli ko yung greetings ko… happy birthday april bernadette… be the happiest!tingnan mo nga naman, God must really be crazy kasi nagtratuhan tayo ng matino sa dorm pero di tayo mag click-click noon pero kung kelan naman tayo nag-umpisang magbastusan kelan natin napag-isipan na pwede pala tayong maging magkaibigan…

failed attempt man ang first try out natin towards friendship, the 2nd effort was such a smashing home run shot naman… mamimiss talaga kita… HAPPY APRIL FOOLS DAY!!! ;p lablots a lot… cheers? Cheers!!!!!! Kahit wala man ako jan…