Protected: 07-12-2015

This content is password protected. To view it please enter your password below:


Protected: 02-12-2015

This content is password protected. To view it please enter your password below:


litanya para dalawin ng antok (parang ano lang)

Tinopak na naman ang dalaw ng antok…  parang lottong mahirap tamaan… parang ebak, mahirap tapakan… parang utang, mahirap takasan… parang siko, mahirap dilaan… parang nanay, mahirap utakan… parang albularyong mahirap saniban… parang ilokanong mahirap utangan…. parang pakipot, mahirap ligawan… parang lason, mahirap lasahan… parang pilang mahirap iwanan… parang multong mahirap titigan… parang batang mahirap agawan… parang sabaw, mahirap dilaan… parang pikon, mahirap tawanan…   parang ihi, mahirap pigilan… parang bungal, mahirap halikan… parang mata, mahirap tusukan… parang pimples, mahirap hawakan… parang  bumbay, mahirap tawaran… parang pilik-mata, mahirap putulan…  parang bangin, mahirap talunan… parang gagaong mahirap kaibigan… parang kain, mahirap tigilan… parang bingi, mahirap basahan… parang tengang mahirap linisan… parang pulitiko, mahirap asahan… parang baliw, mahirap samahan… parang cheez whiz, mahirap buksan… parang kulot, mahirap ahitan… parang ballpen, mahirap tasahan… parang tinderang, mahirap isahan…  parang puting mahirap hawaan… parang mantika, mahirap sawsawan… parang tsinelas, mahirap medyasan… parang kuryenteng mahirap hawakan… parang kamay, mahirap sapatusan… parang relong mahirap tubigan… parang kalbo, mahirap kulutan… parang larong mahirap salihan… parang tigre, mahirap subuan…. parang aso, mahirap pulutan… parang bobo, mahirap kopyahan… parang teacher, mahirap sungayan… parang adik, mahirap bantaan… parang plantsa, mahirap hawakan… parang baso, mahirap butasan… parang cellphone, mahirap bitawan… parang casino, mahirap nakawan… parang pulbura, mahirap sindihan… parang langit, mahirap puntahan… parang terminal, mahirap pilahan… parang manok, mahirap gilitan… parang ulam, mahirap panisan… parang buntis, mahirap lutuan… parang kawaling, mahirap hugasan…

parang ngayon, walang tulugan… parang kamang, walang kwenta.. parang bukas, mahirap hulaan… parang mamaya, walang agahan… parang ako, mahirap pigilan… cheers :P- glesy the great


Protected: CFC

This content is password protected. To view it please enter your password below:


gaano kadalas ang minsan…

10pm, sa time zone ng katawan ko alas-singko pa lang yan ng hapon kasi alas-dose naman talaga nag-uumpisa ang gabi ko… sabay sa holy week na paghihimala, alas-diyes nakatulog ng walang dayang phenergan at walang bedtime story sa laptop… tagal-tagal na rin yung last time na ma-experience ko yung normal na ginagawa ng karaniwang taong pumikit hanggang makatulog… sabay din kasi sa uso pag tulog sa gabi, nakakatampo din kayang laging burot tuwing normal na oras ng tulugan…rare miracle ‘to, mas madalang pa sa ulan sa disyerto… siguro dahil sa biglaang ulan kaya medyo feeling pinas, kaya binigla din akong nabola ng kama kong matulog, bukod sa aircon na kalimitan may topak masarap din daw magkumot… na ang unan, ang tamang gamit eh sabay sa pikit ng mata, hindi yang habit ko na patungan lang ng ulo…  na ang kama, hindi lang higaan, pwede ding gamiting tulugan pag gabi…feeling ko kasi para akong butiki na napapansin lang tuwing gabi… 

pero dahil mas matindi rin ang trip, minsan na lang maging proud kay glesy, ginising rin ako ng alas tres ng madaling araw para habol pa sa dilim, sabi ng diwa ko dapat bago mag-liwanag gising ako… pagtingin ko sa cellphone kong tumunog ng ringtone na monotone (lam mo na, bihira ang low-tech na sikat eh) pagkabasa ko “hello, sister how are you?”.. gusto ko umiyak at gumulong sa sahig…  oh come on, you must be kidding me! Anak ng turon, sira ang gabi… maagang dinuyan-maaga ding tumilaok… at dahil ako ang taong pinaghihirapan ang tulog pag walang araw, mahirap pilitin ang ayaw… hirap magkunwa-kunwariang tulog, tibok at pasma sa ulo lang  nahihita ko… wala na talagang extension ang milagro ng mahal na araw… hala sige bangon…

tapos sa harap ng salamin pagkatapos maghilamos. para pangkumpleto sa bwisit talaga eh nakapa ko tagyawat sa kilay… pero dahil sa tuwing makikita ko mukha ko sa salamin pagkagising, di ko maiwasan gawin ang ritwal—smile pa rin kahit iritado, nakakapanget mabwisit eh…. may istorbo pang tumawag, seryoso? 7:30am?… ano bang meron? laos na orasan?

gawa na lang ng isa pang milagro—mag-aagahan ako ngayon… putaheng masarap na masustansya pa… Papa Jetut, thank you for this morning, kaw talaga umagang-umaga pina-practical joke mo na naman ako… pero sabi nga ng kalaro ko dati, pikon-talo… magandang umaga :)… cheers-glesy the great :p

*wala lang, muni-muni, isipin mo na lang nasa loob ka ng utak ko, naririnig mo bulong nya… takbo ka na, bilis, baka di ka na makalabas…


eto gusto mo? etong sa’yo (smile before you read) lablots ;p

I haven’t seen this binibini, lagpas isang dekada na ang nakalipas… di ko alam kung tumangkad na ba siya o vertically challenged pa din tulad ng dati… di ko alam kung parang sirena pa rin ng bumbero sa lakas ang boses niya o humina na ng isang bulong… di ko alam kung ganun pa din siya tumawa na parang may tatlong baliw pa siyang kasabay kahit mag-isa lang naman siyang tumatawa…

What I can share eh yung mga memories ko noong mga times na hinahabol pa ako ng mga aso sa kalye nila tuwing magpagtripan kong pumunta sa bahay nila…

Itong taong ‘to pag napaaga ako ng punta sa bahay nila may nakadikit nang basahan o kaya walis o kaya dustpan sa kamay niya… cleaning in the tune of whatever cassette tape na naman ang sinalang nya…. di ko alam kung pano nagsusurvive silang lahat, ang tingin ko kasi sa cassette tape eh chicharon ng player lang, isubo mo at kakainin nya… ay oo nga pala, word of caution: wag na wag mong guguluhin ang nilinis niya kung ayaw mong ngatngatin ka niya ng galit at bumubulang bibig na talak…

Naalala ko yung mga photo album niyo, sa dami eh pwedeng yung album collectibles nyo na lang ang gawing patungan ng table… di na kelangan ng center table eh, flower vase na lang ang kulang sa gitna, kumpleto na ang living room showcase…

This is another fun fact sa taong to… naalala ko lang ha, di nagsasara ‘to ng cr pag nasa loob sya… magugulat ka na lang may naka-upo sa inidoro… di ko alam kung ihing-ihi na lang talaga siya lagi o sira ang kable ng balunbalunan nya…

Naalala ko rin na dati habang matutulog sana ako sa tabi niya tapos biglang sabi niya sa’kin na pabunot nga ng buhok sa kili-kili.. nag-cr na lang ako at di na ulet lumapit sakanya nung araw na yun… that sleep was long forgotten kung the aspect of bunutan-buhok sa kili-kili lang naman ang kabayaran…

I was not that close to her nung nandito pa siya sa Pinas, pero I have come to appreciate her more kung kelan naman she’s already a thousand miles away from me… A decade of premature realization for me that she could have been the ate that I never had, kasi ang tingin ko dito dati atribida eh… Pero ngayon? what she is to me is more than the word ate pag sinesermunan ako, more than the word pinsan pag kelangan ko ng makikinig at more than the word friend pag kelangan ko ng maiistorbo at pagtatawanan… My ultimate wish para sa pinsan kong to na sobrang kulit na gawan ko daw siya ulit ng blogpost: Sana makauwi ka na ng Pinas, ten parts of me goes home with you pag nakita mo na rin sila tito at tita.. sana lang pag umuwi ka eh andun ako, para makita mo kung bakit sa lahi natin eh walang panget.. haha.. lablots.. cheers :p -glesy the great

Note: may utang ka saking dalawang dress hehe…


oh day-off, oh day-off (here i come to bore the day)

THE DAY-OFF: It should not be a day na ang plano mo lang is magkusot ng mga damit mong bahay at ospital lang ang nakikita (maybe someday instead of having the honor to serve me, they might choose na maging basahan na lang ng janitor for a purpose driven life effect)

Not a good day to clean your room na sawang-sawa na sa mukha mong inaagiw sa sobrang walang magawa at tutubuan na ng tinik sa sobrang bagot (maybe someday I will turn my room into a spa para kunwari I’m preserving myself for a kutis-bata effect)… or sukang-suka ng mawitness kung paano ka matulog na laging may bomb threat any minute ng alarm clock (maybe someday I will teach myself to smile and sing while sleeping instead of just drooling and snoring– just to give him a way cooler view at soundtrip na rin)

Not a good day to watch movies na after 2 hours, 45 minutes, and 39 seconds of fighting over your sleep and finding yourself losing the battle for the nth time, malalaman mong may part two pa pala (maybe someday I might ask Peter Jackson how much did he profit kapalit ng Nubain/Diphenhydramine effect ng movie na to sakin) i may blame my short attention span pero mas gusto kong sisihin si Pedro tutal mayaman na siya…

Not a good day to eat kung anumang gulay at karne na pwedeng iluto sa ref ko while watching a show kung paano umindak at makahanap ng asawa sa Japan noong panahong usong-uso pa ang LAPAD sa pinas (maybe someday I might finally learn to cook with variety para di na parang sirang plaka lang na paulit ulit natitikman ng dila ko– or maybe not, eto ngang di ako marunong magluto matakaw ako eh baka maging baby crocodile na ako pag naging chef-like pa ang lahat ng pagkaing iupo ko sa kalan…)

After 5 strings of toxic duty, a day-off is a fine day to look forward with ngiting hanggang batok anticipating the action-packed activities coming my way… It just turned-out quite the opposite nga lang…. makalabas na nga ng kwarto, for breath of fresher but none of the looking forward excitement simoy ng hangin…

at least I learned today: when boredom comes, a blogpost may follow… cheers ;p-glesy the great


dear new year… oo, ikaw nga 2013

after 12 hours of saying goodbye-babush sa 2012 and spending half day of the first day of 2013– kurap pa lang ang tulog ko, upo pa lang ang pahinga ko, at tubig pa lang ang almusal ko pag-uwi… goodness-gracious… may it not be a premonition of one year worth of eye-traveling-bags, tagyawat-producing stress at ulcer-inducing na lipasan ng gutom… I confess na madami rin akong never do’s and never be’s na superstition hits na ewan ko kung bakit sikat na sikat every new year– pero tulad ng mga ex-years of my 20 years of life (weh?), eto lang ang palaging mantra ko “sa pagkakaalam ko lang kasi, ako ang hinahabol ng swerte and not the other way around…” pasensya na lang talaga sa mga chekwa, its disciples and semi-believers na naging incantations na ang mga kaswertehan at kamalasan every bisperas– hindi talaga ako mahilig maki-uso eh, depende pa sa trip (blame it to my semi-permeable personality)…

Anyway, kahit mejo pinag-tripan man akong todo ng year 2012, bibigyan ko siya ng virtual 21 gun salute para sa mga never-expected kaganapan, quasi-wish granted na hiling at fully-memorable and noteworthy of experiences na pinatikim sakin… talaga nga namang this previous year made my life seems like half-jungle lang ni tarzan…

At para sa 2013… o swerte, habulin mo ako dahil pramis di kita buburutin… para sa lahat, happy new year!!! cheers? cheers ;p-glesy the great

papa-antok lang blogpost tutal new year naman


mukmok mode

ang sarap mag-mukmok pag naiirita ka sa paligid mo and everything is not falling into place the way you wanted it to be… Pero alam mong di pwede eh, waste of time lang kung every failed attempt mo, isisimangot mo ng mukha at ikukunot mo ng noo… nakaka-akit lang ng kamalasan ika nga saka parang bata lang na ke-galing mag-tantrums… baka gusto mong bumili rin ng lollipop para malibang ka?

In times like this na wala ka namang mapag buntunan at mapag-tripang pag sabihan ng init ng ulo (dahil madaling araw na at naghihilik na ang mga tao), all you can do is magtali ng lubid sa mataas na puno ng mahigpit na mahigpit— at gawin itong duyan para makapag-isip isip (anong iniisip mo? bad yan).. wala lang akong maisip at masyado ng padrama ng padrama habang nagtytype ako….

Anyway, seriously, akala mo kasi okay na eh.. planado mo na lahat, ilang araw ng makulay ang pantasya mo, panay-panay na ang pasasalamat mo sa Diyos and you felt the feeling again na eto na si rurok, it’s my turn on the top na.. kaya lang without preno- without kurap, nag reverse gear si Papa Jetut… Parang ooopss time-first lang may nakalimutan pala ako sa baba— back to start box again… Minsan gusto mo ng magtampururot… Feeling mo binuburot ka na masyado… Ano na naman ang trip mo? Nagbago ka na naman ng rules without notice… Nag-AWOL ka na namann at missing in action ka na naman… Pero makunat ka na eh, dapat mas marami nang lamang sago yang kokote in a jar mo, di ka na dapat pa-teenyboppers-jejemon… Dapat alam mo nang life is never meant to be perfect talaga, you have to embrace it with all its imperfections… with all its flaws and downs… with all its topak and sumpong… imbes sabayan mo ang sira ng tsubibo ng buhay, pumihit ka muna at pag-isipan on how you can go back right on the track…

You must never question Papa Jetut for all your unanswered prayers… Just pray harder that may His will be done… Imbes na makipag-tug of war ka sa gustong mangyari ng Diyos sa’yo, just let go and let yourself be guided kung saan kang kahon ilalagay… Kasi kahit anong tampo at mukmok ang gawin mo, for all those unanswered prayers, God still holds the answers… eh kasi.. all together guys— God Truly Rocks!!! cheers 🙂

Change title: Motivating mode… -Glesy the Great 🙂